Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 5 - CHAPTER 3: Ex

Chapter 5 - CHAPTER 3: Ex

"HI, GOODMORNIG! NANDYAN BA SI ADAM SA LOOB?"

Napaangat ako nang tingin nang marinig ang baritonong tinig na iyon.

Ang nakita ko ay isang napakagwapong lalaki na kulay karagatan naman ang mga mata. Parnag kasing edad lang sya ni Mr. CEO pero yung aura nila ay magkasalungat.

Kung ang aura ni CEO Adam ay matapang, nakakatakot, malamig at tipong isang tingin palang ay papatay na, ang aura naman ng lalaki na kaharap ko ngayon ay friendly, palaging nakangiti at napakabait.

Omg, napapalibutan ako ng mga gwapo! Pag tumingin ka, akin ka— ugh! Akin kana!

Take note, ang gwapong ito ay hindi mukang supladong bato.

Bahagya pa syang nakangiti saakin atsaka natawa maya-maya. Doon ko lang narealize na muka pala akong tanga sa harapan nya habang nakanganga.

Minsan lang ako makatagpo ng gantong kagwapo dito sa office. Madalas nandito ako sa office ko at hindi ako nakakasulyap sa mga gwapong empleyado sa ibang floor. Ang madalas kong makatagpo dito ay ang mga ka-business din ni Mr. CEO, meron din namang gwapo non, mga tatlo siguro yon, brown eyes pare-pareho pero kadalasan ay matatandang panot na mahirap pang sabihan.

Luckily, walang nagagawing babae dito bukod sa mga may business din sakanya. Alam nyo yon sa mga kwento? Kadalasan ay yung mga magagandang babae e hinahanap ang CEO sa secretary kasi may something sa kanila? Wala namang nagagawi dito at balak ko na samang magtaka kasi sa gwapo ni Mr. CEO, walamg babaeng nalink sakanya? Kaso naalala ko nga pala na napakaimposible naman yatang may tumagal sa ugali nya.

Balik tayo dito kay kuyang pogi.

"A-Ano yon, sir?" Tanong ko nang mahamig ang sarili ko.

Nakakahiya ka, Jazlyn! Muntik tumulo amg laway mo!

"Andyan ba si Adam?" Aniya at ngumiwi ako.

Sino naman tong lalaki na to at bakit Adam lang ang tawag kay Mr. CEO? Sabagay, itsura nito, mukang bigatin na at hindi basta-basta. Magkapatid ba sila?

Ah, hindi. Berde ang mata ni Mr. CEO at ito naman ay kulay asul. Baka magkaiba ng ama? Pwede rin naman yon? Or ina ang magkaiba?

Hinamig ko ulit ang sarili ko bago ngumiti ulit nang bahagya. Kung saan-saan na naman kasi lumilipad ang isip at imahinasyon ko. Ang masama pa, kadalasan e hindi sa magandang lugar napupunta ang utak ko kundi sa mga bagay-bagay na medyo imposible.

"Opo. Pero ayaw po ni Mr. CEO na merong— sir, sandali po!" Sigaw ko at napatayo. Paano kasi, yung lalaki e umalis sa harapan ko at mukang dederetso sa opisina ni Bossing. Nako lagot ako kapag nagkataon. "Wait!" Tama nga ako nang hinala dahil nang maabutan ko sya ay bubuksan nya na sana ang pintuan sa opisina ni Mr. CEO.

Hinablot ko ang kamay nya at napatingin sya saakin. "Relax." Natatawa nyang inalis ang kamay ko. "We're friends. Dadalawin ko lang sya."

Yung lalaking yon may kaibigan? Seryoso? Merong nakakatagal makasama sya? Or baka iba naman ugali nya kapag sa labas ng opisina? Pero imposible siguro yon.

"Pero kahit daw po sino, wag daw papapasuki—" kaso, huli na. Nabuksan nya na ang pinto habang nagpapaliwanag ako. Deretso syang pumasok sa loob kaya sumunod ako.

Nadatnan namin si Mr. CEO na may binabasa sa folder at nang mag angat sya nang tingin ay napatulala sya ng konti sa lalaking katabi ko saka unti-unting napalitan ng galit ang itsura nya.

