Chereads / Fragile Phantasy / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

3rd person pov

ipinatawag ang ama ni kc.

dumating siya sa eskuwelahan ng puno ng putik ang boung katawan,halatang kakagaling lang sa bukirin.

"sorry pa,pinatawag na naman kayo"sambit ni kc matapos makita ang amang pagod na pagod.

"wag kang mag-alala anak,mayroon akong magandang balita sa iyo mamaya"sagot ng ama niya at naglakad diretso sa principal office.

sinalubong siya nang principal kasama ng guro ni kc.

habang nakikita nang gurong naglalakad ang ama ni kc,iniisip nitong"ang anak mo ang magbabayad sa parusang pang-iwan mo saakin"isip niya habang nakasimangut.

huminga nalang ng malalim ang ama ni kc at sinabi sa sariling"ito na ang huling araw na pagpahirapan mo ang anak ko".

at sinimulan nang kausapin ang principal.

pauwi na ang mga kaibigan ni kc at hindi parin siya pinapansin nang mga ito.

"hintayin niyo ako"sambit ni kc kaso hindi siya kinibo nang tatlo at nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

Hinabol niya ito at hinawakan niya si ed sa balikat"naririnig niyo ba ako?"lito nitong sabi.

Ngunit mabilis tinapik ni ed ang kamay ni kc na parang hindili kilala at nandidiring mapalapit dito"Bitawan mo nga ako!!"bangit nito sabay tumitig ng masama kay kc sabay umalis ang tatlo.

nagtataka tuloy si kc kung ano ba ang kanyang nagawang mali at yumuko.

mga ilang minuto lang lumabas ang ama niya sa office at makikitang malungkot na nakasimangut ang mukha ng instriktang guro.

"ama!!"sigaw ni kc ng makita ang ama at niyakap ito.

"tara na kc umuwi na tayo,masarap ang ulam na niluto ng nanay mo"paliwanag ng kanyang ama.

"yes!!,oo nga pala ama ano yung magandang balitang sasabihin mo"tanong ni kc.

"simula bukas anak di ka na aalipustahin nang iyong guro"sambit ng ama ni kc.

"Yes bakit Naman po ama"tanong ni kc.

"dahil natangap na ako sa trabaho sa siyudad,simula bukas doon na tayo maninirahan,doon ka narin mag-aaral"masayang sinabi ng kanyang ama.

"salamat ama!!,may good news din po ako sa inyo"sambit ni kc at ini-abot ang papel na nakasaad ang kanyang pangarap.

nang makita ito ng kanyang ama napangiti ito.

"magaling anak puwedi kang maging kung sino man ang gusto mung maging,bastat nasa likod mo lang ako at sumusuporta"sambit ng kanyang ama nakangiti at yumakap kay kc.

"pag naging presidente na po ako,mapapatunayan korin sa mga tao na may silbi at halaga ako,magsisilbi po akong insipirasyon para magkaroon ng pag-kakataong ang lahat upang tuparin ang kanilang mga pangarap maging sino pa sila"sambit ni kc.

inisip nang ama ni kc na"halos walang tigil na sakit ang dinanas niya araw-araw,masaya akong makitang nagagawa mo parin makangiti at mangarap anak,wag kang mag-alala gagawin ko lahat ang makakaya ko,para matupad iyan"pangako nito sa kanyang sarili.

umabot ang mag-ama sa kanilang bahay,kung saan naghihintay sa pintuan ang bunsong kapatid na babae ni kc.

"ma nandiyan na po si kuya at papa!!"excited na sigaw nito nang masulyapan ang ama at kuya.

makikitang napakalinis nang bahay nila at nandoon ang kanyang inang  walang tigil kung magtrabaho.

habang inaayos ang hapag-kainan"nandiyan na pala kayo,luto na ang ulam may inihanda akong espesyal,tara kumain na"sambit ni ina.

"nice salamat talagang gutom na gutom na ako i love you ma!"nakangiting salubong ni kc sabay yakap.

"i love you din anak"nakangiting sagot ng kanyang ina at hinalikan ang anak at kanyang asawa.

dumiretso ang apat sa hapag kainan.

habang naghahanda ang kanyang ina lumapit ang bunsong kapatid ni kc at sinabing"kuya tignan mo ang score na nakuha ko para sa inyo to"masayang sambit nito.

nang makita ni kc ang marka ng kapatid napangiti din ito at sinabing"nice matalino talaga kapatid ko,bilib na si kuya sa iyo ipinagmamalaki kita"at sabay niyang niyakap ng kapatid.

"kain na mga anak"sambit ng kanyang ina.

"kainan na!!"excited na sambit ni kc.

"maaga tayong matulog walang magpupuyat,bukas papasok pa kayo sa panibago niyong paaralan"paliwanag ng kanyang ama.

matapos kumain ng boung pamilya nagpaalam si kc at sinabing"magpapa-alam lang muna po ako sa aking mga kaibigan bago umalis bukas".

at dumiretso sa mga bahay ng kanyang mga kaibigan,kaso lahat ng kanilang magulang isa lang ang sinasabi sa kanya"tulog na siya wag mo ng gambalain".

ngunit nakita niyang nakatitig ang mga ito sa kanilang mga bintana biglang sinara ito ng makita si kc.

