Chereads / Fragile Phantasy / Chapter 1 - Chapter 1

Fragile Phantasy

DaoistE3B0TV
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 23.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

3rd person pov

sa gitna nang siyudad,may isang ubod nang duming bahay,parang walang naglilinis pagkat puno ito nang kalat.

mayroon itong sikretong underground passage.

paglagpas sa lagusang ito doon makikita ang isang sikretong laboratoryo nang isang matandang lalaking haka-haka nang mga tagaroon na isa raw baliw.

pinag-aaralan ng matanda ang mga blueprint na nakalatag sa lamesa.

pagkatapos ay pinag-kokonekta ang mga linyang nakakabit sa isang maliit na butas na parang mistulang sing-sing sa liit.

"oras ng mapatunayan ang aking mga hinala"sambit nang lalake at pinindot ang switch na naka-kunekta sa ring.

humigup ng napakalakas na kuryente ang mga kable.

Nagkaroon ng kakibang imahe ang maliit na butas ng sing sing.

"sana ito na iyon!!"excited na sambit ng matanda at kumaripas ng takbo papalapit sa sing-sing.

tinignan niya ang butas nito at naaninag ang isang lugar na may mga bolang apoy na lumulutang sa taas ng kamay ng mga tao.

ibat-ibang uri ng elemento ang nagagawang gamitin nang mga mamayananan, dag-dag pa na may mga ibong lumilipad na sakay ang mga tao.

ikinamangha ito ng matanda.

"tama ako, mayroon ngang iba pang mundo!!"sigaw nito habang hindi makapaniwala sa nakikita.

kaso biglang nag brownout ang boung siyudad dahil sa lakas nang hatak na kuryente ng maliit na portal.

dag-dag pa na nasira ang lahat ng linya ng kable nang sing-sing dahil hindi kinaya.

nakatulalang huminga nang malalim ang matanda, di parin makapaniwala,kahit sobrang dilim na ng paligid"kakailangan ko ng napakaraming enerhiya at pera para makagawa ng mas malaking portal!!".

samantala.

(somewhere on earth)

sa napakalawak na bulubunkin nang pilipinas binabalutan ng napakararaming bukirin.

makikitang may mga grupo ng batang lalale ang nangahas umakayat sa taas ng falls,sa oras ito ng kanilang vacant period.

sinusubukan nilang gumapang sa napakaratik at mabatong bundok hawak hawak lamang sa matatalas na edges ng bato.

"kc wag na nating ituloy ito,delikado at bawal mapapagalitan lang tayo"sabi ng batang mukhang takot na takot at halos lalabas na ang sipon.

"wag kang mag alala jun,nandito lang ako sa likuran mo,di kita hahayaang mapahamak"sagot ni kc na patuloy ding gumagapang.

"hehe duwag ka talaga jun"dag-dag ng isa pang bata sa likuran ni kc.

"hayaan mo na siya ed, bilisan natin baka ma late pa tayo,alalay lang diyan sa harapan jun"sambit ng batang nasa pinakababa ng tatlo.

halatang nanginginig na si jun sa kaba at nang mahawakan niya ang isang madulas na bato.

biglang nawala ang kapit niya dito.

"tulong mahuhulog ako!!"biglang sambit ni jun.

mabilis na hinablot ni kc ang mala-taling sanga ng ugat na nasa paligid.

at inihagis ito sa malapit ng mahuhulog na si jun.

mabilis niya itong sinalo at napigilan nito ang kanyang pagkalag-lag.

"sabi ko na nga sayo wag kang mag-alala"nakangiting sambit ni kc.

"uyy buti nalang may sanga kung hindi sa hospital ka pupulutin jun"sambit ni ed.

"sabi na nga sayo pahamak itong naisip mo kc!!"kabadong sambit ni ej.

"hayaan niyo na, kunti nalang malapit na tayo sa tuk-tok,mula doon falls na ang makikita natin"paliwanag ni kc.

at nagtulungan ang tatlo na hilian si jun.

pagdating sa tuktok,makikitang napakadaming prutas na makakain.

(ost-we are young)

at tumambad sa apat ang isang maganda at napakalaking falls.

napatulala sa pagtingin ng napakagandang paligid ang apat.

"alam niyo,oras na natupad ang pangarap kung maging presidente,gagawin kung tourist spot ang napakagandang lib-lib na lugar na ito,upang makatulong sa mga negosyo at umasenso ang mamayanan dito sa baryo natin"nakangiting sinabi ni kc.

"ayan na naman po siya sa hindi niya makatotohanang pangarap"singit ni ej.

nanatiling positibo si kc"ok,tayo na at magsaya!!"masayang sambit nito.

lumundag siya sa tubig at nag-surfing sa current ng tubig na pabagsak sa falls.

