Shannon Pretini Point Of View
Dinala ko si mister brown hair sa isang mabatong lugar sa labas ng Uzbane City, tinanggal ko ang Fire Rope na nakatali sa katawan niya. Agad siyang dumistansya sa akin at nag-transform siya bilang isang werewolf.
"Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit mo ginawa ito, babae?" Mayabang na tanong niya sa akin.
Minamaliit niya ako dahil babae ako?
Agad akong nagalit sa kanya.
"I may be a delicate girl but you shouldn't be fooled by the way that I look beautiful. You're my hostage here don't forget..." paalala ko sa kanya. Napataas ang kilay niya sa narinig niyang sinabi ko.
"Creepy. How can you say such a bold thing like that without smiling. Naninigarilyo ka ba ng mga damo sa inyo?" Nag-react siya at pilosopo pa talaga na sagot.
Lumitaw ang ugat sa noo ko sa galit na naramdaman ko lalo sa sinabi niya.
"You're digging your own grave mister brown hair." Nagpipigil na sabi ko.
"Hindi ako brown hair. I have my proper name. Ako si Amano Mañokaw, ang kapatid ni Don Celestial Mañokaw."
Kaya pala kampante siya. Ang kanyang kapatid ay isa sa 5 Dons.
"Wind Scythes." Bigla siyang nagpakawala nang kaniyang atake sa akin.
Sumugod ang mga talim na gawa sa hangin patungo sa direksyon ko. Akala niya ay mahuhuli niya ako nang bigla kong hinugot ang espada ko mula sa kaluban nito.
"Dimensional Slash." Mabilis kong ibinaba ang aking espada at ilang beses kong ginamit ang isa sa mga magic ko.
I cut through space, into the core of the Wind Scythes. Pagkaraan ng maikling sandali, lahat ng Scythes ay naglaho. "Ang mahihinang pag-atake na ganyan ay madaling target ng aking 'Dimensional Slash Magic' idiot." pang aasar ko sa kanya.
"What the hell...you have more than one attribute and yet you're not turn into any kind of monster." Nagtatakang sabi niya.
"Hahahaha... Wag mong pakialaman yung hindi mo problema." sabi ko sa kanya tapos ngumiti ako. "Baka natatakot ka na ngayon?"
"TSK." Nag-charge siya ng malaking halaga ng hangin sa magkabilang kamay niya.
Pinatamaan niya ako ng parang mga buhawi na nag-aaway habang papasugod sa akin.
"Fire Coating..." Binalutan ko ng apoy ang aking espada. "Purgatory!" I swing my sword and the strong amount of 'Fire Slash' came out and hit the Tornadoes, mister brown hair made.
Ang lugar na kinalalagyan namin ngayon napuno ng alikabok at usok dahil sa sagupaan ng mga spells ng magic namin.
"Hindi masama." Natutuwa akong sinabi iyon.
Nawala ang usok at alikabok at nakita kong nakatayo pa rin siya ng normal. "You know what, I can spare your life if you will tell me kung saan nagtatago ang kapatid mo ngayon sa Uzbane City?" Suggest ko sa kanya.
"Hindi ko ipagkakalulo ang kapatid ko. Mamamatay muna ako bago mo siya lapitan." Mariin niyang sabi. Bigla siyang lumipad. "Makukuha ng kapatid ko ang Giftia sa nalalapit na hinaharap kahit ano man ang mangyari. Siya ang karapat-dapat na maging bagong Emperador ng Imperyong ito." Proud na sabi niya sa kapatid niya. Sigurado nga namang magiging proud ang mga kriminal sa isa't isa.
"Hindi ako interesado sa pangarap ng kapatid mo na maging Emperor. Ngunit, ang pagkuha ng Giftia para lang gumawa ng mas maraming krimen ay hindi ko hahayaang mangyari." seryoso kong sabi.
"Mamamatay kana!!" Muli siyang nagpakawala ng malakas na hangin patungo sa akin. Ito ay isang malaking hangin na may anyo ng isang serpent dragon. Akmang sasalakayin ako nito.
"Ikaw ang mamamatay...dahil ayaw mong sabihin sa akin kung nasaan ang kapatid mo, wala kang silbi na i-hostage pa." Binalutan ko muli ang aking espada nang napakaraming enerhiya gamit ang 'Energy Manipulation Magic' ko. "Havoc Cannon Slash."
Iwinawasis ko ang aking espada at mula rito ay kumawala ang napakalaking sinag ng enerhiya na sumugod sa hanging serpent dragon na gawa ni mister brown hair. Nagapi ng walang hirap nang atake ko ang serpent dragon niya at dumiretso ito sa kanya. Malaki at malakas na pagsabog ang nangyari sa himpapawid na nag-iwan nang walang bakas ni mister brown hair.
