Third Person Point Of View
"Palayain mo si Rialyn Madzua!" Malakas na sigaw ni Shannon kay Chester na hindi nakinig sa kanya at muli lamang itong umatake.
Dalawang magkasunod na sipa na ginawa ni Chester ang sinangga ni Shannon gamit ang kanyang mga braso nang walang kahirap-hirap.
Sumuntok si Shannon kay Chester ngunit umilag si Chester at dumistansya. Susugurin sana siya ni Shannon na natigilan dahil sa biglang pagsigaw ni Rialyn.
"Shannon Petrini! This is not a business you should intervene. I don't know how you found out about this but stop pitying me. This is my own problem, I'm not related to you kaya habang maaga pa, umalis kana. Damn it!!" Anunsyo ni Rialyn kay Shannon. Tumulo ang luha mula sa mga mata nito. "Huwag mong ipagsapalaran ang iyong buhay para sa isang taong hindi mo naman kaibigan, hindi mo kakayanin si Chester at ang buong gang niya." Muling nagsalita si Rialyn.
"Well said Rialyn. But I'm not gonna let this bitch get away. I'll torture her too and make her my slave. She's too hot, she'll be a perfect sex tool." Ngumiti ng malapad si Chester pagkatapos niyang magsalita.
Nandire naman si Shannon sa kaniyang narinig.
"Rialyn Madzua, there's no way in hell that I will let something like this slide. If you're lonely, I can be your friend. You can stop acting snobbish to me. I'm gonna set you free, and we will start a new era on this mess land! Patutunayan ko sa iyo na hindi lahat ng mga gangsters ay masama tulad nitong 'Poor Bitch' na nagpapahirap sayo!"
"Sinabi ko sa iyo na ang apelyido ko ay Poolevich!" May lumabas na ugat sa noo ni Chester dahil sa galit nito sa sinabi ni Shannon.
Sinugod nito si Shannon muli. Sisipain na sana niya ulit si Shannon pero mabilis na kumilos si Shannon at sinuntok si Chester sa mukha na nabalibag.
"Sa tingin mo nakakatakot kana niyan sa pagkakaroon ng ganitong bilang ng iyong mga tauhan?" Madiin ang boses na nagsalita si Shannon. "Ipapakita ko sa iyo kung gaano nakakatakot ang isang Demonyo."
Nanlaki ang mga mata ni Shannon. Sa aura na inilabas niya sa kanyang katawan, naramdaman ito ng lahat ng tao sa loob. Lahat ay nakaramdam ng matinding takot sa kaniya. Unti-unting nagkaroon ng itim na marka si Shannon sa buong katawan. Naglabas din ito ng dalawang pulang sungay sa kaniyang ulo at tumubo ang manipis na itim na buntot sa may puwitan. Ang mga kamay at paa ni Shannon ay nagkaroon purong kulay itim na kaliskis.
Maging si Rialyn, nagulat at natakot sa nakita niyang pagbabago ng anyo na ginawa ni Shannon.
(She's a 'M.B.D' like those people that I have read in many 'Magical Books'!) Sabi ni Rialyn sa isipan niya.
"Halimaw ka!" Muling sumugod kahit na nakaramdam din ng takot si Chester sa anyo na ito ngayon ni Shannon.
Ilang pulgada na lang ang layo, ay biglang sumulpot si Shannon sa harapan ni Chester na labis nitong ikinagulat. Nakahanda na naman ang kamao niya sa mukha nito, na tumama. Nabalibag at bumangga sa pader ang boss ng Chester Gang sa lakas ng suntok na natanggap nito mula kay Shannon.
Dumugo ang nabali at nabasag na ilong ni Chester dahil sa suntok na ginawa ni Shannon sa kaniya.
"Huwag niyo nang guguluhin si Rialyn kahit kailan. Kapag nagkita tayong muli dito sa Palkia City, hindi na kayo maliligtas. I'm in a good mood to let you guys live today." Ipinahayag ni Shannon sa mga sumisigaw na Chester Gangsters na tumatakbo palayo sa kanilang hideout, ang ilan sa kanila ay binuhat ang kanilang boss paalis.
Nang makalabas na lahat ang mga tao sa loob, hinarap ni Shannon si Rialyn dahil sila na lamang ang tao na nasa loob. "Rialyn Madzua, pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong ni Shannon kay Rialyn.
Ngumiti si Rialyn sa kanya. "Yes..." Simple na sagot nito at niyakap si Shannon.
Nawalan ng balanse si Shannon nang bigla siyang niyakap ni Rialyn kaya natumba sila sa sahig. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Rialyn.
"Maari ba akong umiyak?" Tanong ni Rialyn kay Shannon na tumango sa bagong kaibigan. Humagulgol si Rialyn. Ito ay dahil sa kaniyang paglaya na nakamit mula sa kamay ng Chester Gang na mas lalong nagpagulo sa kanyang malungkot na buhay.
*****
Kumawala si Shannon sa pagkakayakap ni Rialyn sa kaniya.
Habang lumuluha ang kaibigan ay sinira ni Shannon ang kabuuan ng hideout ng Chester Gang bilang tanda ng pagbura nito sa buhay ni Rialyn.
Inabot ng gabi ang dalawa, dahil sa tagal ng pag-iyak na ginawa ni Rialyn.
"Gabi na. Baka nag-aalala na sa'yo ang mga magulang mo, Rialyn?" Tanong ni Shannon kay Rialyn matapos niyang sirain ang hideout.
"Oo. Papagalitan talaga ako ng papa ko dahil late na naman akong uuwi." Sabi naman ni Rialyn na pinakalma ang sarile.
