Shannon Petrini Point Of View
Maaga akong nagising ngayong araw na ito dahil sa bangayan nina Senju na nasa kusina. Pinag-aawayan nilang dalawa ang magiging luto ng bulaklak ng kalabasa na binili ni South.
"Ginisa!" Rinig kong sigaw ni Senju sa gusto niyang luto ng bulaklak ng kalabasa.
"Adobo!" Sigaw naman ni South sa luto na gusto niya.
"Ginisa!" Pagpupumilit ni Senju.
"Adobo nga!" Pagpupumilit din ni South.
Nakarating ako sa kusina nang inaantok pa at humikab. Tumigil sila sa kanilang bangayan.
"Good morning boss." Bati nila ng sabay sa akin.
"Tignan mo, nagising tuloy ang boss." Angal kalaunan ni Senju kay South.
"TSK." Reklamo ni South.
"Okay lang..." Sabi ko sa kanilang dalawa. Umupo ako sa isang upuan. "Senju, coffee..." Mahinang sabi ko kay Senju. Kinusot ko ang mga mata ko at tinapik-tapik ang magkabilang pisnge ko upang gisingin ang aking sarile ng tuluyan.
"Masusunod po boss." Agad naman sumunod si Senju sa sinabi ko at ipinagtimpla ako ng kape. "Heto na po boss. Dahan-dahan po sa pag-inom." Kalaunan ay inabot niya ito sa akin. Dahan-dahan naman akong uminom ng mainit na kape.
Matapos tumikim ay inilapag ko sa lamesa ang tasa ng kape at isinalo sa aking baba ang kanang kamay ko. Nawala na ng tuluyan ang aking pagka-antok.
"You two why are you shouting at one another so early in the morning?" Tanong ko sa kanila.
"Boss, si South kasi gustong i-adobo ang bulaklak ng kalabasa na almusal natin." Sumbong ni Senju sa akin.
"Ah! You damn shrimp!" Inis na sabi naman ni South.
"Marami naman siguro ang nabili niyo 'diba? Edi magluto kayo ng Ginisa at adobong bulaklak ng kalabasa. As simple as that." Pahayag ko.
"Tama si boss." Pag-sangayon ni Senju sa sinabi ko.
"Annoying dwarf." Sabi naman ni South kay Senju.
Dumila naman si Senju sa kaniya. "Huwag ka ng triggered diyan, higante. Magluto na tayo." Panunukso na sabi ni Senju kay South.
"TSK." Asik ni South na humarap sa kalan.
"Nag-kakasundo talaga kayong dalawa." Sabi ko sa kanila.
"Hindi po boss." Sabay nilang pag-tanggi sa sinabi ko. Napakunot ang noo ko sa narinig ko.
"Ganon?" Sabi ko.
"Let's see who will cook better!!" Hamon bigla ni Senju kay South na hindi naman umatras.
Pinanood ko silang magluto habang ako ay nagkakape.
Nang matapos silang magluto ay hinain nila ito sa lamesa. Ako naman ay kumuha ng mga pinggan at kutsara na aking hinanda sa lamesa. Nagsandok naman si Senju ng kanina sa kaserola at inilagay ang isang malaking mangkok na lalagyan ng kanin na kaniyang sinandok. Nagtimpla naman si South sa isang pitcher ng juice.
Nag-almusal kami kalaunan ng tahimik. Mukhang bad mood sila sa isat-isa. Sana lang hindi magpatayan ang dalawa na 'to.
Hayst. I still can't muster up enough courage to tell them about the purpose of why Havoc Gang is existing...
Pumasok ako sa Asteromagus Academy nang parang isang lantang halaman ang mukha. Hindi ko maipaliwanag pero boring na naman siguro ang magiging ganap sa academy na ito.
Naihi ako kaya nagpunta ako sa women's comfort room. Sa aking pagpasok sa Cr ay isang babae ang nakita ko na nakaharap sa salamin sa may wash area habang umiiyak. Nang napansin niya ako na pumasok sa loob ay agad siyang naghilamos sa kaniyang mukha at umalis.
Her hair color, length and structure is familiar...but I can't quite remember where I saw it.
Pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa toilet bowl at umihi. It felt refreshing draining some gasoline inside my body. haha...
After peeing, dumiretso na ako patungo sa Mythical Glory Class building at pumasok sa section na kinabibilangan ko, kung saan nandoon ang sandamakmak na mga toxic students.
Umupo ako sa aking seat surprisingly, nakita ko ang babaeng nasa Cr kanina na katabi ko pala ng upuan. Anubayan. Kaya pala pamilyar siya sa akin.
Tahimik lang siyang nakaupo sa kaniyang upuan at pinapanood ang mga kaklase namin na nasa harapan niya. Mukhang loner siyang tipo ng babae, walang kaibigan dito sa section na ito. I can relate to her, because I don't plan to approach any of these idiot classmates of us. Ayoko sa mga toxic. Sana lang mayroon sa mga narito na hindi toxic, except kina Senju at South siyempre.
