kc pov
"manong,kailan ba babalik ang noble na kukuha sa lupa mo?"
napayuko siya"bukas ng hapon dahil may mga negosyo pa siyang inaasikaso ngayon,pinapataas niya ang reputation niya".
"kung ganoon meron pa tayong,hangang bukas para kumita ng pera at reputation,ilan ba ang kailangang kitain"
"10,000 reputation para panigan tayo ng batas at maipagtangol ko ang sarili ko"
"ilan naba ang reputation mo manong"
"700 palang"
walang makapagsalita saaming dalawa,alam namin sobrang taas ng reputation na kailangan naming mahabol,para lang sa palugit na isang araw,kailangan tangkilikin ng mga noble ang produkto namin kahit na anong mangyare.
agad akong tumakbo sa bukirin para umani at magtanim ng mga palay at prutas.
"wag kang mag-alala kc,ako ng bahala sa pagpapasarap ng mga putahe"sabi ni manong na sinubukang tumayo at nag testing ng mga lulutuin.
"osige manong"ibibigay ko na ang lahat ng makakaya ko.
hindi kami natulog ng boung magdamag.
kinabukasan inihanda namin Ang sarili sa pagtitinda.
ngunit kahit sobrang sipag pa man ang gawin ko hindi kami nagtagumpay.
ginawa ko na lahat ng makakaya ko pero sa kasamaang palad hindi parin namin mapataas ang reputation ni dok dahil walang bumili ni isang noble o aristocrat.
3rd person pov
matapos asikasuhin ng noble ang mga negosyo niya"oras ng puntahan ko si andok,gagawin ko ang lahat para mapapasuko siya ngayon,kukunin ko ang pinakamalakas na tao sa guild para lang magawa iyon"plano niya at tumungo sa guild.
samantala sa guild nakatulog sa sobrang kalasingan si kryge.
nagkakaroon siya ng panaginip na matagal niya ng gustong kalimutan.
sa kanyang pagkabata.
kryge pov
nasa gitna ako ng arena habang pinapanood si ama na nilalabanan ang isang magicless.
"walang karapatan ang magicless na iyan para hamunin si ama"
napabagsak ni ama ang magicless,kaso imbis na talunin at bug-bugin,tinulungan niya itong makatayo,inalalayan.
lumapit ako para marinig ang pinag-uusapan nila.
"magandang laban iyon,malakas ka malayo pa ang mararating mo tiwala lang at wag kang susuko"sambit ni ama sa kanyang kalaban.
matapos umalis ng kanyang kalaban kaagad kung kina-usap si ama"ama bakit hindi mo pa siya binug-bog matapos mo siyang pabagsakin,wala siyang karapatang hamunin ka isa siyang mahinang magicless".
hinawakan niya ang balikat ko"anak natuto kang respetuhin Ang kapawa mo dahil tayong lahat ay pantay-pantay".
"hindi kayo pantay,mas malakas kayo sa kanya,wala pa siya sa kalingkingan niyo dapat ipinakita niyo sa kanya ang realidad,ang layo ng agwat ng kakayahan niyo sa isat-isa puno siya ng kahinaan"sagot ko.
yumuko si ama"hindi nasusukat ang lahat sa kapangyarihan"paliwanag niya.
kaso nung dumating ang araw na natalo siya at napatay ng isang napakasamang tao,nakuha ang titulong pagiging village chief sa kanya.
habang nanonood ako sa gilid ng arena at pinipigilan ng mga guwardiya na maki-elam sa laban.
tinapakan ng taong iyon ang mukha ng ama ko na walang buhay at sinabing"sa mundong ito walang karapatan ang mga mahihinang tulad mo,tanging malalakas lang ang nangingibabaw"sabay muling sinaksak.
ama!!!!!!!!
bigla akong nagising at napadabog,nabigla lahat ng nasa guild .
matapos ang pagkamatay ni ama iniwan din siya ni ina at ang mga mahihinang natulungan niya.
lahat sila ay tumalikod sa kanya.
hindi na maalis ang galit ko sa mga mahihina at babae.
ipaghihigante ko si ama,kailangan ko pa ng lakas at reputation.
para hamunin ang pumatay sa kanya.
pumasok ang isang noble sa bar at sinabing"gusto mo pabang kumita ng reputation,kung oo may ipapatrabaho ako sayo".
"nakikinig ako"
kc pov
Mukhang di kami nagtagumpay.
