Chereads / The Badass Twins / Chapter 57 - Chapter 56

Chapter 57 - Chapter 56

Godee's POV

Walang Lecturer na nagtuturo kaya nagrambulan ang mga kaklase namin. Hindi, masaya lang sila dahil walang guro at wala pa si kuya dito sa class room. Nandoon sa sacred office niya.

"Let's talk, hon."

Puta. Kingina. Ayan na naman si Ryder bayot. Nasa likuran namin siya kaya madali lang sa kanya ang ibulong iyon sa akin. Magkatabi sila ni Worth na nasa likuran naman ni twin.

"Ano naman ang pag-uusapan natin?" medyo inis kong tanong sa kanya lalo pa akong nainis ng ngumisi ito. Kingina mo! Ang pogi!

"Bakit masama ang tingin mo sa'kin kanina?" pabalik na tanong niya. Haist. Tumayo ako at umupo patagilid sa lamesa niya. Pinagkrus ko rin ang braso ko at inis na tinignan siya na sumandal sa upuan niya at nagkrus din ng braso niya.

"Dahil nagpapalandi ka. Tsk!"

Mahinang singhal ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami ng ilan naming kaklase. "You told me, I'm yours. Pero, kinabukasan nagpalandi ka na sa iba. Hindi ka loyal!" inis ko talagang sabi. At hindi ko rin maintindihan bakit ko iyon sinabi? Nagdadalaga na ba ako? Hahahahahahaha! Medyo nilalakasan ko rin ang boses ko upang marinig din ni Worth at Heaven. Na hindi man lang nag-iimikan. Walang gana pa rin si Twin na nakatingin sa labas ng bintana habang si Worth naman ay pinagmamasdan siya.

"Hindi ako nagpapalandi, Godee. Kung meron mang lalandi sa'kin, gusto ko ikaw lang."

"Ayyyyiiiiiiiieeeeeeueuuuutttt!!!!"

Tangnaaaaa!!!! Mo Dawn!!! Nakikinig pala ito sa usapan namin ni Ryder ngayon ko lang napansin na naka-indian seat siya sa lamesa niya at parang batang pinapanood kami ni Ryder. Loka loka talaga. "Keleggg kekeee!!! Si Panginoonee!" aniya pa! Gago talaga!

Naagaw ang atensyon namin ng pumasok si Dana sa class room. Inaalayan ito ng isang estudyanteng lalaki.

"Nahihilo raw po si Vice President." sabi nito kaya nagmamadaling lumapit si Jun sa kanila at pinangko si Dana na agad ding lumabas muli. Nagkatinginan kami nila Dawn at sumunod sa kanila.

"SA HOSPITAL po kailangang madala si Ms. Dana." sabi ng school nurse namin ng makarating kami rito sa labas ng clinic. "Nabigyan ko na rin po siya ng paunang lunas. Hintayin na lang po natin ang ambulance na dumating dito sa Huntress University." aniya at pumasok na siya sa loob ng clinic. Nandoon si Jun sa loob na nagbabantay kay Dana.

Sinulyapan ko si Twin na wala pa ring gana. Nakasandal siya sa pader habang nakakrus ang mga braso. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nilingon niya ako.

"Tawagan mo si Ocean. Within 10 minutes at wala pa siya rito. Magpaalam na siya sa mga aircrafts niya." walang gana niyang sabi sa'kin. Lihim kaming napalunok ng laway lahat at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Nasa Japan siya ngayon, twin."

"I don't care. Just call him, right now, Godee."

Aish! Tinignan ko ng masama sina Worth at Ryder. Kasalanan nila ito! Saka ako bumugtong hininga at lumapit kay Dawn na nakaabang sa pintuan ng clinic. Siya ang higit nag-alala sa kalagayan ng kapatid niyang maldita. Tumingin siya sa'kin ng kinuha ko ang cellphone niya sa bulsa ng cargo pants niya. Hindi na ako nagpaalam na kunin iyon dahil kailangan ko ng tawagan si Ocean.

"Emergency. Huntress University."

"I'm here in Japan, Godee."

Tamad ang boses nitong sabi.

"Welcome to Heaven, then."