"yahoong yahoo!!"sigaw ni kc habang nakahawak siya sa tali na nakakabit sa malapit na puno upang hindi siya matangay ng alon.

"tama na nga yan, kumuha na tayo ng pagkain"dag-dag ni ed.

"osiya, tara kainan na!!"sambit ni kc at mabilis na inabot ang mga pagkain sa mga kaibigan.

hindi pa nga sila nakakasubo ng pagkain biglang tinignan ni ej ang orasan,nalaman niyang sampung minuto nalang at oras na ng pasukan  at masasarhan sila ng gate.

"sabi na nga sa inyo hindi maganda ito,sa pag-akyat palang ubos na ang oras,pano ngayon tayo mabilis na makababa nito, eh oras na ng pasukan masasarhan tayu ng gate,baka bumagsak tayu, laging mababa score natin sa lahat"kabadong paliwanag ni ej.

biglang binitawan nang grupo ang mga hawak nilang pagkain at nagmadaling humanap ng paraan upang makababa ng mabilis.

"uyy 8 minutes nalang eh halos 20 minutes yung aabutin para makababa dito"sambit ni jun.

"nandito nalang din naman tayo bat di nalang tayo tumalon sa falls ng may tali,para mapabilis ang pagbaba ng hindi nasasaktan"sambit ni kc na halatang excited.

"osige sang ayon ako diyan,gawin na natin"sagot ni ed na excited din.

"huy baka mamatay tayo o mabagok ulo natin"dag-dag ng takot na takot na si jun.

"ayaw ko mang gawin,pero wala ng ibang paraan ito na ang mabilis na naisip nila,osige tara na"sabi ni ej.

mabilis itinali ng grupo ang mga mahahabang sanga sa mga cliff at nakakabit ito sa beywang at bag nila.

pero si jun ayaw bumaba dahil sa takot.

pinakalma siya ni kc at hinawakan sa balikat"kaya natin to ng magkasama wag kang mag alala di kita hahayaang mapahamak!!"nakangiting kinumbinsi at pinalakas ang loob ng kanyang kaibigan.

matapos ang pag tali sinubukan ng simulan ng grupo ang pagbaba ng sabay-sabay.

"isa,dalawa,tatlo!!"sigaw nila habang nasa kalagitnaan palang ng ehre biglang nabitawan ni jun ang hawak niyang lubid at hindi uto naitaling mabuti sa kanyang beywang.

"wag kang mag-alala"sigaw ni kc at sinubikang sundan si jun nag dive siya para sagipin mula sa pagbagsak, nagawa niyang maabot ang kamay nito.

kaso parehas na sila ngayong babagsak sa mabatong parte.

pero nakatali ang likuran nang bag ni kc sa kamay ng mga kaibigan niya.

dahil doon ay nahila sila nito,mula sa pagbagsak sa delikadong parte,kaso nahablot at nasira ang bag ni kc.

nagawang makababa nang maayos ang tatlo sa falls"yahoo!!"sigaw ni ed.

"muntik na tayo doon ha,sa susunod wag natayong makinig sa mga naiisip ni kc pahamak lang"reklamo ni ej.

nakahinga na nang mabuti si jun"ngayon ko lang masasabing napakasaya nun,pinaka nakaka-thrill na naranasan ko sa lahat"masayang sambit ni jun na kaninay takut na takot.

nakatingin lang si kc at naghihinayang sa nasira niyang bag at iniisip na"pinaghirapan pa naman itong bilhin ni ama".

"kc ayos kalang ba"tanong ni ed.

"ahh oo,basta nagsaya ang boung grupo ayos lang,medyo kumakalam lang sikmura ko,dahil hindi tayo nakakain"sambit ni kc.

"uuy bago makalimutan limang minuto nalang natitira!!"madaling sabi ni ej at mabilis na tumakbo.

"ayaw ko na namang mapalo ni madam at maguidance sa principal, mahirap na suki ako doon"kabadong sabi ed.

kumaripas ng takbo ang boung grupo.

at nang medyo makalapit"dalawang minuto nalang, natatanaw ko na ang gate"sigaw ng pagod na pagod sa pagtakbong si ej.

kaso sa kakatakbo ng grupo,biglang nasira ang posas ng asong gutom na gutom na nakatali sa may kantong dinadaanan nila papunta sa school.

nagpahinga muna si ej dahil sa sobrang pagod.

"uyy malas may aso!!"sigaw niya at pinilit muling tumakbo pero hirap na sa pagod.

masasagpang na siya nang aso.

pero biglang humarang si kc para hampasin nang makapal na notebook ang aso.

dahil doon napalayo ito,pero sa gutom ng aso mukhang muli itong aatake.