"Pasensiya na kc ito nga pala Ang huling suweldo mo,siguradong sapat na iyan para makabili ka ng adventurers card,salamat kc sa tulong mo"kalmadong bangit no manong.
kinuha ko ang suweldo at naglakad papaalis.
"mas maganda kung aalis kana dito,di ko gugustuhing makita mo ang mga mangyayare"paliwanag ni manong.
ginawa ko na lahat ng makakaya ko.
ayaw kung masaksihang maulit muli dati,tama siya mas mabuting lumayo na nga ako.
Yumoko nalang ako.
pasensiya na hindi ko kayo kayang ipagtangol,tulad dati Ang kaya ko Lang gawin ay tumakas.
paglabas ko kainan muli kung binaling ang tingin ko kay manong,nandoon parin ang ngiti niya habang nagpapaalam saakin.
Naglakad papalayo.
Nagpatugtog sa mp4.
Para maibsan Ang lungkot at makalimutan Ang lahat.
3rd person pov
dumating na ang noble kasama si kryge sa tindahan ni andok.
"o ano andok pipirma kanaba o ipapabug-bog pa kita"paliwanag ng noble.
"bilisan mung magdesisyon,marami pa akong gagawin para pataasin ang reputation ko"dag-dag ni kryge.
Nanatili Lang tahimik so andok.
"kung ganoon kailangan mo pa talagang ipabug-bog" banta ng noble.
"sa wakas mailalabas ko narin ang inip ko sa pagbugbog sayo"ani ng humihikab na si kryge.
Sabay suntok Kay andok.
Kc pov
Habang papalayo pinindot ko Ang doc favorite folder sa mp4.
Mga kantang di ko pa napapakingan.
Una sa list ay you got a friend in me.
matapos mapakingan,bigla akong nainis sa sarili ko.
ano ba itong ginagawa ko.
Dok didn't gave up on me.
Maybe I failed a friend once.
Pero Hindi na sa pagkakataong ito,magagawa ko pang matulungan siya .
"there still a chance,hindi na ako muling papayag na maulit muli ang nangyari noon ng walang ginagawa"
mabilis akong tumakbo para bumalik sa tindahan ni dok.
Nakita Kung binubug-bog si manong.
Di na ako nag isip sabay sinuntok sa mukha ang noble.
"sino kaba sa inaakala mo!"sigaw ng noble sa taba niya di makatayo sa pagkatumba.
"aba ikaw na naman ungas ka wala ka bang kadala-dala!!"dag-dag ni kryge.
pinigilan ako ni manong"bakit mo ginagawa akala ko bang umalis kana".
For the first time sa buhay ko gusto Kung may panindigan.
"Hindi sa pagkakataong ito"sabay hinarangan sila kryge kahit kinakabahan at nanginig ako sa takot.
"pabagsakin mo ang paki-elamarong iyan!!"utos ng noble.
"wag mo akong utusan gagawin ko ang gusto ko, papatayin siya dahil sawa na ako sa isang yan"agad lumusob si kryge.
wala na akong pakielam kung ito na ang huling beses kung magagamit ang relo,sa pagkakataong ito gagawin ko na ang lahat,sabay pindot sa relo.
at nag anyo itong boosted guantlet sabay atake kay kryge.
pinaghandaan niya ang paglapit ko.
"magaling tignan natin ang kakayahan mo"at pinigilan niya ang suntok ko gamit lang ng isang kamay"mahina, yan lang ba ang kaya mo".
"hindi pa ako tapos"sabay full boosted ang gauntlet dahil doon natulak ang boung katawan ni kryge.
"anak ng paanong.."
tinamaan siya nito at tumalsik.
hindi siya napatumba ng atakeng yoon,kailangan ko pang dagdagan.
"isa pa" ipinagpatuloy ko ang pag suntok.
habang medyo nahihilo siya ay lumusob muli ako.
mabilis niyang dinakma ang gauntlet na ikinabigla ko.
"kulang pa yun,para masaktan ako"sabay inihagis ako at tumama ang likuran sa pader.
"aray!!!"napakalayo ng agwat naming dalawa.
"mahina ka parin,ipapakita ko sayo ang tunay na lakas"mabilis niyang sinundan ang atake niya.
kaagad akong binigyan ng suntok,sa isang saglit buti ay nagawa kung maka-ilag,lumandag ako at nagpagulong-gulong.
bumaon sa pader ang kamay ni kryge dahil sa atake niya.
pagkakataong na ito,kaagad ko siyang sinungaban,kaso kaagad niyang nabunot ang kamay niya at mabilis akong sinuntok.
ikinatalsik ko at nagpagulong-gulong sa lupa,nabasag ang kaliwa kung mukha at naalis ang halos ngipin ko.
