Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 18 - (Uzbane City Incident Arc) Chapter 17 - His Past

Chapter 18 - (Uzbane City Incident Arc) Chapter 17 - His Past

Third-person Point Of View

Sa bayan ng Alberca, na matatagpuan sa Resin Region, ang batang si Celestial Mañokaw ay nabuhay ng walang magulang na kinagisnan. Nabuhay siya bilang isang palaboy sa bayan, nanlilimos sa mga taong kaniyang makita. Kung hindi siya bigyan ng mga ito ay binubugbog siya nang matindi. Sa saklap ng buhay ng kaniyang kabataan, lumaki si Celestial Mañokaw ng mayroong pusong kasing tigas ng bakal ngunit may pagiisip na kasinglambot ng bulak.

Dose anyos lamang si Celestial Mañokaw noong unang beses itong makapatay, matapos saksakin ang isang lalaking sinubukang gawing taga-tulak ng droga si Celestial. Dahil isang Noble ang kaniyang napatay, tumakas si Celestial sa kaniyang bayan na sinilangan at nagtago sa kagubatan. Nagtago siya sa lugar na kung saan mga mababangis na hayop, mutant animals at mga halaman na may lason ang maaari niyang makaharap.

Subalit, sa kaniyang pagpasok sa kagubatan, kumampi ang pagkakataon kay Celestial. Tinuruan siya ng kagubatan kung paano mabuhay ng mag-isa, kung paano mabuhay ng walang perang kailangan.

Lumipas ang tatlong taon, bumalik si Celestial sa bayan ng Alberca. Sa panahon na ito, maswerteng ang binata na ang Noble Family ng napatay nitong lalaki ay nakulong na dahil sa kanilang ilegal na gawain. Sa kaniyang pagbalik, binalak ni Celestial na magbenta ng mga panggatong at dekalidad na mga kahoy na maaaring magamit bilang mga furnitures na kaniyang nakukuha sa kagubatan.

Dahil dito, hindi na nahirapan pa si Celestial na kumita ng pera. Nagkaroon siya ng sapat na Gilden upang buhayin ang sarile ng hindi nagugutom. Mas lalo pang umaliwalas ang buhay ng binata nang isang araw ay lumapit sa kaniyang munting tindahan ang dalaga na nais bumili ng panggatong.

"Maaari ba akong makabili ng tatlong pirasong panggatong sa halagang tatlong Gilden?" Tanong ng babae kay Celestial na nakatalikod sa babae, abala sa pagtatali ng mga panggatong.

"Hindi ako nagbebenta ng isa, dalawa o tatlo. Isang tali ng mga panggatong na may kabuuan na isang daang piraso ang binebenta ko. Anong trip mo-" Sa pagharap ni Celestial na nainis sa sinabi ng babae, nahulog ang loob nito rito.

"N-Naku bawal ba? P-Pasensya kana...akala ko kasi pwedi, ipagluluto ko lang sana ng lugaw ang lola ko... pasensya kana sa abala." Agad naman na humingi ng paumanhin ang babae kay Celestial.

Akmang aalis na ito nang tawagin ito ni Celestial. "Sandali lang, bibigyan kita ng limang piraso, huwag mo nang bayaran." Sabi nito na ikinatuwa ng babae.

"Talaga? Ang bait mo naman!!" Sigaw sa tuwa ng babae na matamis na ngumite kay Celestial.

Binigyan ni Celestial ng limang panggatong na kahoy ang babae. Masaya na umalis ang babae sa nakuha nitong kahoy.

Simula noon, laging umasa si Celestial na pupunta ang babae sa kaniyang tindahan, hindi naman siya nito binigo.

Laging bumibili ng panggatong kay Celestial ang babae. Kaya naman, naglakas loob na si Celestial na makipagkilala at makipag-kaibigan sa babae. Hindi siya nabigo, dahil naging matalik silang magkaibigan, na kalaunan ay nagmahalan.

Ilang buwan lamang ang lumipas, dinala ng babaeng si Carmencita si Celestial sa kanilang bahay upang ipakilala ito sa pamilya nito.

