Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 35 - Chapter 34 - War Game Cancelled

Chapter 35 - Chapter 34 - War Game Cancelled

[Third-person]

Nagharap si Senju at Andrew Crimson. Halata sa mukha ni Andrew ang pagmamaliit sa kakayahan ni Senju. Para kay Andrew, siya ang pinaka-malakas na studyante ng Asteromagus Academy. Ang apoy na nakabalot sa mga paa ni Senju ay hindi nito alintana.

"You sure kept silent. Why don't you try to hit me?" Nanghahamon na sabi ni Andrew kay Senju upang basagin ang katahimikan.

"Sure..." Hindi naman nagdalawang na umatake si Senju, na aktibo ang kaniyang Spring Flare spell.

Sumipa siya ng isang axe kick kay Andrew na sinalag ni Andrew gamit ang kanang kamay nito. Nagulat si Andrew nang biglang itulak ng pwersa na mayroon ang nakabalot na apoy sa paa ni Senju pailalim. Lumubog sa lupa ang mga paa ni Andrew ng limang pulgada. Kalaunan ay sumipa ng straight kick si Senju gamit ang isa pa nitong paa na siyang nasangga ni Andrew gamit naman ang isa pa nitong kamay ngunit nabalibag ito.

Hindi man nawala ang balanse sa ginawa ni Senju ay nagulat si Andrew sa lakas ng sipa na kaniyang sinalag.

"Is this for real? Are you really a Fire Magus?" Nagtataka na sabi ni Andrew bilang reaksyon sa ginawa ni Senju na pagsipa sa kaniya.

Nainis naman si Senju dahil wala siyang nagawang na pinsala kay Andrew sa dalawang sipa na kaniyang ginawa. (Ito ang kakayahan mayroon ang isang Stage 1 Magus? Hindi na bale. Kaunti na lang at magagamay kuna, kaunti na lang, magra-rank-up na ako patungo sa lebel na ito...) Sabi ni Senju sa kaniyang isipan.

"Fire Splash!!" Biglang nagpakawala ng apoy si Andrew kay Senju. Nagulat man sa bilis nang pag-atake ni Andrew ay nagawa ni Senju na umilag at umabante para atakihin ito.

Tumalon ng mataas sa ere si Senju nang siya ay malapit na kay Andrew. Nagpaikot-ikot siya sa ere, lumagablab ang apoy na nakabalot sa kaniyang paa. "Fire Hammer!!" Isang mas malakas na axe kick pa ang ginawa ni Senju kay Andrew. Nagkaroon ng malakas na pagsabog at napuno ng alikabok ang paligid nilang dalawa.

Gumawa si Andrew ng Fire Barrier para protektahan ang kaniyang sarile mula sa sipa ni Senju. Si Senju naman na hindi umubra ang atake ay dumistansya.

(This damn unknown person, he's stronger than Mefisto! That annoying showoff commoner Shannon Petrini sure is making monsters from her subordinates...What is she plotting to do?)

"Make sure you fight serious, kundi magagalusan ang gwapong mukha na mayroon ka." Paalala bigla ni Senju kay Mefisto.

"Mayabang." Itinaas ni Andrew ang kaniyang kanang kamay. "Fire Ball-" Hindi siya natuloy sa pag-activate ng kaniyang spell dahil sa biglaang pagsalita ng Headmaster na umalingawngaw ang boses sa buong paligid.

"Attention all students! The War Game is cancelled, nasa isang matinding krisis ngayon ang Palkia City. Lahat ng estudyante ay inaatasan na kumuha ng mga Magic Weapons na magagamit sa pakikipaglaban. Sa isang hindi pa tukoy na dahilan, hindi nakakagamit ng Magic ang mga Magus. Walang ibang magtatanggol sa bayan sa mga oras na ito kundi tayo lamang. Kaya naman, maghanda ang lahat sa pakikipaglaban." Matapos ang anunsyo na ito ng Headmaster ay nagliwanag ang katawan nina Senju at Andrew. Hindi nagtagal ay napunta pabalik si Senju sa tunay na mundo, sa loob ng kanilang classroom. Sabay silang bumalik si South.

"Busit! I'm having my best battle yet and this happened..." Hindi nagustuhan ni South ang nangyari dahil hindi nila natapos ni Mefisto ang kanilang laban na ginagawa.

"South!! Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit nagpatalo ng sadya si boss?" Paghula naman ni Senju na matapos magsalita ay tumakbo sa kinaroroonan ng kaniyang mga ka-gang members na sina Zayn at Rum na nakaupo sa isang bakanteng upuan sa tabi ng tulog na si Rialyn. "Natalo kayo?" Tanong agad ni Senju sa dalawa.