"sige na mauna ka na, bago ka masarhan ng gate,ako ng bahala dito"sambit ni kc.

"osige mag-ingat ka"sagot ni ej na hingal na hingal at nagpatuloy muli ito sa pagtakbo para makahabol sa gate.

sinubukan muling atakihin ng aso si kc.

"gusto mo ng pagkain,eto marami ako niyan"sambit ni kc at pinagtatapon sa gutom na aso ang kanyang mga papel sabay takbo.

habang nginat-ngat ng aso ang kanyang mga papel.

mukhang abot kamay na niya ang gate.

may isang minuto pa ang natitira.

pero sa kasamaang palad bigla parin itong sinara ng guard,hindi siya nakakapasok.

"manong bakit,,eh meron pa akong isang minuto"sambit ni kc sa guard.

"wala akong paki-elam late bastat late ka"sambit ni guard dahil ang guard na ito ay laging mina-maliit sa lugar nila di nakatapos grade 2 lang amg inabot dipa marunong magbasa, kaya binabalingan niya si kc dahil alam niyang di ito gaganti para mailabas naman ang kanyang galit.

at dinala siya sa room para parusahan ng guro.

nang makita siya ng matabang babaeng masungit na matandang dalagang teacher"hindi na ako nabigla ikaw na namang pasaway na bata ka"sambit nito halata ang malalim na galit sa bata, hindi ito dahil sa medyo pilyo at makulit siya may malalim itong pinag-uugatan.

kaagad nitong inihanda ang kanyang mahabang stick at pinaluhod si kc sa harapan ng mga kaklase niya para parusahan.

kada hampas ng stick makikitang lumalatay ito sa balat ng batang nakayuko at tinitiis ang sakit.

"sinabi ko nang bawal ang ma late sa klase ko,ipapa principal kita mamaya dahil bagsak na ang mga grado mo,pasaway kapa,wala ka ng ginawang mabuti ha,hindi kita ipapasa,papuntahin mo ang mga magulang mo,maliwanag!!"sigaw ng teacher.

"opo"sagot ni kc na gusto ng umiyak pero pinipigilan.

"maliwanag!!"at lalong pina-lakas ang hampas sa balat ng bata.

dahil doon napasigaw si kc at napaluha kahit pilit man niyang itago"opo,,hindi na po mauulit!!"sabay kamot sa pwet.

"bumalik ka na sa upuan mo dahil meron tayon surprise quiz!!"sigaw ng kanyang guro.

nabigla ang boung estudyante lalo na si kc na hindi nakapaghanda.

dahan-dahan siyang naglakad papunta sa desk niya para mag-quiz.

kaso pagbukas niya ng sira niyang bag wala na siyang gamit ni isa.

naitapon na niya lahat sa aso kanina.

huminga nalang ng malalim si kc at pinakalma ang sarili.

kaagad napansin ito ng kanyang guro"hoy bakit di mo pa ilabas ang gamit mo,wag mung sabihing nakalimutan mo no,halika nga dito wala ka talagang katanda-tanda"

at ng makalapit si kc piningot ng guro ang kanyang tenga"aray aray po sorry na po di na po mauulit!!"sigaw niya namimilipit sa sakit.

"pumunta ka na nga lang sa gilid at lumuhod sabay taas ang mga kamay kahit mangawit ka,pag nakita kung binaba mo iyan malilintikan ka saakin!!"galit na sabi ng kanyang guro.

lumuhod nalang sa dulo si kc ng nakataas ang kamay sa boung period,habang nag-quiz ang kanyang mga kaklase at tinitignan siya at pinagtatawanan.

matapos ng mga ilang oras.

"ok bibigyan ko kayo ng thirty minutes break para magpahinga at kumain"sambit ng guro at tumingin mula sa nangangawit at nakaluhod ng si kc.

"hoy bridgete bantayan mo nga ang pasaway na iyan,wag mo siyang hahayaang umalis o gumalaw sa puwesto niya,oras na ginawa niya iyon,isumbong mo at lalatayin ko siya ha"utos ng galit na guro at sabay siyang lumabas para makipag-tsismisan at makipagkuwentuhan sa mga kasamahan niya.

nilapitan ng mga kaibigan niya si kc na nakaluhod at nangagawit na.

"bakit mo pa kasi naisipang gawin iyon,kung hindi na sana tayo pumunta sa falls di na sana nangyari ito"tanong ni ej.

ngumiti nalang si kc at sinabing"araw-araw ko ng nararanasan ito,kahit ilang minuto man lang sana gusto ko rin naman  sumaya".

"wag kang mag-alala ililibre ka namin mamaya"sambit ni jun.

"oo hayaan mo nalang buysit na mam na iyon"dag-dag ni ed.

