Chereads / The Badass Twins / Chapter 60 - Chapter 59

Chapter 60 - Chapter 59

Godee's POV

Snake Venomous Condominium. Lungga ito ng isang Mafia Lord. Big time pala ang Sandra Ekans na yun. Afford niyang tumira sa isang building na pinaghaharian ng mga ahas. Snake Venomous Mafia. One of the rank 10 in Mafia Association. Hindi sila under ng Hunterose clan and base in my information, kasali sila sa mga Calixtus ng World Government.

"Bakit mo pala pinasabog ang parking lot ng Huntress kanina, Twin?" Lulan kami ng Lamborghini Diablo III ko at ako ang nagda-drive nito patungo sa Snake Venomous Condominium.

"Cuz I'm bored." walang gana niyang usal. Ano bang nangyare? Medyo ayos pa naman ang mood niya kanina ng nagpaalam siyang lumabas sa room upang kausapin si Worth. At hindi ko alam kung anong naging usapan nila at nagkaganyan siya. Kung mawawalan man siya ng gana, hindi aabot iyon ng tatlong oras. Hindi tulad ngayon kaninang umaga pa yata siyang walang gana.

At pinasabog niya pa ang parking lot ng Huntress. Siya lang naman ay may kakayahang gawin ang mga bagay na hindi umaabot ng limang minuto. Nagugulat na lang kami na tipong kausap pa namin siya ng matino tapos maya't maya may nangyayare ng sakuna. The Disaster made of Heaven.

My twin is the Commander of Monstrous Trio. Composed of most dangerous monsters criminals in the whole world. May mga kasamahan kaming nagmamay-ari ng Firearms Factory. Mga gumagawa ng bomba, granada, at iba pang mga sandata.

Madali lang sa kanila ang pasabugin ang isang lugar o isang buong bansa. Hindi iyon mahirap gawin dahil may sariling Satellite si Heaven sa kalawakan. Isang utos niya lang ay nade-detect agad ang target niya.

Minsan na ngang nakwento sa'min ni dad na pinagsisihan niya raw na binigyan niya ng sariling satellite si Twin. Hindi niya akalain na gagamitin lamang ito ni Heaven tuwing nababagot ito.

"We're here." hininto ko ang sasakyan ko sa isang tabi ng puno. Hindi kumibo si twin kaya tinignan ko siya. Deretso ang tingin niya sa harap. Kumunot amg noo ko at tinignan rin ang tinitignan niya. Ganun na lang ang paglaki ng mata ko ng makita ko si Worth at Miss Ekans na magkasama. Kapwa masaya sila sa isa't isa. Da pak! Sabay silang pumasok sa entrance ng condominium building. Parang ahas kong makakapit si Miss Ekans sa braso ni Worth at ang braso naman ni Worth ay nakayapos sa baywang ng guro namin. Fuckkkkkkshiiitttttt talagaa!!! Hindi na namin sila nakita kaya tumingin ako kay Twin na nakayuko. Para siyang bata na kinukusot ang mga mata niya. At ako ang nasasaktan ng makita ko ang pagtaas baba ng balikat niya. Wala mang ingay pero alam kong umiiyak siya.

Sumisikip ang dibdib ko at bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano mang oras ay gusto ko ng pumatay ng tao.

"Twin, gusto mo sundan natin sila?" hindi na naman siya kumibo pero umiling siya.

"Main HQ. Now." walang gana niyang utos sa'kin. Paktay. Sino ang bubugbogin niya?

Sinunod ko ang sinabi niya at pinaandar na ang sasakyan ko. Wala mang karera pero ang pagmamaneho ko ay mas mabilis pa sa pakikipagkarera namin sa Race Track. She's bored at kailangan kong labanan iyon kahit papaano.

Main Headquarters of Monstrous Trio.

Isa itong palasyo na hindi akalain ng iba ay headquarters pala ito ng isang squad.

Binigay ko ang susi ng Lamborghini ko sa isang Butler at hinayaan ko na siyang magpark nito sa Parking Lot namin ni twin dito sa HQ namin.

"Magandang Gabi, Commander."

Sabay sabay na bati ng mga Butler sa'min. Nakihilira sila hanggang sa pintuan ng palasyo. Yumuko silang lahat at saka lang sila mag-aangat ng mga ulo kapag wala na kami sa paligid nila. They are professional Butlers na nagmula sa mga elite family. Bawat isa sa kanila ay Butler ng bawat miyembro ng Monstrous Trio.

Bumukas ang gintong pintuan ng palasyo na may emblem na tatlong bungo.

Ang lugar na ito ay kaharian ng isang langit. Creepy man ang emblem ngunit paradiso ang loob nito. Isang napakagandang palasyo na lahat ay gawa sa ginto, diamond, at crystal. Ultimo, ang sahig ay gawa sa ginto.

Nasa living room ang lahat na nagkakasiyahan sa pinapanood nila sa isang malaking Flat-screen TV.

Hindi pa nila kami napapansin dahil masyado silang naaaliw sa pinapanood nila. Sampung lalaki. Na kinulangan ng mga turnilyo sa utak kapag wala kami ni twin dito sa Headquarters.

Umalulong ang nag-iisang Lion dito sa Palasyo kaya lahat sila ay natigilan at takot na bumaling ang mga tingin sa'min ni Twin. Pero agad din silang sabay sabay na nagsitayuan at yumuko bilang paggalang.

"Magandang gabi po, Commander!"

Bati nilang lahat. Hindi pa nila inaangat ang mga ulo nila dahil hindi pa sumenyas si twin na umayos sila ng tayo. Dahil wala sa mood ang kapatid ko ako na ang nagsenyas sa mga tukmol na ito na mag-angat na ng ulo.

Dali dali silang inayos ang mga sarili at ang isa sa kanila ay pinatay ang flat-screen TV.

May hinintay akong lumapit sa'min pero hindi ito lumapit. Tinignan ko iyon at ganun na lang ang pagngiwi ko ng makita itong nakatali. Lagot sila. Pinakaayaw ni twin ay tinatali o kinukulong ang mga alaga niya.