Chereads / Fragile Phantasy / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

kc pov

Nang maimulat ko ang mga mata ko.

Napansin ko nalang na nasa kalagitnaan ng unknown forest sa ibang mundo.

dok!!sabay suntok sa lupa.

bakit hindi ko siya nailigtas,siya lang ang tanging kaibigang meron ako.

SSHHHH!!narinig kung boses sa paligid.

tinikom ko ang bibig sa pag-luksa,ano kaya ang isang iyon.

kailangan kung makaalis sa gubat na ito.

Sa pag-lingon lingon,nakita ko ang napakahabang balat ng ahas.

relo lang at mp4 player ang dala ko.

madali kailangan kung malaman kung paano maka-uwi sa mundo namin,para malaman kung ano nang nangyare sa kay ama at ina.

pinindot ko ang relo,biglang may lumabas sa maliit nitong screen na choose a weapon.

pero bago ko pa mapindot ang button,lumakas ang boses na narinig ko kaagad nabaling doon ang tingin ko.

isang napakalaki at dambuhalang ahas na tutuklaw saakin.

"anong klaseng halimaw ito!!"kaagad akong kumaripas ng takbo kaso nakakita ako ng bangin,wala na akong matatakasan.

sa bilis ng ahas malapit na niya akong maabutan,matutuklaw na ako.

sa takot kaagad kung pinindot ang relo at tumalon sa bangin para maiwasan ang atake ng ahas.

"hindi magandang idea to!!"habang nahuhulog,nag-anyong hoverboard ang relo na sinakyan ko.

bumulusok paitaas ang board"wow paano nangyari ito!".

habang nasa ehre may nakita akong isang siyudad.

Napapalibuyan ito ng palayan.

kailangan kung makapunta doon,upang makakuha nang information kung paano makaka-uwi.

pitong minuto din akong lumipad sa himpapawid,malapit ko nang maabot ang siyudad,nakikita ko sa ilalim ang napakalawak na sakahan na pumapalibot sa siyudad.

kaso biglang bumalik sa pagiging relo ang board ko habang nasa ehre.

"malas di ko alam na may time limit pala,nayari na!!"sigaw ko habang pabagsak sa ehre"please sana gumana ka"pinagpipindot ang relo,kaso recharging 7 minutes.

ito naba ang katapusan ko,ipinikit ko ang mga mata ko.

pero bakit hindi ko naramdaman ang aking pagbagsak.

minulat ko ang mga mata ko"paanong?"nakakabigla dahil mabagal at paunti-unti ang aking pagbagsak napipigilan ito nang hangin.

"ayos ka lang ba iho,sa susunod wag mung pakakataas ang pag-lipad mo dahil di mo alam kung kelan ka mauubusan ng mahika"sambit ng matandang magsasaka na kinontrol ang hangin.

mp4 song

mahika?mayroon palang mahika sa mundong ito isip ko.

dahil di ako galing sa mundong ito wala akong mahika.

gusto ko mang tanungin ang tao pero nahihiya ako,napakatagal naring panahon na hindi ako nakikipag-usap sa iba,maliban nalang kay dok o sa mga magulang ko.

ayaw kung magtanong dahil ayaw kung magkaroon ng utang na loob sa iba,dahil oras na nangyare iyon magkakaroon ako nang koneksiyon sa sa kanila,yun ang talagang ayaw na ayaw ko,gusto kung mabuhay mag-isa.

tumalikod ako at naglakad papaalis sa bukirin,aalamin ko nalang mag-isa ang klase nang mundong napuntahan ko,hindi ko kinakailangan ang tulong ng iba.

"mag-ingat ka sa susunod iho"paalam saakin ng matanda ngunit hindi ko siya pinansin.

nagpatuloy ako hangang sa makapasok sa siyudad.

pagpasok doon,nakakamangha na sa palabas ko lang dati nakita ito,mga wyvern,eagle at pegasus na lumilipad,ginagawang transportasyon ng mga tao,imposible ito mangha-mangha ako.

luma ang estilo ng mga bahay pero ang ikinabigla ko,gumagamit sila ng elemento.

dumaan ako sa mga kainan,ang chef ay naglalabas ng apoy sa kanyang mga kamay,ginagamit niya sa pagluto.

gumagawa siya ng mga tricks kinokontrol ang apoy para pang-enganyo sa mga kumakain.

nagpatuloy ako sa paglalakad,ang mga tindang gulay mabilis na napalalake gamit ang leaf magic.

gumagawa nang bahay ang mga karpintero gamit ang ground magic.

lumilipad ang mga mensahero gamit ang wind magic.

imposible napunta ako sa isang mundo ng may mahika,hindi ako makapaniwala.

habang nakatulala nakarinig ako nang napakalalakas na sigawan.

sinundan ko ang malakas na boses at nakita ko ang isang napakalaking dome na arena.

pumasok ako doon,rinig na rinig ang halak-hak at sigaw ng mga tao.

