Chereads / Fragile Phantasy / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Kc pov

ost

panibagong eskuwela, sa pagkakataong ito,susubukan kung makasundo ang lahat.

para sa katuparan ng pangarap kung maging pangulo.

pag-tunog ng bell isat-isang nagsipasok ang mga bago kung kaklase.

lahat sila ay naka-suot ng ibat-ibang uri ng napakagarbong damit na ngayon ko lang nakita.

sinubukan kung ngumiti at bumati at itinaas ang kamay"kamusta,magandang umaga"pero  walang pumansin.

Patuloy lang na naglakad na halos walang nangyare.

siguro masama ang kanilang gising.

ang porma nila malayo sa normal na damit na sinusuot ko.

medyo nanibago ako at kinakabahan sa bago kung kapaligiran.

huminga ako ng malalim at pinilit maging positibo.

kaso paglingon ko sa pasukan kasabay ng malakas na ihip ng hangin, pumasok ang isang napakagandang babaeng may buhok na kulay pulang rosas.

napaka-puti niya,dag-dag pa ang matangos niyang ilong,wala nalang akong magawa kung hindi mapatulala.

sinubukan kung ngumiti sa harapan niya pero masyado akong kabado hindi ko nagawa.

manga-ilang segundo biglang pumasok ang guro.

"simula ngayong araw class,meron kayong bagong kaklase,halika dito at magpakilala"utos nito.

oras ng ipakita ang confidence.

sabay akong tumayo nanginginig ang paa ko sa kaba habang naglalakad.

pagdating ko sa harapan kabado kung isinulat ang pangalan ko na parang may alzaimer.

"uhm, ah ako nga pala si kc,kinagagalak ko kayong makilala, um gusto ko kayong maging kaibigan"sambit ko ng pinipilit ngumiting aso na parang robot sa sobrang kaba.

nakita ko ang mga naka-upong lalake sa likuran na nagbubulungan.

"wala ka pang assinged seat kaya doon ka muna sa likuran"sambit ng guro.

kaya dahan-dahan akong naglakad pabalik sa likuran.

pagka-upo kaagad nagturo ang guro nagsulat siya ng word sa board at sinabing"class mayroon bang nakakaalam ng words na ito".

kaagad akong tumayo at sinabing"mam yan po ay hyroglypics"sagot ko dahil di ako halos nakatulog kagabi kaka-aral.

"tama, magaling pagpatuloy mo iyan kc"sambit ni mam.

kaso napansin kung parang sumama ang tingin nang mga kaklase ko.

3rd person pov

nagpatuloy magklase ang guro ni kc at sa lahat ng lesson.

mabilis siyang nakakasabay sa pinag-aaralan.

doon niya lang napagtanto na pinahihirapan siya ng kanyang dating guro.

pero ngayong lumipat na siya sa bagong school,madali lang siyang makasabay sa klase.

mga ilang oras ang nakalipas tumunog na ang bell"ok oras na ng resses class"sabi ng guro.

kc pov

nagsimula ang reses inilabas ng ibang mga estudyante ang kanilang mga bagay na tinatawag na "gadgets".

una kung pinuntahan yung mga kaklase kung mistulang parang walang ginagawa.

lumapit ako sa kanila para makipagkaibigan"kamusta ako nga pala si kc,ikaw ano pangalan mo"sabi ko sabay nakikipagkamay upang makipag-kilala.

"ahh kc saan ka nga pala nakatira"tanong nito.

"sa bulubundukin bukirin ng pilipinas mga apat na oras layo dito,pasensiya na wala pang wastong pangalan ang aming baryo dahil napakalayo nito sa kabihasnan"sagot ko

sumama tingin nito at diretsiyahang sinabing"puwedi bang lumayo ka sakin".

"ahh ok"ngumiti at lumayo nalang ako at hindi pinakingan ang sinasabi niya.

sunod akong lumapit sa napakagandang pulang buhok na babae  kasama ang grupo niyang nagsisigandahang dilag.

utal-utal kung sinabi sa kanyang may pagkamangha"hello kamusta ako nga pala si kc"pinilit kung ngumiti ng malumanay.

nandiri ang kanyang mukha sabay sinabing"eww get away from us"iritang-irita na sinabi niya saakin.

mabaho ba ang hininga ko?

