Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 23 - (Uzbane City Incident Arc End) Chapter 22 - Shannon Petrini Versus Don Celestial Mañokaw

Chapter 23 - (Uzbane City Incident Arc End) Chapter 22 - Shannon Petrini Versus Don Celestial Mañokaw

Don Nova Chrono Point Of View

"Milady, we're arriving at Uzbane City in an hour." Anunsyo sa akin ng kanang kamay ko. I smiled then hinawi ang kurtina sa bintana ng karwahe na sinasakyan ko. I look at the direction where Uzbane City is located. It is covered by a lightning wall, not doubt that it was Don Celestial's doing.

I felt a sudden chill in the air. Aura's who are clashing in the Uzbane City are insane. I signaled my right hand man to stop our journey to Uzbane.

"Right now, Celestial Mañokaw is fighting for the best final fight of his life. We shouldn't interfere until it's over." Sabi ko.

"Ganon po ba Milady?" Tanong ng kanang kamay ko na siyang ikina-tango ko.

"Sabihan mo ang iba." Utos ko na siyang agad sinunod ng kanang kamay ko na lumabas sa parehong karwahe na sinasakyan namin.

Muli naman akong tumingin sa direksyon ng Uzbane City at pinakiramdam ang mga aura na naglalaban.

"Is that you, Mary Mchavoc?" Sabi ko sa hangin. Hindi ko mapigilan ang ngumite ng sobrang lapad. "Celestial Mañokaw, your death really is inevitable."

Kalaunan ay napatingin ako sa aking palad na mayroong itim na guhit, na isang marka.

*****

Third Person Point Of View

Matapos ang sabayan ng mga espada na parehong binalutan ng Inflicter magic ay dumistansya ang dalawa sa isat-isa.

Ang Inflicter magic ay isang magic na hindi lahat ay kayang gamitin noong sinaunang panahon. Kaya ng Inflicter na gumawa ng mga shockwave na kayang hiwain ang mga bagay-bagay, lalo na ang mismong kaluluwa ng isang nilalang.

"Hindi ko maintindihan. Gumamit ka ng apoy kanina, bakit ngayon ay nakagamit ka ng Inflicter Ability? Hindi naman nagbago ang anyo mo? Katulad ka rin ba niya? Ni Nova Chrono?" Nagtatakang pagkausap ni Don Celestial Mañokaw kay Shannon na nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kaniya.

"Gravity Ability, Gravitational Thrust!" Binalutan ni Shannon ng gravity ang kaniyang espada at sumugod kay Don Celestial Mañokaw. Wala itong balak na sagutin ang sinabi ng Don sa kaniya.

Sinaksak ni Shannon ang espada niya na siyang sinalag ni Don Celestial Mañokaw gamit ang kaniyang espada. Nagulat si Don Celestial Mañokaw nang bigla siyang tumilapon.

"She altered the gravity of my body just by touching my sword?" Takang sabi ni Don Celestial Mañokaw sa nangyari sa kaniya.

Binawi niya agad ang kaniyang balanse at nagpakawala ng malakas na boltahe ng kidlat na humulmang mga dragon. "Bolt Dragons!"

Sumugod ang mga lightning dragon sa direksyon ni Shannon.

"Dimensional Slash Ability." Hiniwa ni Shannon ang mga lightning dragon ng makalapit na ito sa kaniya at naglaho ang mga ito. "Havoc Cannon!" Binalutan agad ni Shannon ng Energy Manipulation ang kaniyang espada at nagpakawala ng malakas na slash sa direksyon ni Don Celestial Mañokaw.

Sa lakas ng pwersa ng atake ni Shannon ay napilitan si Don Celestial Mañokaw na kumuha ng ilang bolang kidlat sa itaas ng Uzbane City at sinabayan ang atake ni Shannon.

Nagkaroon nang malakas na pag-sabog sa lugar kung saan mas lumalim ang hukay na kinaroroonan nila.

