Chereads / Fragile Phantasy / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

3rd person pov

pagpasok ng napakagandang babae sa capital,kaagad siyang nilapitan ng mga kalalakihan.

"magandang binibini maari ba kitang matulungan"

"ako ng maghahahatid sa pupuntahan mo please"

"ano nga palang pangalan mo binibini"

bati ng mga kalalakihan.

seryoso ang mukha ng babae at tumingin ng masakit"puwedi niyo ba akong layuan"iritang sagot nito.

"aba ikaw na nga ang tinutulungan,ikaw pa ang mayabang"galit na sa tugon ng mga kalalakihan.

kaso bago pa makagalaw ang mga ito,mabilis na winasiwas ng babae ang kanyang espada.

at nakalbo ang buhok ng mga lalake.

"napakabilis!!,delikado Ang isang to, tayu na"biglang silang nagsitakbuhan.

"base sa outfit,isa siyang samurai na galing sa altair clan,delikadong lumapit sa kanya"usap-usapan ng mga tao sa paligid.

"pero balita ko walang babaeng samurai sa clan na iyon"bulong nila.

tumingin muli siya ng masama.

sabay nagsipag-layuan ang iba pang mga kalalakihan.

may isang naiwan hindi makagalaw sa sobrang takot.

Lumapit sa kanya ang babae at kinwelyuhan.

"sabihin mo kung saan matatagpuan ang guild dito"tanong niya halos nakakatakot ang lisik ng mata.

nahirapang sumagot ang lalake"doon sa gitna ng siyudad,direstsuhin mo lang ang daang iyan".

Nagpatuloy naglakad ang babae.

avila yunya pov

Nakaka-iritang kalalakihan,ang akala nila porket babae kami ay mahina't,madali lang mapapasunod.

diyan sila nagkakamali,gagawa ako nang mundong mga kababaihan ang nasa itaas.

mundong hindi nangangailangan ng lalake para magtagumpay.

papatunayan ko sa iyo yun ama at ina,wala sa kasarian ang batayan.

upang ikaw ay maging malakas.

nagsimula na akong maglakad at umabot sa guild.

doon maririnig mo ang halos kalalakihan nag-kakasayahan.

"layuan niyo siya akin ang isang to"rinig ko.

isang lalakeng ang lumapit saakin.

"magandang binibini ako nga pala si kryge,ang nanalo sa paligsahan kanina,sagot ko ang kasayahang ito,maari mo ba kaming saluhan"preskong anyaya nito.

"puwedi bang umalis ka sa harapan ko"sabay tingin ng masakit.

"masyado ka yatang matapang, kahit gaano kapa kaganda at sexing babae,ganito lang din ang silbi mo"sumigaw siya"hoy maid lumapit ka!!"

lumapit ang mahinhin at mukhang takot na maid,sabay niyang sinalat ang dib-dib nito at dinilaan ang pisngi nito.

"malapit ng tumaas ang rango ko,malapit na akong maging village chief,kung magiging babae kita mapapasama ka sa magiging harem ko at magbubuhay marangya at reyna,sarap lahat ang iyong mararanasan"paliwanag niya.

sa pagkakataong iyon walang pagdadalawang isip kung iwinasiwas ang espada ko.

mabilis niya itong hinarang gamit ng espada niyang umaapoy.

sabay kaming tumalsik dahil sa lakas ng bangaan ng elemento.

naramdaman kung patas lang ang kakayahan namin,base sa aura na nakikita ko.

ngumiti siya.

"magaling pero base sa batas wala ka pang karapatan para hamunin ako sa duwelo kailangan mo pa ng maraming reputation para tapatan ang akin".

hindi muna kita lalabanan ngayon,kailangan ko munang mag build ng reputation at resources,para sa gagawin kung teritoryo.

tumayo ako ng diretso at confident ang tindig"sa mga babaeng adventurer dito,gusto kung bumuo ng party para sa high rank mission na iyon"sabay turo ng mission na nasa tuktok ng level of difficulty.

nabigla ang lahat ng nasa guild.

"nababaliw naba ang isang ito alam naming malakas siya,pero pang village chief level ang mission na kinukuha niya"di makapaniwalang sambit ng mga tao sa guild.

inulit ko ulit ang sasabihin ngayon mas nilakasan kuna ang aking boses at pinakita ang ako ang alpha dito.

"sa mga babaeng nandito,hindi ba kayo nagsasawa na mabuhay sa anino ng mga barbarong kalalakihan,ito na ang pagkakataon nating mapatunayan na wala sa kasarian ang inyong kakayahan"tumingin ako ng matalas at desidido sa hambog na lalake"oras na matapos ko ang missiong ito,gagamitin ko ang reputation para hamunin ka at pabagsakin!!"sabay kung itinutok ang espada sa kanya.

ang mga mukhang takot na kababa-ihan sa paligid ay isa-isang tumayo at pumunta sa likuran ko.

ngumiti lang ang hambog na lalake"kahit gaano pa kayo kalakas hindi niyo parin kakayanin ang village chief level at oras na nangyari iyon ay babalik ka sakin ng nakaluhod at nagmamakaawang isama sa harem ko".

di ko siya pinansin,ibinigay ko ang aking adventurer's card para malagdaan at masimulan na ang mission.

