Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 20 - (Uzbane City Incident Arc) Chapter 19 - Showdown Starts

Chapter 20 - (Uzbane City Incident Arc) Chapter 19 - Showdown Starts

Arsah Mchavoc Point Of View

I wasn't able to locate that freak Don Celestial Mañokaw who's probably in possession of the compass piece located in this city.

Pero kahit na ganon, patuloy parin ako sa paghahanap kay Don Celestial Mañokaw.

I felt a sudden chill at the air kaya naman pinakiramdaman ko ang aking paligid. Mayroong malakas na mga aura ang naglalaban. Naka-sigurado akong si Don Celestial Mañokaw ang isa subalit hindi ko sigurado ang kalaban niya kung sino.

Hindi ito si ate Mary. (Who the heck is battling that beast Celestial Mañokaw?)

I immediately ran towards the direction where the auras are coming from but a man suddenly popped up in front of me.

Nagsasalubong ang mga kilay nito. "Found one Adventurer. TSK. Isang Stage 0 pa ang nakita ko." Asik nito. Isang tauhan ni Don Celestial Mañokaw.

"Haharang ka sa daan ko? Mamamatay ka." Madiin na sabi ko sa kaniya. "Hindi kana dapat nagpakita sa akin." Dagdag ko.

"My boss' order is absolute. We need to eliminate you Adventurers here in Uzbane." Sabi niya sa akin.

"Eliminate huh? You won't gonna be able to do that if all of your comrades are Stage 2 like you. My Team members are Stage 1 and they're close to ranking up to Stage 0." Pinatunog ko ang knuckle ko sa kanang kamao gamit ang kaliwang kamay ko.

"I know how big and far the difference of Stage 0 and Arcane Stage to the other Stages. I'll atleast hold you down till the lightning above strikes and electrify you to death." Mayabang na sabi niya sa akin. "I'm not going to be a subordinate of a Don for nothing."

Ngumise naman ako. "What's your name?" I asked.

"Del!" Pagpakilala niya sa akin. "You're going to die here, Arsah Mchavoc. You'll join your sister in afterlife---"

Nag-ipon ako ng malakas na pwersa ng hangin sa kanang kamay ko at mabilis na sumugod sa kaniya. Hindi siya natapos sa sinasabi niya dahil dinakma ko ang kaniyang mukha at malakas na pinukpok sa lupa. Kumawala ang malakas na hangin na naging buhawi sa ginawa ko.

Nang maglaho ang buhawi ay tumambad sa akin ang basag niyang ulo na dumudugo. Natanggal din ang mga ngipin niya. Nalagyan ng dugo ang kamay ko na ginamit.

"Idiot! My sister is still alive and will kick your boss' ass just so you wait." Sabi ko sa naghihingalo na Del na nagpakilala sa akin.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Don Celestial Mañokaw at ng kaniyang nilalabanan.

Ang kapal ng mukha mo Don Celestial Mañokaw na mag-activate ng ganitong spell para siguruhin ang kamatayan ng mga nandito sa Uzbane City.

*****

Aimer Point Of View

Sa lahat ng makakatagpo na kalaban, isang manyakis pa ang nakatagpo ko. Naka-brief lang ng kulay itim ang kalaban kong 'to.

"Alam mo, huwag mong sasayangin ang iyong buhay lalo pa't napaka-ganda mo pa naman miss." Sabi niya sa akin saka kumindat. Tarantado, nagpapacute.

"Gago. Malandi kang manyakis. Ang mga kagaya mong kriminal ay dapat dinadala sa mental hospital." Madiin na sabi ko.

"Anong sinabi mo?" Nainis siya sa sinabi ko. Napagitgit pa nga siya sa mga ngipin niya. "Hindi porket babae ka ay hindi na kita papatulan. Ang mga Adventurer na tulad mo ay kaagad namamatay dahil masyado kayong mapapel."

"Papel namin na sumunod sa utos ng nakatataas sa amin. Ang Guildmaster ang sisihin mo kung bakit nandito kami sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung ano ang misyon na ibinigay ng Guildmaster kay captain pero gagawin namin ang lahat para magawa ang misyon naming 'yon."

"Sayang kang babae." Umiling siya. "Ililibing kita pangako, pagkatapos kitang patayin." Mayabang na sabi niya.