Yumanig ang buong Uzbane City sa sabayan ng atake nina Shannon at Don Celestial Mañokaw.

Hindi makapaniwala si Don Celestial Mañokaw sa mga kapangyarihan na ginamit ni Shannon sa kaniya.

(What the hell is going on with that woman? First fire, then Inflicter, then Gravity, then cutting through space and now Energy Manipulation.) Sabi ni Don Celestial Mañokaw sa kaniyang sarile.

Tumalon nang mataas si Don Celestial Mañokaw. Gamit ang kaniyang lightning ability ay gumawa siya ng pinatigas na mga kidlat na kaniyang tinatapakan upang magmukhang siya'y lumilipad sa ere. Nawawala din agad ang mga ito kapag tapos na niyang matapakan.

Pinakiramdaman niya ang aura ni Shannon at naramdaman niyang nagre-recharge muli ito ng enerhiya sa kaniyang espada. Sinugod siya ni Don Celestial Mañokaw.

Pinagsama ni Don Celestial Mañokaw ang kaniyang kidlat at Inflicter Ability na ibinalot sa kaniyang espada.

"Tapos ka." Nagpakita si Don Celestial Mañokaw sa likuran ni Shannon at nahiwa niya ito sa likuran nito at tumilapon.

Agad itong sinundan ni Don Celestial at akmang hihiwain muli si Shannon ngunit pinakawalan na ni Shannon ang energy na inipon nito sa kaniyang espada kaya naman sinangga ito ni Don Celestial Mañokaw at pwersahan na pinabanda sa itaas at doon ito sumabog.

Si Shannon naman ay nagpagulong-gulong sa matigas na lupa at bumangga sa isang tipak ng bato at dito tumigil.

"It hurts damn it. So this is the power of a Don? The former Top Executives of World Conquerors Familia?" Dahan-dahan na tumayo si Shannon. (Nahilo ako ng husto sa tama ng espada niya sa likuran ko. Inflicter Ability can damage directly the soul after all.) Sabi niya sa kaniyang sarile.

Sinipat ni Shannon kung nasaan si Don Celestial. Nagulat siya nang bigla na naman itong sumulpot, sa pagkakataon na ito ay sa kaniyang tagiliran. Winasiwas nito ang kaniyang espada, subalit umilag si Shannon at nagpakawala ng Energy Slash na sinalag ni Don Celestial.

Sabay sa pagsalag sa atake ni Shannon ni Don Celestial Mañokaw ay sumugod si Shannon sa kaniya at sinipa sa ulo nito si Don Celestial. Napa-atras si Don Celestial, subalit hindi pa doon nagtatapos si Shannon dahil sunod-sunod na mga suntok pa ang pinakawalan nito na hinagis sandali sa ere ang kaniyang espada.

Tumilapon si Don Celestial.

Sinalo ni Shannon ang espada niyang hinagis at binalutan ito ng Energy Manipulation at Fire Magic. "Magic Combo, Blazing Energy Slash!" Nagpakawala siya ng slash ng naghalong apoy at enerhiya sa kinaroroonan ni Don Celestial Mañokaw.

Inilagan ni Don Celestial Mañokaw ang atake ni Shannon sa kaniya sa pamamagitan ng paggawa ng pinatigas na mga kidlat at tinapakan niya ang mga ito upang mapunta sa mataas na himpapawid.

Nagkaroon ng pagsabog sa ginawa na atake ni Shannon.

Napasingkit sa mga mata si Shannon sa nakita niyang ginawang mabilis na pag-ilag ni Don Celestial Mañokaw sa kaniyang atake.

"Flaming Hydra!" Gumawa ng mga ulo ng hydrang gawa sa apoy si Shannon at pinasugod ang mga ito kay Don Celestial Mañokaw na siyang nagpalipat-lipat ng posisyon nito sa ere.

Kapag nagkakaroon ng pagkakataon ay hinihiwa ni Don Celestial Mañokaw ang mga Hydra ni Shannon habang nakabalot ng Inflicter magic ang espada nito.