Para lang siyang hindi nag-e-exist in the first place. Umusok ang espada ko pagkatapos kong magpakawala ng malakas na pag-atake.
"Mukhang nawalan ka ng lakas, mahal kong espada. Magpahinga ka muna." Matapos kong sabihin iyon sa aking espada ay ibinalik ko ito sa loob ng kaluban nito.
Tumingin ako sa direksyon ng Uzbane City. Palubog na ang araw.
Shit. I wasted my time bothering to gain information on that useless mister brown hair hostage of mine.
Kailangan ko na ring magpahinga para maihanda ang sarile ko kay Celestial Mañokaw sa pagharap ko sa kanya. Sisiguraduhin kong tatapusin ko siya at siya ang kauna-unahang Top Executive noon sa World Conquerors Familia na mapapaslang ko.
Uupo na sana ako para magpahinga nang makita ko ang isang hukbo ng malamang 'Celestial Thieves Troupe' para kunin ang kanilang kasamahan na si mister brown hair na kakapatay ko lang. "Hindi pa pala ako makakapagpahinga..." Napabuntong hininga ako matapos magsalita.
"Ikaw din, Divine Blade." Nang magsalita ako sa aking espada ay malungkot kong hinugot ito mula sa kaluban ulit...
*****
Third-person Point Of View
5,000 miyembro ng Celestial Thieves Troupe sa pangunguna ni Ringgo ang pumunta sa lugar kung saan naroon si Shannon.
"Nasaan ang kapatid ng boss namin na kinidnap mo?" Tanong ni Ringgo kay Shannon nang makalapit.
Tinaasan siya ng kilay ni Shannon. "Nasa mundo nang mga patay na siya, of course nang masaya." sagot ni Shannon sa kanya.
"Sinong niloko mo. Stage 1 si Amano. Hindi siya basta basta matatalo." Hindi makapaniwala na sinabi ni Ringgo kay Shannon.
"Hindi ako Stage 1. Naging madali para sa akin na patayin siya." Muling iginiit ni Shannon na pinatay niya si Amano. "Patay na si mister brown hair na walang bakas ng bangkay niya. Binura ko siya gamit ang kapangyarihan ko." Maiging paliwanag ni Shannon kay Ringgo.
"Kung patay na si Amano. Hindi kami babalik sa hideout namin nang hindi dinadala ang ulo mo sa boss namin." Sumenyas si Ringgo sa 5,000 miyembro ng kanilang organisasyon na kanyang pinamumunuan. "Tapusin siya!" Utos niya sa mga ito.
Nagsigawan ang mga miyembro at sinugod si Shannon na nagbabago na ang ugali.
"Really? You're going to waste your life againts me." anunsyo ni Shannon.
Lumawak ang ngisi ni Shannon sa nakita. Lalong naging sukdulan ang kanyang bloodlust na naramdaman. Hindi siya matitigil sa nararamdaman niya kung hindi niya papatayin ang maraming kalaban na sumugod sa kanya. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya nakikita ang maraming dugong kumakalat sa paligid niya.
Nahihiwa ang bawat kalaban na makakalapit kay Shannon. Kung hindi sa ulo, sa tiyan ay nahihiwaan kaya agad silang namamatay.
"I'm going to enjoy killing you all!!" Sigaw ni Shannon sa mga kalaban na unti unti niyang inuubos ang bilang saka tumatawa ng nakakaloko.
Si Shannon Petrini na hindi hilig ngumiti lalo na ang tumawa ay narinig ng lahat ng mga kalaban niya ngayon na tumawa ng malakas, daig pa ang tawa ng isang nakakatakot na demonyo.
Sampung minuto ang inabot ni Shannon sa pag-paslang sa 5,000 na bilang ng Celestial Thieves Troupe. Tanging si Ringgo na lang ang natira at hindi siya makapaniwala sa nakita niyang nangyari sa kanyang mga kasama.
Namumula na ang espada ni Shannon dahil sa dami ng dugong bumalot dito mula sa 5,000 katao na napatay.
"Ikaw na ang susunod." Malapad na ngiting sabi ni Shannon kay Ringgo. Agad na sinugod siya nito.
Iwinasiwas niya ang kanyang espada kay Ringgo na tumalikod sa kanya at naglakad palayo.
(Siya ba ay Arcane Stage Rank?) tanong ni Ringgo na nagobserba kay Shannon.
Hinugot niya ang kanyang espada. Nang muling sumugod sa kanya si Shannon ay sinundan niya ito.
