Rialyn Madzua Point Of View
"My Lady, oras na para gumising." My morning alarm clock said to me. Ang aking yaya, na gumising sa akin mula sa aking magandang pagtulog sa aking kama.
"Yaya. Five minutes po." Humikab ako pagkatapos magsalita, saka lumingon sa kabilang side.
Then she rolled back my body from my position before. "Male-late ka na sa school! 3:50 na ng umaga!" Sigaw ni yaya habang ginigising ako. Napahawak ako sa magkabilang tenga ko.
"Okay fine."
"My Lady, you will take a two hours trip to Asteromagus Academy in Palkia City. Kapag hindi ka kumilos, papagalitan ka ng King."
"TSK. Oo na." Napilitan kong sabi.
Tumayo ako at nagayos. Hindi lang yun, dumiretso ako sa Cr at ginawa ang mga morning rituals ko. Pagkatapos kong gawin iyon, pumunta agad ako sa garahe at sumakay sa karwahe. Hindi nagtagal ay dumating na ang driver ng kabayo patungo sa Asteromagus Academy.
Nakatulog ulit ako habang nasa biyahe. Ang hirap talagang maging Prinsesa, Prinsesa ng Morl City, kalapit na bayan ng Palkia. Dalawang oras ang biyahe ko papuntang Palkia, kaya natulog ako, na karaniwan kong ginagawa. Tinatamad lang talaga akong gumising tuwing umaga dahil ang sarap matulog at managinip.
Nakakalungkot at nakaka-peste na buhay.
Hindi lang ako pwersahan na naging isang financial aid ng isang masamang gang, nakatali din ako sa bawat desisyon mga magulang ko sa bahay. Napaka walang kwenta talaga ng buhay ko.
Nais kong makakuha ng kalayaan na maaari kong matamasa habangbuhay. Nais kong magkaroon ng kaibigan na maaasahan ko sa oras kaligayahan at kalungkutan.
I tried to cry out the heavy feeling inside of me noong nakaraang araw, hindi ko inaasahan na makakatulog ako sa isang park at talagang naparusahan ako nang matindi ng aking ama sa aking ginawang hindi pag-uwi sa bahay.
*****
"Nandito na tayo, My Lady." Personal Driver ko yan. Inaantok ako na lumabas ng karwahe at nakita ko ang gate ng Asteromagus Academy.
"Nandito na naman ako." Sabi ko saka pumasok sa loob ng campus.
Ilang metro lang ang layo, narinig ko na agad ang sigaw ng isang batang estudyante kasama ang kanyang mga kaibigan.
"She almost break me a bone. Yung babaeng maputi ang buhok. Sino ba siya?" Umiiyak na sabi ng isa sa tatlong lalaki.
"TSK. Kapag nakita ko ulit siya, papatayin ko siya."
"Ako rin." Segunda na sabi ng dalawa nitong kasama.
Tinaas ko ang isang kilay ko at nilagpasan sila. Pumasok ako sa building ng Mythical Glory Class at pumunta sa classroom ko, sa Mythical Glory Class Section 5.
At syempre, dito rin sa classroom, may misfit na kinaiinisan ng lahat. But I'm not one with my idiot classmates. I'm not interested to downgrade others.
Umupo ako sa desk ko na nasa tabi ng upuan ni misfit Shannon Pretini. Speaking of the devil, kararating lang ni Shannon Pretini at diretsong umupo sa upuan niya.
"Yoh! Good morning miss loner." Walang buhay niyang bati sa akin.
"Huh? Kinakausap ako?" tanong ko sa kanya.
"Maybe? You guessed?... Akala ko malungkot ka dahil hindi mo kinakausap ang mga kaklase natin." Weird na sabi niya sa akin.
"Mind your own business, miss misfit." Mariin kong sabi sa kanya. Hindi na siya nagsalita, para kausapin ako.
"Gisingin mo ako kapag oras na ng klase, please." Or so I thought.
Like hell I will do what you said.
Oras na para sa klase. Pumasok na ang first subject teacher pero sobrang lakas ng hilik ni miss misfit. Nanaginip pa rin siya at nagsasalitang tulog.
Nagtawanan tuloy ang mga kaklase ko sa kanya. Napa-tapik na lang ako sa noo ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa babaeng ito.
Tinawag ng guro ang kanyang pangalan para sa attendance, ngunit siya ay mahimbing na natutulog. Kaya naman lumapit ang teacher at hinampas si Shannon sa ulo ng attendance book na hawak niya. Nagulat ang lahat, umiwas si miss misfit saka tumalikod at umupo ng maayos.
"Teacher? Hello good morning." Bati niya na parang walang nangyari.
"TSK. Miss Shannon Pretini!" Sigaw ng teacher sa harap ni miss misfit.
"Present!!" Sigaw din niya pabalik. "I'm sorry. Present..." Agad din niya itong hinimas at malumanay na sinabi.
Sinamaan siya ng tingin ng guro bago bumalik sa harapan ng classroom.
"Ano pong problema ma'am?" Tanong niya na parang confident siya na sasagutin ko siya.
What a drag.
"Muntik ka na niyang hampasin ng attendance book, miss misfit." paliwanag ko sa kanya.
It's not a good idea to get involved with this woman. She's a big trouble magnet.
"Kasalanan mo. Hindi mo ako ginising." Katuwiran niya sa akin.
"How could it be my fault? You're really weird. I'm not obligated to wake you up from your dreaming. Don't be stupid." reklamo ko sa kanya.
*****
Katatapos lang ng morning class. Dumiretso ako sa cafeteria at umupo sa isang table. Dahil tinatamad ako, kaya nagbabayad na lang ako ng tip sa waiter, umorder na lang ako ng pagkain kaysa pumila sa counter na napakahaba ng pila.