"sa hina mung iyan hindi ko na kailangang gumamit ng mahika para patayin ka"habang naglalakad papalapit saakin.
napansin kung dalawang minuto nalang itatagal ng armas ko.
sinubukan kung tumayo ininda ang sakit"malayo pa ito sa katapusan!!"sabay muling umatake.
paglapit ko, madali niya lang dinakma ang leeg ko"napakabagal mo pa"sabay sinakal paitaas.
"kahit anong gawin mo,wala kang pag-asang manalo,sumuko kana"lalong diniinan ang kanyang pagsakal "heh napakadali naman nito"sabay ngumiti.
hindi ako makahinga,pero sa pagkakataong iyon sa kumpiyansa bumaba ang guard niya.
pagkakataon na ito,binooster ko ang gauntlet at sabay biglaang isinuntok sa mukha niya.
tumama ito"ngayon ako naman!!"sabay kung lalong diniinan sa mukha niya,itotodo ko na ang boung lakas ng booster.
napa-usog ng suntok ko si kryge,kaso medyo pumalya Ang armas,hindi ko ganoon ka alam gamitin"malas naloko na"dinakma niya ang ulo ko.
"muntik na ako dun ha"ani niya,sabay nginud-ngud ang mukha ko sa sahig"ubos na ang suwerte mo".
sabay dinaganan at pinagsusuntok ako sa mukha halos naliligo na ako sa sarili kung dugo.
"tangapin mung lahat ito,hindi na kita titigilan,tatapusin na kita!!".
nabasag ang bou kung mukha at napalilibutan narin ito ng dugo sumara na ang kaliwa kung mata at pasara narin ang kanan.
"tama na kc, tama na ayaw ko ng makitang nasasaktan ka"sambit ni manong.
mawawala na ang armas ko,pero sa huling pagkakataon susubukan kung ibigay ang lahat,itotodo ko na ang huling natitirang eneryhiya ng gauntlet.
"mukhang tapos kana"matapos makita ang duguan kong mukha.
"tama na!!"pigil sa kanya ni dok at hinawakan ang kamay niya kaso winasiwas niya ito na ikinawalan nito ng malay"hindee!!"mahinang sigaw ko.
dahil doon bumagal siyang saglit para himinga dahil sa pagod,kinuha ko na ang tiyempo para isuntok sa kanya ang natitirang enerhiya ng booster.
"hindi pa dito natatapos ang lahat,magbabayad ka"sabay tumama sa mukha niya sa pagka-surpresa,hindi niya maasahang Ang atake na kina-off balance niya at ma o-out of guard.
"papaanong"litong bangit niya.
hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito,sinundan ko pa ito ng isa pang suntok na tumama.
malapit na siyang bumagsak sabay dinagdagan ko pa ng isa.
"tatapusin na kita!!"isang suntok nalang,kaso biglang naging relo ang gauntlet.
bumagal ako dahil nawala ang booster.
nagkaroon siya ng pagkakataon para bigyan ako ng isang uppercut.
ikinatalsik ko nang napakataas.
halos mawalan ako ng malay pagbagsak.
huminga siya ng malalim dahil sa pagod at hingal"wala ng normal na magicless ang makaka-survive sa atake ko,mukhang hangang diyan nalang ang paniniwala at ipinaglalaban mo,oras ng tumalikod at sumuko tulad ng iba".
makikita sa nanghihina ring mukha ni manong na gusto niya narin akong sumuko.
naghihingalo na ako dahil sa mga sugat at baling butong natamo.
siguro oras ng sumuko wala ng pag-asa.
pero ramdam ko sa kaibuturan ko na ayaw ko ng pumayag makita uli ang nangyare kay dok.
naalala ko ang sakit ng hayaang mawala ang lahat ng pinanghahawakan mo nang walang ginagawa.
ayaw ko ng maulit muli iyon.
di na ako papayag na mangaryare uli iyon,kahit wala pang tiyansa, sa pagkakataon ito gusto kung protektahan ang kaibigan ko kahit kapalit pa ang buhay ko, gagantihan ko ang kabutihang utang na loob na ibinigay ni manong, kahit ano pang mangyare.
pinilit kung muling tumayo kahit bali na lahat ang buto ko at naliligo na ako sa sarili kung dugo.