"taluning mo siya"

"kaya mo yan,malaki pusta ko sayo"

"wag kang papatalo pinusta ko pati nanay ko dito"

paglapit ko sa gitna ng arena nakita ko ang dalawang taong naglalaban.

ang isa gamit niya ay sibat na binabalutan ng yelo,kalaban naman niya ay espadang binabalutan ng apoy.

winasiwas ng lalakeng may hawak ng espadang apoy ang kanyang espada sa nakadistansiyang kalaban,umabot ang liyab nito sa posisyon ng kalaban.

pinaikot ang sibat na yelo nang lalake napuno siya ng yelo sa paligid para mapigilan ang nagliliyab na atake pero nalusaw ang yelo nito.

at halos natusta ang kalaban pero makikitang humihinga pa ito.

lumabas ang announcer at sinabing"ang nanalo ay si kryge,gagantimapalaan ka kryge ng pera at reputation"inabutan siya ng pera.

"igagawad narin natin sa kanya ang dag-dag na puntos na reputation sa kanyang card at marerecord it says ranking tower"dag-dag ng announcer  tumingala ang lahat at nakita tore na nag lalagda na numero,Hindi ko ito maintindihan kaya di ko nalang pinansin.

Matapos nagbulung-bulungan ang mga katabi kung lalake.

"tumaas na ang reputation ni kryg baka siya na ang susunod na chief natin!!"sigaw ng isang sugarol sa tabi ko.

"hindi malayong manyare iyon,napakasarap kayang maging chief magkakaroon ka ng sarili mung harem at mansion"sagot ng kasama niya.

reputation,chief??ano ang mga iyon,better mag ikot-ikot sa paligid,pero biglang kumalam ang tiyan ko mukhang nagugutom na ako.

kailangan kung maghanap ng makakain kahit sa basurahan,wala pa akong pera,ayaw ko at nahihiya talaga akong makisalamuha sa society na ito.

umikot muli ako sa paligid naghanap ng basurahan,kaso lahat ng ito ubos walang laman,mukhang hindi lang ako ang gutom sa siyudad na ito.

kaso may nakita akong napakalaking bahay sa di kalayuan,garantisadong maraming masarap na pagkaing tinatapon sa mansion na iyon.

nagmadali akong makapunta, sa harapan ng magarbong mansion may nakita akong sign na village chief.

napaka-gagarbo ng gamit sa loob may mga ginto,ito siguro ang sinasabi nila oras tumaas ang iyong reputation.

ikinabigla ko nang makita ko ang lalakeng nasa loob noon ay nakikipaghalikan sa mga magandang babae.

Hindi ako pumunta dito pra makielam sa iba,basta makakain lang ako ayos na,wag pakielaman ang iba sa buhay nila.

kailangan ko pang malaman ang paraan kung pano maka-uwi.

lalong kumalam ang sikmura ko at rinig na rinig ito mula sa daan,pinagtinginan ako ng mga tao sa daan.

lumayo ako at nagtago sa liblib na eskinita dahil sa hiya ko,ilang minuto pa habang nagmamasid ng basurang makakain sa mansion.

"may magnanakaw!!"sigaw ng mga guwardiya.

biglang may lumabas na mala ninjang lalake sa mansion,dala-dala ang isang mamahaling gamit na kanyang ninakaw,gamit ang elemento niyang kadiliman tinakasan niya ang mga guwardiya.

"huwag siyang papatakasin"

kaso tinamaan siya ng elemento ng mga guwardiya at nasaktan pinilit niyang tumakas.

dahil sa gutom halos di ako makagalaw,huli na ng malaman kung dumaan siya sa eskinita na kinaroroon ko.

at iniwan saakin ang kalahati ng kanyang ninakaw"hoy wag mung sabihing".

mabilis siyang naglaho.

sumunod ang mga guwardiya at nakita nilang nasaakin ang gamit"nahuli karin naming magnanakaw ka,ngayon magbabayad ka".

"hindi ako iyon,,"hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pinatumba na ako ng dalawa at pinatulog.

nang maimulat ko ang aking mga mata nakakulong na ako sa kanilang presinto.

"Palabasin niyo ako hindi ko ginawa iyon inabot lang sakin nung magnanakaw sabay tumakas!!"sigaw ko habang pinipilit makawala sa kulungan.