Nang makalapit sa akin ang waiter, sinabi ko ang order ko. "Arroz Caldo, please. Chicken wings, pakidagdag ng extra dahil dodoblehin ko ang tip at ang bayad sa pagkain. Bigyan mo rin ako ng dalawang baso ng buko juice." Masayang sabi ko kasama ang waiter.
"Okay ma'am, wait lang po ng ilang minuto." Sabi nito saka umalis.
I'm patiently waiting for my lunch, nanonood sa mga taong kumakain sa table malapit sa akin. Sa isang table, nakita ko ulit si miss misfit.
Kumakain siya sa kaniyang dalang baon na malaking lunch box na puno ng kanin. Ang ulam niya ay isang maliit na piraso ng pritong isda na malamang ay pinagpilahan at binili niya sa counter.
Tahimik siyang kumain, weird. Yung tipong kumakain kahit walang gana. Para siyang may kalaban habang kumakain na magkasalubong ang kilay.
I tried to ignore her and just looked at another table, I don't know why pero hindi ko talaga maalis ang mata ko kay miss misfit habang papalapit sa kanya ang apat na Royalty. Siguradong may masamang intensyon.
Mga abnormal na mukhang asong mga babae.
Ang grupo ni Princess Unger.
Umupo siya malapit sa upuan ni miss misfit. Nakatayo sa likuran niya ang tatlong alipores niya. "Kawawa naman. Ulam mo 'yan lang? So, totoo nga 'yung sinabi nila. You're a misfit. It's solely a dish that really is not the thing for a Mythical Glory Class student miss Shannon." Mariing insulto ni Unger si miss misfit para makuha ang atensyon ng lahat ng malapit sa kanila.
Siguradong magkukumpulan ang mga estudyante para manood dahil sikat si Unger sa Academy. Isa lang naman siya sa mga pantasya ng mga lalaking estudyante. Kahit na ang isang babae ay naaakit sa kanyang kagandahan. Malaki nga lang attitude problem nito.
(I wonder if, who has the worst attitude problem between her and misfit's behavior?) Curious kong tanong sa sarili ko.
Hinaharang ng karamihan ang aking paningin, kaya ginamit ko ang aking Wind Manipulation Magic para lumipad at makita kung ano ang nangyayari.
"Gusto mo ulam ko? Sayo na." Inalok ni Miss misfit ang kanyang ulam na isda kay Unger.
"What the hell?" Tumayo si Unger sa kanyang kinauupuan at ibinato ang pagkain ni miss misfit.
(That's crossing over the line for Unger. Seriously, why are some Royalties like her loves to bully the commoners who have nothing to do with them?) Annoyed with what Unger did, that I told myself. (Hindi dapat sayangin ang mga pagkain.)
"Huwag mong sayangin ang pagkain. Alam mo ba na sinumang magsasaka na nagtanim at umani ng palay na itinapon mo ang pinaghirapan 'to?" Katwiran ni Miss misfit, si Unger ay salubong ang kilay sa pagkairita.
"Ano bang problema mo?" sigaw ni Unger. Parang nawawalan na siya ng sasabihin sa miss misfit.
"Hah? You should be asking yourself. What's your problem? Nilapitan ako bigla, tapos sasabihin sa akin, I'm really a misfit. Para kang isang clown na trying to act knowledgeable, more than the professionals who patiently conducted that Entrance Exam where I passed. Tapos akala ko gusto mong maging kusinero sa paghusga sa pagkain ko kaya sinubukan kong ibigay sayo yung isda, para malaman ko ang opinyon sa lasa nito, pero tinapon mo rin yung kanin. Grabe, are you an idiot or an natural-born airhead?" Iba ang naramdaman ko sa sinabi ni miss misfit.
Parang alam niya ang ginagawa niya. She's acting different because people around her were like very far generation apart from her, ito ang napansin ko nung pumasok siya sa classroom at nagpakilala.
Lalong nairita si Unger kay miss misfit habang humahagalpak ang tawa ng mga tao. "I'm an idiot? Don't get ahead of yourself, you misfit. No one is normal-minded who eat like her food is her enemy." Not to the point na sinasabi ni Unger. "Hindi ba mga girls?" Humingi pa siya ng suporta sa kanyang mga alipores.
"Oo. Super weird." Sabay na sabi naman ng tatlong alipores ni Unger.
Napansin ko ang pagsimangot ni miss misfit, saka siya nagkibit balikat. "Idiot ka talaga. Whatever the damn way I eat is none of your business. What are you an envious bratty girl? Do you want me to bring up my food next time for you?" Muli, pilosopo na tugon, ngunit may kahulugan.
Hindi naman talaga bagay ni Unger na makialam. She's acting like a prideful, foolish brat. Marahil kung may isang magaling na manloloko na hihilingin sa kanya na hubarin ang kanyang mga damit at magsuot ng isang hindi nakikitang mamahaling damit na magbibigay sa kanya ng suwerte kung ipinarada niya ang kanyang sarili sa masa, gagawin niya.
"That's it. I had enough." Nagalit si Unger. Ginamit niya ang kanyang magic, na Telekinesis. Pinalutang niya ang malapit na mga mesa, upuan, plato, kutsara, tinidor at baso. "Sasaktan kita gamit ang lahat ng mga ito." Banta niya.
"Kailangan ko silang pigilan." I said
Lilipad na sana ako papunta sa kanila pero naunahan ako ni Zaikel. Ang Number 3 Mythical Glory Class Student ng Asteromagus Academy. Siya ang nakatatandang kapatid ni Unger at talagang strikto at seryoso.
Shannon Petrini is in trouble. Hindi niya ito matatakasan dahil ang kapatid ni Unger na ang nasa pagitan nila ngayon.
Itutuloy.