"salamat"pinilit muling maipakitang ngumiti ni kc sa mga kaibigan.

"hoy,hoy hoy sinong nagsabing makipagkuwentuhan kayo sa kanya ha"sambit ng nagbabantay na si bridgete.

"oo na sorry na sungit"sambit ng mga kaibigan ni kc.

"gusto niyo bang isumbong ko rin kayo at sumama sa kanya diyaan"  banta ni bridgete.

"eto na po!"pabalang na sagot ng tatlo,habang papalayo kay kc.

biglang tinawag nang guro ang lahat ng kaibigan ni kc"hoy mga buang pumunta nga kayo dito at may sasabihin ako!!"sigaw ng guro ng masulyapan ang tatlo.

dali-dali silang pumunta doon habang iniisip"malilintikan din yata kami, sana hindi,sawa na ako sa palo"takot na takot ang tatlo.

"bakit po mam"nanginginig na sambit ng tatlo ng makaharap sa malapitan ang guro.

"gusto niyo bang hindi na maparusahan sa mga ginagawa niyo at tumaas ang inyong grade"sabi ng guro.

"opo mam para sumaya po ang aming mga magulang"sagot ng tatlo.

napangiti ang guro"kung ganoon iwan niyo ang pahamak niyong kaibigan itataas ko ang grade niyo"kumbinsi nito.

tumango ang tatlo medyo nag aalin-langan pa pero sumang-ayon din sila dahil ayaw nilang mapag-initan.

pagpasok nila sa classroom di na nila pinansin o tinignan si kc na nakaluhod.

"bakit?"nasabi nalang ni kc sa sarili.

matapos ang break muling pumasok ang kanilang guro na masaya, dahil sa tsismis na napakingan niya.

"natatandaan ko pala bibisita ang principal sa room na ito,kaya ikaw kc behave o malilintikan ka!!,may special kayong activity na ipapakita sa principal"sigaw nito.

maya-maya pa ay inutasan nang guro si bridgette na magpasa ng papel.

at dumating narin ang principal na manonood ng activity.

nang makarating ang papel kay kc nakita niyang,isa itong mga pangarap mo sa hinaharap, future plan mo o goals.

(build me up buttercup-ost)

"ngayong nakita niyo na iyan, e-recite niyo dito sa harapan kung ano ang gusto niyong maging at bakit, ipaliwanag niyo dito, isa-isa ko kayong tatawagin"utos ng guro.

itinawag na ang pangalan ni kc at naglakad na siya papunta sa harapan nang nakataas ang noo.

puno parin nang tiwala at pag-asa sa sarili.

lalo itong kinainis ng kanyang guro at nangigil.

hinawakan niya ang papel at determinadong sinabing"gusto kung maging presidente ng ating bansa, para makatulong sa mahihirap at maging insipirasyon na kahit di ka katalinuhan ay makakamit mo ang pangarap mo!!"desididong sinabi ni kc na puno ng tiwala sa kanyang sarili.

dahil doon pinagtawanan siya ng kanyang mga kaklase at sinabing"presidente daw ohh,hahaha lagi ka ngang bagsak at palpak na pasaway, madalas pang late,hahahahahaha tapos pagiging presidente ang gusto mo napaka-imposible naman ng pangarap mo"sambit ng mga ito at halos mamatay na sa kakatawa at pinagbabato si kc ng papel.

"wag namang negatibo ohh,maging optimistic naman..libre lang mangarap, naniniwala parin akong kaya ko ito"nakangiting sambit ni kc kahit puno na ng papel sa mukha.

"kung mangagarap ka gawin mo namang makatotohanan yung kaya mung abutin,wala kang hinaharap at walang talento,dapat nanahimik ka nalang"dag-dag pa ng mapanlait na guro.

"presidente daw ohh, sa araw na nangyari yoon siguradong nanalo na ako sa lotto"

"eh kahit sa panaginip hindi mangyayare iyan eh haha"

"ano ba ang inihithit mo tigilan mo na at magbagong buhay kana"

dag-dag pa ng mga mapang-asar niyang mga kaklase.

"ni pumasok nga ng maaga di mo magawa yun pa kaya,doon ka na nga maupo, wag mung sayangin ang oras namin sa mga kasinungalingan mo"utos ng kanyang guro.

at nakataas noo muling naglakad si kc papunta sa kanyang upuan.

"hey loser bakit mo ba pinangarap yun?!"sigaw sa kanya ng mga kaklase niya.

hindi siya sumagot at nasabi niya sa sariling"cause no one believe i could,that im good for nothing,its time to show how all of you are wrong, im more than just a loser".

chapter end

salamat po sa mga nagbasa sana po magustuhan niyo.