Chereads / The Badass Twins / Chapter 56 - Chapter 55

Chapter 56 - Chapter 55

Godee's POV

Maaga kaming pumasok ni twin dahil gusto niyang dumaan muna kami rito sa Coffee Shop para bumili ng paborito niyang kape.

"Tumawag sa'kin sila Moon sabi niya nagbabakasyon sila sa Japan ngayon. Kasama nila si Ocean at nandoon din sina Scythe at Lovely." sabi ko sa kambal kong sarap na sarap sa iniinom niyang kape. Sinulyapan niya ako saglit bago iniihipan ang nag-uusok niyang coffee tumbler.

"That's good. Kailan ang balik nila dito sa Pilipinas?"

"Before our 21th birthday."

"O? Wala na ba silang klase?"

"Tss. Sila ang nagmamay-ari ng eskwelahan nila at nanay pa nila ang Principal."

"Naol may sariling paaralan."

"Edi, magtayo tayo ng sariling atin? Si kuya mayroon ng Huntress University. Hmm, sa'tin naman ay Badass University?"

"Wala ka ngang pera paano ka magpapatayo ng eskwelahan?"

"Simple. Huhulihin kita at ihahatid kita sa World Government hahahahaha!"

"Oo nga noh, magkano rin ang patong nila sa ulo ko. Billion? Trillion? Gazillion? Tapos kapag makuha mo na ang perang pabuya. Tulungan mo na lang akong tumakas."

Tumango tango ako sa sinabi ni twin saka kami nag fist bump tanda ng pagsang-ayon.

"OK deal. Kailan natin gagawin?"

"Kapag hindi ka na tamad."

Pfffttt... Isa lang ang ibig sabihin ng sinabi niya. Never.

"Nasabi sa'kin ni Dawn baka mawawala na naman siya. Mag-a-adventure na naman siya ala Dora The explorer."

"Dawn The explorer."

"Yeah."

"Hahanapin siya ni kuya malamang."

"Kamo, inaasar niya lang si kuya."

"Geh, bahala siya sa buhay niya."

"Hahahahahaha! Aabsent na naman ng ilang buwan tapos papasok na naman. Ewan na lang kung gra-graduate pa siya sa college."

"Gusto na nga siyang i-expelled ni kuya di ba? Kaso, walang magawa si Kuya dahil isa ang Miller family na stockholders ng Huntress University. Malaki ata share nila diyan." tinuro niya pa ang paaralang nasa harapan nitong Coffee Shop. Sabay na kumunot ang noo namin ng makita namin si Ryder at Worth na may kasabay na Lecturer na babae papasok sa Huntress. Kumunot ang noo ko at tumingin kay twin na biglang nawalan ng gana. Kingina.

Sino naman ang Lecturer na yun? Ngayon lang siya namin nakita ni twin at kakaiba pa ang pagsuot nito sa uniform nilang mga guro. Kahit di kalayuan ay kita namin ang kurba ng katawan nito. Masasabi kong sexy siya at bagay pa sa kanya yung Teacher's uniform ng Huntress. Nasa mid-25 na rin siguro ang edad ng babaeng iyon.

Nakita na rin namin sila kuya na papasok na eskwelahan kaya lumabas na kami ni twin sa Coffee Shop upang pumasok na rin sa Huntress University.

Ryder's POV

May bagong guro ang Huntress University at inutusan kami ni Blade na i-tour ang babaeng ito sa buong school. As a male student. Hindi ko gusto ang paraan ng pananamit niya. Kung ang ibang estudyanteng lalaki na naglalaway sa katawan niya pwes ibahin niya kami ni Worth dahil nakaka-irita siya tignan. Ano bang pumasok sa utak ng leader namin at pinayagan niya ang babaeng ito na magtrabaho rito sa Huntress University? Eh, kung tutuusin mas bagay itong magtrabaho sa Beer house, Bahay aliwan, Bar ewan. Basta! Isa lang ang masasabi ko ang babaeng ito ay parang prostitute. Masama man manghusga pero iyon kasi ang nakikita ko. Masyadong maikli ang palda niya at hapit na hapit pa ito kahit ang pang-itaas na suot niyang blouse ay masikip sa kanya at litaw pa ang cleavage ng dibdib niya na di ko alam kung ilang beses niyang pinatusukan yan sa sobrang laki. Girl's thing. Maganda yung mukha niya kaso nasobrahan sa make up. Maybe, she's applying being clown here in Huntress University?

"And lastly, this is our class room. Section Empyreal po, Ma'am." sabi ko at huminga ng malalim. Ako lang ang kanina pang daldal ng daldal dahil ang kasama kong si Worth ay wala namang pakialam yan. Nauna pa nga itong pumasok sa room namin at iniwan ako sa gurong ito. Sakto namang dumating na si Sir Tomasoh at siya na ang nag-entertain sa bagong guro. Nagpaalam muna ako sa kanila saka ako pumasok sa loob.

