Shannon Pretini Point Of View
It's been a week since I came to Asteromagus Academy.
Dang!
Malaking problema talaga sa akin ang boredom dahil natapos ko na ang mga lessons na itinuturo ng Academy.
I'm lucky enough na parehong kaklase ko sina Senju at South.
Oo tama ang nabasa mo.
Ang Academy na ito ay hindi sumusunod sa karaniwang pattern ng paaralan. Maaari kayong maging magkaklase kahit magkaiba antas ng taon basta't pareho kayo ng section na klase. Taun-taon, iba-iba ang lessons patungkol sa magic kaya iba talaga ang natutunan ng mga estudyante. Ito ang pinakabobong sistema para sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa isang table sa cafeteria. Kumakain ng tanghalian.
Hindi ko talaga close sina South at Senju tuwing nasa Academy ako. Dahil ayoko na silang dalawa ang nanggugulo sa akin. I want to have in mind. Isa akong maswerteng babae dahil sa kanilang dalawa na naintindihan nila ako at pinipigilan ang sarili nila na lumapit sa akin.
Ang oras ay pera, hindi lang ang Vlade Empire kundi ang buong mundo ay malalagay panganib kung ang organisasyong iyon ay patuloy parin na umiiral. Hindi ko hahayaang mahawakan nila ang kapangyarihang iyon, ang 'Giftia' na siyang tanging kayamanan na gusto kong protektahan kahit anong mangyari.
Pero, wala pa rin akong karagdagang miyembro ng gang. Nananatili kaming tatlo bilang miyembro. Speaking of staying in one week dito sa Asteromagus Academy, I can say that the new generation are all dumb assess. Puno silang lahat ng hangin sa sarili nila, lalo na iyong mga Royalties at Nobles.
Sa Imperyong ito, ang bawat bayan ay pinamumunuan ng mga hari at ang kanilang mga anak na lalaki o babae ay tinatawag na Princess o Prince. Sila ang tinatawag na mga Royalties. Imagine, itong Empire ay may 270 Cities. Napakaraming Royalties.
Ang mga mayayamang negosyante naman na naninirahan sa bawat bayan na kayang tapatan ang yaman ng mga Royalty ay ang tinatawag na mga Nobles. Countess o Count ang tawag sa mga Noble bilang tanda ng paggalang.
Sa emperyo din na ito, ang anak ng Emperor siyempre ay tinatawag na High Prince o High Princess bilang tanda ng mataas na ranggo na mayroon sila.
Mula sa pinaka-mataas hanggang sa pababa na ranggo ng mga mamamayan dito sa Vlade Empire ay ang mga sumusunod...
1. Emperor and Guild Master
2. Empire Council
3. High Prince or High Princess
4. Imperial General and 3 Wing Commanders
5. City King or City Queen
6. Princess or Prince
7. Count and Countess
8. Guild Adventurers and Imperial Knights
9. Magic Knights
10. Commoners
Habang iniisip ko ang mga bagay na ito, may lumapit sa akin na nagsasalita tungkol sa demonyo, bilang isang Royalty.
Prince of Archeus City, isang city part ng Mavery Region, isang 4th Year student na kaklase ko.
Oo tama ang nabasa mo.
Speaking of class rank, may 8 class rank. Simula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na ranggo ng klase; Warrior, Elite, Master, Grand Master, Epic, Legend, Mythic and Mythical Glory which was my class rank that the one I hate. Dahil mula sa rank Legend hanggang Mythical Glory ito ay Royalties at Nobles's galore.
"Hello baby, bakit ka kumakain mag-isa sa cafeteria?" Tanong sakin ni idiot Prince Ruke. Nang hahawakan na sana niya ang buhok ko ay agad kong inilabas ang panulat sa aking bulsa at itinutok sa kaliwang mata niya.
Napasigaw ang mga babae sa likod niya sa gulat at takot. Paano ba naman muntik ko lang mabulag itong Royalty na pangarap nila.
