Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 34 - (War Game Battles Of Havoc Gangsters End) Chapter 33 - Senju And South Facing The Top 3 Students

Chapter 34 - (War Game Battles Of Havoc Gangsters End) Chapter 33 - Senju And South Facing The Top 3 Students

South Avalo Point Of View

Isang section ang nakasagupa naming dalawa ni Senju at tinalo ng walang kahirap-hirap. Hawak sa kwelyo nito ang naghihingalo na huling studyante kong binugbog sa buong section na ito, isang malakas na apoy ang bigla na lamang sumugod sa amin. Dahilan para masunog at mamatay ang mga binugbog namin ni Senju at bumalik ang mga ito sa tunay na mundo.

"Hindi ako 'yun." Depensa agad ni Senju sa akin kahit na wala pa akong sinasabi sa kaniya.

"You small fries, nagawa niyong mambugbog ng isang buong section... ang kapal ng mga mukha niyo." Napa-lingon agad kami ni Senju sa pinanggalingan ng boses ng nagsalita.

Si Andrew Crimson, ang top student ng Asteromagus Academy ang nakita namin. Kasama niya sina Mefisto at ang hangal na si Zaikel, ang lalaking malakas ang loob na hinamon sa isang dwelo ang boss ng gang namin.

"Havoc Gang? Never heard of such a gang, sino kayang leader ng mga gunggong...lakas ng trip niyong magsuot ng gangster uniform sa War Game pa mismo." Panlalait sa amin agad ni Zaikel.

He have a death wish.

Nagliyab agad ang paa ni Senju sa kaniyang inis na naramdaman. "You trash, you dare to insult the gang our boss created...you better go back to the real world." Mabilis na sumugod si Senju kay Zaikel.

"Sandali Senju!!" Saway ko pero hindi siya nakinig. Nakalimutan ni Senju na may kasama si Zaikel.

Akmang sisipain ni Senju si Zaikel nang bigla na lamang lumubog sa lupa si Zaikel. Kalaunan ay lumitaw ito malapit lay Mefisto.

"Shadow Magic!!" Reaksyon ko sa nangyari na si Mefisto ang gumawa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Mefisto?" Galit na reaksyon naman ni Zaikel sa kaniyang kaklase.

"Zaikel, you don't need to say such insulting words." Saway nang seryoso ang ekspresyon na si Mefisto sa kaniya. "They are not Stage 3, you can't handle them." Dagdag ni Mefisto.

"Mabuti at alam mo, number 2 student ng Asteromagus Academy." Seryoso naman na sambit ni Senju.

"Senju, sandali lang. Ako ang mambubugbog kay Zaikel!!" Angal ko naman kay Senju.

"Maniwala ako sayo, ang mga basurang mga yan? I don't feel anything special from them." Mayabang na sabi naman ni Zaikel.

"Zaikel, huwag kang masyadong mayabang." Nagsalita naman ang top 1 student. "Have you forgotten what that Shannon Petrini woman was wearing? She's wearing the same gangster uniform these two are wearing. Shannon Petrini is their leader."

"Edi mahina lang sila kung ganon. Pantay ang naging laban nina Shannon Petrini at Rumbar." Tumawa kalaunan si Zaikel. "Hey kids, be ready for a brutal death!"

"I'm on my limit you bastard." Sabi ni Senju. Nagulat kaming lahat, lalo na si Mefisto sa biglaang pagsulpot ni Senju sa gilid ni Zaikel. Nasipa ng isang kick punch sa mukha si Zaikel at tumilapon sa malayong distansya. Sunod na sumipa si Senju ng mabilis kay Mefisto ngunit lumubog si Mefisto sa lupa at lumitaw din agad sa malayong distansya kay Senju. Ginawa ni Senju ang pagsipa ng may nakabalot na apoy sa kaniyang paa kaya naman ang ere na sinipa niyang dapat ay nandoon si Mefisto, kumawala ang malakas na pwersa ng apoy na gumuhit pa sa lupa bago sumabog. "Tsk! Fucking weakling. Hanggang paggwapo lang ba alam mong gawin?" Pang-insulto ni Senju sa malubha na nasunog ang mukha na si Zaikel.

Lumapit ako kay Senju ng mayroong inis na ekspresyon sa kaniya. "Sinabing ako ang dadali sa lokong 'yon!! Siraulo ka talaga." Angal ko.

