Heaven's POV
Nalinis at naayos agad ng mga Butler namin ang kinalat naming mga gamit dito sa living room kanina. Nakahiga ako sa isang mahabang sofa habang nakaunan sa hita ni Venomous. Hubad baro pa rin ito kaya hindi ko maiwasang tignan ang peklat niya sa dibdib. Ito lang ang tinitignan ko habang hinihintay ang Baby Heavy ko na lumapit sa'kin. Kanina ko pa inaabangan ang pagsalubong nito sa'kin pero wala pa ring nangyayare.
"Where's my Baby Heavy?" tanong ko sa lahat pero sa peklat pa rin ni Venomous ako nakatingin. Ramdam kong natigilan lahat ng lalaki habang si Godee naman ay sumisipol sipol.
"Hala kayo! Bakit tinali niyo itong si Heavy!" Makulit na sambit ni Dawn. Sinadyang lakasan ang boses. Naipikit ko ang mata ko at inis na bumangon. Tinignan ko ang mga salarin ng masama. How dare them! Ang ka-isa isang utos ko ay sinuway nila.
"Ano ang pinakaayaw ng isang Langit?" boses iyon ni Dawn. Nang-aasar. Si Godee ang sumagot sa kanya na tumawa muna bago nagsalita.
"Ang pinakaayaw niya sa lahat ay inaalipusta ang mga babies niya!"
Tinalikuran ko na sila at pinuntahan ang Baby Heavy ko nasa likod ng hagdan. Umalulong ito sa tuwa at nagkakawag ang buntot niya ng makita ako. Niyakap ko siya at kahit papaano nawala ang pagkadismaya ko kay Worth saka ko tinanggal ang tali nito sa isang paa.
My Baby Heavy is a lion. Ito ang pinakabunso sa lahat ng mga alaga kong lion. Siya ang dinala ko rito sa Headquarters dahil special siya sa'kin.
Hanggang balikat ko ang tangkad nito. Sabay kaming pumunta sa living room at agad siyang umatungal. Dumagundong ang ungol nito sa buong headquarters. Sinulyapan ko ang mga lalaking palihim na nag sign of the cross. Nakihilira silang lahat sa mahabang sofa habang nakayuko. Tsk. Tapos ngayon hindi niyo kayang tignan ang mabangis kong Baby Heavy.
"Sino ba ang nagtali sa kanya?"
Tanong ko sa kanila. Walang sumagot kaya bumugtong hininga ako at tinignan ng maigi ang mga pagmumukha nila. Kahit nakayuko silang lahat nakikita ko pa rin ang mga expression nila sa mukha. Maliban sa takot sila kay Baby Heavy. Wala ng iba. Hindi sila ang may gawa.
"Duhhh, ako nagtali sa alaga mo na yan. Masyado siyang maharot."
Sabay naming nilingon ang may-ari ng mataray na boses na yun. Buhay na pala ang bruha na toh. Ngumiwi ako at hinintay siyang makababa sa hagdan. "Uwe na ako. Namimiss ko na ang mansion, Commander." saad niya sa'kin. Parang bata itong iniiwasan si Baby Heavy na hinaharot na naman siya. "Ayaw ko na talaga dito! Gusto ko ng umuwe!" inis niyang sambit. Tinataboy ang Lion na naglalambing lang naman sa kanya.
Nanghingi siya sa'kin ng saklolo kaya natawa akong pinagsabihan si Baby Heavy na lubayan siya. Nakahinga siya ng maluwag at tumabi ng upo kay Tokyo na siyang partner in crime niya.
"Mamaya hahatid ka ni Tokyo sa mansion." saad ko at humiga muli sa mahabang sofa. Nakaunan sa hita ni Venomous.
"Dapat hindi mo na ginagawa ang ganyan, Commander. Gusto mo bang magalit sayo si Worth-oppa?"
Naipikit ko ang mata ko at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi niya alam ang nangyare kaya papalagpasin ko ang sinabi niya. Yeah. She's Dana Miller also known as Subject 333 of World Government. Siya ang perpektong Human form na ginawa ng mga Scientist ng W. G. Hindi siya robot. Kundi isang taong pinag-experimentuhan ng mga taong halang sa kapangyarihan. Hindi siya isang Miller ngunit lumalatay sa dugo niya ang DNA nila Tito Dusk at Tita Dianne.
Siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kami pumayag na bumalik mag-aral sa Huntress University. We knew Dana all the time. Siya lang naman itong kinulang din ng turnilyo sa utak kaya hindi niya kami kilala. Though, kilala niya kami ni Godee as a Badass Twins pero bilang comrades niya ay nakalimutan niya ang tungkol sa'min. At sa inis ko ay siya ang palagi naming pinagtritripan ni twin.
Natural na sa kanya ang himatayin sa tuwing nagugulat siya o minsan ay natatakot siya. Epekto iyon ng experiment sa kanya.
Speaking of her attitude naman, since born na ang pagiging mataray niya at pagiging mahinhin minsan?
Alam ni kuya Blade ang tungkol kay Dana. Tss. Ako ang nag-recruite sa kanya sa ACES ng Huntress. Hindi niya nga lang matandaan iyon. Ako rin di ko na rin matandaan. Binura ko na sa memorya ko.
Pero, kailangan pa rin naming ingatan si Dana dahil mahirap na baka makuha siya muli ng mga Calixtus at ma-under control siya ng World Government. Isa siyang mapanganib na sandata na maaaring ipanglaban sa Hunterose Clan. She's a killing machine when the chips inside her will be activated.
Kung mayroon mang makasalamoot na nakaraan dito ay si Dana iyon. Hindi niya naranasang maging bata dahil isinalang siya ng mga magulang niya sa isang experiment. 15 years in cell. 15 years siyang pinaglaruan ng mga demonyong iyon. Ang bata niyang katawan ay kung ano anong mga gamot ang nakaturok sa kanya. Hanggang sa maging perpektong tao siya.
Dana's POV
Matalino. Mataray. Maganda. Check. Goshhh. Mabuti naman at hindi nawala sa'kin iyon. Wala akong sakit na amnesia noh. Malabong mangyare iyon sa tulad kong maganda.
Subject 333.
Haist. Mahirap talagang takasan ang nakaraan. Hindi naman ito big deal sa'kin. Dahil tanggap ko naman ang sarili ko ng buong buo. Proud pa nga ako dahil naka survive ako sa Cell na iyon ng 15 years.
Ang hindi ko tanggap ay ang mga totoo kong magulang. They're alive and kicking. Nagpapalago ng kayamanan nila. My biological parents are one of the bosses in the World Government. Hindi nila alam na buhay pa ako pero sa ginawa sa'kin ni Miss Ekans maaaring nagkalat na ang mga Calixtus upang dakipin ako at dalhin sa mga demonyo kong magulang.
"Mabuti at natiis mong hindi ako makasama?" napaikot ako sa sinabi ni Tokyo. Eh, siya rin naman. Hindi man lang ako pinuntahan sa Huntress University upang kamustahin.
"So what? Eh, sa gusto kong mag-aral at makapagtapos ng kolehiyo para balang araw makapagpatayo ako ng sarili kong negosyo."
"Tss. Sabi ko naman sayo Business partner na kita sa mga Firearms Factories namin kaso ayaw mo naman."
"Excuse me aswang, hindi ko type ang negosyo niyo mas bet kong gumawa ng mga gowns."
"Excuse me rin multo, hindi ko rin type ang negosyo mo."
"Mga maligno"
Sabay naming tinignan ng masama si Godee ng umupo siya sa pagitan namin ni Tokyo. "Gusto mo ng umuwe? Miss mo na kase si kuya Blade noh?" ano daw? Si Blade? Bakit ko naman mamimiss yun? Hindi ako salawahang tao kaya hanggang paghanga lang ang nararamdaman ko kay Blade. Kung mayroon mang nakakamiss sa kanya ay walang iba kundi ang makulit na si Dawn kaso manhid naman ang bruhang yan. Hindi ramdam ang banal na si Blade.