Muntikan pa akong napahawak sa dibdib ko ng makasalubong ko ang masamang tingin ni Godee. Kinakabahan ako sa binibigay niyang tingin dahil tipong gusto ako nitong patayin.

"Goodmorning po, hon." bulong ka sa kanya ng makalapit ako sa upuan nila ng kambal niya. Masama pa rin ang tingin niya kaya lumunok na lang ako ng laway at umupo na sa upuan ko.

"Ok class! You have new lecturer. She's from in Russia so please respect her. Siya muna ang papalit sa'kin. Ma'am Ekans, please introduce yourself."

Anunsyo ni Sir Tomasoh sa klase. Pumasok si Ma'am Ekans at lahat ay namangha sa ganda nito maliban sa grupo namin.

"Magandang umaga sa inyong lahat, I'm Sandra Ekans. 27 years old and you can call me Miss Ekans. For the rest of the month I will be your Entrepreneur Teacher. That's all and nice to meet you Section Empyreal." ngumiti ito ng maganda at huling tinignan si Worth na wala namang pakialam sa kanya. Lumabas si Sir Tomasoh sa class room at iniwan niya na kami kay Miss Ekans. Nasapo ko pa ang noo ko dahil sa sobrang judge mental ko kanina sa gurong ito. Magaling siyang magturo at nakukuha niya lahat ang atensyon ng mga kaklase ko kahit ang kambal ay nakikinig sa kanya na kadalasan lang nilang ginagawa sa mga ibang Lecturers namin.

Dana's POV

Maganda. Sexy. Healthy boobs. Matalino. Magaling. Wow. Kakaiba ang bagong guro namin at nasa kanya na lahat. Nakaka-attract din ang mga asul nitong mata. Sinabi na ni Blade sa'min ang tungkol sa kanya at iyon nga pinasundo niya ito kanila Ryder at Worth-oppa kaninang umaga.

"Galvez, can you help me. Pakibuhat naman itong mga gamit ko at pakihatid na rin ako sa next class ko. Thank you." ako lang ba ang nakakapansin o napapansin din siguro ng iba na kanina pa siya 'Galvez ng Galvez'. Kahit sa recitation si Worth-oppa ang tinatawag niya kahit hindi naman ito nagtataas ng kamay. Tanging tango lang ang sinagot ni Worth-oppa sa guro namin. Halatang napipilitan siya kahit walang emosyon ang mukha niya.

"Tutulong din po ako, Ma'am." lahat kami napatingin kay Heaven ng sabihin niya iyon saka tumayo pa siya at inunhan niya si Worth-oppa na pumunta sa lamesa ng guro namin.

"Excuse me, Young Lady? What's your name?" kumunot ang noo ko ng hindi niya kilala si Heaven. How come? We all know na sikat sa buong mundo ang kambal. Ahh, sikat nga pala sila sa kalokohan kaya hindi kilala ni Miss Ekans itong si Heaven. Maybe, she's not interested to people who loves playing abracadabra.

"Heaven po." magalang ang salita ngunit ang tono ay walang gana? Natutop ko ang bibig ko ng sinulyapan si Heaven. Goshhh. She's not in the damn mood. She's bored!

"Mì Amoŕe, ako na lang ang maghahatid sa kanya." biglang nagsalita si Worth-oppa. Napa-ikot ko ang mata ko ng impit na nagtilian ang mga kaklase naming babae dahil siguro sa nakita nilang ngumiti si Worth-oppa at malambing pa ang boses nito kay Heaven.

"Oh, You're handsome when you're smiling, Galvez." papuri ni Miss Ekans kay Worth-oppa. Gusto yatang umusok ng ilong ko sa inis dahil nahihimigan ko sa boses niya ang pang-aakit? Gosh. Wag niyang sabihing may gusto siya kay Worth-oppa? For pete's sake, hindi sila bagay!

"Ah, Miss Ekans, ako na lang po ang maghahatid sa inyo. May gagawin pa po kasi sila Worth-oppa at Heaven. Let's go po." Sabi ko at lumapit sa kanila. Kinuha ko na rin ang mga gamit ni Miss Ekans na isang libro lang naman ang dadalhin niya dami pang alam na ihatid ihatid pa siya. "As a Student Vice President, obligasyon ko pong ipakilala sa inyo ang buong Huntress University. Wala ang Student President namin ngayon dahil may inaasikaso pa siyang darating na exhibit namin sa Imperose University, Miss Ekans." umpisa ko sa usapan naming dalawa nasa Hallway na kami at kung tutuusin malapit lang naman ang next class na tuturuan niya.

"Ok, salamat sa paghatid. Bumalik ka na sa class room niyo." peke ang ngiti nitong pinapakita sa'kin. Psh! Tinarayan ko muna siya bago ako tumalikod. Wala akong pake kung Lecturer namin siya.