Chereads / Fragile Phantasy / Chapter 5 - Chapter 5

Chapter 5 - Chapter 5

3rd person pov

5 years later.

mp4 song

sa loob ng isang madilim na kuwarto,may isang taong nababalulatan ng napkaraming game console,nanglalim at may malaking eye bugs sa kanyang mga mata,sanhi ng walang tigil na paglalaro.

Mararamdaman sa paligid ang malungkot at walang pag-asang aura.

Biglang bumakas ang pinto.

May isang babaeng lumapit sa kanya"kuya kc please naman tama na ang pagkamukmok mo sa depression".

Di siya sinagot ni kc at nagpatuloy lang sa paglaro,para bang walang nangyare.

"sana matauhan kana at bumalik sa dati mung sarili ,ilang taon na nung huli kitang nakitang ngumiti at  positibo"paliwanag ng kanyang kapatid na halos di mawari ang kanyang nakikita,nalulungkot sa sinapit ng kanyang kuya,wala nalang siyang magawa kung hindi maiyak.

"kuya please naman kahit man lang sana linisin mo ang kuwarto mo, napaka-dumi na at ilang araw ka na ding hindi naliligo"dag-dag pa ng kapatid ni kc na pinipilit siyang ayusin ang kanyang buhay.

Wala paring kibo.

"kuya,alam kung huli na ng malalam naming bugbog sarado ka sa school,halos buhay impyerno ang naranasan mo doon,pero please naman sana maawa ka naman sa sarili mo"

biglang nangigil si kc at akmang hahampasin nang console ang kanyang kapatid.

"sorry kuya"agad itong lumayo para hindi tamaan sabay umalis at pinunasan ang kanyang luha.

muling nagbalik sa paglalaro si kc na parang walang nangyare.

Mga ilang minuto lang,pumasok din sa kuwarto ang kanyang ama at ina.

"kc sana naman anak magpatuloy kana sa buhay mo, bakit ganyan parin ang ginagawa mo"sambit ng kanyang ina na nagmamaka-awa at naluluha.

Di siya sinagot ni kc at patuloy sa paglaro.

Lumapit ang kanyang ama"anak alam ko na mahirap ang dinanas mo dati,nalugmok ka sa depression,pero please gusto kung makitang magpatuloy ka at umasenso,para pagdating ng araw ay masagana ang buhay mo,alam mo mahal ka namin ng mama mo,gagawin namin ang lahat para sa inyong magandang hinaharap,sana naman matauhan kana,nagmamakaawa ako sa iyo"napaluha ang ama sa kanya,kaso wala parin sa sarili si kc,nakatutok lang sa kanyang games.

Tulad ng araw-araw wala parin nangyare,halos paulit-ulit lang na ganito.

Unti-unting lumabas ang mga magulang ni kc sa kuwarto at pinunasan ang kanilang luha"kc iniwanan ka namin ng sinaing at pagkain bantayan mo para di masunog,kumain ka pag nagutom ka"sambit ng kanyang ama at inayos ang damit.

"papasok na kami ng papa mo sa trabaho,ingat ka anak"sabi ng kanyang ina at lumabas narin ng bahay.

"sana mata-uhan kana kuya"dag-dag ng kanyang kapatid.

Pag-labas nila sa bahay unti-unting tumulo ang luha at sipon ni kc.

At mabilis na pinatahan ang sarili"patawad ama at ina bakit ako pa ang naging anak niyo,pero kahit papaano gusto ko paring maipagmalaki niyo ako,pero pasensiya na hindi ko na kayang bumalik sa society,natatakot na akong masaktan".

Kc pov

Araw-araw kung naranasang mabugbug,pagtawanan, pang-dirian at layuan, tuluyan ko ng sinuko lahat,tanging alala nalang ng poot,galit at sama ng loob ang natitira na araw-araw kung paulit-ulit na naaalala,kahit ilang beses kung gustong kalimutan,hindi ito mawala sa isip ko.

Pero kahit papaano gusto ko paring maipagmalaki ng mga magulang ko.