Sabi ko at narinig ko ang pagsinghal niya bago niya ako binabaan ng telepono. Binalik ko kay Dawn ang cellphone niya at bumaling ako saglit kay twin.

"Si Ocean ba yung tinawagan mo?" malumanay na tanong sa'kin ni Dawn. Iba pa rin talaga ang pagmamahal niya sa mga kapatid niya. Nawawala ang makulit na Dawn at napapalitan ito ng seryosong awra.

"Yeah."

At wala pa ngang sampung minuto ay rinig na namin ang tunog ng Helicopter sa taas nitong school building namin. Napa hawak pa sa kanya kanyang dibdib sila Dk, Song, at Ozi ng makita namin ang dalawang lalaking dumaan sa pasamano ng building. Kapwa mga naka combat outfit at purong itim lahat ang kulay ng damit. Yumuko muna sila kay twin bilang pagbigay galang dito.

"Hello po, Commander."

"Magandang araw po, Commander."

Sabay na bati nila saka sila pumasok sa clinic. Agad din silang lumabas at isa sa kanila ay binuhat ng pa-bridal style si Dana na walang malay.

"Sino kayo? At saan niyo siya dadalhin?" natatakot man ay nilabanan pa rin ni Jun ang panginginig ng boses niya. Hindi niya makayanan ang presensya ng dalawang lalaking ito.

"You're not allowed to talk to them, Kazunari. Fuck off." walang ganang suway sa kanya ni twin. Wala siyang magawa kundi ang tignan ang dalawang lalaki na palayo na sa'min.

"Saan nila dadalhin si Dana?" biglang tanong ni Song kaya inakbayan ko siya at ningitian.

"Hunterose Hospital in Russia."

"Eh? Bakit ang layo?"

"Doon lang magagamot si Dana."

"Bakit? Ano bang nangyare kay Dana?"

"Someone poisoned her."

Nagulat silang lahat sa sinabi ko maliban sa mga nakakaalam.

"Sino ba ang dalawang taong yun?"

Tanong naman ni Jun sa'kin. Talagang hindi mapakali ang isang toh. Inakbayan ko rin siya.

"Yung may tattoo na scorpion sa batok hanggang sentido ay Scorpion ang pangalan habang iyong isa naman na Blonde ang buhok hanggang balikat ay si Venom. Bale, mga kasing edad lang natin sila at estudyante sila sa Hunterose University." saad ko.

"Nakasalamuha ko na sila dati." wika ni Desdes kaya nagtatakang tumingin kaming lahat sa kanya kahit si twin ay nakuha niya ang atensyon. Kaya pala hindi nakaligtas sa'kin ang binigay na tingin sa kanya ni Venom.

"Saan, Desdes?" tila nakahinga ako ng maluwag ng bumalik sa dati ang presensya ng kambal ko. Mayroon na itong gana. Inakbayan niya pa si Desdes.

"Sa isang school event."

"Intramurals."

"Yeah."

"May ginawa ba sila sayo?"

"Venom got my first kiss."

Hindi ko napigilang tumawa at namangha. Now I know. Si Desdes iyong babaeng pinag-uusapan nila sa Main Headquarters namin. Venom got his first kiss to this girl. And then, I realized alam ito ni Ocean. Tsk. Witty dimwit.

"Hmmm, mukhang madaming Hunterose na pag-aagawan ka, Desdes." tudyo ko sa kanya. Inosente itong tumingin sa'kin kaya umiling ako at tinignan si Ozi. "Kailangan mong magpalakas, Ozi. Mahihirapan ka sa mga makakalaban mo pagdating kay Desdes." saad ko sa kanya.

"It's her decision. I'm always here para suportahan siya sa lahat ng bagay." ramdam ko ang pait sa tono niya.

"At iyong si Scorpion naman ay may sinabi sa'kin. Gusto niya raw ako."

Amin pa ni Desdes. Nakuuu. Kailangan bantayan pala namin ng maigi ang batang ito.

"Ang ganda mo lilsis, ikaw na ang reyna ng kagandahan hahahahahaha!" mukhang bumalik na ang makulit na si Dawn dahil nagawa na nitong mangulit ulit.

Hindi na namin narinig ang ingay ng Helicopter ni Ocean kaya bumalik na kami sa Class room namin.