"Shut up, Godee. You're nonsense." mataray kong usal saka tumingin kay Heaven na natutulog na ata yan. May takip pa rin ng unan ang mukha niya at nakaunan pa siya sa hita ni Venomous. Crush ko dati ang lalaking yan. Dati lang hindi na ngayon. His not our Vice Commander for nothing. Sunod kong tinignan si Ocean na nakaka-insulto na namang sinulyapan ako. Playboy! Kahit ang kapatid kong si Deisiree ay pinopormahan niya. Hindi maaari. Mas gusto ko pa si Venom para kay Deisiree.
"Tokyo, hatid mo na si Dana." biglang nagsalita si Heaven pero may takip pa rin ang mukha niya ng unan.
"Opo, Commander. Tara na, Aswang."
"Hintayin mo naman ako, multo!"
Mataray kong sigaw sa kanya ang bilis kasi nitong kumilos akala mo gustong gustong makawala rito sa Headquarters naming Palasyo. "Paalam sa inyo mga comrades!"
Nag bow muna ako kay Heaven saka ako sumunod kay Tokyong aswang.
"Sa tingin mo, aatakihin ka pa ba ng Dementia, aswang?" Malungkot na tanong sa'kin ni Tokyo. Hinatid niya ako gamit ang white Ducati niya. Kahit mabilis ang takbo ng motor niya ay rinig pa rin namin ang boses namin sa isa't isa dahil ang Helmet niya ay may mini chips ng earphones kaya maliwanag sa'min ang pakikipag-usap kahit nasa gitna ng byahe.
Dementia? Yeah. That's my sickness.
Nakakalimutan ko ang mga ilang importanteng bagay, tao, pangyayare sa buhay ko. Kailangan pa nila akong ilagay sa Incubator Room para lamang maiwasan ang Dementia Attack ko.
"How I wish na hindi na ako aatakihin ng sakit kong iyon, multo."
Weird ba tawagan namin? Well, that's special to me. And I treasured it.
"Si Commander, may nangyare ba sa kanya, multo?" kahit hindi ko na alamin alam kong mayroon but I'm curious about it.
"Yeah, because of Worth Galvez." may diin ang mga binibitawan niyang salita. Galit siya. Galit sila kay Worth-oppa.
"Ano bang ginawa ni Worth-oppa?"
"Pinaiyak niya ang nag-iisang Langit natin."
Gosh. Bakit ginawa ni Worth-oppa yun? Pinakaayaw namin sa lahat ay ang makitang umiyak ang Commander namin. Ayaw naming masaktan ito. She's so precious little brat to us. Kahit anong pasaway niya ay hindi namin siya magawang saktan o paiyakin. Nanghihina kami kapag nangyare iyon. Kami ang mas nasasaktan.
Sobra na ang sakripisyong ginawa niya sa'min lahat at nangako kaming hindi siya masasaktan nino man. Kahit kailan ay hindi ko pa nakikitang umiyak si Heaven kahit noong nandoon siya sa Hailstone Prison Cell. Hindi siya nagpakita ng kahinaan. Kahit ang umiyak ay hindi niya ginawa sa loob ng impyernong lugar na iyon.
Bumibilis ang tibok ng puso ko at anytime gusto kong manakit ng tao kahit hindi ko naman gawain iyon. Ayaw nilang mabahiran ng kasamaan ang kamay ko. Tama na daw ang pagiging maarte at maldita ko. Huwag ko na raw dadagdagan. Ayun ang komento nila sa'kin.
Kailangan kalmahin ko ang sarili ko at maging fair sa nangyayare. Hindi ko pa alam ang side ni Worth-oppa at kailangan kong malaman bakit niya pinaiyak si Heaven.
"Ihahatid pa ba kita sa Mansion o hanggang dito na lang, Aswang?"
Bumaba ako sa motor ni Tokyo at tinanggal ang helmet na suot ko. Inayos niya ang nagulo kong buhok. Nandito na kami sa Entrance gate ng Skyline Village.
"Ayos na dito. Hihintayin ko na lang sina Jun at Blade." Automatic na iyon na tatawagan sila ni Dawn na pauwe na ako sa mansion.
"Balita ko, seryoso na ang Jun Kazunari mo, aswang."
"Duhhh, pilyo pa rin ang isang yun, multo."
"Mahal mo naman."
"Goshh. Shut up."
"Hahahahahaha!"