Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 31 - (War Game Battles Of Havoc Gangsters) Chapter 30 - Sensed Something Wrong

Chapter 31 - (War Game Battles Of Havoc Gangsters) Chapter 30 - Sensed Something Wrong

Third-person Point Of View

Patuloy ang War Game.

Maraming section na ang natalo ng mga Mythic Class at Mythical Glory Class Sections.

Maging ang mga sinundan ni Shannon na kaniyang mga kaklase ay wala na matapos talunin ng limang Mythical Glory Class Section 1 students.

Dinala lamang sila ni Ruke sa agarang pagkatalo.

"That bastard Ruke!" Inis na sabi ni Shannon habang nanonood sa ere sa nangyari.

Bumaba si Shannon para harapin ang limang Mythical Glory Class Section 1 students.

Nagulat ang mga ito sa pagpapakita ni Shannon sa kanila.

"Nagpapakamatay kaba, misfit?" Agad siyang yinabangan ni Zaikel, ang lalaking humamon noon sa kaniya na muntik na niyang mapatay.

"Nagkita ulit tayo, hangal na Royalty." Paglait naman ni Shannon kay Zaikel na bumulusok ang galit sa narinig.

"Walang hiya, bastos ka talaga!" Sigaw ni Zaikel sa kaniya.

"Nagkita din tayo, mga judges noong nagtake ako ng Entrance Exam." Binati ni Shannon sina Andrew, Mefisto at Makina na mga hurado noong Entrance Exam.

"You pretty make yourself a highly being, you lowlife commoner." Panlalait ni Andrew kay Shannon na ikinagulat ni Shannon.

"Basura ka din palang Royalty." Sabi pabalik ni Shannon kay Andrew.

"Miss Shannon, sayang at hindi ka napunta sa section namin." Pagkausap ni Mefisto kay Shannon.

"Mister violet hair, mabuti ng hindi ako napunta sa section niyo. Kung nagkataon, palagi akong aawayin ni mister orange hair at ng hangal na Royalty na katabi mo." Pagkausap pabalik ni Shannon kay Mefisto.

"Enough with the talk. I'm being out of space." Nainip na sabi naman ni Rumbar na siyang ngayon pa lamang nakita ni Shannon.

Sumugod siya kay Shannon. Binalutan ni Rumbar ng enerhiya ang kaniyang kamao at sinuntok si Shannon ng nakalapit siya rito. Tinanggap ni Shannon ang atake sa kaniya at nasapul ito sa mukha.

Napa-atras si Shannon sa sapak niyang natanggap.

"Rumbar you bastard! Babae ang sinapak mo, hindi ka man lang nagalangan." Galit na sigaw ni Makina kay Rumbar na inangasan lang ito.

"What the fuck is that punch? Parang kagat ng langgam." Pangaasar naman ni Shannon kay Rumbar na nagulat sa narinig.

"Anong sabi mo?"

"You're weak!" Prangka na sabi naman muli ni Shannon.

"Mahina ako?" Sa galit na naramdaman ni Rumbar ay nagrecharge ito ng malakas na pwersa ng enerhiya sa kaniyang kamao at muling sumugod kay Shannon.

"Swerte ka boy, hindi ko dala ang espada ko." Mabilis na nag-ipon ng malakas na pwersa ng apoy si Shannon at sinabayan ang suntok ni Rumbar.

Sa sabayan ng suntok na ginawa nila ay nagkaroon ng malakas na pagsabog na siyang nagpa-layo sa lugar na mga kaklase ni Rumbar.

Nang mawala ang usok dulot ng pagsabog ay bumalik ang apat. Naglaho sina Shannon at Rumbar sa lugar.

"Natalo si Rumbar?" Hindi makapaniwala na sabi ni Mefisto.

"Pinaglalaruan tayo ng punyetang babae na iyon." Galit na sabi naman ni Zaikel.

"There's no need to worry, if she's also not her, ibig sabihin pareho silang namatay ni Zaikel at bumalik na sa totoong mundo." Kampante na sabi naman ni Andrew sa kaniyang mga kasama.

"That woman is really strong. I can't believe she was not a section 1 student." Sabi naman ni Makina na nakaramdam ng takot kay Shannon Petrini.

*****

Sa kabilang banda naman, bago paman sinabayan ni Shannon ang suntok ni Rumbar sa kaniya ay nakaramdam siya ng kakaibang panganib sa tunay na mundo.

