Rialyn Madzua Point Of View
Pagkatapos kong magbasa ng libro sa study room dito sa palasyo namin, dumiretso na ako sa kama pagdating ko sa kwarto ko.
Hindi pumasok si Shannon sa Academy kanina. Hindi ko maiwasang mag-alala sa babaeng iyon.
Puno kasi ng tsismis ang classroom... May mga nagsabing dinukot si Shannon, kaya wala na siya at hindi na babalik sa Academy. Grabe ang ugali ng mga estudyante sa Asteromagus Academy.
I like to complain to the one who said such things but I remained silent as I know Shannon is not going to be put in such situations like being kidnapped... Nasaksihan ko ang aking sariling mga mata kung gaano kadelikado ang isang Shannon Petrini.
Alam kong hindi niya ipinakita ang buong lakas niya sa ginawa niyang pag-kompronta kay Chester para mapalaya ako. She's the monster among monsters.
Weird lang na bigla nalang umabsent si Shannon Petrini dahil nagkasama pa kami kahapon para kunin yung Gangster Uniform ko na pinatahi sa isang Sewing Shop...
Speaking of odd, may weird na eksena para sa akin kanina sa last subject namin para sa afternoon class ang nangyari...
*Flashback*
Hinihintay namin ang pagdating ng guro para sa huling subject sa afternoon class. Nag-standing ovation ang lahat, lalo na ang mga lalaki, saka sumigaw nang kinikilig. Si Ruke ang ultimate womanizer na pasimunong namumuno sa kanila.
Napag-usapan kasi ng lahat na may bagong teacher na magtuturo sa amin para sa subject na ito, what more is 'super beauty one' daw. High class talaga ang tsismis dito sa Academy, walang katulad. Sana lang kung sakaling maging mga Adventurers ang mga 'to, mapakinabangan nila pagiging usisero nila.
Lalong nabaliw ang mga kaklase kong lalaki nang pumasok ang bagong guro.
(Mga bobong babaero...lantaran talaga ang mga puta kung humarot.) Inis kong sabi sa sarile.
At least may dalawa o higit pang mg lalaki na kaklase ko ang mukhang hindi interesado sa kaganapan...isa siya sa mga ito, mabuti na lamang.
Napangite akong makita siyang diretso lang ang tingin sa bagong guro na pumasok pero halata sa kaniyang mga mata na nabo-boringan siya nangyayari.
(South...katulad pa rin ba ng dati? Hindi ko magawang lumapit sa iyo at kausapin ka...)
"Magandang hapon sa inyong lahat. Ako ang bago ninyong guro sa asignaturang magical training. Dahil nagretiro na ang guro ninyo sa asignaturang ito dahil sa pagaasawa, ako na ang papalit. Bago lang ako sa Asteromagus Academy, kaya wala akong masyadong kilala na tao dito. My name is Sheina Barsley by the way..." Pagpapakilala sa amin ng aming bagong guro.
Wow!
Siya ay isang napakarilag na babae. Kulay abo ang kanyang buhok. Gray din ang mata niya. Makapal ang kilay niya. Matangos ang ilong. Makapal ang labi niya. Kitang-kita ng aking mga mata ang kagandahan ng kanyang collar bone. Malaki din ang dibdib niya, my gosh. 5'9 feet ang height niya. Nakasuot siya ng mahabang itim na guwantes sa kanyang dalawang kamay.
Napansin kong parang may hinahanap siyang estudyante sa amin. (Teka, wala daw siyang kakilala dito sa Academy na ito... So, sino ang hinahanap niya?) Curious na sabi ko at sinundan ang tingin nitong bagong teacher namin.
Sa tingin ko ay hindi niya mahanap ang hinahanap niya. "May absent ba?" Tanong niya. So, may pumasok na naman sa isip ko...
(Hinahanap niya si Shannon? Kakilala ba siya ng presidente ng gang kong kinabibilangan?)
Itinaas ko ang kamay ko.
