matapos gumaling si kc tumungo siya muli sa guild.
kc pov
habang naglalakad may nakasabay akong grupo.
"uyy anong quest kaya ang kukunin natin ngayon"
"bastat yung quest na may malaking pabuya gusto kung magsaya sa bar ng elfs mamayang gabi"
sa masayang usapan ng grupo naalala ko sa kanila ang dati kung barkada.
nangigil ako dahil tinalikuran nila ako,sila lang ang tanging pinagkatiwalaan ko pero iniwan lang nila ako.
sa malalim na pag-iisip
biglang may humablot ng pera ko habang nakatulala.
mabilis itong itinakbo ng maliit na bata.
"hoy ibalik mo yan!!"habol ko.
mabilis na hinarang ng isang dilaw na buhok na lalake ang bata sabay pinagsabihan.
"diba sabi ko naman sayo wag ka ng mangnunguwa ng gamit ng iba"
halos ka-edad ko lang ang lalake.
sabay kinuha at ibinalik saakin ang pera"pasensiya kana,gutom lang sila kaya nila nagagawa iyan,pero mababait sila"sabay may iniabot na pagkain sa mga ito"o ito na almusal niyo,paghatian niyo,humingi kayo ng tawad sa kuya,hayaan niyo sa susunod na matatapos kung mission sa restuarant tayo kakain"
patawad po,nakayukong sabi nila.
"pasensiya ka nga pala ako nga pala si edgar at sila ang mga batang kinupkop ko sa lansangan,ikaw ano pangalan mo".
"bantayan mo silang maigi"sabay akong tumalikod.
pagdating sa guild,kaagad akong dumiretso sa counter.
mapapansing wala doon si kryge at parang ilag sakin ang mga nandoon .
"ano po ang kailangan niyo"sabi ng guild lady na tumulong sakin dati.
"kukuha ako ng adventurer's card"iniabot ko ang bayad.
ibinigay niya ang adventurers card"kung ganoon pumasok na po kayo dito para sa information briefing,ako nga pala si kristel ang mag iinform sa inyo"
pagpasok doon tinanong nila ako ng mga personal na impormasyon.
nagsimula ang rank ko sa e.
may anim na rank simula sa pinaka mataas na s,a,b,c,d,e.
doon nagpatuloy na siyang mag explain ng mechanics ng guild.
sinabing sa mundong ito ay may 5 continent.
una itong kinatatayuan natin ang manor region.
isang continent na puno ng gladiator arena,napapalibutan ng mga forest at jungle,sikat sa pag huhunt ng beast.
ikalawa ay ang artempus isang mountain valley na napapalibutan ng makapal na mist tanging flying tamed beast lang ang pangunahing transportasyon, ito ang lugar ng mga adventurers na magagaling sa close combat attacks.
ikatlo ay ang sevarra isang disyerto na walang sinusunod na batas to survive tanging bilis lang at skills ang kailangan mo,pinamumugaran ito ng mga criminal at bandits kaya madalas ditong magtungo ang mga bounty hunter or cowboy.
ikaapat ay ang oseafic isang continent sa gitna ng karagatan na puno ng floating islands at underwater bubble city.
ikalima ang galvar ang pinakamalaking continent tinitirhan ng mga pinakamalalakas na nilalang sa mundong ito.
susunod naman niyang ipinaliwanag ang sistema ng adventurers card.
oras na may na clear na mission gagantimpalaan ito ng reputation at pera,dag-dag pa ang pag taas ng rank.
base sa reputation mo kung paano ka makaka access sa facilities upang makapag build ng teritoryo at team.
dito sa manor ay may apat na teritory faction at guild.
sa east,west,north at south
ang mga leader ng apat na iyon ay ang apat na kumukontrol sa bawat parte ng lugar.
"sigurado akong nakilala mo na ang isa"sabi ni kristel.
"si kryge"galit na sagot ko.
"kung ganoon gugustuhin mung makilala si kilan at blake ang dahilan kung bakit may mga magicless pa sa lugar na ito"paliwanag ni kristel.
"bakit?"
"dahil sila ang mga leader na tinangap na tumira ang mga magicless sa kanilang mga teritoryo"dag-dag nito.
"kaya pala may parteng magicless ang mga nakatira tulad nila manong"
at ang pinaka pinuno ay ang village chief ang nagpapatupad ng batas at nagbibigay ng utos sa boung continent.
leaders
Timog-qougre may ari ng power plant.
Kanluran-kryge may ari ng pabrika ng mga paputok.