Mapapansing may kasama akong,Isa pang tao sa presinto.

"Huwag mo ng subukan walang maniniwala sayo,dahil Isa ka lang ding magicless"takot na takot ang kanyang ang madungis na mukha at sira sira and kulay brown niyang damit.

Halatang kabado siya.

Mas magandang huwag ko nalang siya munang pansinin.

dumating ang isang guwardia na may name tag na ayn"huli kana sa akto,mag mama-ang maangan kapa magsama kayong dalawang magnanakaw"sabay hampas sa mukha ko na ikinatumba ko.

"aray,nagsasabi ako ng totoo"sagot ko habang hinahawakan ang masakit kung ulo.

"wag kang mag-alala,may parusa kami sa mga katulad niyong ganyang kataas ang danyos ng kaso"paliwanag niya sabay alis.

"Tama na masasaktan ka lang dahil tulad ko Isa ka lang din magicless,walang papanig saatin dahil Wala tayong kakayahan"sabay siyang naluha.

Lalong bumigat ang paligid at aking nararamdaman.

masakit na ang ulo ko sobrang sakit pa ng tiyan ko dahil sa gutom,ito talaga ang napapala ko oras na lumapit pa ako sa ibang tao,kasalanan ko ito di na dapat ako lumapit sa kanilang society,sinubukan ko nalang sanang mamuhay sa bulubundukin na may prutas,pero sa kasamaang palad kailangan ko talagang maka-uwi saamin.

pero paano ko magagawa iyon.

Ilang oras lang bumalik muli ang mga pulis"oras muna magnanakaw".

kinuha nila ang lalake"please nagmamakaawa ako please maawa kayo may anak pa akong may sakit".

"Pasensiya na pero kailangan mung maparusahan sa ginawa mung kaso"sagot ng mga guwardiya sabay siyang hinila.

Hindi nakabalik ang lalake hangang makalipas nanaman ng ilang oras sa bumalik ang mga guwardiya sa selda ko at sabay sinabing"ito oras muna rin,hahatulan ka na sa kaso mo"ginapos ako at balak dalhin sa kung saan.

"anong kailangan niyo saakin,saan niyo ako dadalhin!!"

"sa huli mung hantungan,sana makaligatas ka pero imposible iyon dahil wala akong nakikitang magic aura sa katawan mo,malamang talunan ka"paliwanag ni ayn.

"hindi ko talaga ginawa ang kasalanang iyon!!"

dinala nila ako sa isang napakalaking kulungan puno nang buto sa paligid at sinabing"kung mapapatay mo ang halimaw makakalaya ka,pero oras na nabigo ka magiging kang hapunan, yoon ang batas kaya magdasal kana"babala ni ayn sabay sara sa malaking selda.

"pakawalan niyo na ang posas nang halimaw"sambit ni ayn.

at nakita ko ang isang lobo na dalawang beses na mas malaki kesa sakin may mga buto ng tao nang kanyang kinakain sa kanyang bunganga kasama na Doon ang damit ng lalake.

Medyo naluha ako may part parin sa sarili Kung Sana natulungan ko ang lalake.

Pero pasensiya ma Wala ng oras para makapagluksa.

kaagad akong tumakbo,sobrang kaba ng puso ko walang tigil sa pagtibok dahil sa takot"layuan mo ako,please!!"

tinignan ko ang relo at makikita ko sa screen nito na dalawang beses ko nalang ito magagawang gamitin.

ill make it worth,pinili ko ang armas,sabay ko itong pinindot.

naging flamethrower ang relo at ibinuga ko sa halimaw"kainin mo ito".

kaso sa layo at distansiya ko hindi ko siya natamaan.

"malas wala pa akong ganoong training sa pag-asinta"nanginginig na ang paa ko sa takot,nauubusan na ng energy ang weapon.

wala na akong magagawa,isang sagot nalang ang alam ko sa sitwasyong ito,iyon ay tumakbo at tumakas.

"Hahahahaha takbo pa Pasalamat ka busog pa ang lobo kaya pinaglalaruan ka palang"tawa ng mga guwardiya sa labas ng kulungan.

"AHWOOOOOO"atungal ng lobo na lalo kung kinatakot.

takas,takas kailangan ko siyang takasan siguro naman mapapagod din ang halimaw.

hindi ko napansin na kinalmut niya na ako,buti nalang ay nakatalon pa ako para maka-ilag.

"Mukhang gutom na ang lobo,maghanda kana timang"sigaw nila.

pero nadaplisan ang kamay ko at nasugatan.