"Hindi ah!" Pagtanggi ni Zayn sa sinabi ni Senju.

"Bakit naman ako matatalo?" Inis na angal naman ni Rum.

Napakamot sa kaniyang sintido si Senju. "Kanina paba kayo rito?" Tanong nito sa mga kaibigan.

"Hindi pa masyadong matagal..." Tugon ni Zayn.

"Senju, you guys, let's head out." Tinawag naman ni South ang atensyon nilang tatlo dahil napansin ni South ang mga studyante galing ibang section na dumaan sa hallway. Maging ang mga kaklase nila ay nagsimula nang lumakad palabas sa classroom.

Lumapit naman si Senju kay Rialyn ay dahan-dahan itong inalog-alog upang ito ay magising. Hindi naman siya nabigo at nagising si Rialyn.

"Senju, Rum, Zayn? Anong ginagawa niyo dito?" Takang tanong agad ni Rialyn.

"Tumayo kana diyan, may emergency." Sabi naman ni Senju na nagmadaling lumakad palabas sa kanilang classroom. Naguguluhan man sa nangyayari ay lumabas na din si Rialyn, kasabay sina Zayn at Rum.

Nagulat silang lahat sa kanilang nakita na barrier na bumalot sa buong Palkia City nang makalabas sila sa building. Laglag panga ang mga studyante, ang ilan ay labis na natakot dahil sinubukan nilang gumamit ng magic subalit hindi ito gumana.

Kapansinpansin din mula sa himpapawid ang napakaraming bilang ng mga kalaban na nakita ng mayroong mga binoculars na mga lumilipad na robot. Nananatili ang mga ito sa itaas sa labas ng barrier na tila ba hinihintay ng mga ito na utusan sila ng kanilang amo na siyang kumokontrol sa kanila.

"Enemies!! Tamang pagkakataon para sumugod dito ang ginawa nila dahil wala ang Imperial General at ang 3 Wing Commanders." Inis na sabi ni South.

"Nasaan si Shannon?" Takang tanong naman ni Rialyn.

"Baka nasa labas ng academy." Nanghuhula na sabi ni Senju.

"Ano? Edi kung ganon, baka nakikipaglaban siya sa may pakana ng barrier na ito." Nataranta na sabi naman ni Zayn.

"Hindi tayo makagamit ng magic 'diba? Kung ganon, nasa panganib si boss!!" Sabi naman ni Rum na ikinalaki ng mga mata ng kaniyang mga kaibigan.

"Damn it!! Grab your magic weapons!! We'll rescue the boss!" Anunsyo naman ni South na mabilis tumakbo sa kinaroroonan ng mga teachers na naghanda ng mga magic weapons na gagamitin sa pakikipaglaban.

Kumuha ang lima ng kani-kanilang mga magic weapons at dali-daling tumakbo palabas ng academy.

"Sandali, saan kayo pupunta? Wala pang utos ang Headmaster!!" Saway sa lima ng isang guro ngunit hindi ito pinansin.

"Boss!! Sana maging ayos ka lang!!" Alalang sabi ni Senju habang tumatakbo. Pinagpawisan ito ng husto sa kaba na naramdaman.

*****

[Sheina]

Nagtungo ako sa cr at kinuha ang Communication Orb sa bulsa ko. Bingkas ko ang salitang 'Contact On' upang matawagan at makonekta ang orb na hawak ko sa tinatawagan kong kapares na orb nito.

"What's the matter Sheina? It's rare for you to call me at a time like this." Nairita na sabi niya agad ang tumambad sa aking pandinig.

"TSK!" Angal ko naman. "Listen, Palkia City was suddenly put in such a crisis. Hindi kami makagamit ng magic, dahil sa kakaibang barrier na bumalot sa bayan. Do you have any idea about this?" Sinabi ko sa kaniya ang pakay ko sa pagtawag sa kaniya.

Tumawa naman siya sa narinig mula sa akin. "That's a work of Green Oracle." Tugon niya naman. She's really knowledgeable. "It's a Sacred Treasure that traps magus in a Barrier preventing them to initiate magic."

"May paraan ba para mapigilan ito?"

"There are actually two ways. The first way is very simple, just wait after 3 hours, the barrier will disappear and the Green Oracle needs to recharge again before it can used again. The second way is to located where the Green Oracle was and tell it to stop."

"Ang simple naman." Sabi ko.

"Talagang simple. Kaya huwag kanang maparanoid diyan at hanapin mo kung saan nakalocate ang Green Oracle."