"shoo get out, you dont have the right to approach our group"

"you dress funny"

"your not even that good looking"

dag-dag ng mga kagrupo niya.

thats a bit harsh na nagpababa sa self esteem ko.

nilayo ko ang baling ko sa kanila.

sunod kung sinubukang makipag-kaibigan sa isang lalakeng busy sa kaka-pindot ng tech.

"kamusta ako nga pala si kc"nakangiting bati ko.

"ako si alex,anong kailangan mo"sagot ng lalakeng naglalaro ng kanyang console parang ayaw ma-istorbo.

"paumanhin nga pala alex, pwedi ko bang maitanong kung ano yang hinahawakan mo"tanong ko dahil di ko alam kung anong klaseng gadget ang kanyang hawak na ngayon kulang nakita.

"isa itong game console,puwedi ba wag ka ngang makulit"sagot nito na pabalang.

"ayy sorry"sagot ko na nakayuko at bumalik sa aking upuan.

city folks are harsh.

kaso bago pa ako maka-upo biglang may humablot sa console ni alex mula sa kanyang kamay.

"ano namang talunan ang nilalaro mo geek"sambit ng may kulay pulang buhok,habang hawak ang console ni alex.

"ibalik mo iyan,please nakuha mo na ang baon ko max kala ko bang hindi mo na ako pagtitripan"sambit ni alex.

"nagbago ang isip ko ungas"sabay sapok kay alex.

"aray napakasakit nun,mayabang!"sambit ni alex habang hinahawakan ang masakit niyang ulo.

lumapit ang bully na galit at sinabing"anong sinabi mo kulang paba ang sapok na iyon at gusto mung dagdagan ko ng black eye"nagbabantang bugbugin si alex.

sinubukan kung humarang,hindi ako tatayo dito at walang gagawin sa sitwasyong ito.

"Tama na yan, puwedi mo bang itigil yan!!"sambit ko at hinarangan ang bully.

"ahh gusto mo rin bang sumali"ngumiti ito at bumaling sa kanyang binubuska "ahh,kung ganoon alex di na kita bubug-bugin sundin mo lang ang sasabihin ko!!"sigaw ng bully na si max.

"ano iyon max"sagot ni alex.

ngumiti si max na namumuysit at sinabing"hawakan mo ang mapag-magaling na bida-bidang yan at pigilan mung pumiglas"utos niya.

at hinawakan ako ni alex para di makagalaw"bakit mo ginagawa ito?"hindi ako makapaniwala balak ko sana siyang tulungan.

"dahil hindi na ako muling masasaktan,ikaw naman ngayon ang bagong pagtitripan"sagot ni alex na mukhang desperado akong ipabubog.

"tignan natin kung gaano ka katigas"sambit ng bully sabay akong pinag-susuntok sa mukha at tiyan.

matapos akong magsuka nang dugo doon lang nila ako binitiwan.

biglang dumating ang guro"anong nangyari dito,sino ang nagpasimula nito".

lahat ng estudyante saakin nakaturo di ako makasagot dahil sa sakit ng bou kung katawan,di ko magawang makapag-salita.

hinila ako ng guro at dinala sa guidance"unang araw palang gumagawa ka na ng gulo"sambit ng matandang babae.

"hindi po ako ang nagsimula please sana po maniwala kayo"sambit ko kahit masakit pa ang aking tiyan at panga,sa kaka-suntok ni max.

"mayroon kaming pruweba na ikaw ang nagsimula,pumasok na ang mga testigo"utos ng principal.

biglang pumasok si max na nagdadabog pa sa guidance office na ikinabigla ko"opo lola siya po ang nagsimula,nag-amok po siya ng away at nambubuska,pinrotektahan ko lang po ang mga kaklase namin".

sinang-ayunan lahat ng mga kaklase ko.

"nakita mo na lahat ng tao ikaw ang tinuturo,hindi nagsisinungaling ang apo ko"sambit ng matanda.

napayuko nalang ako.