Silangan-kilan construction and harvest.
Hilaga-blake may ari sa dam, nagpapalakad ng patubigan.
village chief- maximus magnus
"puwedi mo siyang makalaban oras na napataas mo na ang rank mo".
malalaman mo ang rank mo sa tower rankings na nakatayo sa kalagitnaan ng city,ipapaskil doon oras na umabot ka sa 100 pos.
makakatulong din sa pagtaas ng rank kung gagawa ka ng team mag-sasama ang rank niyo upang humamon sa isang teritorry duel.
"huli sa lahat ay oras na nagtagumpay kang manalo sa village chief ikakatiwala sa iyo ang isa sa limang bato na iginagawad bilang simbolo ng pagiging pinuno sa continent,iisa lamang ang mga ito sa kada region"
bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.
"ito ang kailangan ko!!"hindi ako makapaniwala na nakita ko uli ang bato na ginamit ni dok sa portal.
wala akong pakielam sa pagiging village chief itong bato na ito ang magiging susi sa pag uwi ko pabalik sa amin.
"tapos naba ang expalanasyon mo"dali kung tanong.
"oo"nabigla siya sa inasta ko.
"kung ganoon kukuwa na ako ng misyon"
wala na akong oras na kailangan pang sayangin.
bumalik kami sa labas at pumili na ng mission sa mga nakapaskil.
naalala kung hindi ko pa magagamit ang relo base sa sinabi ni dok,kailangan kung maghintay na makahigop ito ng enerhiya or humingi ng enerhiya sa iba na magbibigay dito upang mapabilis ang pag recharge.
"bigyan mo ako ng pinakamadaling mission" kailangan ko munang masanay sa sistema ng mundong ito.
"itong wild boar,paalala ko lang para sa mga magicless mahirap ang mission na ito"
minamaliit ba ako nito,isip ko.
"hindi kita minamaliit,marami ng namatay na magicless na kumuha ng missiong ito"
paano niya nalaman ang iniisip ko.
ngumiti siya"sigurado akong iniisip mo kung bakit ko nalaman ang iniisip mo"
lalo akong nabigla,mind read,,
sabay sinabi rin niyang"kala mo mind reader ako,mali ka halata na iyon sa expression mo sa mukha"sabay mahinhing ngumiti.
lalo akong nangigil,buysit nakainis talaga kayong mga babae.
sabay naglakad papaalis,kailan ko munang bumili ng weapon habang hinihintay ma recharge ang relo,ayaw kung umasa sa iba,iiwan ka lang ng mga kasamahan mo.
bago ako makalabas may nakita akong pinagpulungan ng mga kalalakihan sa harapan ng guild.
nasa gitna nila ang lalakeng tumulong sa akin kaninang si edgar.
binubuska nila ito"hoy newbie tignan nga natin tigas mo"sabay sapok.
tinulak nila ito hangang sa matumba.
"kung ayaw mung mabugbog sundin mo ang inuutos namin"sabay bugbog.
ayaw ko mang mabugbog at gustuhin ko mang di na makielam.
pero may utang ako sa iyo na kailangan bayaran.
"hoy akala ko bang sinabi niyong bubugbogin niyo ako oras na bumalik ako dito"
"ikaw!!"susuntok na sila.
ipinikit ko nalang ang mata ko sa takot.
kaso pinigilan siya ng kanyang kasama"huwag kabilin bilinan ni boss kryge na huwag siyang gagalawin".
"pasalamat ka duwag"sabay iniwan na nila kaming dalawa.
"salamat kung di kalang dumating tiyak tumba sakin lahat ng iyon"bati sakin ni edgar"pero seriously salamat"at humble siyang ngumiti.
"now were even"sabay akong naglakad.
hinabol niya ako at sinabing"adventurer karin diba puwedi tayong mag team up"
"not interested"agad kung tutol sa kanya dahil sa tingon ko baka gamitin mo lang ako at iwan pag nakorner na tayo.
ngunit di natinag ang mukha niya sabay may iniabot siya sa akin"kung ganoon dahil sa tinulungan mo ako, oras na nasa mission ka at kailangan mo ng tulong gamitin mo lang yang magic signal,tutulungan kita"pangako niya.
nagpatuloy lang akong maglakad at bumili ng weapon.
isang rusty spear at shield lang ang kinaya ng natitirang pera ko.
matatagalan pa bago gumana ang relo.
may koonti naman akong training sa mga armas na ito nung testing ng mga tech ni doc.
oras ng simulan ang una kung mission.
chapter end