Sobrang nakakabahala ang kaniyang naramdaman kaya naman sinadya ni Shannon na mamamatay kasama si Rumbar sa Virtual Battlefield upang makabalik siya sa tunay na mundo at matukoy kung ano ang panganib na kaniyang naramdaman.

Bumalik si Shannon sa kanilang classroom kung saan nandoon ang kaniyang mga kaklase na pinapanood sa Virtual Screen na nasa blackboard ang mga kaklase nilang nasa Virtual Battlefield pa.

"Umalis ka diyan, hindi nakikita ang ginagawa ng iba."

"Misfit ka, natalo ka agad?"

"Alis na diyan, epal naman oh." Reaksyon agad ng mga ito kay Shannon.

"Mga puta." Bulong ni Shannon na nagmadali namang lumabas sa classroom nila at nagpunta sa faculty ng mga teachers.

Hinanap ni Shannon si Sheina na natuwa ng husto ng malamang hinahanap siya nito.

"Bakit nandito kana? Namiss moko kaya ka nagpatalo?" Tanong ni Sheina kay Shannon na nagtaray.

"There's no time to joke around, there's danger you idiot." Sa sinabi ni Shannon ay naging seryoso ang mukha ni Sheina.

"Anong klaseng panganib?"

"I don't know but suddenly I felt a strange pressure coming from this city kaya ako nagpatalo. There's an intruder here that has no good intention. Anyways, inform Rodeo to cancel the War Game or else the students will exhaust themselves into the Virtual Battlefield and won't gonna be able to defend this city if the intruder made their move. Half of the Imperial Knights are on the Guild, I also know that the Imperial General and the 3 Wing Commanders are battling invaders from other countries as of the moment in the Southern part of Vlade Empire. Walang ibang magbabantay sa Palkia City kundi ang mga studyante lang." Matapos magpaliwanag ay umalis si Shannon.

Lumabas siya sa Asteromagus Academy at dumiretso pauwi upang kunin ang kaniyang espada at mag-imbestiga sa buong bayan ng Palkia.

*****

Rialyn Madzua Point Of View

Limang sections na ang napataon namin ng magkakasama nina Devorah at ng iba pa.

Napakahina ng mga puro dada lang na mga studyante sa Asteromagus Academy, Napakaliit na magic energy pa lamang nabawas sa akin sa paglaban sa kanila.

"Rialyn, ano sa palagay mo ang ginagawa na ngayon ng mga ka-gang mong humiwalay ng landas sa atin?" Bigla akong tinanong ni Devorah habang naglalakad kami para maghanap ng bagong section na papataubin.

"Hindi ko alam." Tugon ko.

"Tingin mo ba natalo na sila?" Muli ay nagtanong siya sa akin.

"Hindi sila matatalo ng basta-basta na lang." Giit ko naman.

"Nakita ko na noon sa likuran nina Rum at Zayn ang Stage rank nila. Pareho silang Stage 4. Ang mga top 10 students ng Asteromagus Academy lamang ang may Stage rank na Stage 3 pataas. The highest rank is Stage 1, which was Andrew Crimson and the only Stage 1 student here in this academy. Isa lang din ang Stage 2 na studyante sa academy na ito, yun ang number 2 student na si Mefisto. Ang natitirang mga top 8 naman ay Stage 3 lahat. Matatalo agad sina Zayn at Rum kung may makatagpo silang top 10 student." Paliwanag niya sa akin. "Pareho ba ang lebel nina South at Senju kina Zayn at Rum?"

"I don't know about Senju Fanah, but don't underestimate South. South Avalo is Stage 2 also. The quick improvement of magic he have is really outstanding. He achieved such Stage rank in just few days of pushing himself to the limit. That idiot only sleep for 1 hour in a day just to prepare for this War Game. He might be even stronger than Mefisto, the number 2 student." Paliwanag ko kay Devorah. I'm proud of my Chibesfri, because he deserves it.

"I can't believe it. Kung ganon din ang level ni Senju, ibig sabihin may pag-asa tayong manalo kay Andrew kung pagtutulung-tulongan natin siya." Hindi makapaniwala na sabi niya. Maging ang kasama namin na nakarinig sa sinabi ko ay nagulat din.

"Don't forget about Shannon Petrini, Devorah." Sumingit sa usapan namin si Meryl. As usual, she's walking while looking at the book she's holding.

"Oo nga Devorah. Hindi ko pa nakita ang Stage rank ni Shannon Pretini pero hindi ako maaaring magkamali na kung hindi Stage 1 ang kaniyang rank ay Stage 0 na siya." Ipinagyabang ko naman ngayon sa kanila ang president ng Havoc Gang.