"Tsk! What a power!" Reaksyon naman ni Mefisto sa ginawa ni Senju.

"I knew it. Shannon Petrini purposely lost to Rumbar!! What the hell is going on with that woman's brain? Pinapakita niya ba na kaya niyo kami na mga tauhan niya lang sa gang? Mayabang!" Galit naman na sabi ng top 1 student na si Andrew.

"Senju..." Tawag ko kay Senju.

"Bakit? Wala ako sa mood para makipagdebate." Agad namang paalala niya sa akin.

"Ano kayang dahilan ni boss at sinadya niyang magpatalo gaya ng sinabi ni Andrew?" Tanong ko.

"Hindi ko alam... tanungin mo siya, para magawa iyon kailangan mong mamamatay sa mundong ito bago ka makabalik sa totoong mundo, South."

"Gagawin ko 'yun, pagkatapos nating talunin ang top 2 students ng Asteromagus Academy."

"Then, give your best shot, partner." Tumango ako sa sinabing ito ni Senju.

I activated my magic. Mayroong mga halaman na lumabas sa lupa, sa aking paligid. "Plant Magic, Moving Plants." Pina-galaw ko ang mga halaman tulad sa pag-galaw tuwing nakikipaglaban ang isang tao.

"Fire Magic, Spring Flare!" Gumawa naman ng spring na apoy na nakabalot sa kaniyang dalawang paa si Senju. "Akin ang top 1 student ng Asteromagus Academy!!" Anunsyo niya sa akin. Kaagad siyang tumalon ng napaka-lakas pasugod sa kinaroroonan ni Andrew.

Para talagang hindi Fire Magic ang kakayahan na mayroon si Senju. Alam ni Senju na hindi niya kayang talunin si Andrew dahil Stage 1 Magus ito. Sigurado akong gusto lang talaga siyang labanan ni Senju upang mas makakuha ng sapat na karanasan sa pakikipaglaban.

Samantala, nagtungo naman kami ng mga halaman na ginawa ko sa kinaroroonan ni Mefisto.

"Hindi ka tulad ng mga royalty na mapanlait. Gusto ko ang personalid na mayroon ka, Mefisto...pero itutumba parin kita. Kailangan ng Havoc Gangsters ang papremyo sa War Game na ito para mapalaki namin ang aming gang." Paliwanag ko agad kay Mefisto nang nakalapit ako sa kaniya.

Ngumite siya sa sinabi ko. "Hindi ako pinalaking mapagmataas ng mga magulang ko." Reaksyon nito sa sinabi ko. "Ano ang pangalan mo? Pagkatapos ng labanan na ito, maaari ba tayong maging magkaibigan?"

"South Avalo, Elite Vanguard ng Havoc Gang." Pagpakilala ko naman sa kaniya.

"Nice to meet you, South. Well then, let's start this." Bumalot sa kaniyang katawan ang itim na enerhiya. Kaya niyang ibalot ang anino sa kaniyang katawan. Kalaunan ay may lumabas na espada sa lupa. Mukhang kaya din niyang magtago ng mga armas sa anino. Ang galante naman ng magic na mayroon siya.

"Attack my plant homies!!" Pinasalakay ko ang mga halaman ko kay Mefisto. Kaniya-kaniyang hampas ng kanilang mga katawan ang ginawa nilang atake kay Mefisto na walang kahirap-hirap na hiniwa ang bawat halaman na lumapit sa kaniya.

"Plant Magic, Majestic Cannon Pea!" Gumawa ako ng mga halamang pea, na mayroong ulo at bibig na parang isang kanyon at tumira ang mga ito ng mga pea bullets.

Nahihiwa ni Mefisto ang ilang mga bala pero iniilagan niya ang iba upang hindi siya makatamo ng anumang pinsala mula sa mga ito.

(Hindi na masama, para sa top 2 student ng Asteromagus Academy.) Sabi ko sa aking sarile. Binalutan ko ang buong katawan ko ng balat ng isang matigas na halaman na kung tawagin ay 'Steel plant' ito ay sikat na ginagamit ng mga mamamayan ng Vlade Empire sa mga furnitures gaya ng lamesa at upuan dahil sa sobrang tigas at tibay nito.

Sumugod ako kay Mefisto habang patuloy sa pagbaril ang mga halamang pea na iniwan ko. Kahit natatamaan ako ng mga bala, hindi ako nasasaktan dahil sa nakabalot na balat Steel plant sa buong katawan ko.