Speaking of Senju and South, tinignan ko ang kanilang pwesto na inuupuan, napansin kong wala pa sila. Hindi pa pumapasok ang dalawang 'yon. Ano kayang ginagawa nila sa bahay?
Anyways, sinubukan kong kausapin itong sad girl na seat mate ko. "Yoh!" I greeted her pero tumingin lang siya sa akin ng masama at agad na umiwas ng tingin.
Nabalot ng mas tahimik pang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
(Shit! She doesn't care at all? What the hell is wrong with this bitch?)
Kaasar! Kakausapin ko sana siya ulit nang biglang may lumapit sa kaniya na kaklase namin.
"Rialyn Madzua, pinapabigay sayo ng isang studyante sa Mythical Glory Class Section 4." Isang masigla ang mukha na babae ang nag-abot sa seatmate ko ng rosas.
So her name was Rialyn Madzua.
Nagulat naman ako na hinawi ni Rialyn ang rosas at nahulog ito sa sahig.
"H-Hoy...what the hell are you-" Hindi ko natapos ang aking tanong dahil ibinagsak ni Rialyn ang kaniyang mga kamay at tumayo.
"I don't need such bother." Madiin niyang sabi.
Napakamot naman sa kaniyang ulo ang babae at pinulot ang rosas na nahulog sa sahig at humingi ng paumanhin kay Rialyn.
Umupo naman ulit si Rialyn at mas lalong sumama ang mood nito.
Interesting...
*****
Third Person Point Of View
Nagtungo sa labas ng Palkia City sina Senju Fanah at South Avalo. Hindi pumasok ang mga ito sa Asteromagus Academy.
Nagtungo sila sa isang bahagi ng malawak na kagubatan na walang puno, kundi kapatagan lamang at mayroong ilang mga tipak ng bato.
Nais ng dalawa na maglaban dahil punong-puno na sila sa isat-isa. Ang tanging paraan lang na kanilang magagawa upang umaliwalas ang kanilang pakiramdam ay ang saktan ang bawat isa.
"Don't hold back you fucking giant. Or else, this annoyance I feel towards you won't fade away." Paalala ni Senju kay South na seryosong nakatingin sa kaniya.
"You too, you freaking woman face." Giit ni South.
"Then, let's start this shit!!" Sigaw ni Senju.
Mabilis namang sumugod si South sa kaniya.
Nag-activate silang dalawa ng kanilang mga magic. Binalutan ni South ng matigas na balat ng halaman ang kaniyang mga kamao habang si Senju naman ay binalutan ng apoy ang kaniyang mga paa.
Nagsabayan silang dalawa ng kanilang mga atake.
Sinapak ni South sa pisnge si Senju habang sinipa naman ni Senju si South sa pisnge nito.
Parehong napa-atras ang dalawa sa kanilang mga atake na natamo. Dumugo ang bibig ni Senju habang dumugo naman ang ilong ni South.
"As usual, your kicks are as light as a cotton." Sabi ni South na inaasar ang sipa ni Senju sa kaniya. "It looks to me that you're holding back!!"
"Same to you idiot. Your punch felt like a disgusting fly had landed to my cheek." Ganti naman ni Senju sa sinabi ni South.
"You damn..!" Muli silang sumugod sa isat-isa.
Sumuntok ng hook punch si South gamit ang kaniyang kaliwang kamay ngunit tumalon si Senju para mailagan ito at inikot ang katawan habang nasa ere at sinipa gamit ang dalawang paa nito si South sa mukha.
Napa-atras si South sa pagsipa ni Senju sa kaniya. Si Senju naman ay mabilis na dumistansya at gumawa ng malaking bola ng apoy na kaniyang sinipa pasugod kay South.
"Not bad." Reaksyon naman ni South na gumawa ng maraming mga halaman na mayroong malalaking bulaklak siyang prumotekta sa kaniya mula sa bola ng apoy na pinasugod ni Senju sa kaniya.
Nang malapit na ang bola ng apoy sa kinaroroonan ni South ay bumuka ang mga bulaklak ng halaman na ginawa niya at bumuga ang mga ito ng tubig. "Container Flora, Plant Sprinkler!" Bigkas ni South sa atake na ginawa niya.
Naapula ang bolang apoy ni Senju. Ngunit parte lang ito ng plano ni Senju. Sa pag-apula ng apoy, biglang sumulpot sa harapan ni South si Senju. "Exploding Kick." Sinipa ni Senju ang isang bulaklak na siyang nagdulot nang malakas na pagsabog.
Dumistansya si Senju matapos ang kaniyang ginawang atake. Lumapad ang ngise sa labi nito dahil naramdaman niya ang lumakas na aura ni South.
Nawala ang usok at alikabok na idinulot ng pagsabog. Namangha si Senju sa nakita niyang pagbabago ng anyo ni South.