"Fucktard. He can move so fast despite his height and weight." Inis na sabi ni Shannon habang pinapanood si Don Celestial Mañokaw na nagpapatintero sa ere.

"Then try this out." Itinusok saglit ni Shannon sa lupa ang kaniyang espada at inilahad sa gilid ang kaniyang mga kamay at, "Gravity Ability, Crustal Levitation." Yumanig ang lupa sa paligid ni Shannon na kalaunan ay lumutang sa ere ang hindi mabilang na tipak ng lupa. Binato niya ang lahat ng mga ito kay Don Celestial Mañokaw.

Dahil hindi maiilagan ni Don Celestial Mañokaw ang lahat ng tipak ng lupa ni Shannon na binato ay muling kumuha ng mga bola ng kidlat sa ibabaw ng Uzbane City si Don Celestial Mañokaw at pinatamaan ang tipak ng lupa.

Nagkaroon ng pagsabog at napuno ng alikabok sa ere. Sinamantala ni Shannon ang pagkakataon at gumawa ng pakpak na gawa sa apoy, lumipad at inatake niya si Don Celestial Mañokaw.

Mabilis na parang rocket na sumugod si Shannon kay Don Celestial Mañokaw.

Binalutan ni Shannon ng Inflicter, Apoy at Energy Manipulation ang kaniyang espada at winasiwas kay Don Celestial Mañokaw na ang punterya ay ang leeg nito subalit naipangsangga pa ni Don Celestial Mañokaw ang kaniyang espada, subalit nadala ng malakas na pwersa nang sumabog na pag-wasiwas sa espada na ginawa ni Shannon.

Bumangga si Don Celestial Mañokaw sa kaniyang lightning wall na ginawa at siyang nagpatigil sa kaniyang paglipad.

Nagtamo siya ng matinding pagkapaso sa katawan sa tindi ng ginawa ni Shannon na pag-combine ng tatlong Abilities nito.

(Ang babaeng 'yon. Paanong hindi namin nalaman na mga Don na bukod kay Mary Mchavoc ay may katulad pa niyang banta sa amin?) Inis na tanong ni Don Celestial Mañokaw sa kaniyang sarile.

Hindi niya lubos maisip na ang isang teenager na gaya ni Shannon ay ganoon kalakas higit pa sa inaasahan niya. Gamit ang kaniyang lightning wall, bilang suporta ay tumalon ng malakas pabalik sa kinaroroonan ni Shannon si Don Celestial Mañokaw.

Bumagsak si Don Celestial Mañokaw sampung metro ang layo kay Shannon sa malawak at malalim na hukay na ginawa ng kanilang pagsasabayan ng atake kani-kanina lang.

"Malakas ka. Hindi ako makapaniwala na ang batang tulad mo ay ganito kadelikado ang kakayahan." Sabi ni Don Celestial Mañokaw.

"Para malaman mo. Hindi ako isang bata. Hindi tayo nagkatagpo ng landas sampung taon na ang nakalipas subalit ngayon, masasabi kong mabuti na lang na hindi kita nakita sampung taon na ang nakakaraan. Dahil ngayon lang naging sapat ang kakayahan ko, para paslangin ka, Don Celestial Mañokaw!" Madiin at pasigaw na sabi ni Shannon kay Don Celestial.

"Hindi mo ako mata-talo. Wala ka ng oras, ilang minuto na lang ay maaactivate na ang kidlat na kukuryento sayo hanggang sa kamatayan mo."

"Hindi 'yun mangyayari." Muling sumugod si Shannon. "Triple Combo, Fire, Energy, Inflicter Sword Coat." Binalutan niya muli ng tatlong magic ang kaniyang espada.

Binalutan din ni Don Celestial Mañokaw ang kaniyang espada ng Inflicter at Lightning magic nito.

Muling nagsabayan ng pag-wasiwas sa kanilang mga espada ang dalawa. Matapos ang saglit na sabayan, ay kaliwa, kanan na espadahan naman at salitan na pagsaksak na sinasalag nila ang kanilang ginawa.