"Imposible...isang teacher lang ang Stage 0 sa academy na ito, iyon ang headmaster. Kaunti nga lang sa mga teachers sa academy na ito ay mga Stage 1. Halos lahat lower ranks na malawak lang ang kaalaman kaya nakakapagturo."

"Diba nakakabilib?" Pagyayabang ko ulit. "Shannon got stronger because of her desire for peace and freedom. She wants to create a place where there is no slavery and there are no idiot criminal gangsters."

"Ang hirap ng pangarap na mayroon si misfit, pero gusto ko ang pangarap na ganiyan. I want equality, emotionally, physically and socially for everyone." Meryl said to me. She smiled sweetly but the sad look on her eyes is there. "Kailangan muna niyang maging katulad ng mga gusto niyang mawala, isang gangster para makamit ang pangarap niya para sa lahat." Sa muling sinabi ni Meryl sa akin ay napa-isip ako.

(Did something tragic happen to her before?)

"Kailangan ni Shannon Petrini na alisin sa Vlade Empire ang 5 Dons? Malabo yata 'yon." Sabi naman ni Alena na mukhang hindi bilib kay Shannon.

"4 Dons Alena, late kaba sa balita? Noong isang araw lang, may kumalaban at tumalo kay Don Celestial Mañokaw sa Uzbane City." Pagtama naman ni Devorah sa sinabi ni Alena na mayroong 5 Dons dahil apat na lamang ang mga ito sa kasalukuyan.

"Shannon was absent when that incident happened. Could it be that she was the one who defeated the Don?" Moon Bay said.

Hindi man lang pumasok sa isip ko 'yon.

"Ano kaba naman Moon. Arcane Stage ang mga Don. Sinasabi mo bang Arcane Stage si Shannon Petrini?" Tanong naman ni Que Zickayn.

"Yeah." Tugon ni Moon Bay agad.

"Seryoso?" Naninigurado pang sabi ni Que pero piningot na siya ni Moon.

"You creep, wag kang pabebe nakakadire." Irita na sabi ni Moon kay Que.

"It's possible for Shannon Petrini to be Arcane Stage, and it looks to me that she's always knowledgeable about the lessons that are being taught by us. The always bored look she shows at class is my proof. I know which kind of boredom is pure laziness and boredom because of knowledge and experience." Suspetsa ni Meryl na siguradong mataas ang pursyento na naniniwala siyang tama siya sa naiisip niya.

"Para namang kriminal kung pagsuspetsahan niyo ang president ng gang ko." Angal ko sa kanila. "Shannon is Shannon. She may have many secret that she's yet to tell me, I will still trust her and be her friend." Depensa ko.

"Pasensya kana." Paghingi agad ng tawad ni Meryl sa akin. "I'm just really curious about Shannon Petrini and of course, to that man." Sabi ni Meryl.

"Man?" Takang sabi ko pero umiwas ng tingin si Meryl sa akin.

Suspicious!

Sinong man ang tinutukoy niya? Si South ba o si Senju ang tinutukoy niya?

"Oh God, why is she here." Nangamba na sabi naman bigla ni Alena sa amin. "It's game over."

Tumingin kaming lahat sa direksyon na tinitignan ni Alena. Nakita namin ang number 4 Mythical Glory Class student.

(Makina Hercve...) Hindi ko mapigilan na mapangite.

*Mini Flashback*

"There's no reason for you to be afraid, ipinanganak kang Stage 3 pero ni minsan hindi mo ipinakita na espesyal ka at hindi tinangka na mas palakasin pa ang sarile dahil nagpadala ka sa takot mo. Chibesfri, there's nothing to be afraid of because I will always clean up the mess you will make if you lose a battle. Hindi ko hahayaan na masira ang pangalan mo..." South said to me after our last training preparing for the War Game that will be held tomorrow.

"Salamat South."

"There's nothing to be thankful to me, Chibesfri. It's my responsibility as a best friend na matagal na panahon na nawalay sayo at hindi ka nadamayan sa mga oras na kailangan mo ang tulong ko."

*End of mini flashback*

"Meryl, let me handle Makina Hercve. If you will object, I'll fight you first." I announce to Meryl who didn't react to what I have said and just smiled.

"Wait what are you saying Rialyn. Huwag mong sabihin na Stage -"

"Rialyn, huwag kang magpaka-hangal, hindi mo siya kakayanin mag-isa." Sabi naman ni Tinzel naman sa akin. He already activated his magic and coated his fist with iron.

"Shut up idiot, hindi pa ako tapos sayo."

Itutuloy.