kc pov
"let see what you got newbie,di ka makaka-alis dito ng di pinapakita ang lahat ng kakayahan mo"humaharang siya sa dadaanan ko.
natigilan ako natatandaan ang mha nag buska saakin dati,pinagpawisan ang katawan ko at kinabahan.
di na ako nag-isip at mabilis ko siyang sinuntok na puno ng galit.
isang galaw lang at effortless niyang nailagan ang suntok ko.
"tulad nga ng sinasabi ko,mahina ka magicless"sabay tadyak sa sikmura ko na ikinaluhod ko.
sinundan niya ito ng malakas na axe kick.
mabilis akong gumulong para maiwasan ang atake.
nasira ang boung semento dahil sa lakas ng sipa.
"maswerte k,,"
sinubukan ko na siyang sungaban bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
bago ko pa siya masuntok,,
"flame field"napalibutan siya ng apoy.
"aray!!"madaplisan ng nagliliyab na apoy na bumabalot sa kanya.
mabilis kung pinagpag ang kamay ko para mawala ang apoy.
"tapos na ang laro,oras nang magseryoso"sabay umatake saakin.
sinubukan kung umatras para maka-ilag.
naloko na.
mas mabilis siyang gumalaw kaysa saakin"huli ka,ngayon tusta kana".
burning knuckles!!sabay sinuntok saakin ang nagliliyab niyang kamao.
wala na akong choice kailangan ko ng gamitin ang relo.
bago pa tumama ang atake saakin.
pero nagdalawang isip ako dahil sa takot,nagbalik ang alala ko dati,ang suntok ng mga bumuska saakin.
di ako nakagalaw,tumama ang kamao niya saakin
"burning art-contact explosion!!"
tumalsik at napahandusay sa sahig nagliyab ang kalahati ng mukha ko"hwuaaaaaaaaaaaaaahh"pinilit ko itong alisin.
dinaganan niya ako at pinagsusuntok.
"wawasakin ko ang mukha mo hangat di ka sumusuko!!"
sinubukan ko itong harangan,ang tiyan ko naman ang pinupuntirya.
"wala ka nang kawala ungas,walang lugar ang mga mahihina sa mundong ito,wala kayong karapatang mangarap o magkaroon ng opinion,ang tanging silbi niyo lang ay sumunod sa mga malalakas"halos walang tigil na bug-bog ang pinatatamasa niya saakin.
nawawalan na ako ng malay,nagbalik uli ang lahat ng alala ng panahon na binuska ako,wala parin akong pagkakaiba sa pagkakataong ito,for all those years talunan parin ako.
sinakal niya ako pataas puno na ng paltos ang mukha ko.
"bubuhayin pa kita kung luluhod ka at mag-mamakaawa sa buhay mo,sasabihin mung isa kang takot,spineless na duwag na sumusuko at walang karapatang mabuhay sa mundong ito na pamumunuan ko"sabay niya akong inihagis.
bali ang buto ko duguan Ang mukha,gusto kong maka-uwi at makita ang mga magulang ko,kung ito nalang ang paraan para matupad iyon,gagawin ko.
pinilit kung gumalaw kahit masakit ang boung katawan habang nakahandusay.
dahan-dahan akong lumuhod"patawad humihingi ako ng tawad,nagmamakaawa ako,isa lang akong talunang,walang karapatang mabuhay sa mundong ito"umiiyak sa pagmamakawa,kinain ko na lahat ng meron sa pagkatao ko,para lang makita muli ang mga magulang ko at si dok.
tinapakan niya ang ulo ko at lalong idiniin"ang mga katulad niyong mahihinang magicless sa mundong ito ay walang karapatang mangarap,mas magandang isuko niyo nalang ang isang bagay na imposible niyong makamit,dahil sa mundong ito ang mga malalakas ang nasa itaas,walang lugar ang mga mahihina kung hindi sa ibaba"sabay sipa sa mukha ko tumalsik hangang sa papalabas ng guild.
naghiyawan lahat ng tao sa guild.
lumabas ang guild lady at binigyan ako ng isang gamot"inumin mo ito,wag ka na ulit babalik dito,pasalamat ka hindi ka pa nila tinuluyan".
dahan-dahan niyang inabot ang gamot at pinainom.
"isa yang magical medicine na umiepekto lang sa magicless,magagawa niyang ayusin ang mga bali mung buto at paltos sa katawan pero hindi maalis ang sakit na iyong nararamdaman,kailangan mo parin itong tiisin,kung mahal mo pa ang buhay mo wag ka ng muling babalik dito"sabay pumasok muli sa guild.