Oras na nagawa namin ni dok ang portal yayaman din ako,mabibili  lahat ng gugustuhin ko, higit sa lahat maipagmalaki at makatulong sa mga magulang ko.

Biglang kumalam ang sikmura ko,pumunta agad sa lamesa para kumain.

Pero naiwan palang bukas ang tv at balita ang palabas"talamak na naman po ang krimen ng notorius kuzawa gang,hindi na po sila makontrol nang batas,dahil sa ubod na lakas na mga armas na hindi mapigil"sambit ng anouncer.

Kaagad kung turn-off ang tv at naisip na"dahil ito sa tech ni dok".

Wala naman akong paki-elam kung anong mangyari sa mundong ito.

Basta maipagmalaki lang ng mga magulang ko.

Sapat na sakin iyon,Hindi na ako makikisalamuha sa iba,sakit lang ang dulot nila para sakin.

Mabuhay mag-isa yoon nalang ang pangarap ko,dahil sa mundong ito sakit,poot lang ang dulot ng iba.

Tinignan ko ang sinaing,nako nakalimutan ko,dahil doon nasunog na naman ito.

Sabay kung nakita ang ulam na kinain na naman ng pusa.

haay, kailangan ko na namang bumili sa convinient store nito,ayaw ko pa namang lumabas.

Biglang tumawag si dok.

Kaagad kong dinampot ang phone"bakit dok,masyado pang maaga,dipa nga ako nakakatulog kakalaro,mamaya nalang"sagot ko sabay kamot sa nangangati kung ulo,ngayon ko lang naalala di pa pala ako naligo.

pero wala naman akong pakielam.

Pero biglang nagsalita si dok ng excited na excited"nahihibang kanaba,ngayon na ang araw na makukumpleto na natin ang portal,pumunta kana kaagad dito,ilang taon din nating hinantay ang araw na ito"paliwanag niyo na hyper na hyper.

Di ko rin siya masisisi,maraming taon din naming iyon ginagawa"sa wakas doc yayaman narin tayo,maipagmamalaki narin ako ng mga magulang ko,katagal kung hinintay ito".

"bilisan mo oras na binigay ng mafia,ang kinakailngan nating piyesa,kapalit ng tech ko,uumpisahan na natin ang pagpunta sa ibang mundo"dag-dag ni doc na halos di na makahintay.

"pupunta na ako agad"sabay nagsuot ng hooded jacket at lumabas ng bahay.

Pinatugtog ang mp4 sa bulsa.

Mahihirapan  lang akong makapunta,dahil talamak na  ang krimen,dahil sa pagsulputan ng mga mafia.

Paglabas napansin kung hinuhusgahan ako ng mga mapanlait na tao ng ako ay kanilang makita.

Nagbubulungan sila.

Ano bang pakielam niyo kung mabaho,madumi o talunan ako,pakielaman niyo sarili niyung buhay.

Hindi ko tuloy napansin na nakatapak ako ng saging at natumba,sabay iniputan ako ng mga ibon sa mukha.

Nagsitawanan ang mga taong nakakakita"hahahaha tanga".

Pero para saakin walang nangyare,ganoon parin ang expression ng mukha ko,nakasimangot.

Napag-desisyunan kung dumaan sa eskinita.

Para maka-iwas sa mga tao.

ayaw ko pa naman ng maraming tao,kung puwedi lang mabuhay ng mag-isa sa mundong ito pipilin ko,isipin mo ang mundong ikaw lang mag-isa napakasaya diba,sarili mo ang buhay mo,walang expectation,sakit,poot,galit o away,walang makakasakit sa iyo at hindi mo rin sila masaksatan.

sa pagdaan sa madilim na eskenita may nakita akong binubog-bug at pinagtutulungang tao ng mga mafia.

"tulong please tulungan mo ako tumawag ka ng pulis"sigaw nito.

Di ako bayani,ayaw kung madamay sa gulo.

At nagpatuloy lang akong  maglakad na parang walang narinig, hindi ko na problema yan, tulad mo wala rin tumulong sakin dati.

pagkalabas ko nang eskinita napansin kung crowded ang shopping destrict dahil may sale.

at puro mga babaeng makakapal na make up ang mga nandito.