Alam ko, lagi naman tong galit kahit na ano, saan at kanino pa pero yung galit nya naman ngayon ay parang kakaiba. Galit na may kasamang... sakit?

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang rin pero parang mas naging sobrang berde ng mata nya. Alam mo yon? Yung lalong naging makulay at parang nagliliyab sa pagka-intense.

Parang kung nakakasaksak lang ang tingin e kanina pa namatay ang lalaking kasama ko. Este, hindi ko pala kasama, kundi yung lalaking nang-trespass sa opisina nya.

Kung ako siguro ang tingnan nya ng ganon ay mahimatay na ako. Pero kakaibaang lalaking ito, ang sama na ng tingin ni Mr. CEO e ang ganda pa rin ng ngiti. Paano yan? Talent yarn?

Nang dumako ang mata saakin ni Mr. CEO, napalunok ako nang mariin at sunod sunod. Parang masasamid na ako pero pinigilan ko. Sa uri palang ng tingin nya e akala mo sinisisi nya ako na bakit may nakapasok sa opisina nya. Sabagay, lahat naman ng bagay e sinisisi nya sa iba. Bitter na lalaki.

Lalo tuloy akong natakot. Lumunok ulit ako. At akmang magpapaliwanag palang ako, tipong kakabuka palang ng bibig ko e nagsalita agad sya.

Wala pa syang sinasabi ay kinikilabutan na ako.

"Get out. Mamaya tayo mag-usap." Yan, may sinabi na. Kabadong-kabado ako nang tumango at umatras.

Gusto kong sakalin kahit sandali yung lalaking blue ang mata na ngayon ay nakatingin saakin pero di bale nalang. Masyado syang pogi para sakalin. Char. Mas gusto ko yatang balatan sya nang buhay kasi ngiting-ngiti pa rin e.

Pero bago ako umalis, nakita ko ang tingin nya sa lalaki, tipong papatay talaga. Sino ba kasi ang lalaki na yon?

Bumalik na ako sa opisina at pinilit mag focus sa mga pinapagawa nya. Maya't-maya ko ring tinitingnan ang pintuan ni Mr. CEO kasi salamin lang naman ang harang nitong pinakaopisina ko, so kita ko ang nasa labas. Pero ang nasa labas, hindi ako kita. Tinted yata ang tawag dito. Angas diba?

Sampung minuto na pero hindi pa lumalabas yung lalaki. Nakatagal sya nang ganon. Sya na ang ultimate survivor.

Hanga na talaga ako. Nakakayanan nya talaga? Ang estimated time ko lang kanina ay tatagal sya ng mga 5 minutes? Yun na ang maximum.

Sound proof ba yung opisina ni Boss? Wala kasi akong marinig. Grabe, gusto kong malaman ang nangyayari sa loob. Chismosang chismosa ang dating.

Nagmumurahan ba sila? Nag-aaway? Sama kasi ng tingin kanina ni—

Wait, di nya naman siguro sinasakal yung lalaki ngayon no?

Pero, paano kung yung lalaki na ang sumasakal kay boss?

Siguro naman, masinsinan lang ang usapan nila?

Shit, napapraning na ako. Tumayo ako at pumunta sa harap ng pintuan nya. Bubuksan ko na sana ang pinto nang mapaisip ako.

Pero paano kung makaistorbo ako?

Shemay, hindi kaya... may relasyon sila? Dalawang gwapong lalaki, isang green ang mata, isa naman ay asul. Isang masungit na cold at ang isa ay mukha namang mabait. Pwede nga kayang may relasyon sila?

Sabagay, magtataka pa ba ako? Halos karamihan naman talaga ng mga gwapo e ka-pederasyon.

Kaso, ang sayang. Sobrang gwapo e. Pero support nalang ako sa kanila. Hindi na naman bago sa panahon ngayon ang dalawang babae o dalawang lalaking may relasyon. Tanggap na sila ng marami sa lipunan kaso sadyang may mga hindi pa rin.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at humarap ulit sa computer ko pero wala pa rin doon ang isip ko. Paulit-ulit ko lang pinapalitang ang wallpaper ng computer— mula sa kpop band na BTS, magandang bulaklak, isang napakagandang talon, cute na kuting, hot air balloon na nasa itaas pa at kung anu-anong nakikita ko roon.