"pasalamat ka may batas ang eskuwelahan na ito na mapapa-alis lang ang isang estudyante oras na nag-guidance siya ng dalawang beses,pero kung ako lang masusunod iaalis na kita ngayon!!"paliwanag ng matandang galit na galit.

matapos noon bumalik kami sa classroom para ipagpatuloy ang klase.

pinagbabato ako ng papel nila max,di ko nalang pinapansin.

habang naka-yuko ako at pinipiglang umiyak,iniisip na hindi ako puweding sumuko dito,dahil nakasalalay ang pangarap ko at kasayahan ng mga magulang ko.

di ako puweding bumigay kailangan kung tiisin ito at makisama para hindi mapatalsik.

mga ilang oras muli ang lumipas"ok oras na ng vacant period!!"sambit ng guro.

habang naka-upo na buhay hari at nagpapahilot sa mga alalay niya si max"hoy taong bundok bilhan mo nga kami ng makakain sa ibaba,kung hindi bubugbugin kita,ito ang pera sigurado akong wala nito sa bundok!"utos niya.

hindi ako makatangi at kinuha ang pera at naglakad pababa ng fifth floor,umakyat na dala-dala ang lahat ng kanilang pagkain.

matapos kung ihatid ang mga iyon,umupo ako para kainin ang pinabaon ni ina saaking munting tinapay.

nung isusubo ko na sana ang tinapay bigla itong hinanmpas ni alex"ops wag kang aangal isusumbong kita kay max"nakangiting sambit nito.

huminga nalang ako ng malalim at binuksan ang bag ko,upang mag-aral kaso nabigla ako ng makitang pinag-tripan,dinumihan nila at sinulatan ang extra kung damit,habang bumibili ako ng pagkain sa baba kanina.

madali akong pumunta sa banyo upang ito ay labhan, para hindi makita ni ina.

kaso pagpasok ko doon bigla akong nadulas at kumalabog ang katawan ko sa sahig ng banyo.

nakita ko nalang na nagtatawanan ang mga kaklase ko sa likuran ko na palihim na sumunod"nakuha mo ba sa bidyo iyon, siguradong madami views niyo".

"oo narecored ko lahat sama natin sa funny videos"sambit nila sabay umalis ng nagtatawanan.

naiwan akong nakahandusay sa banyo halos maiyak..

pangarap maging inspirasyon sino bang niloko ko,walang karapatan magtagumpay ang mga katulad kung talunan.

tumayo nalang ako kahit lugmok sa lungkot ang boung sarili,just keep moving forward yun nalang ang nasabi ko sa sarili.

at halos walang ganang bumalik sa classroom at pinagpatuloy ang pag-aaral ng hindi pinapansin ang lahat ng pambubuska nila saakin.

"ok class goodbye"sinabi ng guro ng matapos ang klase, pinakamagandang katagang narinig ko sa isang araw, sa wakas makakapagpahinga narin ako.

Nang makalabas ako sa eskuwelahan napadaan ako sa isang napakalaking building.

"wow sobrang yaman siguro ng nakatira dito"ito ang pinaka-malaking building sa boung siyudad na nakita ko.

tumingin ako mula sa pasukan nito at nakita ko ang mga tech na ngayon ko lang nasilayan.

isang lumilipad na upuan para sa mga matatanda at gumagawa pa ng kape.

kaso bago ko pa tuluyang makita lahat ng tech hinarang na ako ng napakaraming mga guwardiya.

"bawal ang tumingin dito, bata umalis kana"taboy nila saakin.

kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

kailangan ko palang magmadali para malabahan ko ang madumi kung damit,upang di makita ng mga magulang ko.

nagmadali akong naglakad sa lansangan nang biglang may sumigaw.

"boy please paki-pigilan mo ang board!!"sigaw nito.

agad akong napalingon.

"paanong nangyari to.."napatulala nang makakita ako ng isang lumilipad na surf board hinahabol ng isang matanda.

Biglang naalarma ang mga tao sa paligid.

"eto na naman siya nagsimula na naman ang baliw"sigaw ng mga mamayanan sabay pasok sa bahay.

"ipasok na ang mga bata sa inyong bahay baka may ma-perwisyo pa ang baliw"tarantang banta ng mga kapitbahay.

sobrang likot at bilis nang magulong surfboard,nahihirapang itong hulihin nang matanda.

hangang sa nadapa siya"aray!!masyado na akong matanda para dito"sambit niya.

kailangan ko siyang tulungan"wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala"sambit ko at mabilis na hinabol ang board.