"papaanong nangyare ito?"hindi makapaniwala si kryge.
"Hindi na ako papayag maulit muli ang lahat sa pagkakataong ito!!!"wala na akong pakielam kahit baliin niya pa lahat ng buto ko o maubusan ako ng dugo,magpapatuloy parin ako.
biglang nabuhayan at na-inspire ang mukha ni manong.
pagkalapit ko sa kanya,ibinigay ko pinakamalakas kung suntok sa maabot ng makakaya ko.
hinarang niya iyon gamit lang ng isang kamay,pero sa pagkakataong ito,seryoso ang kanyang mukha walang bahid ng pagmamaliit o panlalait.
kryge pov
nakita ko ang imahe ng paniniwala ng ama ko sayo,hangang sa huli ipinaglaban nila ang mga kanilang pinanghahawakang.
yun ang kanyang ikinamatay at iniwan siya ng lahat ng kanyang natulungan,kaya ko pinapahirapan ang mga duwag na mahihina,dahil wala silang ipinaglalaban,lahat sila hihilain kalang pababa at iiwan.
pero sa pagkakataong ito nakita kung muli ang prinsipyo ni ama,siguro may maliit parin na parte sa sarili ko na nirerespeto ang paniniwalang iyon.
siguro magagawa niya pang lumakas,gusto kung makita kung hangang saan ang makakaya niya,upang malaman kung tama ba ang paniniwala ni ama.
hindi siya katulad ng iba na tatalikuran at isusuko Ang lahat para lang makaligtas,for now you got my respect.
"maari ko bang maitanong ang pangalan mo"tanong ko.
"kc"determinadong sagot niya kahit naliligo na ng dugo at nakasara na halos ang mata.
"tatandaan ko ang pangalan mung yan"sabay naglakad papalayo.
determinado parin ang kanyang mukha.
"magpalakas ka sa susunod na magkakaharap tayo bigyan mo ako ng magandang laban"
"hoy anong ginagawa mo"biglang akong hinarangan ng kinabahan at nagagalit na inutil na noble"hoy iiwan mo nalang ba ako paano yung trabaho mo"pigil ng noble na sakin.
"wala kang karapatang utusan ako,isa kalang linta"sabay ko siyang sinuntok na ikinatumba niya at nawalan ng malay.
sabay inihagis sa labas.
at umalis naiwan sa loob ng kainan ang dalawa.
andok pov
biglang natumba at hinimatay si kc matapos umalis ni kryge.
"ayos ka lang ba kc,inumin mo ang gamot"kaagad kung inalalayan at sinubukang gisingin.
mukhang hindi na kinaya ng katawan niya,kailangan ko siyang kaagad dalhin sa hospital,kung-di mamatay siya,pero nabigla ako nang makikitang pinilit niyang buksan ang mga mata.
"dok,,"
"magpakatatag ka inumin mo ito para gumaling ang mga bali mung buto"ipinainom ko sa kanya ang gamot at idinala na sa pagamutan dahil maraming dugo ang nawala sa kanya.
kaagad nalunasan ng mga mangagamot ang kalagayan ni kc.
at naayos ang kondition niya.
habang binabantayan ko siyang natutulog.
namangha ako sa ginawa niya,ipinaglaban niya ang kagustuhan niya hangang sa huli hindi niya ito isinuko.
kc pov
pagkagising ko makikitang nandoon sa tabi ko si manong sa pagamutan.
nag-aayos siya ng kanyang susuutin na pormang formal.
"ano ang gagawin niyo manong"medyo masakit pa ang pakiramdam ko.
"ikaw pala kc,siguro oras ng ipaalam ang nararamdaman ko malay mo may tiyansa ako, dahil hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan"sagot niya at natapos ng mag-ayos.
ngumiti ako"ibigay niyo lahat ang makakaya niyo"sinubukang siyang e cheer up at maging postibo sabay pag thumbs up ng kamay.
"siyempre naman,opano mauna na muna ako"sabay inayos ang kuwelyo.
pero bago siya makalabas agad ko siyang tinanong.
"manong,puwedi ko ba kayong tawaging,dok?"
"bakit naman?"litong tanong niya.
"isang palayaw lang ng kaibigan"
"oo naman magandang tawag yun,magandang pakingan,gusto ko yun"sabay nakangiting umalis upang subukang manligaw.
chapter end.