Humugot ako ng palaso na nasa lalagyan na nakasabit sa likuran ko at ibinala sa pana ko. Inasinta ko siya at mabilis na pinana.

Tinadyakan niya ang lupa, dahilan para mataas siyang lumipad saglit at bumaba muli sa lupa sa ibang direksyon.

"My magic ability is 'Gun Shot Feet'. My kicks are stronger than normal gun!" Tumalon siya pasugod sa akin. "Pistol Kick!" Sumipa siya na ang asinta ay ang ulo ko nang makalapit siya sa akin.

Yumuko ako patalikod, habang nakayuko ay mabilis akong kumuha muli ng palaso at pumana sa kaniya. Mabilis niyang ginamit ang isa pa niyang paa para salagin ang palaso ko.

Dumistansya naman ako at muling kumuha ng palaso. At inasinta siya.

"Shotgun Feet!" Mas bumulis at bumigat ang kaniyang paa dahil nakita kong nabitak ang lupang pinanggalingan niya matapos niyang sumugod sa akin. Hindi ko nailagan ang kaniyang atake.

Nasipa niya ako sa tagiliran. Nabalibag ako at bumangga sa isang bahay.

Napasuka ako ng dugo sa lakas ng sipa na natanggap ko. Hindi ako agad nakatayo dahil namanhid ang buong katawan ko.

Nang makatayo na ako at lumabas sa bahay na pinagbanggan ko, nakita ko siyang nakatayo at malapad na nakangite.

Mayabang. Stage 2 kalang habang Stage 1 ako.

Napa-ubo pa ako saka naglakad ng kainti. "May ibubuga ka naman pala." Sabi ko sa kaniya. "Can I know your name?"

"I'm Mon. Are you interested with me now because you realized how strong I am?" Mahangin na sabi nito sa akin.

"Not really. I want you, Mon to remember my name in hell. I'm Aimer." Pinihit ko ang kanang kamay ko na siyang ginagamit kong panghila sa string ng pana ko. "I'm going to use my magic ability now, let's see if you can really prove your strength to me." Ngumite ako matapos kong mag-salita.

Nagtaka naman ang mukha niya. "Hahahaha." He was speechless then he just decided to attack me again. "Machine Gun Feet!" Tumalon siya ng mataas sa ere at walang tigil na sumisipa habang pababa siya sa aking kinaroroonan.

Hinila ko ang string ng pana ko na naka-asinta sa kaniyang direksyon kahit na wala itong palaso na bala. "Elemental Arrow, Fire." Inactivate ko ang isang spell ng magic ko at may lumabas na balang palaso na gawa sa apoy sa pana ko. Pinatama ko ito sa kaniya. Mabilis akong nag-activate ng panibagong arrow na apoy at pinatama ito sa kaniya. Marami akong ginawa at pinatama na arrow sa kaniya.

Sa kaniyang pagbaba sa lupa, umalis ako sa kinaroroonan ko. Nasunog ang kaniyang buong katawan. Hindi siya nakitaan ng pangamba. Nagpa-ikot-ikot siya, sinubukan niyang apulahin ang apoy na tumutupok sa kaniya.

"Hardened Lightning Arrow." Nag-activate ako ng ibang spell ng magic ko. Gumawa ako ng pinatigas na lightning arrow at pinana siya. Sumaktong sapol sa dibdib niya ang palaso ko at malakas na boltahe ng kidlat ang kumuryente at mas lalong nagpalakas ng apoy na tumupok sa katawan niya.

Sa pag-bagsak niya sa lupa ay maintim pa sa itim ang naging kulay  ng walang buhay na kaniyang katawan.

*****

Matapos kong talunin ang brief bastard na 'yun, lumakad ako para hanapin ang lungga ng Celestial Thieves Troupe dito sa bayan na 'to.

Hindi ko inaasahan na makakasalubong ko ang mga teammates ko na sina Mane at Marco.

"Great, pareho ang direksyon na tinahak natin this time." Sabi ni Marco.

"Mabuti at nagkasalubong tayong tatlo." Sabi naman ni Mane.

"Bakit? Alam niyo na ba kung nasaan ang lungga ng Celestial Thieves Troupe?" Tanong ko sa kanila. Mane shrugged.

