Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 4 - CHAPTER 2: Hell

Chapter 4 - CHAPTER 2: Hell

"MISS SECRETARY, DO YOUR JOB PROPERLY!"

Napapiksi ako sa sigaw saakin ng boss kong halatang palaging galit.

"Jazlyn, ano na naman to!?"

"What the hell is this, Jazlyn!?"

1 week palang ako rito pero mukang susuko na ang katawan at utak ko. Maya't maya ba naman e tinatawag ako para paggawain ng kung anu-ano. Halos kalalabas ko lang sa opisina nya ay pipindutin na naman ang intercom para pabalikin ako dahil may iuutos daw sya.

Parang favorite nya rin ang pangalan ko ah? Bukambibig e.

"I-Im so sorry, sir!" Agad kong hingi ng paumanhin kahit pa medyo nanggagalaiti ako. Nakayuko ako sa harapan nya, hindi lang dahil sa takot kundi dahil ayokong salubungin ang berde nyang mga mata.

Hindi ako pwedeng maging marupok. Dapat unahin ang trabaho. Dapat mainis ako sa mga pagpapahirap nya sakin mula nakaraan. Pero kapag tumingin ako sa perpekto nyang mukha e parang napakahirap namang magalit o kahit mainis man lang.

Pano ko sinabing pinapahirapan ako? Obvious naman e. Tsaka nung hi-nire nya ako, remember? Sinabi nyang pagsisisihan ko yung sinabi ko.

Ano bang sinabi ko non? Hindi ko na rin matandaan.

"Yeah, sorry. Ilang beses ko nang narinig sa'yo yan.."

"Oo, at ilan na rin ba ang tinanggal mo dahil sa kaabnu-an mo." Mahina kong bulong. Hindi ko mapigil kasi ugali ko na rin talaga ang sumagot-sagot at mamilosopo kahit sino pa yan.

Paano ba naman, dahil nga secretary nya ako ay gusto nyang pumasok ako bago mag 7 am pero hindi pa dapat ako umakyat kasi  hihintayin ko pa raw sya mula sa labas ng building. Gusto nya kasi, pagbungad ko palang sakanya, sasabihin ko na lahat ng mga schedule nya habang naglalakad kami papuntang opisina nya.

Lahat ng babati sakanya ay dapat lang na yumuko. Naaalala ko yung guard kahapon na tinanggal nya sa trabaho. Bago lang ata yung guard, binati nya si Mr. CEO ng goodmorning habang nakangiti at alam nyo ba kung anong sinabi at ginawa nya?

"Why are you smiling?"

"Because I-Im... greeting you, sir?" Kinakabahang sagot ni manong guard.

"If you're going to greet me, bow your head. And I hate it when I see someone smiling." Napanganga ako. Ang OA naman yata nya? Pati pagngiti, bawal? Dapat ba lahat ng tao rito e maging katulad nyang mukang bato?

"I'm so sorry p-po—"

"I think you're new." Si Mr. CEO ulit.

Oo nga, hindi pamilyar si Kuyang Guard. Isang linggo na ako rito pero ngayon ko lang sya nakita.

"O-Opo, kakahire lang po saakin kahapo—"

"Then maghanap kana ulit ng ibang trabaho, you're fired," saka naglakad na sya ulit.

Napanganga naman ako at si Kuyang guard e tulala sa entrance.

Oo, isang linggo palang ako rito pero mala-impyerno na ang ganap sa buhay ko. Medyo pampalubag ng loob makita ang gwapong muka ng boss ko pero habang tumatagal e hindi na isang anghel ang nakikita ko sa muka nya. Sayang naman. Kasi masahol pa sya sa tae ng kambing.

Teka, ano naman konek ng tae ng kambing? Ah, ewan.

"What did you just say?" Nanlaki ang mata ko at agad napatingin sakanya. Narinig nya pala na bumulong ako. Sobrang hina na nga e.

"S-Sabi ko sir..." Tumingin ulit ako sa sahig. "P-Pwede naman siguro ako mag-j-janitress? Tutal hindi naman po ako qualified na maging secreta—"

Hinampas nya nang malakas ang mesa kaya bahagya akong napatalon. Sunod sunod ang naging paglunok ko.

Pakiramdam ko, konti nalang uupakan nako nito.

Don't beat me, choke me, dadeh! Ay, harot!

"Who told you you can disobey me? If I want you to be my secretary, then you'll be my secretary. Wala akong pakelam kahit hindi ka pa marunong magbasa." Walang emosyon na naman ang boses nya. "If I want you to do anything, you should do that because may I remind you, I am the boss here." Napakuyom ang kamao ko.

Siraulo, sinabi ko bang ako ang boss?