"Gusto mo samahan kitang mahatid sa bayan kung saan ka nakatira, Miss Royalty o Miss Noble?"
"Kaya kong umuwi mag-isa. Siguradong hinihintay na ako ng sundo ko sa harap ng Academy. Miss Royalty ako." Nagawang ngumite ni Rialyn kay Shannon matapos magsalita.
"I see. So you're saying na okay lang na maghiwalay muna tayo ng landas dito?"
"Oo."
"Kung gayon bago ka umalis, may itatanong ako sayo..."
"Ano ito?"
"Sasama ka ba sa akin at magiging member ng Gang na pinamunuan ko?" Tanong ni Shannon kay Rialyn bilang pag-alok sa dalaga na sumali sa Havoc Gang. Inilahad ni Shannon ang kamay niya na tinanggap naman ni Rialyn. "I have a goal that I wanted to achieve. It's just that I can't do it alone. Isa pa, gusto kong patunayan sa'yo na hindi lahat ng gangster ay masama."
"Syempre pasok ako!" Masiglang tugon ni Rialyn sa alok ni Shannon. "You have freed me up from Chester Gang, Shannon. Isa pa, ako yung tipo ng tao na ayaw na ayaw magkaroon ng kahit anong utang. I want to view things in a wide perspective too, I want to see and do what I can for that free and peaceful life I want not only for myself but also for the others who wants that kind of life also."
Napangiti si Shannon sa narinig. "Then, starting from now on, ikaw na ang 'Vice President' ng Havoc Gang'. Ako ang Presidente at may dalawa pa akong kasalukuyang miyembro. Sana ay huwag mong tatanggihan ang alok ko dahil tinanggihan ng dalawang miyembro ang posisyon ng pagiging vice-president?"
"Hindi ko tatanggihan ang ganoong alok na nagmula sa isang taong nagligtas sa aking buhay mula sa mas masahol pang maaaring kahinatnan."
"Salamat, Rialyn." Nakangiting sabi ni Shannon pagkatapos.
*****
Matapos maghiwalay ng landas, sa wakas ay nakauwi na si Shannon at agad na ipinaalam kina Senju at South tungkol sa kanilang Gang na sa wakas ay magkakaroon na ng bagong miyembro, ang vice-president.
"Totoo ba yan boss?" Puno ng curiosity ang mukha ni Senju habang tinanong niya si Shannon.
"Anong klaseng tao siya?" tanong ni South kay Shannon.
"Secret lang sa ngayon South."
Nag-pout ang dalawa sa sagot ni Shannon.
"Come on, boss." Sabi ni Senju.
"I'm planning to make you two met that person by a big surprise. You can wait for that moment right? As I told that person too that I will introduce you guys soon."
"Medyo misteryoso." Parehong sabi nila ng may nanghuhulang tono.
"Anyways, ano ang pagkain ngayong gabi?" Tanong ni Shannon sa dalawa upang maiba nito ang usapan.
"Ah, tungkol diyan, nagluto si South ng tuna." Iritadong sabi ni Senju.
"Why not? Ang sarap." Katwiran ni South kay Senju.
"Urg! I hate eating fish!" Reklamo ni Senju naman na hindi nagustuhan ni South kaya naman nag-bangayan na naman tuloy ang dalawa dahil lang sa isang pagkain.
Ayaw ni Senju na kumain ng isda na pinakagusto ni South at ayaw naman ni South na kumain ng karne na pinakagusto ni Senju.
*****
Samantala, si Rialyn Madzua naman ay nakauwi na sa kanilang palasyo.
Sa kaniyang pagpasok ay sinalubong siya ng sampal ng galit nitong ama.
"Rialyn you hard headed child!!" Sigaw ng ama nito sa kaniya.
"Pasensya na po papa, nandito na po ak-" Muli siyang sinampal ng ama.
"Putangina, ano na namang ginawa mo at nagabi kana naman nang uwi? Huwag mo lang subukang lumanding bata ka at makakatikim ka sa akin ng parusang hinding-hindi mo malilimutan." Banta ng ama ni Rialyn sa kaniya.
"Hindi po ako lumalandi...may importante lang po akong project na ginawa sa Asteromagus Academy." Katwiran ni Rialyn sa kaniyang ama.
Tumawa naman sa kaniya ang dalawa nitong adoptive siblings na nasa likuran lang ng kanilang ama.
"Papa, pasaway talaga iyang si Rialyn." Pasipsip sa ama na sabi ng ate ni Rialyn.
"Hindi kana magtatanda." Sabi naman ng kaniyang kuya.
(Mga ampon na malakas ang apog.) Inis na reaksyon ni Rialyn naman sa kaniyang mga kapatid.
"Pasensya na po talaga papa." Yumuko si Rialyn matapos magsalita.
"TSK." Asik naman ng dalawa niyang kapatid.
"Magtungo kana sa kwarto mo at mag-aral. Umalis kana sa harapan ko bago pa kita mabugbog...maraming problema ang mga negosyo ko ngayon puta!!" Sigaw naman ng mainit parin ang ulo na ama ni Rialyn sa kaniya.
Mabilis naman na tumakbo si Rialyn paalis. Nagpunta siya sa kaniyang kwarto. (Puro na lamang negosyo ang laman ng utak mo. Kailan mo maiisip na mahalin man lang, bigyan nang pag-aaruga mula sa isang magulang ang iyong anak?) Sumbat ni Rialyn sa kaniyang isipan na hindi niya magawang sabihin ng direkta sa kaniyang ama.
Itutuloy.