"Nakita ko si Don Celestial Mañokaw kanina, kinalaban siya ng isang babae. Sa tingin ko nga hanggang ngayon, naglalaban parin silang dalawa." Ulat naman ni Marco sa amin.

"Siguro kaba diyan Marco?" Tanong kong naninigurado kay Marco na tumango sa akin.

"Damn. Then lead us the way." Sabi naman kay Marco ni Mane.

Tinungo naming tatlo ang sinabi ni Marco na lugar kung saan niya nakita si Don Celestial Mañokaw.

*****

Third Person Point Of View

"Thunder Thor Hammering!" Malakas na sigaw ng babaeng nagpakilala kay Don Celestial Mañokaw na Nadare Setsuna Sette. Hinampas niya si Don Celestial ng club nitong balot ng malakas na pwersa ng kidlat sa ulo.

Napa-atras si Don Celestial Mañokaw sa kaniyang natamo na atake. Iniling niya ang ulo niya upang matanggal ang kaniyang pagkahilo na naramdaman.

"Magaling. You're proving to me that you're really Mori Sette's child." Natutuwa na sabi ni Don Celestial kay Nadare Setsuna.

"Tsk. You monster. Even after all the damages I gave you, it's like nothing to you." Angal ni Nadare Setsuna kay Don Celestial.

"Hindi ako tatawagin na Don kung matatalo mo ako ng ganon kadali." Katwiran ni Don Celestial kay Nadare Setsuna na nagsalubong ang kilay sa narinig.

"Huwag kang mayabang!" Muling sumugod si Nadare Setsuna kay Don Celestial.

Hinampas ni Nadare Setsuna ang kaniyang hawak na club kay Don Celestial. Sumabay naman si Don Celestial, gamit ang kaniyang espada na kaniyang winasiwas.

Nagsabayan sila ng kanilang mga sandatang balot ng kidlat. Matapos ang ilang saglit na sabayan ng atake ay napa-balibag sila palayo isat-isa nang nanatiling nakatayo.

"Don Celestial Mañokaw! You're going to be the first Don that I will kill!" Anunsyo ni Nadare Setsuna kay Don Celestial Mañokaw na tumawa sa babae.

"Kanina mo pa sinasabi 'yan? Paraan mo ba yan ng pagpapalakas sa loob mo? Isa pa, hindi ba dapat ay ang ama mo muna ang inuna mo. Malakas ka nga, pero hindi pa 'yan sapat para matalo at mapatay mo ako!" Paliwanag ni Don Celestial kay Nadare Setsuna.

"Hah? Don't underestimate me." Nanlamig na tonong sabi ni Nadare Setsuna kay Don Celestial. Bumulosok ang aura at kidlat nitong nakabalot sa club niyang hawak. Unti-unting lumaki ang kidlat at may parang halimaw na hugis ang sumasayaw sa club nito. "Eat this you hubris man." Mabilis na sumugod si Nadare Setsuna kay Don Celestial. "Zeus Smash!" Inactivate ni Nadare Setsuna Sette ang isa sa mga spell ng kaniyang magic.

Nagtungo siya sa likuran ni Don Celestial at hinampas ito. Malakas na pwersa ng kidlat na kumakawala at humulmang isang may sungay na halimaw ang kumuryente sa Don.

Napasuka ng dugo si Don Celestial Mañokaw sa natanggap niyang atake at nabalibag at bumangga sa mga kabahayan.

Napaluhod naman si Nadare Setsuna matapos ang kaniyang ginawa. Maraming magic energy na ang nawala sa kaniya matapos ang malalakas na atake nitong pinakawalan kay Don Celestial Mañokaw. "If that didn't hurt him that much, I still have a lot of work to do like he said, for me to match up and defeat a Don." Sabi ni Nadare Setsuna sa kaniyang sarile.

Tumayo si Nadare Setsuna agad nang makita niyang naka-recover na agad si Don Celestial Mañokaw sa atake niyang ginawa dito at lumapit na ito pabalik sa kaniya na may malapad na ngise sabay pahid sa dugo na tumulo mula sa kaniyang bibig at damit pang-itaas na tuluyan ng napunit.

"I remember the days when I was still challenging my older brother in fights." Ani Don Celestial Mañokaw kay Nadare Setsuna na nabalot ng pagtataka.

"You're spouting things I don't know and I don't care about."

To be continued.