Maraming bakanteng upuan sa silid-aralan na ito, kaya mahirap matukoy kung ang mga mag-aaral ay present o absent. Ang pinakamahusay na paraan upang kumpirmahin ang attendance ay sa pamamagitan ng paggawa ng attendance check.
"Yes miss beautiful??" Tanong sa akin ng bagong guro.
"Absent po ang seatmate ko." Sinagot ko ang unang tanong niya kanina kung may absent sa klase namin.
"I see..." Sabi niya naman.
Si Ruke naman ay biglang gumawa ng eksena. Lumapit siya sa teacher namin. Inabot pa niya dito ang isang bulaklak.
Gago!!
"Ma'am. Nahigitan ng iyong kagandahan ang lahat ng tao sa academy na ito. Gusto kong nasa tabi mo ako." Aniya, saka yumuko at lumuhod sa harap ng guro. Inilapag naman ng guro ang bulaklak na ibinigay sa kanya ni Ruke sa mesa sa malapit.
"Salamat ginoo." Matamis na ngiti, sabi ng guro.
Nabaliw si Ruke sa kakatawa at kilig sa naramdaman niya sa sinabi ng guro. Nag-nosebleed siya sa sobrang kalandian at nawalan ng malay pagkatapos.
Ang laking tanga.
Maganda itong bagong guro namin para sa last subject, pero para sa akin, mas maganda pa rin si Shannon. Walang makakapantay sa kagandahang taglay ni Shannon Petrini maliban sa kapatid kong si ate Reanel...at dahil wala na si ate Reanel, wala ng hihigit kay Shannon.
Nagsigawan ang mga diehard flirtatious na hopeless romantic para sa pagmamahal ni Ruke sa nangyari.
"Anong nangyari sa kanya? Boys, can someone please bring him to the clinic?" Magalang na sabi naman ng guro. Hindi halata na concern siya sa bugok na si Ruke.
Nauna agad ang ilang kaklase kong lalaki para dalhin si Ruke sa clinic.
Mga show off.
(Seryoso, mga gunggong sila...) Sabi ko sa sarili ko saka bumuntong hininga.
"Sorry sa gulo na nangyari sa unang araw ko sa pagtuturo dito sa school." Ang gurong ito ay humihingi ng tawad sa amin. Huminga siya ng malalim saka tinapik ang magkabilang pisngi niya. "Ngayon, simulan na natin ang klase." Sabi niya. Biglang naging seryoso ang mukha niya.
Nakakabigla talaga, ang bilis niyang isinulat ang lesson sa pisara nang hindi man lang tumitingin sa textbook na dala niyang nakapatong lang sa mesa.
Back up lang ba ang librong dala niya? In case of imposible emergency? Sanaol matalino!! May talent siya!!
"I heard from the headmaster of this Academy that this class have two of the 'Top Ten Students' here in this Academy. But, just by looking at all of you, I can already tell your capabilities. To be honest, the training you're doing is lacking in perseverance and time and heart. Kung nakakapaglaan kayo ng mas maraming oras sa iyong pagsasanay kaysa sa paggawa ng anumang hindi mahalagang bagay, maaari kayong maging mahusay na Adventurer balang araw." Sinabi niya sa amin, na sinimulan ang kanyang aralin sa pamamagitan ng panayam tungkol sa kawalan namin ng pagtuon sa pagiging malakas na magus.
Nagtaas ng kamay ang isang kaklase. "Ma'am, adventurer po ba kayo?" Tanong niya sa guro na nakangiti sa kanya.
"I'm an Adventurer for 8 years. That ended long 10 years ago." Sagot ng guro sa kaklase ko. Umupo siya sa upuan ng teacher's table. "Tumigil ako 10 years na ang nakakaraan pagkatapos kong malaman ang tungkol sa pagkamatay ng aking unang pag-ibig. Nakakasakit ng puso na malaman ang tungkol doon." Mukhang malungkot ang gurong ito gaya ko.
Napuno ng bulungan ang mga kaklase ko. Ang bilis talaga...
