Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 28 - Chapter 27 - Meeting Sheina

Chapter 28 - Chapter 27 - Meeting Sheina

Shannon Petrini Point Of View

"Boss, these are Zayn Erwan and Rum Costco, our new gang members." Pinakilala sa akin ni Senju sina Zayn Erwan at Rum Costco habang nagla-lunch kami sa cafeteria.

"Good day to you, boss." Binati ako ni Zayn Erwan.

"Good day, boss. I still can't believe that Senju and South's boss was you." Bati naman ni Rum Costco sa akin.

"And Rialyn Madzua here is the vice president." Pagpakilala naman ni South sa dalawa na si Rialyn ang vice president namin.

"Seriously? We're all in the same class and we don't know." Reaksyon ni Zayn.

"Hindi kasi kami madaldal kagaya niyo." Sabi ni Rialyn.

"Well, we're looking forward working as Havoc Gangsters." Sabi naman ni Zayn na ngumite.

"By the way boss..." Rum called me.

"Ano yun Rum?" I asked.

"Did you guys already have the gang's headquarters?" He asked me back.

Umiling ako sadly dahil wala pa kaming headquarters.

"The gang is not that big yet to create a headquarters. It's better to establish good business first to support each other's financial expenses. Now that there are atleast 6 of us here, we can save funds for our gang." Zayn Erwan butted in.

I was amazed from what he said.

"Go business man!" Sumusuporta kay Zayn na sabi naman ni Senju.

"Having a business maniac like you is good, Zayn." Nagagalak na naman na sabi ni South kay Zayn.

"Having a person like Zayn Erwan who's one of the top 5 smartest in our classroom makes me at ease." Rialyn said.

"Don't worry Rialyn, I won't disappoint you. You're one of the few among Royalties and Nobles that I respect." Rialyn was stunned at what Zayn had told her.

"Respect? Me?"

"Yup. I know how you take care of the classroom. You clean up the trash of our dumb classmates. You also water the plants on the flower pots. You arranged the chairs before you go home. These simple things you do, considering you're a Royalty is bizarre. Mapagmataas kasi ang mga putanginang mga Royalty at Noble pero ikaw hindi, you follow what is the law of your surroundings. Hindi ka gumaga-" Masaya akong nakikinig sa papuri ni Zayn kay Rialyn nang biglang takpan ni Senju ang bibig nito na mayroong mapanukso na mukhang nakatingin kay South.

"Tama na yan, may nagseselos na." Sabi ni Senju.

"Senju, bakit ka nakatingin sa akin?" Tanong ni South na pinipigilan ang kaniyang inis na naramdaman.

Nagulat naman ako ng biglang hilain ni Rum sa likurang bahagi ng damit nito si Senju. Galit ang ekspresyon nito.

"Gago ka ah, ang ganda ng kwentong pinapakinggan ko tapos puputulin mo ng ganon na lang?" Akmang susuntukin niya si Senju pero inawat siya ni South na gumawa ng halamang dumikit sa kamao ni Rum.

"Kumalma ka Rum. Grabe talaga kahit kailan ang anger issue mo." Saway ni South sa kaniya.

Natigilan naman si Rum at napatingin sa akin at nahiya. "P-Pasensya na boss."

"It's okay." Sabi ko naman sa kaniya.

That anger issue will be fixed, he's a Havoc Gangster now after all. I sure will discipline this young man.

*****

Natapos kaming kumain na anim at agad na dumiretso sa pagpasok sa classroom namin.

As always, the toxic classroom is existing. Mukhang may bagay silang pinag-usapan na pinaghahandaan nila.

"What's going on?" I asked Rialyn who immediately hug me. "What's with the sudden hugging?" Nagtaka na tanong ko.

"Naisipan ko lang gawin." Tugon naman sa akin ng babaeng ito. "Pinaghahandaan nila ang nalalapit ng War Game, Shannon."

(What? That stupid game of war between other sections is still being done here in this academy?) Hindi makapaniwala na sabi ko sa sarile ko.

"Ah...looks fun." Simple na lang na sabi ko kay Rialyn kunwari wala akong ideya.

"This is my first in 5 War Games that I will experience Shannon. I will show to those bastards and bitches who think highly of themselves that they are not worthy to have superiority complexes." Daig pa ang demonyo sa ngite na sabi niya sa akin.

Wow ah? Ang init ng dugo niya sa mga royalty, na mapag-mataas sa sarile.

Mukhang makakasagupa ko na naman yung hangal na humamon sa akin sa isang dwelo kamakailan lang. Ano nga ulit pangalan 'non?

"Magti-training kaba Shannon? Starting tomorrow kasi ay wala na munang mga klase na gaganapin dahil bibigyan ng academy ng pagkakataon ang mga studyante na makapag-handa ng husto para sa War Game."

"I'm going to train of course." I said.

"Ako din. Ginaganahan akong magpalakas, mula pa noong araw na iligtas mo ako."

"Mabuti naman kung ganon, Rialyn."

Natigil ang pag-uusap namin ni Rialyn sa pagpasok ng teacher. Sa sobrang boring ng mga leksyon para akong statwa na display sa upuan ko.