"salamat boy"sagot niya habang hingal na hingal na nakadapa.

mga ilang segundo sa kakahabol,nalaman kung sinusundan ng board ang direction ng pag-ihip ng hangin.

sinubukan kung abangan ito sa kanyang dadaanan at mabilis ko itong nilundag"sa wakas nahuli din kita".

pinilit paring pumiglas ng board at hinila ako nito sa kalsada.

"tulong please!!"sigaw ko habang ginuguyud ng board.

tumayo ang nakapagpahingang matanda"wag kang mag-alala nandiyan na ako bata"at hinila ang paa ko para mapigilan ang board sa pag-usad.

"pindutin mo ang button sa ilalim bata"utos ng matanda habang hirap na hirap sa paghila.

"opo"sagot ko at pinilit abutin ang button"malapit na,,eto na"at nagawa ko itong pindutin sabay lumiit ang board na mistulang miniature.

"salamat sa tulong bata,ano nga bang pangalan mo"tanong ng matanda habang tinutulungan akong makatayo.

"ako po pala si kc,kayo po"tugon ko.

"kinagagalak kitang makilala kc,tawagin mo nalang akong dok, paumanhin nadumihan ka,tara tumuloy ka sa aking bahay,diyan sa tapat matutulungan kita"sambit ni dok.

"wag na po,sige po mauna na po ako uuwi pa po ako"sagot ko kailangan ko pang linisin ang damit ko.

"mukhang sira-sira na ang iyong damit,wag kang mag-alala matutulungan kita maayos ko iyan"paliwanag ni dok.

"tayo na at magmadali kailangan mo pang maka-uwi ng mabilis sa inyong bahay"sambit nito at nagmadaling pumasok sa kanyang bakuran.

sumunod ako para maayos ang aking uniporme ayaw kung mapagalitan kay ina,pagpasok sa kanyang bakuran napakadumi nito puro sira-sirang bakal at mga gamit.

nagmistulang junk-shop ang paligid.

"wag kang mahihiya, pasok"nagmamadaling sambit.

"salamat po sa pag-anyaya"sagot ko.

"meron lang akong isang rule"sambit niya na mukhang seryoso.

"ano po iyon"tugon ko.

"yun ay walang rule,wag ka nang mag-po saakin at ituring mo nalang akong kaibigan,ayos ba"nang nakingiting bangit ni dok.

"osige po,dok"sagot ko na medyo nahiya.

"haha loko ka talaga o pano tayo na para maayos ko pa damit mo"sagot ni dok.

pagpasok ko hindi ko maintindihan sa gulo ng paligid napakaraming mga kagamitan na hindi ko maunawaan.

"umupo ka muna sa upuan na iyan at mag-relax,habang inaayos ko ang damit mo"sambit ni dok.

inabot ko kay dok ang damit ko at umupo sa sofa,pagkaupo ko halos makatulog ako sa sobrang sarap ng pakiramdam ko,hinihilot ang aking likuran.

napansin kung pinasok ni dok sa isang makina ang aking damit at unti-unti itong inayos.

tinanong ko si dok"dok kayo lang po ba ang mag-isang nanirahan dito".

"oo bata"tugon ni dok.

"ahh ganun po ba,ano po ang pinag-kaka-abalahan niyo"dag-dag ko.

"isa akong imbentor kc,pangarap kung makagawa ng mga invention makakatulong na mapadali ang buhay,lalong lalo na sa mahihirap"sagot ni dok na puno ng sigla.

namangha ako ng malamang halos parehas ang aming pangarap.

pero biglang napalingon si dok saakin at medyo nainis,kaagad niya akong nilapitan"saan mo nakuha ang mga sugat,galos at bug-bog mung iyan kc"tanong niya na parang nangigigil.

"wala po nadulas lang po ako"sagot ko.

"di mo na kailangang sagutin,alam ko na ang dahilan,nabully ka sa school no"sambit niya na parang lumungkot.

"opo pano niyo nalaman"tugon ko.

"Hinulaan ko lang"sambit niya.