Pantay lang ang dalawa sa kanilang ginagawa at walang nadadaig.

Dumistansya muli sila sa isat-isa matapos ang ilang minutong espadahan.

"I never felt this amazing for a while." Anunsyo ni Don Celestial kay Shannon.

"Mabuti kung ganon. Dahil mamamatay kana dito ngayon." Giit ni Shannon.

Hinanda ni Shannon muli ang kaniyang espada. Nanlaki ang kaniyang mga ugat at nanlitaw sa kamay niyang pinanghahawak sa kaniyang espada.

"Full concentration." Sambit ni Shannon na ipinikit ang kaniyang mga mata.

(It's time to end this. I felt Nova's aura. I'll be in a big trouble if I will not have time to rest myself.) Anunsyo ni Don Celestial Mañokaw sa kaniyang sarile.

"Zeus Trident." Nagbago ang anyo ng kaniyang espada nang balutan niya ito ng kaniyang malakas na pwersa ng kidlat kung saan ang lightning wall na nakabalot at ang mga natitirang bola ng kidlat sa itaas ng Uzbane City ay naglaho. Naging isang higanteng trident na kidlat ang hawak na sandata nito. "Walang matitira sayo kapag tinamaan ka nito." Hinagis ito ni Don Celestial Mañokaw kay Shannon.

Sa Pag-dilat ng mga mata ni Shannon ay nag-iba ang kulay ng kaniyang espada. "Sacred Treasure True Form Release, Blade of Despair." Nagbago ang kulay ng talim ng espada ni Shannon. Naging isa itong kulay dark-green na talim.

Paglapit ng trident sa kaniya ay hiniwa ito ni Shannon subalit hindi ito naglaho bagkos sumabog dahil malakas na pwersa ito ng kidlat. Nakuryente si Shannon na siyang sobrang ikinatuwa ni Don Celestial Mañokaw.

Lingid sa kaalaman ni Don Celestial Mañokaw ay binibigyan ng Blade of Despair ng kakayahang tiisin ang anumang sakit na tanggapin ng may-ari nito sa loob ng ilang minuto.

Bilang resulta sa pag-activate ni Shannon sa tunay na anyo ng kaniyang espada na nagagamit niya lamang ng ilang minuto ay nagawa niyang matiis ang matinding sakit na dulot ng malakas na boltaheng kumuryente sa kaniya.

Nagawang gulatin ni Shannon si Don Celestial Mañokaw nang bigla siyang lumabas sa atake nitong naging isang malaking bola ng kumukuryente at sumasabog na kidlat bilang resulta sa ginawang paghiwa ni Shannon sa higanteng trident.

Sumugod si Shannon sa nagulat na si Don Celestial Mañokaw. Akmang magre-react at didistansya na kay Shannon si Don Celestial Mañokaw ngunit nasa leeg na niya ang talim ng espada ni Shannon.

Humiwalay ang ulo ni Don Celestial Mañokaw sa kaniyang katawan at sumirit ang masagana nitong dugo kung saan naligo nito si Shannon.

Pabagsak na ang katawan ni Don Celestial Mañokaw nang hiwain pa ito ni Shannon ng upang mahati vertically ito sa dalawa bago tuluyang bumagsak sa lupa at umagos ang mas marami pang dugo.

Napa-atras naman si Shannon at napasuka ng dugo at napa-luhod sa lupa dahil sa kaniyang pag-gamit ng sabay-sabay ng ilan sa kaniyang mga Ability.

"Nanalo ako-" Sumigaw si Shannon subalit kaagad ding natigilan at naubo.

Napabitaw siya sa kaniyang hawak na espada at dahan-dahang nawalan ng malay at bumagsak sa lupa.

*****

Star Voided Point Of View

Matapos ang matindi na labanan, napatunayan ni boss na kaya na niyang sabayan ang mga Don sa isang labanan. Narating ko ang lugar na pinaglabanan nila subalit tapos na sila sa labanan.

