Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 10 - Chapter 9 - Save Her

Chapter 10 - Chapter 9 - Save Her

Shannon Pretini Point Of View

Uwian na, bugbugan time na din sa lalakeng kapatid ni miss bully girl na humamon sa akin sa isang labanan.

Bago ako makalabas nang tuluyan sa building ng Mythical Glory Class ay hinila ako nina Senju at South.

"Boss, let me beat that idiot into pulp."  Pahayag ni South sa akin.

"Hindi, ipaubaya mo na siya sa akin." Segunda naman ni Senju.

Bumuntonghininga ako.

"Don't get angry at an idiot, you two. Calm down okay? I can handle that man. Don't worry so much about me, I'm your boss after all."

"But-" hindi ko pinatapos si Senju sa kaniyang gusto na sabihin sa akin.

"I told you to stay away from me when we're at school right? Just do what you're told to do, Senju, South. I'm going to be alright." Paalala ko sa kanila.

*****

Kahit papaano ay nagawa kong kumbinsihin sina Senju at South. Tahimik silang pumunta sa kanilang mga part time job. Nalungkot sila sa sinabi ko sa kanila pero hindi ko sila idadamay sa mga bagay na hindi nila kayang hawakan. Stage 4 Rank Magus sila nung huli kong matignan ang likuran nila, at kahit pa nagrank-up na sila, ayoko parin silang sayangin nila ang oras nila sa lalaking haharapin ko.

Sa kagustuhan nang tangang lalaki na iyon, pumunta ako sa plaza.

Wew! Napakaraming spectators.

May mga estudyante din sa likod ng lalaking tulala na nakasuot ng parehong Red Coats at itim na pants. Dilaw ang kwelyo nila at dilaw din ang kalahati ng manggas.

(So this is Red Lightning Gang?) I asked myself.  "Let's end the bullshit you thought of mister." Angal ko agad sa lalaking humamon sa akin.

He laughed at what I said did a middle finger sign at me. "You're really crazy, aren't you? You can't leave here without me breaking your body." Anunsyo niya.

"TSK. Hindi ko sinabing balian mo ako sa katawan. I said let's end this nonsense." Pagtama ko sa kaniya.

Ang tuwa sa kaniyang mukha ay nawala at napalitan ng inis.  "Gaga kaba?" Tanong niya sa akin. "Very well, I'll break all your bones bitch, you damn commoner!"

He putted his arms sideward.  kalaunan ay mga tipak ng lupa ang lumipad at pinasunod ito sa direksyon ko ni mister idiot Royalty.

"Too cheap you know." Kalmado na sabi ko namam. Lahat ng mga tipak ng lupa na sumugod sa akin ay pinagsisipa ko paitaas.

Pina-punta ko ang mga ito sa likuran ng Academy, dahil nakadikit sa pader ng Palkia City ang Asteromagus Academy, didiretso sa labas ang mga tipak ng lupa at walang masasaktan.

Nang naubos ko ang mga pinalutang na tipak ng lupa ay sumugod ako sa kaniya. Binalutan ko ng apoy ang aking kamao habang pasugod ako sa kaniya para sapakin siya.

Pinalipad naman agad niya ang bahagi ng lupa na kaniyang tinatapakan para tumakas sa akin. As if naman na hahayaan ko siyang hindi matamaan ng kamao ko. Malakas akong tumalon para mahabol ang kinaroroonan niya sa ere.

"Give your best struggle to not die bastard."  Anunsyo ko sa kaniya.

Isang malakas na puwersa ng apoy ang pinakawalan ko sa katawan ko. Nabuong tila isang nagwawalang apoy na halimaw na ang sentro ng puwersa ay ang aking kamao.  Aabutan ko na sana siya pero biglang kumalam ang tiyan ko kaya natigilan ako sa ginagawa ko at naapula ang apoy ko.

Mabilis akong bumagsak sa lupa, at tumakbo palayo sa plaza.  Ang ingay ng tiyan ko, nakakahiya marinig ng ibang estudyante.  Babae pa naman ako at nakakahiya talaga marinig ng iba lalo na ng mga lalaki.

(Kasalanan ng blockhead na babaeng bully kanina. Hindi ako nakakain ng maayos.)

"Saan ka pupunta?"  Galit na sigaw ng lalaking gunggong sa akin.

Hindi ko siya pinansin, dahil muling kumalam na naman ang tiyan ko.

*****

Third-person Point Of View

"That bitch!" Inis na sabi ni Zaikel habang nakasakay sa kanyang karwahe pauwi.

Sinuntok niya ang kanyang upuan.  Sa kanyang katapat na upuan ay nakaupo ang kanyang kapatid na si Unger.

"K-kuya..." tawag ni Unger kay Zaikel na tinignan siya ng masama.

Sa kanyang karanasan, sa buong buhay ni Zaikel doon lang siya nakadama ng matinding takot.  Sa aura na naramdaman niya kay Shannon sa suntok nito na binalutan niya ng malakas na apoy ay siguradong hindi lang basta bastang pinsala ang makukuha niya kung ipagpapatuloy ni Shannon ang suntok nito.

(Who the hell is that woman?) tanong ni Zaikel sa sarili.  "Unger. Wag ka nang lumapit pa sa babaeng iyon."  Utos ni Zaikel sa kapatid na tumango sa kanya.

"Naiintindihan ko kuya."  tugon ni Unger.

*****

Samantala, pagkatapos kumain muli sa cafeteria ng Academy, nagpasya si Shannon na umuwi para magpahinga. Habang naglalakad ay nakita niya si Rialyn Madzua na may kasamang mga lalaki.  Napansin ni Shannon ang panginginig ng mga kamay ni Rialyn.