Dito nakilala ni Celestial si Nervoz Winter, isang adoptive brother ni Carmencita at si Alicia, ang lola naman ng dalaga.

Mainit naman ang pagtanggap ng pamilya ni Carmencita kay Celestial. Dahil dito, naging madalas ang pagdalaw ni Celestial sa bahay nila Carmencita, dahil na rin sa pagka-interesado ni Celestial sa Teknolohiya na siyang magic ni Nervoz.

*****

Isang araw, nag-usap sina Celestial at Nervoz habang nasa kwarto sila ni Nervoz na nag-aaral patungkol sa Teknolohiya gamit ang isang libro.

"Celestial, kailan mo balak pakasalan si Carmencita?" Tanong ni Nervoz na nagpa-kamot kay Celestial sa ulo nito.

"Gusto kong pakasalan si Carmencita kapag naging mayaman na ako. Ayokong bumuo ng pamilya kasama siya ng maghihirap lamang ang buhay namin. Simple lang ang trabaho na mayroon ako, Nervoz." Tugon nito Celestial.

"Edi gawin mong big-time."

"Paano?"

"Bumuo tayo ng Gang!! Sa ganoong paraan, ipapamalas lamang natin ang ating kapangyarihan at maraming matatakot sa atin. Madali lang sakupin ang Alberca, Celestial."

"Wala akong magic. Isa pa, ayokong gumawa ng krimen."

"May sakit si Carmencita, Celestial..." Sa sinabing ito ni Nervoz ay natigilan at napanganga si Celestial.

"Malubha ang sakit na mayroon si Carmencita. Kaya ko tinatanong kung kailan mo siya balak pakasalan, yun ay dahil gusto kong maging masaya siya hanggang sa mga huling sandali na mabubuhay siya dito sa mundong ito."

Bumagsak ang katawan ni Celestial sa sahig sa narinig. Napaluhod siya at nagsimula na umagos ang luha sa kaniyang mga mata.

"B-Bakit walang sinabi sa akin si Carmencita?"

"Ayaw kang mag-alala, malamang."

"Magagamot ba ang sakit na mayroon siya kung marami ang Gilden ko?"

"May posibilad, pero hindi parin sigurado na magagamot ang sakit na mayroon siya."

"Basta't mayroong posibilad, gagawin ko ang lahat para maipagamot ko si Carmencita. Nervoz, sinabi mong gumawa tayo ng gang, papayag ako. Bumuo tayo ng gang...magiipon ako ng maraming Gilden. Hindi ko hahayaan na mawala sa akin si Carmencita, hindi ko makakaya!!"

Sa sinabi na ito ni Celestial ay napangite si Nervoz. "Salamat sa pagmamahal na binigay mo sa kaniya."

"Si Carmencita ang kauna-unahang taong tumingin sa aking ng mata sa mata. Siya din ang unang tao na matamis na nginitian ang isang tulad ko. Tinanggap niya ako kahit ganito ang itsura na mayroon ako."

"Wala sa itsura ang pagmamahal, Celestial."

"Paano tayo magsisimula sa gang na sinasabi mo?"

"Sisimulan natin dito mismo..." Sinarado ni Nervoz ang binabasa nitong libro at kumuha ng kutsilyo sa drawer.

Lumapit siya kay Nervoz at sinugatan ito sa may pulsuhan, kalaunan ay sinugatan din niya ang kaniyang sarile.

"Simula sa araw na ito, tayo ay magkapatid na. Ang sanduguan na ito ang patunay ng ating matibay na samahan, Celestial." Anunsyo ni Nervoz kay Celestial na siyang ikinatango nito.

Bumuo ang dalawa ng kanilang gang, tinawag itong Nervoz Celestial Gang kung silang dalawa ang pinuno. Ang naging pangunahing target ng kanilang grupo na binuo ay ang pagnanakaw sa mga Noble na nasa bayan ng Alberca. Sa impluwensiya si Nervoz, napag-alaman na mayroong magic si Celestial, ito ay Lightning Magic.

