Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 21 - (Uzbane City Incident Arc) Chapter 20 - Team Arsah Versus Don Celestial Mañokaw

Chapter 21 - (Uzbane City Incident Arc) Chapter 20 - Team Arsah Versus Don Celestial Mañokaw

Third Person Point Of View

"You freak!" Sigaw ni Nadare Setsuna matapos siyang madaig ng atake na ginawa ni Don Celestial sa kaniya. Napa-atras at natumba siya sa lupa.

Tumalon agad pasugod sa kaniya si Don Celestial Mañokaw na nag-anyong isang Goblin. Naging berde ang kulay ng balat nito. Binalutan ng transparent na enerhiya ang kaniyang espada at akmang hihiwain si Nadare Setsuna sa kaniyang paglapit dito nang makatayo si Nadare at hinagis na parang isang javelin ang kaniyang club na hawak.

"Dragon Roar!" Inactivate ni Nadare Setsuna Sette ang isa sa mga spell ng magic niya. Nahulmang isang serpent dragon na gawa sa kidlat ang kidlat na nakabalot sa club na sumugod at sumabay sa pag-wasiwas ni Don Celestial Mañokaw sa kaniyang espada.

Nagkaroon ng malakas na pag-sabog. Maraming gusali ang tuluyan na nawasak sa lugar.

Yumanig ang lupa sa paligid ng pinangyarihan ng pagsabog.

Dumistansya si Nadare Setsuna at hinanda ang kaniyang sarile sa pag-atake ni Don Celestial Mañokaw sa kaniya.

Patuloy sa pagdugo ang noo ni Nadare at kaniyang tiyan na siyang mga pinsalang natamo niya kay Don Celestial Mañokaw. Kumikirot din ang mga 'to kaya napahawak siya sa kaniyang noo at tiyan.

Naglaho ang usok at tumambad kay Nadare Setsuna ang nakangite na si Don Celestial Mañokaw. Gaya niya ay may sugat din ito sa ulo nito at ilang pasa sa katawan nito. Bumalik sa pagiging normal ang katawan ni Don Celestial Mañokaw.

(What a troublesome guy. To think that he have a second magic because he's a Monster Blood Drinker.)

Hawak ni Don Celestial Mañokaw ang club ni Nadare Setsuna sa isa niyang kamay, kalaunan ay hinagis niya ito pabalik kay Nadare Setsuna.

Hindi nasalo ni Nadare ang kaniyang club dahil bumagsak ito isang metro ang layo sa kaniyang harapan.

"You said you want to kill your father right? I can help you with that." Sabi ni Don Celestial Mañokaw kay Nadare Setsuna na ikinatalim ng tingin nito. "Join forces with me. I'll help you get stronger."

"Hah? I don't want to be anyone's lackey!" Madiin na pag-tanggi naman ni Nadare Setsuna. "Patayin mo man ako, hindi ko ipagbibili ang sarile ko sa mga Don na kinamumuhian ko." Dagdag ni Nadare.

"Ganon ba? Sayang naman." Nanghinayang na sabi ni Don Celestial Mañokaw. "Kung ganon, papatayin na lang kita bago kapa tuluyang pakinabangan ng ama mo sa potensyal na mayroon ka."

Muling sumugod si Don Celestial kay Nadare Setsuna. Subalit hindi siya nakalapit sa babae dahil sa biglaang pag-sulpot ng dalawang lalaki na umatake sa kaniya. Tinamaan sa dibdib si Don Celestial Mañokaw at tumilapon. Muli siyang bumangga sa maraming kabahayan.

Sa kaniyang pag-bangon at pagbalik sa lugar kung saan sila naglalaban ni Nadare, hindi na nakita ni Don Celestial Mañokaw ang pigura ng babae.

"She escaped.....damn woman." Inis na sabi ni Don Celestial Mañokaw sa hangin.

*****

Matapos atakihin ng dalawang lalaki si Don Celestial ay pwersahan nilang pinasama sa kanila si Nadare Setsuna paalis sa lugar.