Napayuko lang na umuwi si kc sa tingin niya nagsawa na ang mga kaibigan sa kanya dahil pahamak lang ang dala niya sa kanila.

matapos noon dumiretso na si kc sa kanyang kuwarto.

huminga nalang siya ng malalim"bukas panibagong lugar  nanaman,bagong experience,hindi ko masabi kung kinakabahan ba ako o na-eexcite,basta kailangan kung maghanda, sa pagkakataong ito sisiguraduhin kung mataas na ang makukuha kung marka,ito na ang unang step para maging akong presidente"sambit ni kc sa sarili.

boung gabing nag-aral si kc hangang sa siya ay makatulog.

kinabukasan dahil sa pagiging handa ng kanyang ina,lahat ng gamit na kailangan ay naikabit na sasakyan,walang labis walang kulang.

ihahatid sila sa bus nang kanilang tiyo.

"kamusta mga bata,mukhang excited ka ha!!"natuwang bati ni tiyo ni kc.

"kamusta po tiyo magandang umaga"masayang bati ni kc.

"kung ganoon osiya tayo na"umandar na ang buss papaalis sa baryo.

iniisip ni kc"ito na ang unang beses na makaka-kita ako nang mundo sa labas ng baryo ano kaya ang mga kakaibang experience ang mararanasan ko"full of wonder na nag imagine.

ilang oras ang lumipas nakakita rin si kc ng building.

"wow ano ito ngayon lang ako nakakita nito sa personal"bulong nalang niya sa pagkamangha habang nakatulala sa siyudad.

"ma,ano po yung hawak nilang may tali at nakakabit sa tenga nila"tanong ni kc ng makita ang mga taong dumadaang may hawak na gadgets.

"ahh phone yan at earphone anak may mga kanta yan tulad ng naririnig mo sa radyo"paliwanag ng kanyang ina.

"astig ngayon ko lang nakita ang mga bagay na ito"excited na sambit ni kc.

"marami kapang bagong bagay na makikita kc"sambit ng tito niyang driver ng buss.

"ganon po pala di na ako makapaghintay"full of wonder na sagot ni kc.

"hayaan mo na,magbihis kana anak didiretso na tayo sa bagong mung school para pumasok,idadaan ka muna namin sa bago nating uupahang bahay para matandaan mo pag-uwi"ani ng kanyang ama.

"ok po medyo kinakabahan na ako na excited"sambit ni kc sabay nagbihis na para maghandang pumasok.

inaayos ng kanyang ina ang kanyang mga susuutin"ang tanging mapapamana lang namin sa iyo ay ang pag-aaral,wala rin kasi kaming pinagtapusan,tanging pangarap nalang namin ng papa mo ay mapagtapos kayo,kahit magpa-alipin pa kami sa trabaho ay i-tataguyod namin kayo"lumuluhang sabi ng kanyang ina.

"pangako po papasa po ako"sambit ni kc sabay yakap.

mga ilang minuto nang biyahe"oh nandito na tayo!"sambit ng tiyo niya.

at tumingin si kc sa labas at isang maliit na sirang bahay ang kanyang nakita.

"pasensiya na anak diyan ang bago nating titirhan pero susubukan naming ayusin ng tito mo yan mamaya"sambit ng kanyang ama.

"ayos lang po iyon ama bastat magkasama tayo ok lang iyon"sagot ni kc ng nakangiti.

"o pano punta na tayo sa school mo, malapit lang ang school mo dito walking distance lang"sambit nang kangyang ama.

paglipas ng ilang minuto madaling nakarating ang bus sa harapan nang school ni kc.

"eto na ang bago mung eskuwelahan"masiglang sinabi ng kanyang tiyo.

"wish me luck tiyo,game face on"sabi ni kc.

kaagad lumabas ng bus si kc.

nakita niya ang isang napakalaki at mahabang building,binabalutan ito ng napakalawak na hardin na nagmistulang park,pahingahan ng mga estudyante,dag-dag pa ang isang napakagandang pond na matatanaw sa di kalayuang merong namamangkang mga estudyante.

"totoo ba itong nakikita ko napakaganda,dito ba ako mag-aaral ama"nakangangang sambit ni kc.

"oo naman, samahan na kota sa iyong room"nakangiting sambit ng kanyang ama.

pagdating sa room wala pang masyadong estudyante tahimik palang ang paligid.

inayos ng ama ni kc ang kuwelyo ng anak at sinabing"o pano mag-ingat ka ito ang baon mo,magpakabait ka"sabay nagpaalam.

nagpaalam si kc at sinabing"opo ama mag-iingat po kayo".

pumasok siya matapos makaalis ang kanyang ama at dahan-dahan siyang umupo na parang nahihiya.

habang hinihintay pumasok ang kanyang mga kaklase.

iniisip kung paano sila babatiin para magkaroon ng magandang unang impression sa mga ito.

chapter end