Lalo siyang bumilis at bumangis.

nagpatuloy akong lumayo hangang sa maubos na lahat ang enerhiya ko sa pagod.

unti-unti nang lumalapit ang halimaw,gusto ko pang tumakbo,pero lagi nalang akong tatakas at magtatago oras na nahihirapan,para lang maka-survive at maiwasan ang problema.

"hindi na ako papayag ngayon,sawa na ako sa pagtakas!!"sigaw ko at tumayo ng matuwid sa pagharap ng halimaw.

"lumapit ka!!"hinintay ko siyang makalapit ng hindi ako tumatakas,kahit nanginginig ang paa ko.

ibinuka niya ng napakalaki ang kanyang bunganga nang makalapit saakin upang ako ay lamunin ng buo.

pero sa saglit na iyon"mas magugustuhan mo ito!!"sabay itinira ko nang malapitan,ang flamethrower sa nakabukakang bibig ng halimaw.

hindi na ako magmimintis sa ganito kalapit,kinain ng halimaw ang boung apoy nang flamethrower.

dahil doon natusta ito at naluto ang boung katawan.

"did that really happen"huminga ako ng napakalalim at hindi makapaniwala sa nagawa ko.

bumalik na sa pagiging relo ang armas,naamoy ko ang taba ng nalutong halimaw.

"well begger cant be choosers anyway"dahil narin sa gutom ko kaagad ko itong kinain.

mga ilang minuto lang binuksan ang selda at sinabi ni ayn na"nakakadiri ka,pero ayon sa batas,makakalaya kana".

"uubosin ko muna ito"sambit ko habang punong-puno ng taba nang lobo ang bibig ko.

"bilisan mo baka magdalawang isip pa ako at mapatay ka!!"sigaw niya.

mga ilang minuto nang mabusog ako.

lumabas na ako nang kulungan,bago ako makaalis"wag ka nang uulit maraming paraan para magkapera"paalala ni ayn.

Habang naglalakad at naghahanap ng info nakadaan ko muli ang matandang tumulong sakin kanina ngumiti siya ngunit Di ako kumibo.

Naisip Kung hindi ako makaka-uwi kung patuloy lang akong iiwas at aalamin ang lahat ng mag-isa.

ayaw ko mang sabahin,pero kailangan ko ng mamuhay bilang isang mamayanan ng mundong ito.

lumingon muli ako kinain ko na ang hiya ko,pinagpapawisan kong tinanong ang matanda"paumanhin po pero,paano ba mag kapera"utas-utal dahil sa kaba.

pero sa pagkakataong ito kailangan mung mag makisalamuha.

"masasabi kung kumuha ka nang mission sa guild pero yun lang kakayaning mo"paliwanag niya at mukhang napaka-amo ng kanyang mukha.

"saan,,ko ba makikita ang,,guild?"medyo utal na tanong ko.

"sa kabilang banda ng siyudad,sundan mo lang ang daanang iyan at makakarating ka doon"

ayaw ko nang sabihin ito pero malaking tulong ang sinabi niya kaya"salamat".

matagal ko ding hindi nasabi sa iba ang salitang iyon,maliban kay dok.

"walang anuman Bata opano Mauna na ako"sagot niya at nagpaalam.

kailangan kung kumita nang pera at unti-unting makakalap nang information pauwi.

kailangan ko talagang mag-work sa social skills ko,naglakad na ako papunta ng guild.

3rd person pov

sa pagkakataong ding iyon may pumasok sa siyudad na isang napakagandang babae.

mayroong siyang wavy sky blue hair at blue eyes with beauty mark na nunal nakakabit sa ilalim ng kanyang kanang mata at bibig.

curvaceous figure and a well endowed breast wearing a dress outfit na nakalabas ang kanyang ample bosom.

lahat nang lalake ay halos naglalaway na nakatingin sa kanya pero patuloy lang siyang confident na naglalakad.

she wonders"nasaan kaya dito ang guild".

Samantala sa mundong iniwan ni kc,nagawang Makita ni Henry sa underground ang sirang portal.

Kasama ng napakaraming researchers at scientist.

"Alamin niyo Kung ano ang pinagagawa ng matandang iyon upang mapa-saatin"utos nito.

"Masusunod"sagot ng kangyang mga tauhan.

May tumawag sa cellphone ni Henry, si max ito"dad nasaan na kayo kanina ko pa kayo hinihintay".

"Wag Kang mag alala may inaasikaso lang ang Papa mo,pagdating ko may pasalubong ako sayo"sabay tumingin si Henry sa hinahawakan niyang imahe ng relo ni dok.

chapter end.