Sila ay mga kasamahan ni Nadare Setsuna, mga tauhan ng kaniyang ama na si Don Mori Sette na may misyon sa Uzbane City para kunin ang compass piece.

Tuluyan din kasing nanghina ang katawan ni Nadare kaya kinarga siya ng isa sa dalawang lalaki.

Sa sobrang panghihina kasi ni Nadare ay tuluyang nawalan ng bisa ang kaniyang pag-aanyong ogre at bumalik sa pagiging normal na tao.

"Nadare. You dared to meddle with our mission." Anang lalaking kumakarga kay Nadare.

"Thanks to you the mission was cancelled." Anang isa pang lalaki.

"We need to get out of this city now. I heard that Don Nova Chrono is going into this city with her minions. Don Celestial Mañokaw's army force is fucking weak and are all defeated outside of this city by an unknown magus. Don Nova Chrono will surely kill Don Celestial!"

"Put me down. I'm going to kill Don Celestial Mañokaw!" Nanghihina na sabi naman ni Nadare subalit hindi siya pinakinggan ng lalaking kumakarga sa kaniya.

*****

Sa dako ni Don Celestial Mañokaw, napatawa ito ng malakas nang makita ang pag-dating ng Team Arsah sa kaniyang kinaroroonan.

"Come on. I won't have a break after a fierce battle against that woman?" Tanong ni Don Celestial Mañokaw sa hangin.

"Who's that woman you're talking about?" Tanong naman agad ni Arsah kay Don Celestial Mañokaw.

"A strong woman named Nadare Setsuna." Tugon ni Don Celestial Mañokaw. "So, instead of running away, you came here to fight me? You really think you can win against me? Three Stage 1 and a Stage 0?"

"You're pretty much damaged." Ani Marco kay Don Celestial.

"We're not going to die without a fight lol." Angal naman ni Mane.

"I'll fire my arrows as long as I can you fucktard." Sigaw naman na nakaasinta ang pana at palaso kay Don Celestial Mañokaw.

(Don't worry Don Celestial Mañokaw. Nandito kami para bigyan ng pagkakataon si ate Mary na makapag-pahinga. Mukhang hinarap niya ang buong pwersa ng mga tauhan mo dahil isang tauhan mo lang ang naka-salubong ko kanina." Sabi naman ni Arsah sa kaniyang sarile.

"Wala kayong pag-asa laban sa akin." Mapagmaliit na sabi ni Don Celestial Mañokaw sa Team Arsah.

"On special missions like this, we Adventurers who takes the mission are being given a special pill that can help us for the success of the mission. You'll witness out trump card, Don Celestial Mañokaw." Paliwanag naman ni Arsah sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang mga team members at lahat sila ay nagtanguan.

Kumuha sila ng mga pills na nakatago sa kanilang mga bulsa.

"What are those pills?" Takang tanong ni Don Celestial Mañokaw habang nakakunot noo.

"Temporary Power Up Pills." Tugon ni Arsan. Sinubo nilang apat ang pills na hawak nila at nilunok. "It will increase our Stage by one Stage for 20 minutes." Anunsyo ni Arsah kay Don Celestial Mañokaw. (And that 20 minutes is enough to damage you more and give my sister time to rest.) Pahabol na sabi ni Arsah sa kaniyang sarile.

Sumugod sila kay Don Celestial Mañokaw.

*****

"Infinity Shot!" Pumana ng walang tigil si Aimer kay Don Celestial Mañokaw. Nagkaroon ng malawakang pagsabog sa lugar.

Nang matapos ang pag-pana ni Aimer ay sumugod sina Marco at Mane.

Gamit ang hawak na dalawang club na sandata ay hinampas ni Marco sa dibdib nito si Don Celestial Mañokaw. Tumilapon si Don Celestial Mañokaw na agad sinundan ng malakas na Energy Slash ni Mane.