Kaya siguro hindi pa rin kasal si Boss dahil nga hindi naman okay sa Pinas ang Same sex marriage. Sa pagkakaalam ko ay mga nasa 27 or 28 na yata sya tapos walang asawa? Yun pala ay in a relationship with a blue eyed man.

Kaso bakit galit si Boss sakanya? Halata naman sa tingin nya e. Naghiwalay na kaya sila? Pinagpalit nya ba si Boss sa babae o ibang lalaki rin? Hindi rin malabong biglanv naglaho yung lalaking blue ang mata. Trend ngayon ang ghosting na tinatawag kung saan biglang mawawala ang isang tao at hindi na magpaparamdam pa.

Luh, pucha mababaliw na ako.

Pinilit kong gawin ang mga pinapagawa pa ni Boss dahil siguradong bubungangaan nya na naman ako kapag nagkamali dito, bukod pa sa sermon na matatanggap ko dahil nga sa pagpasok ng lalaki sa office nya.

Napaayos ako sa pagkakaupo nang saktong mapatingin ako sa pinto ay bumukas iyon, lumabas yung lalaking asul ang mga mata at lumapit sa inuupuan ko.

"Hi, sorry sa pagiging makulit ko kanina ha?" Nagkamot pa sya ng batok sandali. "Matagal kasi kaming hindi nagkita kaya naman di na ako nagpapigil."

Ah, may LQ nga.

"O-Okay lang." Mapapagalitan ako, okay lang talaga. Huhu. Buti ka pa, 'hindi nagpapigil' at mukhang okay na ngayon.

"Don't worry, sinabi ko na sakanya na wag kang pagalitan dahil nagpilit talaga ako na pumasok." Doon ako napahinga nang maluwang. "Mukang umayos pakiramdam mo ah?" Pansin nya agad.

"Opo, sir, kinabahan kasi talaga ako."

Tumawa sya nang mahina. Grabe, lalong gumwapo sa mata ko. "Don't sir me. Hindi naman ako ang amo mo. By the way, ako nga pala si Bernard."

Ano daw? B-Berdie?

"Jazlyn Bautista po." Nag abot sya nang kamay at hiyang-hiya ko naman na tinanggap iyon. Inamoy ko pa nang pasimple.

"Pagpasensyahan mo na sana si Adam, alam kong masungit yon pero hindi naman sya ganon dati. Isa pa, mabait yon."

"Oo, mabait nga. Tsaka nag-i-snow sa Pilipinas." Gusto ko sanang isagot pero ngumiti nalang ako.

"He's really kind." Aniya, nahalata yata na hindi ako naniniwala kaya naman mukang wala nang kwenta ang pagpapanggap ko. Harap-haralan na akong sumibangot sakanya.

"Ano naman ang mabait don? Hindi ko makita kung saang banda." Tutal e mukang mabait naman sya, siguro naman kahit mag-bebe sila ay hindi nya ako isusumbong kay Boss, di ba? "Bukod sa daig pa ang palaging galit, kahit simpleng bagay nalang e nakakairita. Ang bilis maglakad tapos gusto nya bilisan ko pa para magkasabay kami. Ang taas-taas ng heels ko." Umirap pa ako. Daig pa ang spoiled brat na batang nagsusumbong sakanyang ama.

"Hindi kasi sya sanay. Ngayon lang kasi sya nagkaroon ng secretary na babae." Napamulagat ako. Kaso ay hindi na ako nakareact pa kasi agad syang nagpaalam matapos tingnan ang wristwatch na suot nya. "Paano, may aasikasuhin pa ako. Jazlyn, nice meeting you. Ikaw na muna ang bahala kay Adam ha?"

Ngumiti ako nang peke at natawa na naman sya nang mahalata iyon. Bahagya nalang akong kumaway. Parang gusto pa akong gawing babysitter kung makabilin, grabe sya. Oo nga at hindi baby ang ibinibilin nya, pero baby nya naman.

Nung hindi ko na sya matanaw ay tumayo ako. Oo nga pala, kakausapin daw ako ni Boss. Lagot. Hahanda ko na ang tenga ko.

Kumatok ako ng tatlong ulit saka pumasok. Kapag naman kasi ayaw nyang magpapasok ay sinisigaw nya.