Tumama ang talim ng kanilang mga espada at pagkatapos ay ilang beses silang nagespadahan kung saan wala silang natamaan kundi ang talim espada ng isa't isa. Muling dumistansya ang dalawa sa isa't isa at pinag-aralan ang kanilang mga galaw na gagawin.
"Ikaw ba ay isang Arcane Stage?" Tanong ni Shannon kay Ringgo na nakakunot ang noo.
"Ikaw rin?" balik tanong ni Ringgo.
Binalutan ni Shannon ng apoy ang kanyang espada. Si Ringgo naman ay binalutan ng pulang enerhiya ang kanyang espada.
"Fire Coating. Blazing Blade!"
"Red Energy Manipulation, Laser Sword!"
Muling sumugod nina Shannon at Ringgo sa isat-isa at pinagtama ang kanilang mga espada.
Isang malakas na pagsabog ang sanhi ng pagkakasalubong ng mga ito. Napatalsik ang dalawa palayo ngunit agad din silang nakabawi ng kanilang mga balanse at sumugod muli sa pag-atake patungo sa isa't isa.
Naunang naiwasiwas ni Shannon ang kanyang espada kay Ringgo na umilag sabay wasiwas ng kanyang espada na hawak. Kumawala ang pulang energy slash mula rito patungo kay Shannon.
Muntik nang direktang matamaan sa mukha si Shannon, nadaplisan siya sa pisngi.
Lumayo siya ng kaunti kay Ringgo dahil dito. Hinawakan niya ang nadaplisan na mukha at dinilaan ang daliri para matikman ang sarileng dugo nito.
"Ang pait nitong dugo ko." reklamo ni Shannon.
Si Ringgo, na nasa malayo, ay nag-ipon ng malakas na puwersa ng kanyang Pulang Enerhiya na ibinalot sa kaniyang espada. Wala siyang balak sayangin na oras.
"Kailangan kitang tapusin dito bago ka makalapit kay boss." Pahayag ni Ringgo kay Shannon na nakangiti.
"Give me your best shot. My bloodlust won't stop until you're dead." sabi ni Shannon kay Ringgo.
"Kakaiba kang Magus." Reaksyon ni Ringgo kay Shannon.
"Patay ka." Sabi ni Shannon. "Monster Fire Blade." Biglang nagliyab ang espada ni Shannon. Isang bibig pa nga ang naghulma na gawa sa apoy sa dulo ng espada nito. Lumitaw din ang apat na hinulmang kamay at paa na apoy sa gilid ng espada.
Samantala, pinakawalan ni Ringgo ang naipon niyang puwersa ng pulang enerhiya dahil alam niyang hindi ito iiwasan ni Shannon.
Sinabayan ni Shannon ang pinakawalan ng malakas na puwersa ng red energy slash ni Rinngo.
"Blaze Monster Slash." Iwinasiwas ni Shannon ang kanyang espada at kumawala rito ang hinulma na apoy na halimaw.
Sa sabayan malakas na atake nila, nangyari ang malakas na malakas na pagsabog. Isang lindol ang nangyari malapit lang sa lugar. May malawak na malalim na hukay na dulot ng pagsabog. Kung saan nahulog si Shannon at Ringgo dito.
"Nakakamangha." Sabi ni Shannon, malapad pa rin ang ngisi nito.
"Halimaw ka. Mukha kang hindi nakalaban ni Amano kanina. Marami kang lakas na matitira." Nakaramdam nang pagod sa dami ng mana na nawala, sinabi ni Ringgo kay Shannon.
"Ang ginawa ko kay mister brown hair ay hindi isang labanan." Umuusok na ng husto ang espadang hawak ni Shannon kaya ibinalik niya ito sa kaluban.
"Anong ginagawa mo? Ipinapahiwatig mo ba na kaya mo akong pabagsakin nang hindi ginagamit ang iyong espada?" Naiinis na sabi ni Ringgo kay Shannon.
"I'm pretty much fighting using my bare fists and feet for the past 10 years. I haven't held my sword for such a long time, this is the first in 10 years." Katwiran ni Shannon kay Ringgo.
Nagnganga ang ngipin ni Ringgo. "Halimaw ka..." Nagpakawala siya ng ilang magkakasunod na Red Energy Slashes kay Shannon.
"Gravity Magic, Repel." Inactivate ni Shannon ang iba niyang magic. Ibinalik niya kay Ringgo ang inilabas niyang Energy Slashes.
Iniwasan sila ni Ringgo ngunit kalaunan ay tinamaan din siya ng mga slashes na hindi niya naiwasan at sumabog ang mga ito nang tumama. "Bakit ang dami mong magic?" Tanong niya kay Shannon habang pinipilit ang sarili na tumayo matapos bumagsak.