"nabully rin po kayo?"tanong ko.

hindi niya pinansin ang sinabi ko at parang naging desidido ang mukha"wag kang mag-alala maalis ko ang mga bug-bog at galos mung iyan,tara sumunod ka saakin"nagmamadaling sambit ni dok at naglakad papunta sa isang malaking capsule.

sumunod ako at sinabing"para saan po iyan".

"pumasok ka diyan at sasarap ang pakiramdam mo at mawawala lahat ng bug-bog mo"paliwanag ni dok.

pumasok ako kaagad sa capsule at parang pinunas ako sa isang napakalaking cotton, isang minuto lang wala na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko,nawala din ang bug-bug at galos sa aking katawan.

paglabas ko sa capsule"magaling dok,napakagaling niyo,bakit hindi niyo ibenta doon sa malaking kumpanyang nadaanan ko kanina ang imbention niyo,garantisadong yayaman kayo at matutupad ang pangarap niyo"excited kung sinabi kay dok.

napayuko lang si dok sabay sinabing"sa totoo lang bata saakin lahat ng imbention na nandoon,ninakaw lang nila"malungkot niyang tugon.

"ganun po ba? bakit hindi niyo mo po pinaglaban at sinabi ang katotohanan"sambit ko.

"ginawa ko bata,pero pinapaikot ng pera ang mundong ito,ang mga katulad kung wala ay hindi pinaniniwalaan"malungkot na sabi ni dok.

"hindi po ako makapaniwala pupunta po ako doon para sabihin ang katotohanan"sambit ko na nangigigil.

"tama na bata,walang maniniwala sa iyo,ikinalat nila sa boung siyudad na isa akong baliw"sagot ni dok.

napayuko nalang din ako,pero maya-maya pa ay may pumindot ng door bell ni dok.

"nandito na sila!"biglang tugon niya at dali-daling kumuha ng mga pagkain sa lamesa.

binuksan niya ang pinto at nakita ko ang mga pulubing nanghihingi ng pagkain.

"wag kayong mag-agawan aabut iyan para sa lahat"nakangiting sinabi ni dok habang binibigyan ang lahat ng pulubi.

kaso ang isang matabang matakaw na pulubi inagaw ang lahat"akin iyan,akin lahat to"pang-aapi nito sa ibang pulubi.

naging instrikto mukha ni dok at sinabing"del diba tinuro ko na na dapat magbigayan at magtulungan"seryosong utos nito.

"opo dok"sagot ng bata at ipinamigay ang kanyang mga kinuha.

matapos maubos ang mga pagkain umalis na ang mga bata"mag-ingat kayo ahh"paalam ni dok.

"opano tara na,tapos na sigurong maayos na ang damit mo"sambit ni dok.

pumasok kami sa loob ng bahay at ayos na ang damit ko mukha utong bagong bago.

pero mga ilang segundo lang may muling kumatok sa pintuan ni dok.

" dok ako na ang magbubukas"tugon ko at sinubukan buksan ang pinto.

pero biglang tumakbo si dok na mukhang kabado at pinigilan akong buksan ang pinto.

sumilip siya sa maliit na butas,sabay bumulong saakin ng pinagpapawisan mukhang kabado"kc puwedi bang magtago ka doon sa maliit na aparador please bilisan mo di ka nila dapat makita"kabadong sambit ni dok.

mabilis akong nag-tago sa aparador na sinabi ni dok at sumilip mula sa loob.

nang binuksan ni dok ang pintuan nakita kung may dalawang lalakeng naka-itim.

bigla nilang sinuntok sa tiyan si dok na ikinaluhod nito.

sabay sinabi ng mga lalake na"nasaan ang pinapagawa naming armas tapos mo na ba, dapat ngayon mo ibibigay samin iyon"galit na sambit nila at tinatapakan si dok sa ulo habang nakayuko.

"pasensiya na, di na mauulit may mga inasikaso lang muna kasi ako"paliwanag ni dok na dumudugo ang bibig.

"sige bibigyan ka namin ng pagkakataon,pero sa susunod na ulitin mo pa ang bagay na ito mamatay ka at wawasakin namin ang boung bahay mo"banta ng mga ito sabay sinipa si dok at umalis na nagdabog ng pinto.

kaagad akong lumabas sa aparador at tinulungan si dok"dok,dok ayos lang po ba kayo"madali kung sambit.