Nasilayan ko kung paano hatiin ni boss sa dalawa ang katawan ni Don Celestial Mañokaw.

Kaagad kong inalalayan ang boss na natumba at nawalan ng malay at dinala sa ibabaw paalis sa hukay. Nilapitan agad kami ng apat na mga nagpakilalang mga Adventurers sa akin.

Sinaniban ako ni Arsah Mchavoc, na siyang tanging kilala ko sa apat na mga Adventurer na 'umalis na sa Uzbane City dahil nag-ulat sa kanila ang Guild at paparating na sa lugar ng 'Nova Chrono Group'.

Inabot niya din sa akin ang compass piece na mukhang naagaw niya ng palihim mula kay Don Celestial Mañokaw.

Maraming tanong sa akin ang mga kasamahan ni Arsah Mchavoc. Gaya na lamang ng kung sino si boss. Mabuti na lamang at ayaw ipaalam ni Arsah sa lahat na buhay pa ang kaniyang kapatid kaya naman nag-sinulanging ito sa kaniyang mga kasamahan.

"Kapatid siya ni Xebec Petrini. Ang kasintahan nang namayapa kong ate Mary Mchavoc." Paliwanag niya sa mga ito. "Huwag niyong ipagsabi kahit na kanino ang patungkol sa insidente na ito, lalo na sa mga kapwa natin Adventurers sa Guild dahil masisira ang reputasyon natin at makakasagabal tayo sa misyon na ginagawa nila." Dagdag niya habang nakaturo sa amin ni boss.

"Misyon?" Tanong ng nag-iisang babaeng kasamahan ni Arsah na mukhang hindi kumbinsido.

"Aimer, hindi naman natin problema na malaman ang mga bagay-bagay. Ang misyon lang natin dito ay pigilan si Don Celestial Mañokaw. Napigilan na si Don Celestial Mañokaw sa kaniyang masamang balak sa bayan na ito." Paliwanag muli ni Arsah sa kaniyang kasama na hindi kumbinsido.

"Pasensya na, Arsah." Agad din itong humingi ng tawad kay Arsah.

"Kailangan na nating umalis dito. Ayokong makasagupa si Don Nova Chrono, mahal ko pa ang buhay ko." Sabi naman ng semi-kalbo ang buhok na lalaki.

Kaagad ko namang pinasan sa likuran ko si boss at umalis kami sa Uzbane City. Lumayo kami ng husto, nang makalayo ay iniwan ko siya saglit sa isang lilim ng puno.

Namulot ako ng mga herbal na mga halaman at binigyan ng first aid ang kaniyang malala na sugat sa likuran.

Binantayan ko lamang siya hanggang sa magkaroon na siya ng malay.

Nang magkaroon siya ng malay ay ngumite ako sa kaniya. "Bakit nasa kagubatan tayo, Star?" Tanong niya agad sa akin.

"Boss. You defeated Don Celestial Mañokaw. I have the Compass Piece in my hands, your brother gave it to me." Paliwanag ko sa kaniya. Saka ko inabot ang compass piece sa kaniya.

"Hindi na masyadong masakit ang sugat sa likuran ko." Aniya naman.

"Dahil binigyan kita ng first aid boss. Nag-hanap ako ng mga halaman na pampamanhid saglit ng sakit." Sabi ko sa kaniya.

"Salamat." Sabi niya sa akin.

Biglang nagliwanag ang kaniyang kamay na nakahawak sa compass piece na naglaho sa pagkawala ng liwanag. "Spacial Storage." Bigkas niya sa magic na kaniyang ginawa.

"Nga pala boss, umalis tayo sa Uzbane City dahil nagtungo doon ang pwersa ni Don Nova Chrono." Pahabol na sabi ko sa kaniya.

"Okay lang. Ang compass piece lang naman na ito ang pakay natin sa Uzbane City. Kamusta naman ang kapatid ko?"