Buysit pinaka-kinaiinisan ko ang mga babae,pinandirihan nila ako dati.

Maarte at suwapang sila kala mo kung sino.

napalingon ako sa paligid at napakaraming larawan nang babaeng hinangaan ko dati sa classroom ang umasenso, isa na siyang sikat na artista at modelo ngayon nang halos lahat nang produktong pampaganda.

siya ang nagpakita saakin na walang sinumang ang tatangap sa mga talunang kagaya ko.

sabay nangigil muling napalingon sa tv at nakita ko ang kampeon na atletang si max, undefeatable at isa sa pinakamayamang tao sa boung mundo.

naiinis lang ako sa hindi patas na mundong ito biniyayaan ang iba nang talento at kayamanan nang hindi na nila kailangan pinaghirapan, samantalang ang mga katulad ko na kanilang tinatapakan at minamaliit ay walang magawa kahit anong pagsusumikap pa ang gawin ko.

umasenso na lahat but me, im still the old loser, wala parin pinagbago, ang tangin pag asa ko nalang ay ang invention ni dok.

Dok pov

Habang hinihintay si kc na dumating sa aking bahay.

Sa wakas ngayong araw na ang simula ng katuparan ng mga pangarap ko.

Napakatagal din ang panahon ang ginugol at hinintay ko.

Oras na dumating ang mga mafia,ibibigay nila ang mamahaling piyesang kinakailangan ko,para makumpleto ang portal,kapalit nang mga imbention ko.

Habang naghihintay naalala ko muli ang aking nakaraan.

Kung saan nagsimula akong mangarap.

Flashback

mp4 song

Elementary school days.

As always naka-upo ako sa isang tabi tahimik lang na walang kibo.

Kinakabahan akong makisalamuha sa iba,di ko alam ang gagawin kung paano makipag-kaibigan,pero gusto kung magkaroon ng kaibigan.

Narinig kung nagbubulungan yung mga nasa likod ko"tignan mo,araw-araw nalang hindi kumikibo ang isang iyan,di yata marunong magsalita".

"oo nga para yatang baliw,tignan mo ang itsura napakagulo,di man nag-aayos"sagot naman ng isa.

"wala nga siyang ni isang kaibigan eh"bulong pa ng isa.

Naririnig ko ang sinasabi nila,sinubukan kung humarap sa kanila.

Kaso ng makita nila akong kumibo,kaagad silang lumayo na parang isa akong germs,pinagpawisan ako dahil parang may mali yata akong nagawa.

"haay mamaw"takot nilang sambit mukhang nabigla.

"akala ko may gagawin nang kung ano satin eh"kabadong tugon ng isa.

"lumayo na nga tayo,baka may kahindik-hindik pa siyang gawin satin"sabi ng isa at mabilis silang umalis.

Yumuko nalang ako at mahinang sinabing"kamusta"gusto ko lang naman sana silang batiin at makipagkaibigan.

Sa kabilang banda ko naman,nag-uusap ang grupo ng mga kababa-ihan.

Sinubukan kung ngumiti para bumati,pero nang makita nila iyon,umiwas sila ng tingin at parang walang nangyari.

"nakakatakot naman iyon ang weird niya kinilabutan ako doon"sambit ng isa.

"ano kaya ang sira sa utak ng taong iyan,panget na di pa maayos,wala pang kaibigan at lagi pang bagsak ang nakukuha na marka,kung yan ang boyfriend ko mabuti pang mamatay nalang akong dalaga"lait ng isang babae.

Yumuko nalang ako dahil totoo naman iyon.

Walang gustong maka-eye contact o dumikit sakin lahat lumalayo.

Gusto ko lang naman silang maging kaibigan,bakit walang gustong tumangap sakin.

Biglang pumasok ang science teacher"ok class may idedemonstrate sa inyo ang valedictorian natin,dalhin mo na dito ang imbention mo,henry".

Tumayo ang pinakamatalino saamin at nag demonstrate ng kanyang mga imbention.