Isa pa, hindi secretary lang ang hanap nya kundi someone na mapagbabalingan nya ng kung anumang ka-bitteran nya sa buhay.

Isang linggo, parang sapat na saakin para makilala sya. Pakiramdam ko nga ilang taon na kaming magkasama dahil halos alam ko na ang maraming bagay sakanya.

Nung nagpatimpla sya ng kape, hindi nya sinabi na wala dapat asukal. Ang ginawa nya, inihagis nya ang mainit na kape sa sahig at tumalsik pa ang iba saakin. Saakin nya ipinalinis yung kinalat nya at ilang beses rin syang nagbasag bago ko na-perfect ang timpla na gusto nya.

Napakakumplikado nyang tao. Parang laging galit pero at the same time e parang wala ring pakelam sa kahit na kanino. Walang kasundong empleyado ayon sa obserbasyon ko. Hindi ngumingiti. Hindi nakikipag-usap ng tungkol sa private life nya kahit kanino.

Sabi nga sa isang kanta, Stone cold.

Mukang laging may dalaw, nakasigaw mag utos. Kaya rin pala palaging hiring e ang bilis nyang magtanggal ng mga empleyado. Konting mali o kahit pagngiti ay bawal.

Higit sa lahat... mapang-api. At hello, based on my own experiences yan sa nakalipas na linggo.

"At tungkol sa pagtatanggal ko ng mga empleyado ko, I believe you have nothing to do with it." Napangiwi ako. Narinig nya pala ang bulong ko kanina. "Get out."

Nang marinig yon ay halos patakbo akong lumabas. Buti nalang na may binigay sya saaking isang silid, bale pinaka office ko at tapat lang iyon ng opisina nya.

Kaso, papaupo palang ako, tumunog ulit ang intercom. Lakad takbo akong bumalik sa harap nya.

"Give me a coffee." Utos nya na nakaharap sa bundok ng papeles sa mesa nya.

"Yes sir."

Nakasibangot akong nagtimpla ng kape. Natuto na ako. Kapag inutos, sunod kaagad.

"Mapait gaya mo, bitter. Walang asukal, tulad mong walang sweetness kahit tungkol saan." Bulong ko habang nagtitimpla. "Mainit na kape, kasing init ng ulo mo araw-araw at kabaligtaran naman ng cold mong personality."

Tiningnan ko ang wristwatch ko. 3:46 pm, 4 ang uwi ko. Mabuti naman at makakapahinga na ako sa bato na yon. Ang sarap pa naman tingnan ng mukha pero hindi naman pala masarap kasama.

Pinilit kong ngumiti nang ilapag ko ang kape sa harap nya. Inisin lang ba.

Kaso, hindi ako pinansin. Yung iba tinatanggal kapag ngumiti tapos ako hindi? Hindi naman sa ayaw kong magtrabaho, gusto ko. Ayoko lang talaga na bilang secretary.

Lagi ko syang nginingitian para tanggalin nya na ako as secretary tapos mag-apply ako bilang janitress. Ang kaaya-aya lang sa lalaking to ay amg pagmumuka nya, wala nang iba.

Ang kaso, gustong-gusto nga talaga ako nitong pahirapan. Ang ginaganti nya kasi saakin ay utusan ako nang utusan.

"By the way," patalikod ako nang magsalita sya ulit. "Fix my schedule for tomorrow."

"Yes sir."

"Ayokong mali na naman ang schedule na ibibigay mo."

"Opo."

"Contact Mr. Fawatie, sabihin mo kung kailan sya available."

"Okay."

"Call Mr. Rosales too, itanong mo kung ayos na ang ipinapagawa ko sakanya."

"Yes, sir."

"Don't forget to edit the emails again. Ulitin mo ang ginawa mo, mali-mali."

"Okay, sir."

"Resend the emails again. Mali ang mga pinag-send-an mo. How stupid you are? Nakaindicate na nga roon e, hindi mo pa alam?"

"Opo."

Kaya nga sabi ko maghanap ka ng ibang secretary.

"Puro ka yes sir at opo sir, tapos mamaya, mali-mali na naman!" Sigaw nya ulit. Anong gusto nyang isagot ko? No, sir?

Hindi nalang ako umimik dahil tinambakan nya na naman ako ng gawain.

"Arrange a meeting with Mrs. Manabat next week."

"Call attorney Johnson, sabihin mo may ipapagawa ako sakanya this weekend."

"Papuntahin mo bukas ng 10 am dito ang manager ng finance department."

Matagal syang walang imik kaya naman doon palang ako sumagot.

"Yun po ba LAHAT?" Pinagkadiinan ko pa ang huling word para marealize nya naman ang pinagagawa nya.

"Oo, iyon lang. Get out."