Pinakiramdaman ko na lamang ang mga aura ng mga kaklase ko upang hindi ako mabored ng husto. I looked for people who have hidden potential. I know if a person will be a great magus one day because the aura's I see from them is moving like an ocean wave.

12 amazing aura's including South, Senju, Zayn, Rum and Rialyn are what I saw.

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nagkataon na bagay, gaya na lamang na napunta ako dito sa section na ito.

If the other 7 people in this classroom are not toxic, I'm going to recruit them and they'll be enough to be the higher-ups of Havoc Gang.

Itinigil ko ang ginagawa kong pagtingin sa aura ng mga kaklase ko dahil ang iba sa kanila ay nakaramdam na para silang pinagmamasdan ng isang masamang stalker.

Mga feeling.

*****

Last subject na sa afternoon class. Sabi sa akin ni Rialyn may bagong teacher daw sa subject na ito na sobrang ganda. Na-curios tuloy ako kung sino ang teacher na papasok sa classroom.

Ang baliw na Royalty na si Ruke ay nagaabang sa may pintuan.

Ang tanga naman ng hayop na 'to. Malakas na masyado ang apog.

"Inaabangan niya ang teacher na dumating? Gago talaga yang babaero na 'yan." Naaasar kay Ruke na sabi ni Rialyn sa akin.

"Hayaan mo na, 'yan lang kaligayahan niya eh." Sabi ko sa kaniya. Lumingon ako sa bandang likuran kung saan naka-upo sina Senju, South, Zayn at Rum na masayang nagku-kwentuhan.

Napangite naman ako sa nakita.

Napapadalas na ang pag-ngite ko dahil sa mga bagay na nakikita ko sa mga taong malapit sa akin na nasa paligid ko.

I hope that this will go on. Sana maging taong masiyahin ako at hindi na palaging poker face. I'm going to get ready to forget the pain I suffered from the past.

"The teacher is here!!" Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng kinikilig na si Ruke.

Agad din siyang bumalik sa kaniyang desk at umupo. Loko-loko!

I can't believe what I just saw. Dumoble ang pagkagulat ko sa nakita kong teacher ng last subject namin na pumasok.

Freaking grey hair, large boobs, makapal na pilik mata at grey ding mga mata...that trademark gloves she's wearing on her hands...what the hell is Sheina doing here?

"Good afternoon cla-" Sheina was greeting the class pero sinabayan ko siya.

"Sheina?! What the hell are you doing in here?" Pasigaw na tanong ko agad kay Sheina na nagulat ding nakita ako at napunta ang atensyon sa akin. Maging ang mga kaklase kong nagiingay ay natahimik at lumingon sa akin.

"S-Shannon, you know ma'am Sheina?" Rialyn asked me but I just nodded without looking at her.

"Shannon!!" Sigaw ni Sheina sa pangalan ko at mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ko at niyakap ako. "I've been wanting to see you!" Dagdag niya.

Nagtaas naman ako ng kilay at kumawala sa kaniyang pagkakayakap sa akin. "Sheina, let's talk about this outside." Sabi ko naman sa kaniya saka ko hinila ang kaniyang kanang kamay at lumabas kami ng classroom.

"What the hell are you doing here in Asteromagus Academy? What about Mikey? Who's supposed to take care of your son?"

"Ang sama mo talaga kahit kailan Mary." Angal niya sa akin. "Mikey is doing great at home, he has a gang of his own."

"Bakit mo hinayaan na gumawa ng gang niya si Mikey? Sira ka talaga. Ano na lang ang sasabihin ni Xebec sayo kung nabubuhay pa siya?"

"Pasensya kana. Gusto lang talaga kitang makita kaya ako nagpunta dito. Hindi ko naman talaga balak na magturo kaso yung baliw na headmaster ng academy pinilit ako at inofferan ng mataas na sweldo."

"Kakilala mo ang headmaster ng Academy na 'to?"

"Oo, kilala mo din. Si Rodeo, dati mong ka-teamate na Adventurer sa Xebec Team."

"That shorty is the headmaster of this Academy?"

"Oo, naging headmaster siya 6 years ago."

"You haven't told him about me right?"

"Pasensya kana pero nauna ng sinabi ni Arsah na best friend niyang buhay ka. Hindi naman chismoso si Rodeo para ipagkalat ang balita na buhay ka pa Mary. You know he's a man that keeps secret as if it is his ultimate mission."

Napatapik naman ako sa noo ko. "Nasorpresa ako talaga na malamang ikaw ang teacher."

"Mary, baka pwedeng pakiss naman sa pisnge mo!!" She was about to kiss me pero hinarangan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.

"Tumigil ka nga. Kapag may nangyari na masama kay Mikey, hindi kita mapapatawad." Babala ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit pero napakagaan ng loob ko sa anak ni Sheina na si Mikey. Si Mikey ay ampon na anak ni Sheina.

5 years ago, bumisita ako sa bahay ni Sheina at ipinaliwanag sa kaniya ang nangyari sa akin. Doon ko din nakilala ang batang si Mikey na noon ay 7 years old pa lamang ako naman ay 11 years old na ulit 'non. It was also somewhere in the forest where Sheina and Mikey lives where I accidentally drank the blood of a Demon Corpse. Para tuloy akong baliw minsan kapag tulog ako dahil may kumakausap sa akin sa isipan ko.

Itutuloy.