Lahat ng tao namamangha sa kanya,lahat sila tinatangap at nirerespeto siya.

Gusto kong maging kagaya niya.

Sinubukan kung pag-aralan ang pag-gawa ng imbention.

Walang araw o oras na ako ay tumigil.

Hangang sa school,laman ng notebook ko ang mga balak kung gawing imbention.

Pangarap kung tulungan ang mga katulad kung kapos palad na tinapon ng society.

Hangang sa isang araw nagawa ko ang una kong imbention.

Dumating ang science fair,iniliban ko ang aking imbention.

Pero natalo ito sa di maipaliwanag na dahilan.

Kaso nang araw na iyon,nilapitan ako ni henry at sinubukan niyang makipag-kaibigan.

"kamusta magaling kapalang imbentor,napansin kung lagi kang mag-isa,bakit ngayon ka lang sumali sa ganitong patimpalak,ano ang pumasok sa isip mo"sambit niya.

Kinabahan ako ito ang first time na may nakipag-usap saakin.

Di ko alam ang gagawin,sasabihin ko nalang kung ano talagang dahilan ko,magpapakatotoo ako honest at straightforward"dahil tulad mo,gusto kung makatulong sa iba at magkaroon ng maraming kaibigan"nerbiyoso kung sagot.

Bigla siyang napangiti"ahh ganun pala,wag kang mag-alala,magtutulungan tayo papasahan mo ako ng idea mo at papasahan kita ng akin,sabay tayong magiging sikat ayos ba iyon sa iyo,ako na ang iyong magiging unang kaibigan"anyaya niya.

"oo salamat napakaraming salamat"sagot ko ng nakangiti na halos hangang noo.

Simula noon lagi niya akong sinasama at sinasabi ko sa kanya ang mga idea ko,hindi siya nagbibigay sakin ng idea,pero kapalit noon naka hang-out ko ang ibang tao,kahit na parang ilag sila saakin.

Lumipas ang mga taon at napag-desisyonan naming ibenta ang idea at imbention ko sa malaking kompanya.

Sa wakas ito na ang pagkakataon kung matangap ng mga tao,magtitiwala narin sila saakin.

Gamit ang imbention ko,magagawa ko silang matulungan lalo na ang mga kapos palad.

Pero bago ko pa magawa iyon,biglang inangkin ni henry saakin ang lahat.

Ninakaw niya lahat.

Sinubukan kung sabihin ang katotohanan,pero ipinalabas niya na isa akong baliw gamit ang kanyang pera,yumaman siya ng yumaman,doon ko lang din nalaman na siya ang nagbago ng score sa science fare.

Nilayuan ako ng mga tao itinuring na sira-ulo,para lang makakain sa isang araw ibinenta ko ang imbention ko sa mga mafia.

End of flashback.

Pero sa pagkakataong ito maayos ko na ang lahat, oras na gumana ang portal.

Magagawa ko ng matulungan ang mga nanganga-ilangan gamit ang bagong kaalaman at maraming resources mula sa ibang mundo,matatangap narin nila ako.

Di ko magagawa ito kung wala ang tulong mo kc,ikaw ang aking matalik na kaibigan.

3rd person pov

Pagbukas ni dok ng pinutan"dok kamusta may dala akong pagkain,tara kumain muna tayo kumakalam na ang sikmura ko"bati ni kc na may dalang pagkain.

"buti nalang dumating ka kc,eto na ang araw na makukumpleto ko na ang portal,hintayin na lang natin ,paparating na ang mag-aabot ng huling parte"excited na paliwanag ni dok.

Napansin ni kc na may relo si dok"uyy bagong bili yata yan,anong kayang gawin ng relong yan dok".

"mamaya ko na ipapaliwanag sayo,kumain na muna tayo"sagot ni dok.