"Teacher, pwede ba namin malaman ang story ng first love mo? Interesado kami." Sabi ng isang kaklase na nakaupo sa harapan.
Damn chismosa.
"Pakisabi sa amin, guro." Agad namang naghiyawan ang mga interesado kong kaklase.
*End of Flashback*
Isinalaysay ng guro ang kuwento ng kanyang pag-ibig. Ito pala ay patungkol sa maalamat na bayani ng imperyo na si Mary Mchavoc. Iniligtas siya ni Mary Mchavoc mula sa mga mapanganib na gangster 13 taon na ang nakakaraan. Dahil dito, nahulog ang loob niya sa kanya.
Ipinagmamalaki niyang sinabi sa aming mga estudyante na sa tuwing nakikita niya ang poker face ni Mary Mchavoc na bihira tumawa tuwing sila ay nasa Guild, mas bumibilis ang tibok ng kanyang puso.
Dahil dito, naniwala talaga ako na walang kasarian ang pag-ibig. Ang isang babae ay maaaring mahalin ang parehong babae nang buong buo, ganoon din sa lalaki.
*****
Celestial Mañokaw Point Of View
"Boss! Boss!" Sigaw ng isang tauhan mula sa labas ng building na ginawa naming hideout.
"Sario, tingnan mo kung sino ang nasa labas." Agad kong utos kay Sario na tumango naman at agad na tinignan kung sino ang tumatawag sa akin mula sa labas.
Ilang sandali pa ay pumasok na sila sa loob. Malubha ang lagay ng sugatang lalaking tauhan na tumawag sa akin. Kahit anong sandali na lang, mamamatay na siya.
"Anong problema?" Mabilis kong tanong.
"Boss. Ang babaeng nakalaban namin na dumukot sa kapatid mo ay isang mapanganib na halimaw. Kahit ang pinakamalakas na miyembro ng Celestial Thieves Troupe, na si Ringgo ay napatay." Pagkatapos magsumbong sa akin, bigla siyang natumba at nangisay. Sa huli, namatay nang tuluyan.
Sa galit ay nakaramdam ako ng kidlat na lumabas sa aking katawan na sumisira sa ilang bahagi ng hideout kung nasaan ako ngayon.
"Sino yung babaeng yun!?" Inis na tanong ko sa hangin. "Mon, Del, Sario, at Zink, kumilos kayo. Patayin niyo lahat ng Adventurers na nandito sa bayan para hindi makahingi ng tulong ang babaeng pumatay kay Amano at Ringgo. Ako mismo ang magwawakas ng buhay ng babaeng iyon..." Anunsyo ko sa natitirang apat na kasamahan ko.
Lahat sila ay Stage 2 rank Magus.
*****
Someone's Point Of View
Maswerte akong nakatakas mula sa Zcaford pagkatapos kong marinig ang usapan ng aking ama at ng kanyang mga kampon na pupunta sila dito sa Uzbane City para kunin ang piraso ng compass.
Uunahin ko ang mga kampon ng aking ama, papatayin ko si Don Celestial Mañokaw at ilalayo ang piraso ng kumpas bago pa man sila maka-rating dito sa Uzbane City.
Higit pa rito, papatayin ko ang lahat ng mga Don, anuman ang mangyari...
"Humanda ka, aking 'Black Club of Judgment', malapit na tayong makipag-tuos sa isang Don. Hahanapin ko siya dito sa Uzbane City at bibigyan ko siya ng masakit na kamatayan na maghahatid sa kanya tungo sa impyerno." Kinakausap ko ang aking sandata, iyon ay isang club.
Hindi ko man maintindihan kung bakit nagliwanag kanina ang itim na guhit na nasa aking palad, sa isang restaurant, ang mahalaga ay tumigil din ito agad kanina sa pagliwanag at wala naman akong naramdaman na kakaiba sa aking katawan. Hindi ko na muna ito pagtutuunan ng pansin...
Itutuloy.