"Muka mo, get out." Bulong ko.

Nagngingitngit ako habang papalabas. Iyon lang? Lang?

Pero hindi ko na gaanong dinamdam yon, sinimulan ko nalang lahat ng mga inuutos nya saakin.

Gaya ng mga nakaraan, 10 pm na naman akong nakauwi. Good thing dahil malapit lapit lang ang pinagtatrabahuhan ko dito sa tinutuluyan ko. Isang sakayan lang. Pero kahit na, ubos pa rin energy ko. Imagine, from 7 am to 10 pm?

Bat pa nga ba ako umaasang uuwi ako sa tamang oras?

Kung hindi lang ako nagagandahan sa green eyes nya ay baka nung nakaraan ko pa sya sinumbong sa DOLE.

Tangina naman kasi, inaalipin na ako at lahat, ang harot ko pa rin.

Sa sobrang drain ng utak ko at panghihina na ay kaagad akong nakatulog. Akala ko hindi na ako magigising kinabukasan e pero hindi ganon.

Mukang masaya na naman ang araw ng boss ko nito dahil umagang umaga, eksaktong 7 am ay nakita nya na naman akong naghihintay sa labas ng building, nakatayo habang suot ang uniform ko, mataas na heels, longsleeves na black na ipinatong sa white t-shirt at yung slacks ko.

Oo, masaya na naman sya deep inside, alam ko. Lalo na at nakikita nya akong nakangiwi na. Yon naman kasiyahan nya e, ang paghihirap ng iba. Napairap ako sa hangin. Totoo nga ang sabi nya noong regret-regret. Pinagsisisihan ko talagang dito ako sa company nya napadpad. Minsa nga iniisip ko nalang ang magagandang bagay para i-motivate ang sarili kong pumasok dito.

Kung hindi ako na-hire, baka hanggang ngayon wala pa rin akong trabaho. Malamang mararanasan ko ang mahabang pila sa pinag-aapply-an ko pero kapag ako na ang iiinterview, cut off na. Yon nalang pakunswelo ko sa sarili ko. Atleast ngayon naka-one week nako. Okay rin ang sweldo para sa tulad kong hindi naman college graduate na madalas hanapin sa resume.

Yun ang hirap saaming mahihirap na hindi nakapagtapos at naghahanap ng trabaho. Kahit anong trabaho, ultimo pagiging janitress, naaalala ko hinihingian ako non ng college diploma. Isasabit ba namin sa mga leeg namin ang diploma habang naglilinis kami ng CR? I-aannounce ba yon sa buong kumpanya na: ANG JANITRESS DITO AY COLLEGE GRADUATE tapos ay tataas na ang sales nila?

Hindi naman nag-aaral para lang sa papel na yon. Oo, importante yon kaso mas importante ang may natutunan. Sabi nga sa nabasa ko: DON'T COMPARE EDUCATION TO LEARNING. Tama. Dahil may mga tao ngang kayang makagraduate ng may PhD pa pero nananatili pa rin namang tanga.

Hindi dapat resume ang batayan sa pagkuha ng employee. Ang nakakainis pa, hindi naman pwedeng ilagay sa resume gaano tayo kasipag, katyaga at paano tayo nagpapakahirap para lang magtrabaho, nasa atin na yon kung maipapasok natin sa interview.

Tama na nga, nabibitter na rin ako.

Magkasabay na naman kami paakyat sa opisina nya at may tinaggal na naman syang dalawang empleyado dahil nakita nyang nakangiti.

Normal pa ba tong tao na to? Ano ba talagang problema nya?

Sinasabi ko sakanya ang schedule nya ngayong araw. As usual, ang dami nyang comment.

"7:30 po, meeting with Mr. Leonardo. Kakausapin nya raw po kayo dahil balak nyang mag-invest—"

"Cancel that one."

"S-sir?" Naguguluhang tanong ko pero nang tingnan nya ako nang masama ay natahimik ako saka nagpatuloy. "8 am, breakfast meeting with Mrs. Esquivel, handa na raw po syang makipag-usap at makipag-ayos about sa mga reklamo nya sa products na dumating sa kanila last week. Tsaka yung mga gusto nya ring hilinging kapalit—"

"Cancel that one too. It's too obvious that she wants something big. Damn, I'll make her pay." Napamaang ako. Iba rin, alam na ang mga takbo ng utak? Advance mag-isip?

Alam nya na ba talaga ang takbo o kalakaran sa negosyo or sadyang judgemental lang sya?

Napatingin ulit ako sa cellphone ko kung saan ako nag-note ng lahat ng tungkol dito sa trabaho ko.