"salamat at patawad"matapos kung inumin ang gamot,di parin naalis ang sakit, pero naramdaman kung naayos na Ang mga baling buto at paltos sa mukha at katawan.
3rd person pov
bumalik si kryge sa loob nailabas ang lahat ng sama ng loob sabay uminom ng napakaraming alak.
iniisip"buti nang nalaman niya ang realidad,walang pantay-pantay sa mundong ito di magandang umasa pa siya sa bagay na hindi matutupad,tulad ng aking ama na naniwala na kayang lumakas ang mga mahihina,yun ang kanyang malaking pagkakamali,hindi ako magiging katulad niya"sumama ang kanyang loob sa bagay na kanyang naalala.
"bigyan niyo nga kami dito ng napakaraming alak,sagot ko ang lahat"sigaw niya at naghiyawan lahat ng nasa guild.
samantala lumayo na si kc sa guild.
kc pov
nakakainis isipin na hangang ngayon isa parin akong duwag at talunan,wala paring ipinagbago.
habang umiiyak pilit kung kinalimutan ang lahat.
wag na munang isipin,oras ng maghanap ng trabaho para maka-ipon ng pera upang makita muli sila ama at ina.
kailangan kung makahanap ng paraan para maka-uwi at susubukan kung makabili ng card para makakuha ng information.
Sa tingin ko nasa bandang kanlurang part ako ng siyudad base sa compass mode ng relo.
Amoy sunog na uling dito at napakarami ring usok.
Puno ito nang mga kainan
ininda ang sakit ng katawan,pumasok sa una kung nakitang trabaho,dahil sa dami ng kumakain mabilis nila akong tinangap,binigyan nila ako kaagad ng uniporme.
sinalubong ako ng kanilang chef na may kakaibang bigote"ang trabaho mo ay kumuha ng order,entertain mo sila at wag kang sisimangot dapat approachable,o bilis simulan muna,500 silver ang suweldo mo sa isang araw"
sa sobrang busy at bilis ng serving ng paligid kaagad na nila akong sinalang.
parang di ko yata kakayanin ito,naiilang ako sa mga tao,pero bago pa ako maka-angal naitulak na ako kaagad para magsimula.
Habang nakikita ko naman na magaling na gumagamit ng mahika ang mga kasama ko lumulutang ang putaheng hinahatid nila, gamit ang kumpas ng daliri dinadag-dagan ang init ng papalamig na soup samantalang ako kailangan magpakahirap ng mano-mano.
"ano po yung order niyo miss"
"isang dragon pasta budburan mo ng sauce"
"isang hot wrym soup samin dito pakibilisan"
tinatawag ako ng mga customer ng sabay-sabay,hindi ko na alam ang gagawin ko at pinapapawisan litong-lito.
may tumawag saakin sa kabila"hoy,ang tagal nung order namin kanina pa".
kinalabit naman ako sa likuran"wala ka bang ibang alam gawin na entertainment naiinip na kami sa kakahintay,libangin mo nga kami".
sumigaw ang boss ko "hoyy anong ginagawa mo sundin mo ang sinasabi nila"sabay senyas na ngumiti ako.
pinilit kung ngumiti sobrang pilit nagmukha akong aso.
"ano ba yan ang weird ng itsura niya nakakatakot"
"alis niyo nga iyan sa harapan ko lalo akong kinelabutan"
"ang pangit ng ngiti mo para kang rapist"
reklamo ng mga customer.
ayaw ko na hindi ko na matiis ito,bumalot ang pawis sa boung katawan ko dahil sa kaba at hiya,hindi ko talaga kayang nasa paligid ng iba.
kaagad akong lumabas at nagpalit ng damit sabay sinabing"aalis na ako hindi ko kaya ito,suko na ako".
sabay naghanap muli ng ibang trabaho.
Sa di kalayuan may nakita akong pabrika pagawaan ng armas, bomba at paputok na nagagamit sa laban, kaagad kung sinubukang pumasok dito
Mistulang ako lang ang magicless sa grupo ng mga trabahador at and trabaho ko ay maglusaw ng mga bakal.
Mga ilang beses akong nagbuhat ng bakal para lusawin dahil sa wala akong mahika natatagalan ang trabaho ko.
Mapapansing pinagkakantiyawan ako ng mga kasama ko habang nalingat ako sa pagbubuhat ay may bumanga saakin"umalis ka nga diyan sa dadaanan walang babagal-bagal" sambit nito.