"Don't touch me you bastard." Iritadong sabi ko sa kanya. Hindi alam ng gago na ito na sina South at Senju na malamang malapit lang sa akin ay nakakaranas na ngayon ng matinding iritasyon. Anumang sandali ay lalapit sila nang may intensyon na patayin siya. Pero duda akong magagawa iyon nina Senju at South dahil malakas naman ang Ruke na 'to kahit abnormal.
Agad siyang dumistansya sa akin at tumawa. "You really are interesting Shannon. Mukhang hindi agad uubra sayo ang charm ko." Sabi niya saka kinindatan ako.
Yuck.
Nanlumo ako. "Charm? It will not work on me until your last breath." Kampante na sabi ko. "If you'll try to hit on me next time, atleast do it when you're 10 years older. Hindi ako pedophile." Pinayuhan ko siya. "Huwag mong hukayin ang iyong libingan." Pinayuhan ko siya pero I'm pertaining to Senju and South to take it easy if ever thay are near.
Halatang inis na inis si Ruke. Tinanggal niya ang glove niya sa kanang kamay niya at ibinato sa akin. Tumama ito sa mukha ko.
"Now your charm won't work more. It's not a proper etiquette to throw a glove on a woman's face." Ngumiti ako saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"Tsk. Hindi pa ako tapos Shannon Pretini." Umalis siya nang tuluyan at nawala sa paningin ko.
"Anong meron sa babaeng yan?"
"Very irritating. Hindi ba niya alam na si Ruke ang number 9 Mythical Glory Class Student dito sa Academy?"
"Acting like that to Ruke..."
"Just because she's so beautiful she thinks she's so damn good."
"Fucking attitude problem." And of course, butthurt akong pinag-usapan ng mga fan girls sa nangyari sa flirty dream boy nila.
Sa Academy na ito, mayroon din silang tinatawag na 'Top Asteromagus'. Ang sampung pinakamakapangyarihang estudyante ng Ichi Mythical Glory Class. Si Ruke ay ika-9 sa kanila. He was that quite strong for the weaklings pero kung hindi magbabago ang ugali ng taong iyon, hindi siya magtatagal bilang Adventurer. Maaga siyang mamamatay.
Hindi ko na lang pinansin ang mga tsismosa sa paligid at kumain na ako.
Hindi ito makakatulong para sa akin.
Boyish ako. Mas manly ako kumilos kaysa pambabae. Mas gusto ko pang itikom ang bibig ko kaysa magsalita. Mas gusto kong mag poker face kaysa magmukhang smily na hindi naman talaga ako. Maraming mga kapwa Adventurer ang tumawag sa akin noon na Doll Face na babae dahil bihira akong ngumiti, kapag ngumiti ako ay napipilitan pa.
Kahit nga pag kasama ko sina Senju at South, para sa kanila sulit ang saya kung nakikita nila akong nakangiti.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na agad ako ng cafeteria para pumunta sa classroom ko, sa Mythical Glory Class Section 5, kasi every Class may limang Sections, pumunta ako sa last Section ng Ichi Class.
Pagdating ko sa classroom namin, sarado ang pinto kaya binuksan ko. I expected the falling eraser trap, pagbukas ko ng pinto at nahulog yung eraser, sinipa ko.
"Tsk. Hindi naglalaro ang mga bata sa school. This is a place for learning not for practice of beginner tier crimes." I said out loud and of course, some glared at me.
Hindi ko sila pinansin at umupo sa desk ko alam kong may nakadikit na glue. "Ignition." Ginamit ko ang aking Magic Ability upang matuyo ang pandikit at punasan ito pagkatapos ay umupo. Kaya kong kontrolin ang Flame Magic ko para hindi masunog ang upuan ko.