"Teka, saan ba makikita ang Green Oracle? Sa palagay mo?"

"Sa sentro ng bayan, subukan mong hanapin doon."

"Magpadala ka ng tauhan, kailan namin ng tulong."

"Don't be ridiculous. Why would a Don help an enemy city? According to your report to me the other day, Mary Mchavoc was indeed in Palkia City, studying again. She's good enough to protect that shitty city, as she took down Don Celestial Mañokaw right?"

"You're being unreasonable. Even Mary is missing. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta."

"Baka hinarap niya ang nag-activate ng Green Oracle?"

"Posible, dahil mayroong mga robots na nasa himpapawid ng Palkia City-"

"Robots?"

"Oo."

"That's probably Nervoz!!"

"Seryoso ka?"

"Yeah. Listen closely Sheina, protect those damn brats no matter what happens...we can't afford to lose an Ace because the enemy is almost prepared to make their move."

"Kaya nga magpadala ka ng tulong!!" Sigaw ko.

"Sheina you bitch, you're Stage 0. You can protect the Aces. I don't care about the other people. Just protect who you must..."

"TSK! You're living up to your Don title damn it!!" Sa inis ko ay hinagis ko ang Contact Orb at ito ay nabasag.

(Putangina mo, Don Nova Chrono!!) Inis na mura ko sa aking kausap.

Padabog akong lumabas sa cr at nagmadali na lumabas sa building para magtungo kung saan nag-tipon ang ibang mga teacher at mga studyante.

Sa aking pag-lapit, kinompronta agad ako ng isang kapwa ko teacher.

"Teacher Sheina, limang studyante ang bigla na lang lumabas sa campus."

"Ano? Sino naman?"

"Hindi ko kilala pero pareho silang lima na nakasuot ng puting gangster uniform yata, na may pangalan sa likuran na nakasulat. 'Havoc Gang' yata yung pangalan ng gang na nabasa ko."

Napatapik ako sa aking noo. (Lagot na!! Tatlo sa kanila ay miyembro ng 'Great Nine Clans'!!)

Tumakbo ako palabas ng academy agad para hanapin sila at pigilan. "Ibabalik ko sila dito!!" Sigaw ko. Bago ako makalabas sa academy ay kumuha ako ng isang spear na magic weapon.

Kailangan kong ibalik dito ang limang mga kaibigan ni Mary bago paman bumaba at umatake sa Palkia ang mga robot na nasa itaas.

*****

[Someone's]

"Palkia, you're nothing without magic. Mamamatay ang Emperor at ang pinagmamalaki ninyong mga studyante. Walang magiging hinaharap na maganda ang emperyo na ito." Anunsyo ko habang nakatingin sa kabuuan ng Palkia City na aking ikinulong gamit ang Green Oracle, isang Sacred Treasure na pinipigilan ang isang magus na makagamit ng magic nito. Kampante ako na walang kwentang mabababang level lang na mga magic weapons ang mayroon sa Asteromagus Academy.

Ilang sandali ang lumipas, lumipad papunta sa kinaroroonan ko ang dalawang malakas na tauhan kong isinama rito sa lugar na ito.

Lumuhod sila sa aking harapan.

"Handa na po ang mga robot, na sumalakay." Ulat sa akin ni Terminator 10. Mayroon siyang pulang buhok, naka-eyepatch ang kanang mata nito. May hawak siyang spear na sandata.

"Utos niyo na lamang po ang hihintay nila, panginoong Nervoz." Ulat naman sa akin ni Terminator 9. Mayroon siyang pink na buhok. May suot siyang makapal na jacket. Mataas siya ng kaunti kay Terminator 10.

Tumango ako sa sinabi nilang dalawa sa akin. "Then let's start this operation. Let's capture the Sarimanok and get the fucking Compass Piece it have. This will be our second compass piece to obtain in our arms."

Tumayo sila ng tuwid. "Opo!" Malakas na sabi nila sa akin.

Ngumite naman ako at inactivate ang aking magic. "Palm Controller, Attack Palkia City!!" Nagkaroon ng remote controller sa aking palad. Mabilis akong pumindot sa mga letra na naroon. Kalaunan ay pumindot ako sa enter button. Inutusan ko lahat ng mga robot na tauhan kong nasa itaas ng Palkia para sugurin at wasakin ito. Habang kami naman ng dalawang mga Terminator na kasama ko ay hahanapin sa kagubatan ang Sarimanok.

The Empire made a bad decision to sent the Imperial General and the 3 Wing Commanders to a battlefield without having substitute Adventurers that will protect the capital city.

They are so dumb!

Itutuloy. ┌(・.・)┘♪