"Mchavoc Twister!" Nagpakawala naman ng malakas na buhawi si Arsah sa kinaroroonan ni Don Celestial Mañokaw. "Death Scythes!" Gumawa din siya agad ng mga wind Scythes na pinasugod nang naglaho ang buhawi.

Matapos ang ataking natanggap ay bumalik din agad palapit sa apat si Don Celestial Mañokaw at nagpakawala nang malakas na boltahe ng kidlat.

Ginamit ni Marco ang kaniyang magic at nagkaroon silang apat ng Anti-Lightning armor. Muli nilang inatake si Don Celestial Mañokaw.

Nagpa-ikot-ikot si Arsah sa ere at nabalutan ng hangin ang kaniyang katawan. "Windy Blade!" Hineadbutt niya ang kaniyang ulo sa sikmura ni Don Celestial Mañokaw na winasiwas naman ang espada upang hiwain si Arsah subalit sinalag ito ni Mane gamit ang kaniyang espada.

Tumalon naman nang mataas si Marco at hinampas sa ulo nito si Don Celestial Mañokaw.

*****

Star Voided Point Of View

Talking about having a lucky break. Sa pagbukas ko sa isang gusali ay nakita ko ang napakaraming mga items na ninakaw mula sa auction building. Napunta ako sa hideout ng Celestial Thieves Troupe dito sa Uzbane City.

Nagdo-door to door kasi ako bakasaling mayroong dalubhasang manggagamot na nakatira sa bawat gusali na napuntahan ko. Luckily I ended up here in the enemy's hideout.

Nakalimutan ko kasing hindi lahat ng gusali sa Uzbane City ay mayroong nakatira at talagang sira-sira ang mga ito para disenteng matirhan.

Hinalughog ko ang mga item, nag-hanap kung may healing potion na nasama sa mga ninakaw. Talagang swerte dahil may isa akong nakita na agad kong ininom at nagamot ang nakuryente kong katawan nang dalawang beses matapos hawakan ang lighting wall na nakapalibot sa bayan.

"There are high powered weapons in here." Sabi ko.

Hinawakan ko ang isang lightning staff na kulay gold at may button sa may hawakan nito. Sunod ay hinawakan ko ang isang granada na high powered din. Hindi lang ito isa 'kundi walo ang mga ito. "Saan kaya nakuha ng mga taga Auction ang mga items na 'to?" Tanong ko.

Kinuha ko ang isang bag at pinasok doon ang mga granada. Magagamit ko ang mga ito. Sinukbit ko sa harapan ko ang bag. Naka-kita ako ng isang club na, nang hawakan ko ito ay sobrang bigat nito kaya hinila ko lang ito at lumabas na sa gusali.

Ginamit ko ang isa sa mga granada at pinasabog ang buong gusali, kasama ang ibang mga auction items na iniwan ko sa loob.

Mukhang ganito kalakas ang mga granada dahil tinupok ng apoy na dulot nito ang mga items.

Ilang metro pa lang ang nalalakad ko ay inatake na ako ng isang lalaki na binalutan ng barrier ang kamao at sumuntok sa akin. Naka-ilag nga lang ako sa kaniya.

"What have you fucking done with the items inside that building!?" Galit na tanong niya.

Nagtaas ako ng kilay at, "Mas mabuting walang makinabang sa mga items na 'yon." tugon ko. "Sino kaba? High ranking subordinate din ni Don Celestial Mañokaw?"

"Sario ang pangalan ko. Walang hiya ka, magbabayad ka sa ginawa mo sa mga items namin." Muli niyang binalutan ng barrier ang kaniyang kamao at sumugod sa akin.

"Item niyo?" Nagtatanong na sabi ko. Nag-anyong elf ako at nag-activate ng lightning ability ko sa aking mga paa at umilag.

Nagtungo ako sa gilid ng lalaking 'to at pinilit kong ma-angat ang mabigat na club at hinampas ito sa kaniya. Sapul siya sa kaniyang ulo at lumipad, bumangga sa isang gusali. Dumagan pa sa kaniya ang mga debris na nahulog.

To be continued.