(So Rialyn was that girl I saw crying at the park after all.) Sabi ni Shannon sa sarili.

Nagsalubong ang kilay ni Shannon sa inis na nararamdaman. Sinundan ni Shannon si Rialyn at ang kaniyang mga kasama.  Pumasok sila sa isang billiard hall.  Nangolekta ng buwis si Rialyn dito, hindi lang iyon, binugbog muna ng mga kasama ni Rialyn ang may-ari ng billiard hall bago sila umalis. Paglabas ni Rialyn at ng kanyang mga kasama sa billiard hall ay sinampal ng isa niyang kasama si Rialyn.

"Fuck you! Bakit ka natakot kanina na kunin yung tax ng lalaking yun?"  Galit na tanong ng lalaking sumampal kay Rialyn.

Umiwas lang ng tingin si Rialyn at hindi sumagot. Maya-maya ay naglakad muli ang grupo at pumasok sa isang two story building.

(Is this their hideout?) Tanong ni Shannon sa kaniyang sarili na sumunod.

Sumilip siya sa bintana at nakita at narinig niya ang kasiyahan ng mga nasa loob.  Lahat ay may sa kani-kanilang ginagawa. Ang ibang tao ay pares ng babae at lalaki na malaswang naghahalikan na tignan para sa mga mata ni Shannon.

Hinanap ni Shannon si Rialyn at nakita niya ang isang lalaking magara ang damit na hinahalikan siya sa leeg.  Hindi naman nagreklamo si Rialyn pero bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Ang pangit ng lalaking iyon."  Reaksyon ni Shannon sa kanyang nakita.  (Siya ba si Chester? Yung lalaking umaalipin kay Rialyn sa Gang nila?) tanong ni Shannon.

"Anong gagawin ko? Rialyn Madzua, bakit ko siya ililigtas, napakalamig ng pakikitungo niya sa akin? Bakit ko nga ba siya sinundan dito? Ginagawa mo, Mary Mchavoc!?"  Sabi ni Shannon sa hangin.

Aalis na sana si Shannon nang may narinig siyang nabasag sa loob kaya sinilip niya ulit ito.  Nakita niya si Rialyn na nakahandusay sa sirang mesa.

"Damn you! You're making a fool of me. Hinahalikan kita tapos umiiyak ka? Napakabalat sibuyas mong hayop ka, Rialyn. Kaya nga naiinis pa akong kunin ang virginity mo dahil hindi worth it. You're no fun at all so it will be a waste of time to fuck you if you're not gonna feel heaven. Kailan ka ba magbabago? Kapag napagod ako sa pag-iyak mo, papatayin kita at ipapahatid ang ulo mo sa parents mo."

Sa narinig ni Shannon, nakaramdam siya ng matinding galit lalo na nang makita niyang lumuhod si Rialyn at humingi ng tawad sa lalaki.

(I'll fucking kill you.) Galit na sabi ni Shannon sa sarili.

Sinara ni Shannon ang pinto ng gusali. Sinira niya ang pinto sa pamamagitan ng pagsuntok dito habang ang mga kamao nito ay nababalot ng apoy.

"Chester, nandito ako para guluhin ka!!"  Malakas na sigaw ni Shannon habang papasok sa Hideout.

"Sino ka, babae?"

"Anong kailangan mo sa boss namin?" Agad namang nag-react ang mga Gangster sa loob.

"Humanda kayo mga tanga."  deklara ni Shannon sa mga Gangster.

"Anong kaguluhan to?"  Nagsalita ang lalaki sa pinakadulo ng kwarto.

"Ikaw ba ang boss?"  tanong ni Shannon sa lalaki.  "Ang ganda ng white tuxedo na suot mo pero hindi bagay sa isang pangit na katulad mo."

Nagulat si Rialyn nang makitang pumasok si Shannon Petrini sa gusali.  "Misfit!?"  Tawag nito kay Shannon.  "Anong kalokohan ang ginagawa mo dito?"

"Rialyn, who's that bitch?"  Tanong ng boss ng Chester Gang kay Rialyn.

"Kaklase ko. Nakakainis."  Sagot ni Rialyn na bakas sa mukha niya ang takot.

"Do you perhaps want to be my slave miss?"  Mayabang na sabi ni Chester kay Shannon.

"Ano ang iyong pangalan?"  tanong ni Shannon.

Nagtaas ng kilay ang boss ng Chester Gang saka, "I'm Chester Poolevich."  Nagpapakilala ito kay Shannon.

"Chester Poor bitch. Gusto kong palayain mo si Rialyn Madzua, hindi ako nagpunta dito para maging alipin mo, duh."  anunsyo ni Shannon sa boss na galit na galit sa narinig.

"Poolevich not Poor bitch! You're getting into my nerves you woman."  Inatake ng boss si Shannon.  Sinipa niya ito.  Tumama ang sipa nito sa ulo ni Shannon.

Napayuko pa si Shannon sa kanyang ginawa ngunit hindi ito nasaktan.

"May ginawa ka ba ngayon lang?"  Tanong ni Shannon kay Chester na dumistansya agad.

"Imposible."

"Walang nangyari sa kanya?"

"Kasing lakas ng kanyon ang sipa ng boss." Hindi makapaniwalang reaksyon ng mga tauhan ng Gangsters ni Chester sa nangyari.

Agad na tumabi ang mga gangster sa silid upang hindi sila matamaan ng atake na gagawin ng kanilang amo.

"Ang isang kanyon lamang ay hindi makakasira sa isang masamang demonyo, mga hangal." Mariing sabi ni Shannon sa mga Gangster.

Itutuloy.