"sabi mo eh"sabay inilapag ni kc ang dala niyang pagkain at nagsalo ng kumain ang dalawa.

napangiti si kc at sinabing"alam mo dok,kahit ano mang mangyari sa experimento magtagumpay man o hindi,gusto kung malaman mo na ikaw ang pinakamatalik kung kaibigan,kinagagalak kung nakilala kita siguro napakalungkot ng buhay ko kung di ko kayo nakita"seryosong sincere niyang sinabi.

napaluha ako tumulo lahat ng sipon at sabay pinunasan"tama na nga iyan,oras na nagawa natin magbubunga na ng saya ang lahat ng pag-hihirap natin"para muling pasayahin ang paligid. 

sa totoo lang ako ang pinakamasaya dahil nagkaroon ako ng kaibigang tulad mo.

sabay kaming kumain ng nakangiti.Maya-maya pa ay.

Biglang may tumigil na sasakyan sa harap ng bahay ni dok.

"hayan na sila kc bilisan mo magtago kana"utos ni dok sabay nagmadaling pinatago si kc sa isang aparador.

Pumasok ang mga lalakeng naka-itim"nasaan na ang hinihingi naming invention"nakakatakot na bangit ng mga ito.

Ini-abot ni dok ang imbention na incinirator"eto na ang gusto niyo,nasaan na ang kabayaran"tanong ni dok.

"nagmamadali ka rin no,ibigay niyo ang kabayaran"sagot ng mafiang lalake.

At ini-abot ng kanyang mga tauhan ang malaking piraso ng mamahaling bakal.

Kinuha ito ni dok at sabay sinabing"kung puwedi lang,ito na ang huli nating negosasyon,hindi na ako gagawa ng bagong armas para sa grupo niyo".

"kung ganoon wala kanang silbi samin"sabay pinasabugan ng lalake si dok ng inferno blaster.

Nabalutan ng umaalab na impeyernong apoy ang boung paligid ni dok.

Gusto sanang lumabas ni kc sa parador para tulungan si dok,pero oras na makita siya manganganib ang kanyang mga magulang.

Hindi malaman kung natusta ba si dok sa lakas ng liyab ng apoy.

Kaso ilang segundo lang nawala na ang apoy at nababalibutan ng force field si dok.

"paanong"litong tugon ng mafia.

"dahil ako ang nag imbento ng mga armas na iyan"sagot ni dok at may pinindot si dok sa kanyang bulsa.

Biglang nakuryente ang mga mafia ng armas na hawak nila.

Merong isang nakaligtas at nagtawag ito ng back-up.

Tumingin si dok sa bintana at mabilis napalibutan ang bahay ng mga rumispondeng mga mafia,imposible ng makatakas.

"tayo na kc,bilisan mo kailangan na nating makumpleto ang portal,upang magawa pa nating makatakas"bangit ni dok at ang force field na bumabalot sa kanya ay muling nag-anyong relo.

"paano nangyari yun at bakit gusto ka nilang patayin dok"tanong ng nalilitong si kc.

"tayo na madali"sagot ni dok.

Mabilis na tumakbo ang dalawa.

"dahil iniisip nilang bumaliktad ako sa grupo nila at baka mag-traidor"paliwanag ni dok.

Sabay dumiretso ang dalawa sa underground lab ni dok.

"bilis kc,ikabit mo ang huling parte ng metal sa malaking bilog,papaandarin ko na ang system ng portal"utos ng nagmamadaling si dok.

Kaagad kinabit ni kc ang mga parte ng portal habang inaayos ni dok ang technological system na magpapaandar dito.

Samanatala ang mga mafia naman sa labas ay pina-uulanan na ng bala ang bahay ni dok.

Lumabas ang kanilang big boss sa isang napakagandang limo.

Lumuhod lahat ng mafia sa paligid.

"nandito tayo sa presiyensa ng tunay na boss!!"

"boss henry,sigurado na po kaming patay na ang matandang nasa loob niyan"sambit ng kanyang mga tauhan.

"magaling,kung hindi mapapa-saakin ang imbention niya ,mabuting mamatay nalang siya"sabi ni henry ng nakangiti.

Pumasok siya sa bahay at di nakita ang katawan ng matanda.

Hinanap niya at napansing may sikretong lagusan ang bahay.

"mga inutil buhay pa siya,buksan niyo ang lagusan"sigaw niya sa mga tauhan.