Hindi napigilan ng mga Nobles ng Alberca ang paglaki at paglakas ng gang nina Celestial at Nervoz. Kaya dumating sa punto na ang dalawa na ang pinakamakapangyarihan at pinakamayaman na mamamayan ng bayan.

Sa pagiging gangster, natutong pumatay, manloko at magpahirap ng tao si Celestial Mañokaw. Naging sapat ang perang kailangan niya upang madala at maipagamot ang sakit ni Carmencita sa Imperial Hospital.

Subalit, lahat ng kaniyang ginawa ay nabalewala. Isang araw, sa kanilang pagpunta sa bahay ni Carmencita, natagpuan na lamang nila ito sa kusina na nakahandusay, marami itong isinuka na dugo at wala ng buhay.

"Carmencita!!" Sumigaw ng malakas si Celestial habang hawak sa kaniyang bisig ang pinakamamahal na wala ng buhay.

Maging si Nervoz ay hindi din napigilan ang sarile na umiyak. Sa pangyayari na ito, tuluyang nahulog sa kamay ng kadilaman si Celestial. Mas lalong naging delikado ang lagay ng Alberca dahil sa kaniya.

Nabubuhay na lamang si Celestial bilang mamamatay tao na walang ibang alam gawin kundi iyon lamang.

Ang miserable na buhay mayroon si Celestial ay hindi dito mapeperme. Pagkat isang araw, dumating sa bayan ang isang lalaki. Sa lakas na taglay nito, kahit na nagtulong sina Celestial at Nervoz ay walang kahirap-hirap sila nitong binugbog.

"Sayang ang potensyal na mayroon kayong dalawa. Bakit kayo naperme lamang dito sa bayang ito na walang kakwenta-kwenta?! Sumama kayo sa akin, bibigyan ko kayo ng mas nakakatuwang buhay...sasakupin natin ang buong emperyo!!" Ito ang anunsyo ng lalaking malakas na tumalo sa kanilang dalawa. "Ako si Novel! Ako ang pinaka-malakas na magus sa buong Vlade Empire!!" Nagpakilala ito sa kanila.

Wala nang magagawa ang dalawa para tumanggi sa alok ni Novel, kaya naman sumali sila sa grupo nito. Kalaunan ay pinangalanan itong 'World Conquerors Familia'.

"Kailangan ko ng mga malalakas na tao sa organisasyon ko, dahil plano kong hagilapin ang mga compass pieces at buuin ang Great Compass. Kapag nagawa ko iyon, mahahanap ko ang Giftia at makakakuha ako ng mas malakas pang kapangyarihan. Siyempre, kapag nahanap ko ang Giftia, maaari din kayong humiling dito ng anuman na kahilingan niyong tiyak na matutupad!!" Sa paliwanag na ito ni Novel sa dalawa ay nabuhayan ng loob si Celestial.

Sumama siya kay Novel para hanapin ang mga Compass Piece at mahanap ang Giftia, upang hilingin dito na buhayin muli si Carmencita.

Limang taon ang lumipas matapos sumali ng dalawa sa World Conquerors Familia, natagpuan ni Celestial ang isang sanggol na nakaligtas matapos niyang wasaking bayan na inutos sa kaniya na wasakin.

"This child..." Hindi maiwasan ni Celestial na mapangite sa kaniyang nakita. Kinarga niya ang bata at dinala pabalik sa kanilang lungga. "Mula sa araw na ito, ikaw si Amano. Gagawin kitang nakababata kong kapatid." Pinangalanan niya ang sanggol base sa apelyido na mayroon ang kaniyang pinakamamahal na si Carmencita.

Lumaki ang sanggol na si Amano, na kinikilala bilang nakakatandang kapatid nito si Celestial. Lumaki itong labis ang paghanga at katapatan kay Celestial.

"Kuya...kapag nahanap na anh Giftia at natupad ang kahilingan mo na mabuhay muli ang iyong pinakamamahal...maaari mo ba akong gawin bilang legal mong anak?"  Tanong ni Amano na siyang napangite kay Celestial.

"Oo naman, Amano...kaya huwag kang mamamatay."

"Opo. Mas lalakas na pa ako."

Itutuloy.