Naging isa itong malaking Parasaurolophus Plant na may taas na 10 feet at haba ng katawan na aabot sa 15 meters.
"Plant Gear: Parasaurolophus Plant Brawler!" Pinangalanan ni South ang kaniyang spell na ginamit.
Ang Parasaurolophus Plant ay kabilang sa angkan ng 'Dino Plants', na isang angkan na kabilang sa mga 'Human Eating Plant Species' sa mundo ng Elementacia.
Ang mga Dino Plant ay hulma sa katawan ng mga Dinosaur ngunit gawa sa matitigas at mahiwagang halaman ang katawan ng mga ito. Ang mga Dino Plant ang kinikilalang pinaka-delikadong halaman sa buong Elementacia dahil nakakagalaw at nakakapag-lakbay ang mga ito dahil may sarileng pag-iisip ang mga ito.
Ang Plant Gear Transformation na ginamit ni South ay isang malakas niyang spell na kung saan nagiging pareho sa kung anong itsura ng halaman na napili niyang gayahin ang komposisyon ng kaniyang katawan. Isa sa mga halaman na kaniyang kayang gayahin ay ang 'Parasaurolophus Plant' na siyang pinaka-nahirapan niyang ma-master na Plant Gear sa lahat ng Plant Gear Transformation mayroon siya.
May kakayahan ang mga Parasaurolophus na gawing malakas na electrical energy ang tubig na nahihigop nito at nilalagay ito sa kanilang sungay na nasa gitna, sa ibabang ng kanilang ulo. Kaya ding bumuga ng malakas na pwersa ng hangin ang mga ito na nakakabuwal ng maraming bilang ng mga puno sa malawakang bahagi ng kagubatan.
"Astig!" Manghang sigaw ni Senju. "Saan mo naman nakita ang halaman na iyan at nagawang mong magaya?" Tanong ni Senju sa seryosong si South.
"Huwag kanang maraming tanong! Horn Electrical Attack!" Nagpakawala ng malakas na boltahe ng kuryente mula sa sungay nito si South.
Inilagan naman ito ni Senju. "That's unfair! Why the fuck do you have another magic attribute! Your Plant Gear spell is a cheat!" Angal ni Senju kay South habang umiilag ito sa mga boltahe ng kuryente.
Nagtago sa kagubatan si Senju.
Agad namang bumuga ng malakas na hangin si South at nabuwal ang ilang mga puno sa kagubatan na pinagtaguan ni Senju.
Nag-ipon ng enerhiya sa kanang paa nito ni Senju. Naging apoy ang kaniyang kanang paa at uni-unti itong lumaki. Tumalon siya kalaunan gamit ang higante niyang apoy na paa at sumipa sa ere para magtungo sa kinaroroonan ni South. Akmang tatapakan niya si South nang bigla na lamang siyang sapakin ng sumulpot sa likuran niyang si Shannon na mayroong pakpak sa likuran dahilan para siya ay makalipad. Bumagsak si Senju sa lupa malapit sa kinaroroonan ni South at nadis-able agad ang higanteng apoy na paa nitong spell na ginawa.
Nakita ni South si Shannon, kinabahan ito ng husto at dinis-able na din ang kaniyang Plant Gear: Parasaurolophus Plant Brawler.
Bumaba naman si Shannon sa kinaroroonan nila. Inis na inis ang ekspresyon nito sa mukha.
"Explain what are you doing." Sabi ni Shannon sa dalawa.
Tumayo si Senju sa kaniyang pinagbagsakan kalaunan ay agad siyang lumuhod. "Patawad boss, hindi ko po alam kung anong pumasok sa utak ko at nilabanan ko si South sa isang seryosong labanan." Humingi ng tawad si Senju kay Shannon.
"Patawad po boss." Humingi din ng tawad ang yumuko na si South.
"You idiots. You skip class just to brawl here? I can't believe it. I thought you two have matured a bit." Inis parin na sabi ni Shannon na kalaunan ay nagbitiw ng buntong hininga. "Kung nahuli ako nang dating, baka napatay na ninyo ang isat-isa. Lapit!" Sermon niya.
Lumapit ang dalawa kay Shannon. Piningot sila nito sa tig-isa nilang tenga.
"Aray ko po boss." Angal ng dalawang nasaktan sa pag-pingot na ginawa ni Shannon sa kanila.
"Don't ever try to do this. Your powers are unique and strong, with the level of body and Stage rank you guys currently have, hindi niyo pa kakayanin. Kapangyarihan niyo lang din ang makakapatay sa inyo." Bilin niya sa mga ito at tinigilan na ang pag-pingot sa kanilang dalawa. "Let's go home." Pag-aya ni Shannon.
Nagtinginan naman sina Senju at South saka ngumite sa isat-isa. (Hindi kami naparusahan, mabuti na lang.) Sabi nila sa kanilang mga sarile.
Itutuloy.