"masusunod po boss"sagot ng mga ito at pinilit buksan ang lagusan ngunit hindi nila ito magawa.

"kung ganoon sirian niyo at wasakin ang boung lugar gamit ang pinakamalakas nating time bomb"utos ni henry sabay umalis sa lugar.

Sinira nila ang lagusan at hinulugan ng maraming time bomb na may isang minuto bago sumabog.

Sabay nagmadlaing lumayo sa lugar.

Narinig ni dok at kc na may bumagsak sa laboratoryo nila mula sa itaas.

Nakita ni dok na isa itong bomba,pero hindi niya ito sinabi kay kc para hindi kabahan

"bilis umandar kana,bilisan mo".

"dok nakumpleto kona"sambit ni kc ng makabit ang huling parte ng portal.

Sabay itong gumana.

"yes"galak ng dalawa.

Pero may 50 seconds charging pa ito.

Huminga ng malalim si dok at ngumiti,naisip niyang mayroon isang kailangan maiwan,para sa activation at process nang portal.

Dok pov

Hindi ko pa magagamit ang kapangyarihan ng relo,para protektahan kami,dahil recharging pa ito.

Lumapit ako kay kc at sinabing"oo nga pala malapit na ang kaarawan mo,ginawa ko talaga ito para sa iyo,bilang surpresa"sabay inalis ang relo.

At ikinabit sa kamay ni kc"maraming salamat pangangalagaan ko ito dok,pero para saan ito at paano ko ito gagamitin baka masira ko"nalilitong tanong niya.

"may kakayan ang relong iyan maging isang armas na pipiliin mo,base sa mga nagawa nating armas dati nang hangang limang minuto,gumagamit iyan ng enerhiya ng elemento sa paligid para ma-charge, wag kang mag alala may backup iyan oras na nasira"paliwanag ko habang di ko mapigilang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"dok parang hindi na tayo magkikita sa paraan ng pagpapaliwanag niyo"tanong ng naguguluhang si kc.

Sabay kung niyakap si kc at tinasakan ng pampatulog at ipinasok sa portal.

"dok bakit?"nalilitong tugon ni kc at nakita ang bomba sa paligid na pilit kung tinatakpan.

"huwag dok,may mga pangarap pa kayo,bakit niyo ginagawa ito para lang sakin,,diba gusto niyong makatulong sa mga tao,sumama na kayo please"makaawa ni kc habang unti-unting pumipikit ang mga mata,dahil sa pampatulog.

"kailangan may maiwan para mag-paandar sa portal"sabay itinulak si kc para isara ang portal.

Bago mawalan ng malay si kc nagpupumilit siyang makalabas"buksan niyo ito dok,akala ko bang gusto niyong matangap kayo ng mga tao".

3rd person pov

Ngumiti lang si dok"matagal ko ng natangap ko ang sarili ko,maging ano pa man ang tingin nila saakin".

"dok huwag please"sabay nawalan na ng malay si kc.

"salamat"magsayang sambit ni dok.

Nakumpleto na ang charging at sinimulan na ni dok ang pag-transfer sa portal.

5 segundo bago sumabog ang bomba sinubukang protektahan ni dok ang system.

Sa huling pagkakataon na iyon tinignan niya ang picture nilang dalawa na masaya,naalala niya lahat ang oras pinagsamahan nila ni kc.

kahit papaano sa unang pagkakataon ay hindi siya natakot maglaho dahil alam niyang hindi na siya mag-isa, ang mga pinagsamahan nila ng binata ay sapat ng ala-ala para sa kanya, sa segundong iyon napuno siya ng feeling of comtempness.

Napangiti siya at sinabing"Hindi na ito masama"sabay hindi niya napigilang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Nagtagumapay ang pag transfer nang portal sabay sumabog ang boung paligid.

Kc pov

"dok,dok nasan na kayo!!"tawag ko matapos kung maimulat ang aking mga mata.

"anong klaseng mundo ito"Tumambad saakin ang isang mundo ngayon ko lang nakita.

mp4 song

Chapter end.