Sa bigat nang buhat kung bakal muntik na akong nahulog sa lusawan, di ako maka-angal dahil di binibigyang pansin ang mga magicless sa mundong ito.
Kaya minarapat kung umalis sa trabaho na ikinagalak ng boss ko.
maghahanap nalang ako ng bagong mapagtatrabahuan malayo sa parteng ito dahil delikado dito umiikot ang lugar sa pag-gamit ng apoy.
Sinubukan kung magpakalayo sa north hangang makapunta sa pinaka-gitna ng siyudad at may nakita akong malaking tore na may nakauikit na pangalan at drawing ng mga mukha at nasa pangalawang puwesto ang pagmumukha ni kryge.
Diko masabe isa siguro itong talaan ng lakas.
Hindi ko nalang pinansin ito hangang makarating sa hilagang parte ng siyudad, puno ito ng tubig nasasakupan ng malawak na lake na may mga taong lumulutang napapansin kung gamit ang kanilang mahika ay nililinis nila ang tubig.
Napakapresko ng hangin sa paligid na ito kabaliktaran ng south part.
At kaagaad akong nakakita ng trabaho at iyon ay maghatid ng tubig sa siyudad sakay ng ibong tinatawag nilang makit, mukha itong malaking parrot na nakakaintindi ng salita mabilis kung sinabi ang destinasyon dito at kaagad itong umasad papunta sa lugar.
Naging maayos naman ang simula ng trabaho.
Pero nang maghatid ako sa isang bahay na isa sa mga tauhan ni kryge.
"ikaw yung magicless na nagtatankang maging adventurer"sabi nito.
Di na ako sumagot at inabot ang tubig subalit binigyan niya ako ng isang malakas na suntok sa sikmura.
"bat mo ginawa yun?"litong tanong ko.
"dahil wala kayong karapatang mga magicless, wag kang mag-alala sasabihin kung gawin din sayo ng mga kasama ko"dag-dag nito.
Mabilis akong nag quit sa trabaho dahil ayaw ko nang sakit sa katawan, maghahanap nalang ako ng trabahong di kailangan makipagkita sa iba.
Sa paghahanap ay napapad ako sa timog part ng siyudad at doon naman nakita ko ang mga taong gumamagamit ng mahika nang earth, may mga taong mabilis na nagpapatubog ng tanim gamit ang mga nadeliver na tubig sa south part.
Mayroong ding humuhulma nang mga bahay gamit ang mahika.
Minarapat kung mamasukan sa pamimitas nang mga bunga ng napatubong halaman, dahil nanga-ngailangan sila ng mano-manong kukuha nito.
Subalit di kinaya ng stamina ko dahil sa maghapong nakababad sa initan at mabilis na pamimitas at dahil sa wala akong mahika ay kailangan kung tumakbo at umakyat di tulad ng iba na may kakayahang lumutang o abutin ito gamit ang mahika.
Marami akong trabahong sinubukan at sinukuan.
Hangang umabot ako sa silangang part ng capital.
Kung saan nangagaling ang power plant na pagmamay-ari daw ni qougre.
Ang advancement sa mundong ito ay meroon silang electricity na nagagamit nila sa ilaw at orasan, wala pa silang tv o cellphone.
Minarapat kung pumasok sa kompanya ngunit mabilis akong pinalabas dahil di sila tumatangap ng magicless, pero para saakin madali lang ang ginagawa nila sa mga kable ng kuryente nagawa ko narin dati yun kasama si doc.
At napadpad ako sa pinakadulo nh siyudad.
mapapansing iba ang aura ng paligid malungkot ang mga taong nandoon.
halos naka-simangot at hindi maayos ang kanilang suot.
hindi pa maayos ang kanilang mga bahay at pananamit.
ang mga taong maayos manamit halos hindi dumadaan sa lugar na iyon at parang iniilag-ilagan.
sa napaka-depressed na paligid,may nakita akong isang matandang nagtitinda ng gulay at prutas.
hindi tulad ng iba mayroon siyang cheerfull at warm na ngiti.
"kamusta iho,mukhang malungkot ang araw mo,ito kainin mo its on the house"
"salamat po manong"umupo ako"haaayy"ramdam ang pagod at stress.
sincere niyang sinabi"iho,puwedi mung sabihin saakin kung ano ang bagay na bumabagabag sa iyo,nandito lang ako im all ears na makikinig as your friendly neigborhood na masasandalan"sobrang palakaibagan ng matanda.
parang nakikita ko sa kanya si dok,ang pagkakaiba nga lang nila ay nakaka-inspire ang kanyang ngiti.
chapter end.