"Magic that have a lot of spells like yours are the ones really troublesome to handle." Rinig kong sabi ni Mefisto. Lumubog siya sa lupa.

Alam kona na pupuntahan niya ang mga halamang pea para hiwain kaya mabilis akong bumalik sa kaninang kinaroroonan ko. Nahuli nga lang ako ng ilang segundo kaya nahiwa niya lahat ng mga halamang pea na ginawa ko.

Winasiwas niya ang espada niya sa direksyon ko. Kumawala ang pwersa ng itim na enerhiya na gawa sa anino. Inilagan ko ito, nagulat ako kung paano nawala ang tipak ng bato na tinamaan nito.

"What was that?" Reaksyon ko sa malapad ang ngise na si Mefisto.

"Shadow Delete. Isang spell ng magic ko na dinadala sa Shadow Space ko ang anumang bagay na tamaan ko. Makukulong sa lugar na iyon ang mga bagay na tatamaan ko at nakadepende sa akin kung kailan sila makakaalis. Huwag kang mag-alala, dahil nasa Virtual Battlefield tayo, hindi ka makukulong ng matagal kapag natamaan kita. Ibabalik kita agad sa tunay na mundo na mismo." Paliwanag ni Mefisto sa akin.

"Tignan natin kung magagawa mo." Sabi ko naman sa kaniya."

*****

Sheina Barsley Point Of View

Kay tagal nang inabot ko sa paghahanap sa watch room ng Asteromagus Academy!! Nahanap ko ito isang oras matapos sabihin ni Mary sa akin ang patungkol sa posibleng panganib na nagbabadya sa Palkia City. Sa aking pagpasok sa kwarto na napakaluwag, tumambad sa akin ang maraming mga Imperial Knights, kasama nila ang Emperor na nasisiyahang nanonood ng War Game. Nilapitan ko ang headmaster na si Rodeo at binulungan na sumama sa akin saglit.

Pumayag naman siya at lumabas kami sa kwarto. Salubong ang kilay ni Rodeo na tumingin sa akin. Hindi naman halata na nag-eenjoy din siyang nanonood sa War Game.

"Makinig ka sa sasabihin ko at gawan agad ng action. May panganib. Sinadya na magpatalo ni Mary dahil naramdaman niya ang panganib sa Palkia City. Nauna na si Mary na nag-imbestiga para alamin kung ano ang kakaibang pakiramdam na kaniyang naramdamanan. Kailangan mong kanselahin ang War Game bago paman mapagod ang mga studyante sa kanilang pakikipaglaban dahil wala dito ang mga matataas na opisyal ng Empire. Tayong mga teacher at students lang ang may kakayahan na protektahan ang bayan na ito." Paliwanag ko nang maigi sa kaniya.

"You're kidding right?" Tanong niya naman sa akin na hindi naniniwala sa sinabi ko. "Baka naman natatae lang si Mary kaya siya nagpatalo sa War Game? Alam mo naman si Mary, minsan masyadong tensyonado."

Kinwelyuhan ko siya sa narinig kong sinabi niya. "You fucking shrimp!! How dare you say such thing to my Mary!"

Namutla naman ang kaniyang mukha sa takot. "Wait a second Sheina!! I'm not insulting Mary."

I tried channeling my magic in my fist to punch Rodeo but nothing happened.

"Huh?" Nagtaka na sabi ko at napabitaw kay Rodeo. "What's going on?" Tanong ko. Sinubukan ko ulit na mag-channel ng magic sa kamay ko pero wa-epek parin.

"Sheina, don't tell me, you can't use magic?" Takang tanong naman ni Rodeo sa akin.

"Sinabi ko na sayo!!" Galit na aniko naman. "Mary is telling the truth!!"

"I can't use magic..." Mukhang sinubukan din niyang gumamit ng magic niya at hindi gumana. "Kailangan nating itigil ang War Game! Sheina, alamin mo ang nangyari sa bayan, isama mo ang mga teachers. Ipapaliwanag ko sa emperor ang sitwasyon natin na kinalalagyan." Agad siyang tumakbo pabalik sa loob ng watch room.

Ako naman ay tumakbo para bumalik sa faculty at magpasama sa mga teacher para alamin kung anong nangyayari sa Palkia City.

Sana lang ay maayos ang lagay ni Mary. I hope she won't be reckless as the magic usage was blocked!

Itutuloy.