"tignan natin sa pagbalik ko,sinisigurado ko ang pagbagsak mo"sabay naglakad papalabas ng guild.

sa labas may nakadaan akong lalake halos hindi kumikibo,unang lalakeng di tumingin sakin,tinignan ko ang pagmumukha niya at parang wala siyang paki-elam sa paligid.

muntik niya na akong matamaan dahil sa kanyang carelessness

"umalis ka sa dadaanan namin".

hindi niya ito pinansin at parang walang nangyare nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

oras na naging akong village chief rerespetuhin din niyo lahat ng kababa-ihan.

kryge pov

"buysit na babaeng iyon!!"sigaw ni kryge at itinapon ang hawak niyang alak.

sabay iniisip,kung hindi ko lang nagamit ang lahat ng magic ko sa arena kanina,malamang pinatulan ko na siya.

sa galit ko bigla kung winasak ang mga kagamitan.

pinaalala niya sa akin ang nakaraan ko.

ang ama ko ang dating chief sa city na ito.

naniniwala siya na lahat tayo ay pantay-pantay.

isa iyong kasinungalingan dahil sa paniniwalang iyon namatay siya,iniwan siya ng mga taong kaibigan niya, kasama na doon ang ina ko na ipinagpalit siya sa taong pumatay sa kanya na ngayon ay ang village chief,pare-parehas lang kayo babae man o lalake,dahil sa mundong ito kung sinong malakas siya ang nasa taas nirerespeto at kinatatakutan walang lugar dito ang mga mahihina.

sa pagkakataong iyon may nakita akong lalakeng pumasok sa guild na mukhang walang alam,mapagbalingan nga ng galit.

kc pov

parang pamilyar ang nakikita ko.

ang unang araw ko sa klase sa siyudad,ito din nararamdaman ko sa paligid,ang araw na nabuska ako.

pakiramdam na mabigat at naninibago sa paligid, parang hirap paring mag adapt sa new environment.

tama na wag ang alalahanin ang bagay na matagal ng nakalipas,mag focused nalang sa pagkuha ng information kung paano makaka-uwi.

inikot ko ang tingin ko sa paligid at nakita ko ang lalakeng nanalo sa arena kanina.

halatang inis na inis.

hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy pumunta sa nakita kung guild lady.

medyo kinabahan akong magatanong"puwedi,,ko bang maitanong at makakuha ng information sa lugar na ito"madali kung sabi.

"nasaan ang adventurer's card mo"

"wala ako nun"

"pasensiya na pero kailangan mo ng adventurers card para sa service na hinahanap mo"sagot niya.

"para saan ba ang adventurer's card"

"ang adventurer's card ay license at patunay na isa kang adventurer's,kailangan iyon para maka-acess ka ng info at missions,upang legal na makapag-lakbay at mapataas ang rank at reputation mo"paliwanag niya.

"ano naman ang silbi nun?"

"ang reputation ay ginagawad sa mga adventurer's,oras na tumaas ito mapapataas nito ang karapatan at kahalagahan ng buhay mo,oras na tumaas naman ang iyong rank makaka-access ka sa lahat ng info na gusto mo,magkakaroon ka rin ng teritory,house name at members"paliwanag ng guild.

"papaano ko naman papataasin ang rank at reputation ko"tense na dag-dag ko.

"bago ko sabihin sa iyo yun kailangan mo munang may maipakitang adventurers card".

"paano makakakuha nun"pinagpawisang tugon ko.

"kailangan mo ng pera na 3,000 silver at magagawan ka namin"

kung ganun kailangan kung kumita ng pera.

ayaw ko mang gawin pero kailangan kung magtrabaho,yun nalang ang paraan.

habang pinag-iisipan kung anong trabahong kukunin,biglang may tumulak saakin na bigla kung ikinatumba.

"aray,bakit mo ginawa iyon?".

"tama ba ang narinig ko,gusto mung maging adventurer,nahihibang kaba nakikita ko sa aura mo na wala kang magic"sambit ni kryge at sinabi sa mga naglalasing na adventurers doon"nakita niyo isa na namang magicless ang nangangahas maging adventurer!!".

sabay nagsitawanan ang mga kalalakihan"wala talaga silang kadala-dala sobrang taas mangarap,akala mo kaya nilang abutin".

"idadag-dag nanaman iyan sa mga matuturuan ng leksiyon".

ngumiti ang lalake, itsurang mapanlait at mapagmaliit"alam mo may tradition kaming mga nandito sa guild na oras na nasugatan mo ako kahit na maliit na daplis lang,doon ka lang namin tatangapin".

isang beses ko nalang magagamit ang relo,kailangan ko itong tipirin,higit sa lahat kailangan ko pang kumita ng pera,di ko puweding isakripisyo ito ngayon,mabuting lumayo nalang para di masskatan.

mabilis akong tumalikod at humakbang papaalis na kinakabahan.

humarang siya bigla sabay sinabing"hindi kita papayagang makaalis".

naghanda na siyang umatake.

chapter end.