Maya-maya, nakita ko si Senju at South na pumasok sa kwarto. Gaya ng inaasahan ko, malapit lang sila sa akin sa cafeteria just by looking at their irritated face and glare at Ruke as they are going inside.
Better ignore them, wala naman silang gagawing kalokohan.
Dahil wala pa ang teacher, kumuha ako ng libro na meron ako for a week now matapos ko itong hiramin sa library noong unang araw ko dito. Walang ibang kaibigan sa lugar na ito.
First day of school nakipagtalo ako sa isa sa mga instructor dahil maling lecture ang binibigay niya sa mga estudyante kaya naging ganito sa akin ang lahat. Simula noon, sentro na ako ng atensyon ng mga kaklase ko. May isa pa ngang malakas na sumigaw sa harapan ko na misfit daw ako which he perfectly guessed. Ako ay isang misfit dahil hindi ako mula sa henerasyong ito kung tutuusin.
*****
Natapos ang klase ngayon ng maayos. Natapos akong maglinis at dumiretso sa labas ng pest campus na ito para umuwi sa bahay ni South para magbasa ulit ng libro.
Wala sa paningin ko ang dalawa, malamang may mga part time job silang ginagawa para matustusan ang pang-araw-araw nilang gastusin.
Pauwi na ako, TSK. Nasipatan ko sa aking paningin ang isang kasalukuyang nagaganap na bullying. Mga mag-aaral mula sa Academy na nananakot sa isang mamamayan ng bayan na ito. Sa tingin ko, insecure ang mga estudyante sa bagay na taglay ng binu-bully kaya ninakaw nila.
Ang pangit talaga na isuot ang uniform ng Asteromagus Academy. People will put in the same level as this bully bastards? No way. I'm not gonna wear that uniform.
"Ibalik mo yang Teddy Bear na yan. Ibibigay ko sa mama ko. Atleast, kahit iyan lang ay maibigay ko para mapangiti siya." Nagmamakaawa na lumuhod ang lalaki sa mga nang-aapi sa kanya.
"Hah? Itong basura na 'to? Walang paraan na ngingiti ang nanay mo dito! Baliw kaba?" Nakakainsultong sabi ng mukhang leader ng tatlong bully habang siya ang may hawak ng Teddy Bear. Ang tanga, pinugutan niya ng ulo ang teddy bear at tinapakan.
Syempre, iyak ng iyak ang lalaki sa nakita niyang ginawa ng panget na bully sa dapat niyang iregalo sa kanyang ina.
Matapos gawing basahan ang teddy bear, ang lalaking umiiyak ay tinapakan ng ganid na bully. Maging ang dalawa niyang kasabwat ay nakitapak.
(Pagdating dito, mas magandang gamitin ang isa sa mga Magic Ability na nakuha ko sa Giftia.) Sabi ko sa sarili ko. "Transformation." Intransform ko ang damit na suot ko sa isang baddass gangster uniform. Isang puting coat at isang puting pantalon na may puting combat boots at syempre, bandage ang dibdib ko. Hindi kasi nakabutones ang coat.
Base ito sa totoong gangster uniform ng gang namin nina Senju at South, siyempre proud ako sa gang na ginawa ko.
Lumapit ako sa mga panget na bully na ito. "Hoy kayung nanghihiram ng mukha sa uod." tawag ko sa kanila.
"Huh? Sinong sinisiraan mo?" Nag react agad yung leader sa akin.
"Sino ka?" Nakataas ang isang kilay na sabi ko.
"Nakakainis." Sabi ng kulangkulang number one na lumapit sa akin. "What do you want girl? What's up with that cloth ---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Sinipa ko siya sa mukha at lumipad siya patungo sa mga kasama niya, nilagpasan pa niya ang mga ito at bumangga sa malapit na fountain.