Anong nagyari, kanina, ibinilin saakin na kahit anong mangyari, wag magpapapasok ng kahit sino. Ngayon, okay na? Iba rin pala ang Bernard effect kay Boss.

"Mr. CEO..." tumama saakin ang berde nyang mata. Para na naman akong kinakapusan ng hangin lalo nang mataman nya akong tingnan. Andon pa rin ang lamig ng tingin nya at expressionless na muka pero mukang cold lang naman ngayon, hindi mukang galit. "S-Sabi nyo, kakausapin nyo po ako?"

Napahinto sya saglit at tumingin sa kisame saka na tumingin ulit saakin. "Nevermind. Tapusin mo nalang lahat ng ipinapagawa ko sayo then pwede ka nang umuwi."

What the— tama ba itong naririnig ko? 2 pm palang. Hindi na nya dinagdagan ang inutos nya saakin kanina pa bago dumating yung lalaki tapos pwede na akong umuwi pagtapos?

"Seryoso kayo sir?" Hindi pa rin makapaniwalang ulit ko.

"Oo, pero kung ayaw mo namang umuwi pa, ireview mo nalang lahat." Aniya at itinuro ang tambak na mga papel sa mesa, limang patas iyon sa gilid ng mesa nya na kapag inilagay sa gitna ay hindi na sya makikita.

E halos kasingtangkad ko na yata yon eh!

"No sir!" Mabilis na awat ko. "Naniniguro lang dahil baka mali ang dinig ko."

Sa 2 weeks ko dito, mukang ngayon lang ako makakatikim ng maaga-agang uwi.

Tumaas ang kilay nya.

"I mean, meron pa po akong ginagawa. Dyan na po yan, kapag natapos ako, uuwi na ako. Hehe." Ngumiti na naman ako. Inaasahan kong magtatangis na naman ang bagang nya at dadagdagan ang trabaho ko gaya ng lagi nyang ginagawa kapag ngumingiti ako pero wala. Tiningnan nya lang ako sandali saka tumingin ulit sa binabasa nya kanina.

Anong meron? Bakit ganto? Parang may mali.

Hindi sya mukang masaya dahil sa pagkikita nila kanina ni Bernard. Pero pagtapos nilang 'mag-usap' o anuman e parang hindi na mainit ang ulo nya.

Pwede ba yon? Parang okay na hindi naman talaga okay? Or nasanay lang yata talaga ako na palagi syang galit?

Ang hirap talagang basahin ng taong to. Bukod sa pahirapan na nga ang makisama sakanya e, pahirapan pa rin pala ang pah-iisip ng maaaring itinatakbo ng utak nya.

Hindi naman sa interesado ako ah? Sadyang curious lang ako.

"What are you still doing here?" Pansin nya nang hindi pa rin ako umaalis. Nag iisip nga kasi ako.

"Ah, boss..." Tumaas ulit ang kilay niya. Netong nakaraang dalawang linggo e Mr. CEO o sir ang tawag ko sakanya. "Masyado kasing mahaba ang Mr. CEO." paliwanag ko habang naka peace sign. Umayos ulit ako nang timikhim sya. "Ahm, ano kasi... Sino yung lalaki kanina—"

"That's not part of your job." Aniya. Nakayuko naman ako, kinukutkot ang kuko gamit ang kuko sa kabilang kamay. Ganto ang ginagawa ko kapag nagdadalawang-isip ako sa isnag bagay.

Nagdadalawang isip kasi ako kung itatanong ko o hindi tsaka nagdadalawang isip ako kung tama ang naiisip ko kanina na may relasyon ba sila. Iba kasi dating ni Boss ngayon. Iba talaga kaya naman naba-bother ako. Hindi naman porket wala syang puso e wala na rin akong pake at magpapakawalang-puso rin sakanya.

"Na-curious lang ako. Nevermind, boss. Magtatrabaho na po ako." Tumalikod na ako at binuksan ang pinto.

Lalabas na sana ako pero hindi ko inaasahan ang magiging sagot nya. O ang mas hindi ko inaasahan na sasagot sya.

"Bernard... He's my ex." Ay, pucha, confirmed— "He's my... ex bestfriend."