"dalhin mo ako doon sa capsule kc please"sambit niya na nanghihina.

mabilis ko siyang dinala sa capsule para pagalingin ang sugat.

matapos niyang lumabas at gumaling na lahat ng kanyang pasa,kaagad ko siyang tinanong"sino po ang mga iyon dok,ano po ang pakay nila".

"wala lang iyon kc,wag mo nang problemahin, ohh tapos na pala ang damit mo"sambit ni dok at kinuha ang damit ko na mukhang bagong-bago.

"tska nga pala kc may ibibigay ako sa iyo"pinilit ngumiti ni dok at may inabot saakin.

pero wala naman akong nakikita"nasaan iyon dok"nalilito kung sabi.

"isa itong tech na nakaka-alis ng problema"at may pinindot si dok at biglang lumabas ang isang kakaibang tech na may earphone.

"ano po ito dok"tanong ko.

"isa iyang invisibile mp4 containing ang lahat ng kanta na nagawa sa boung taon at dekada,ibinibigay ko na iyan ngayon sa iyo, for helping me today"paliwanag ni dok na nakangiti.

medyo napaluha ako at sinabing

"natutuwa akong nagustuhan mo"tugon niya.

"pero dok paano ko po ito makikita"tanong ko.

pinindot ni dok ang invisible mode ng mp4 at binigyan ako ng contact lens sa mata na madaling makita ito.

"pag naubusan ng charge itapat mo lang sa araw solar ang eneyhiyang kinukunsumo niyan,tandaan mo yan nalang ang tangin invention ko na hindi nanakaw,ipina-uubaya ko na yan ngayon sa iyo"paliwanag niya.

"salamat po dok,napakaraming salamat po"napakasaya kong sagot.

"opano medyo dumidilim na,ihahatid na kita sa inyo,marami pa akong aayusin eh,dag-dag na doon ang hoverboard"sambit ni dok.

"wag na po dok,kaya ko na pong maglakad mula dito"sambit ni kc at unti-unti ng lumabas ng bahay ni dok.

bago siya makalabas masayang sinabi ni dok na"kc,dont let them get to you,wag kang panghihinaan ng loob"paalam niya.

lumingon muli ako at sinabing"dok maari ba akong bumalik bukas para subukan ang board"tanong ko.

"welcome ka dito kahit kailan mo man gustuhin"tugon niya ng nakangiti.

"salamat po"sagot ko at naglakad na palabas.

sa daan may naka-salubong akong isang ale at sinabi nitong"wag kang lalapit sa bahay na iyan,baliw ang nasa loob niyan mag-ingat ka".

ngumiti nalang ako at hindi nagsalita sabay nagpatuloy sa pag-uwi.

pagdating sa bago naming bahay medyo maayos na ito sabay kung binuksan ang pinto.

at nakita kung naghihintay ang mga magulang at kapatid ko sa hapag kainan.

"kamusta ang unang araw"tanong nila.

"ayos naman po,nagkaroon po ako ng bagong kaibigan"sagot ko sabay sumalo na sa kainan.

3rd person pov

samantala sa bahay ni dok.

"ito mukhang tapos narin ang hoverboard"sambit niya hawak-hawak ang board sabay itong inilapag.

at naglakad papunta sa isa pang technolohiyang kanyang susunod na gagawin.

"ikaw naman ngayon"sambit nito at dahan-dahan inayos ang isa pang tech,mga ilang oras natapos niya rin ito at nagmukha itong isang armas na baril.

"haay tapos narin ang blaster,ano na kayang oras"sambit niya at sinilip ang orasan"naku mukhang alas dose na,kailangan ko pang tignan kung ano pa ang kakailanganin ko sa portal".

nagmadali siyang buksan ang lihim na lagusan sa likuran ng kanyang librohan.

naglakad siya pababa sa kanyang underground,pagdating sa sikreto niyang laboratoryo makikita ang isang malaking bilog na may konting ginto.

"napakarami pang kulang,ilang taon pa ang kakailanganin para magawa ko siyang makumpleto,kailangan ko ng tulong,para mapabilis"sabay tumingin sa mga blue print sa malapit ditong lamesa.

chapter end.