"Ayos naman ang lagay niya at ng kaniyang mga kasama boss."

"Mabuti naman kung ganon. Mukhang alas kwatro na ng madaling araw." Sabi niya hinulan ang oras. Nahirapan siyang tumayo sa kaniyang kinasasandalan na puno. "I'm going back to Palkia." Deklara niya.

"Boss, magpahinga kana muna....." Nag-aalala na sabi ko.

"Magdududa ang mga members ng gang na hindi natin pinasama dito sa Uzbane City kung hindi pa ako babalik ngayon mismo sa Palkia City." Katwiran ni boss sa akin.

Napa-yuko naman ako. "Then, I'll start gathering information about the 4 remaining enemies." Anunsyo ko kay boss. Nakangite siya sa akin nang tignan ko siya.

"Mag-iingat ka kung ganon Star. Do your best."

"I'll do it boss. But before I do that,  I'm worried about you now."

"I'm fine. I'll see you soon when you have something to report to me. Huwag mong pwersahin ang sarile mo Star kung malalagay ka sa alanganin, umatras ka ka-agad, hindi mo kakayanin ang lahat ng mag-isa." Paalala niya sa akin.

Lumuhod naman ako. "Isasaisip ko palagi ang iyong payo, boss."

"Then everything's good. See you soon." Inangat niya ang aking ulo. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni boss sa aking noo.

Matapos itong gawin ay gumawa siya ng pakpak na gawa sa apoy at lumipad paalis, pabalik sa Palkia City.

Napahawak naman ako sa noo na hinalikan ni boss.

*****

Don Nova Chrono Point Of View

I'm standing near the split in two bathing on his own blood body of Don Celestial Mañokaw. I saw his head not so far away from his body too but I focused looking on his body.

I can't stop smiling seeing the corpse of a Don who is a untouchable being for the empire and Guild. A being that only fellow Don can beat.

"You showed weakness, Celestial. This kind of death that was given to you only proved that it should've been only 4 Dons in the first place." Pag-kausap ko sa bangkay. "Dapat naging tauhan ka na lang talaga ng kuya Nervoz mo." After saying this, humarap ako sa lahat ng mga miyembro ng organisasyon ko na kasama ko ngayon dito sa malawak na hukay na dulot nang naging labanan.

Nagsimulang bumuhos ang ulan dito sa Uzbane City. Agad naman akong pinayungan ni Lee, ang aking kanang kamay.

"Akalain mo may compass piece na natsambahan na manakaw ang Auction Branch ng Nova Chrono Item Trafficking Business natin dito sa Uzbane City." Hindi makapaniwala na sabi ko.

"At mukhang nakuha na ng tumalo kay Don Celestial Mañokaw ang compass piece." Sabi ni Lee sa akin habang siya ay nababasa ng ulan.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"Alas-sais na ng umaga. Ilang oras na tayong nandito sa Uzbane, hindi paba tayo aalis?" Tanong pabalik sa akin ni Lee matapos sagutin ang naunang tanong ko. Tumango naman ako sa kaniya.

"Nova Chrono Group, we're going back to our headquarters." Sigaw ni Lee sa mga miyembro ng Gang namin na lahat nagsi-bow ng 90 degrees at sumagot ng 'opo'.

Magkikita din ang landas natin Mary Mchavoc, dahil sigurado akong pupunteryahin mo din ang compass piece na hawak ko. When that time comes, you better listen to what I'm about to tell you about my identity and our relation with each other.

To be continued.

An; Hi. Hahahaha so far this is the longest chapter I ever wrote in this story.

Sana ay nasiyahan kayo sa pagbabasa at na-enjoy ang matinding labanan nina Shannon at Don Celestial Mañokaw.

Yes po, the 5 Dons are really strong and I admit it, without the first two batches of opponent Don Celestial Mañokaw had fought, Shannon will lose to him definitely.

That's how op the enemies in this story are. That's the wall our main characters have to overcome.