"M-May meeting din po kayo with Mr. Rosendo ngayong 10 am para sa kumakalat na issue—"

"Balak mo bang sirain ang araw ko, Ms. Secretary?"

At kailan naman nabuo ang araw ng isang 'to?

"Si Mr. Rosendo po kasi ay balak magback out sa—"

Naglalakad pa rin kami at hindi sya tumitingin saakin pero alam ko na base sa tono nya na naiirita sya kanina pa. "If he wants to pull out his investment, then let him be."

Sumakay kami sa elevator. Kakasarado palang at pinindot ko na iyon papuntang 7th floor. Walang ibang sakay dahil nang mahsimula akong magtrabaho ay saka ko lang na-gets na walang sinumang employee ang pwedeng sumakay dito maliban sa secretary nya at sya. Yun pala ang dahilan bat pinaaalis nya ko non.

Bahagyang kakaandar palang niyon nang bigla nalang iyong tumigil.

"Damn." Mura nya saka tumingin sa orasang nakakabit sa pulsuhan nya at ako naman ay nagpanic.

"Hoy! Tulong! Ayokong makulong dito, palabasin nyo ko ngayon na!" Pinagsisipa ko ang pinto. I hate being stuck in a small room for a very long time. Okay lang saakin na mga hanggang dalawang minuto lalo kung may kasama ako. Pero itong nag-stop bigla at mukang nasira ang elevator, nagbutil butil ang pawis ko. "Waahhh! Tulong!" Sigaw ako nang sigaw.

"Can you just shut up?" Ang kasama ko naman ay nagtatangis ang bagang, nakikita ko rin na gumagalaw na ang panga nya sa inis. "I will fire them all!" Pagkausap nya pa sa sarili nya. Sinasabi ko na nga ba, pagtatangal pa rin ng trabahador ang nasa isip ng isang to.

Pero hindi ko na sya pinansin pa. Naramdaman kong unti unti akong nawawalan ng hangin. Halos dalawang minuto na kami rito at isipin palang na baka magtagal pa kami ay lalong hindi na ako makahinga.

"Stop it." Mariing saway nya kasi kinakalabog ko yung pinto.

Naiiyak na ako, parang nawala ako sa sarili bigla.

"Anong stop! Anong stop ka dyan! Manahimik ka dahil paano kapag hindi ako nakalabas dito agad? Oh no hindi ko kaya! Hindi! Paalisin nyo ako! Ano ba!" Naghisterikal ako. Humagulgol, nagwala, nagsisigaw. "Ahh! Na-stuck ako sa elevator kasama ang evil boss ko! Huhuhu." Wala sa sariling sabi ko. "Magliliyab kami rito malamang dahil bukod sa hot sya ay evil nga sya! Ayoko pang matusta! Tulong!"

Nagulat nalang ako nang hilahin ako ni Mr. CEO sa braso at pilit iniharap sakanya. Sobrang lapit nya at napasandal naman ako sa pinaka pinto ng elevator. Hinampas nya ang magkabila nyang kamay sa pagitan ko gaya ng ginawa nya noong una.

"I said, shut the fuck up—" nataranta ako dahil sobrang lapit talaga, kitang kita ko ang sobrang berdeng kulay ng mata nya at lahat ng physical features nya na talaga namang nakakapaglaway at nakakalaglag panty.

Wala, sige, papatawarin kita sa lahat ng ginawa mo sakin, nakakarupok ka.

Pabigla nyang pinadapo ang isang kamay sa ulo nya, akala ko ay sasapukin nya na ako kaya naman sa sobrang gulat ay medyo napaiwas ako at hindi ko namalayan na natuhod ko ang harapan nya.

Namalipit na sya bigla dahil sa sakit. Nakapoker face pa rin ang mukha nya pero nakapikit sya nang mariin, halatang nasasaktan. Nakanganga ako habang nagmumura sya sa iba't-ibang lenggwahe. Takot na takot ako sa nagawa ko. Yun ngang nakangiti ay tinaggal nya sa trabaho, ako pa kayang natuhod ang 'kinabukasan' nya?

"Mierda! Shit, fuck, damn! Ugh, yawa!"

Y-Yawa? Sya?

Hindi sa takot akong mawalan ng trabaho, mas takot ako sa pwede nyang gawin.

Hahawakan ko sana sya para alalayang tumayo, medyo malapit na nga ako nang mag isa syang tumayo, huminga nang malalim at sobrang sama nang tingin saakin nung magsalita.

"Sorry Mr. CEO, hindi ko—"

Nangapos ang hininga ko nang magsalita sya.

"Putangina. Kapag ako, nahirapang magkaanak, ikaw gagamitin ko at hindi kita titigilan hanggat hindi ka nabubuntis." Aniya kasabay ng pagandar ulit ng elevator.