"Magswimming ka kasama ang isda dyan." Mariin kong sabi. "Now for you remaining mister bullies. What the fuck do you think you're doing here in my turf?" Pagsisinungaling na tanong ko sa kanila. Lumapit ako at tinulungan kong tumayo yung lalaki na umiiyak. "Nagpapababa sa iba para masaya, hindi ba kayo naiinis sa sarili niyo? Mga magic students kayo. Medyo alam niyo na kung ano ang nararapat sa baboy na gawain." naglecture ako sa kanila.
"Why do you care? Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kaibigan ko." Sabi ni Lackey number 2 saka sumugod para suntukin ako. Sinuntok niya ako sa pisngi na aking tinanggap pero hindi naman talaga ako naapektuhan. Para akong may dumapong makapal na langaw sa mukha.
"PWEH! Ang hina mo." protesta ko.
Hinawakan ko ang kamay niya saka hinigpitan to the point na may narinig akong crack ng buto sa kamay niya. Binitawan ko siya tapos hinawakan niya yung putol niyang kamay sabay sigaw niya sa sakit. "Ikaw na ang susunod." Anunsyo ko kay mister leader bully habang nakatingin sa kanya.
"S-Sino ka sa tingin mo? Hindi mo ba alam na kami ay mga noble dito sa bayan na ito mula sa house of Choria, Soun at Terah?" Nanginginig ang boses leader na si bully habang tinanong niya ako.
"Umiiyak na baliw." I teased the guy na muntik ko nang mabali ang braso ng lumakas ang iyak nito bigla. "House of what? Sorry I don't give a damn."
"We are from the, Choria, Soun and Terah house damn it....Alam mo bang we can hire Adventurers or Imperial Knights to chase you for doing this?" Sabi ni leader bully na parang nananakot sa akin.
"I don't give a shit!" Sinuntok ko siya sa mukha niya. Lumipad siya papunta sa fountain kung nasaan ang kaniyang kaibigan. "I'm the President of Havoc Gang. This man that you tried to bully was our newly recruited member. The next time you try to bully him, you pick up a fight against Havoc Gang okay? I don't give a Shit about Adventurers, Magic Knights or even Imperial Knights. I will wipe out all of their assess." deklara ko.
Sa sobrang takot ng lalaki na ang braso ay muntik kong mabali, tumakbo siya at iniwan ang dalawa niyang kaibigan sa fountain. Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako sa ginawa niya.
Hinarap ko ang lalaking binu-bully nila kanina na hawak sa mga kamay niya ang ulo at katawan ng maduming teddy bear.
"Ayos ka lang?" Tinanong ko siya.
"I-I'm fine. Pero mukhang hindi na magiging maayos itong teddy bear." Malungkot na sabi niya sa akin. Iiyak na naman siya.
"Huwag kang umiyak!" Inagaw ko sa kanya yung teddy bear. "Dapat mas malakas ang mga lalaki kaysa babae. Ilang beses lang akong umiyak sa buong buhay ko you know." Angal ko sa kanya. "Ang bagay na ito ay mahalaga sa iyo tama?" Tinanong ko siya.
"Syempre naman." Pinunasan niya ang luha sa mata niya.
"Kung ganoon ay aayusin ko ito para sa iyo." I confidently said to him. "Transform." Binalik ko ang teddy bear sa maayos at malinis nitong itsura.
Ibinato ko ito sa kanya, na siyang maingat niya na nasalo. "Mag-iingat ka. Siguraduhin mong ibigay mo 'yan sa mama mo. Trabaho mong pangitiin siya." Payo ko sa kanya. Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya.
"Maraming salamat. Hindi ko makakalimutan ang kabutihang ginawa mo. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Sigaw niya sa akin.
Huminto ako saglit sa paglalakad. "Shannon Pretini." Pagkatapos kong sabihin ang pangalan na kasalukuyang ginagamit, nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi.
After seeing him, he reminded me of a person who's really important to me. May pagkakahawig sila sa mukha at boses damn it.
Baka nagkataon lang...
Itutuloy.