"Gravity Magic, Push." Gumamit si Shannon ng ibang spell ng Gravity Magic nito, kung ang paligid ay nilalagyan niya ng malakas na pwersa ng gravity. Sa malapit kay Ringgo, naging dahilan ito upang matumba ito at nanatili sa lupa ng nakadapa. Lumapit ito sa kanya. "To be precise, I have ten magic..." Idiniin ni Shannon kay Ringgo ang eksaktong bilang ng magic na mayroon siya.
"Imposible... How....." Hindi makapaniwalang sabi ni Ringgo na agad niyang naisip ang posibilidad na gifted si Shannon. "Ikaw si Mary Mchavoc?" Tinanong niya si Shannon tungkol sa tunay niyang pangalan.
"Yeah. I'm Mary Mchavoc who changed my name and got a lot stronger just to kill you all." Kinumpirma ni Shannon ang sinabi ni Ringgo. "My 38 years and counting of existence will protect the Giftia. Hindi ko hahayaang mapasainyo ito." Nadagdagan pa ni Shannon ang puwersa ng Gravity na nakapalibot kay Ringgo dahilan para sumabog ang ulo nito na para bang natamaan ng kung anong may sobrang bigat ng timbang na bagay ang puwersang nagtulak sa kanya sa lupa.
Napaupo si Shannon sa lupa at napabuntong hininga. "Great, makakapagpahinga na talaga ako for good." Nagagalak na sabi nito.
Natutuwa siyang makita ang dugo at bangkay mula sa kung saan-saan.
Inihiga ni Shannon ang kanyang katawan at tumingin sa dilim ng gabi dahil tuluyan ng lumubog ang araw.
Naalala niya bigla ang isang masakit na alaala ng kanyang nakaraan dahil sa kanyang kinanta.
*Mini Flashback*
Hinawakan ni Shannon sa kanyang mga braso sa likod nito ang lalaking nakahandusay sa lupa. Duguan at nagaagaw buhay.
"Xebec." Umiiyak na sambit ni Shannon sa pangalan ng lalaki.
"Mary..... patawarin mo ako kung iiwan kita dito sa magulong mundo." Sabihin natin kay Shannon.
"Xebec. Bakit ka sumugod dito mag-isa at walang paalam? I'm ready to help you dummy..."
"I love you and I don't want you to get hurt. I'm sorry kung naging selfish ako na sumugod mag-isa para masiguro ang kaligtasan mo...ive on, free the land Amira Everleigh fought for us to have..." Ngumiti ang lalaki kay Shannon ngunit pumikit din ito kalaunan.
Tumigil ito sa paggalaw at paghinga, tuluyan na itong nawala.
"Xebec!!" sigaw ni Shannon nang iwan siya ng lalaki.
*Pagtatapos ng Mini Flashback*
Umiiyak at sinubukan na kumanta ni Shannon.
Samantala, lingid sa kanyang kaalaman, isang sugatang miyembro ng Celestial Thieves Troupe ang nakaligtas at nagawang tumakas at bumalik sa Uzbane City upang iulat sa kanilang amo ang nangyari sa kanilang organisasyon
*****
Someone's Point Of View
"Ang paggawa ng ganitong hakbang ay hindi ka madadala kahit saan Don Celestial Mañokaw." Sabi ko sa hangin habang kami ay kasalukuyang naglalakbay kasama ang aking mga tauhan sa aming mga kabayo at karwahe.
Papunta na kami ngayon sa Uzbane City para kunin ang dapat naming kunin sa lugar na iyon. Sayang lang at hindi siya sumama sa aming lakad. Siya talaga ay isang tao na hindi gumagawa ng mga bagay na walang kinalaman sa kanyang misyon sa mundong ito.
Itutuloy.
*****
An; Hi. Gusto ko lang i-elaborate. Kapag ang energy manipulation lang ang sinabi ko ay standard, automatic White energy lang ang ginagamit. Kapag ang enerhiya na ginamit ay binibigyang diin ng kulay, halimbawa itim o pula. Ang kakayahan ay hindi lang tinatawag na Energy Manipulation. Ngunit Black Energy Manipulation Ability o Red Manipulation Ability.
Sa pakikipaglaban ni Shannon kay Ringgo, si Rinngo ay Red Energy Manipulator habang si Shannon ay Energy Manipulation, ang karaniwang kulay puti na karaniwan sa mundo ng kwentong ito.
If ever my typo error is Shannon's use of a different color of energy but Energy Manipulation is just the name of Ability, I'm sorry. Hindi ko sinasadya.
Ieedit ko din 'to one day. Nang malapit na akong matapos.
Iyon lang. Manatiling updated. Mwaps.