Chereads / The Badass Twins / Chapter 58 - Chapter 57

Chapter 58 - Chapter 57

Third Person's POV

Gustong sumabog ni Worth sa inis dahil hindi siya nilulubayan ng bagong guro nila. Lapit pa rin ito ng lapit sa kanya kahit hindi niya ito pinapansin. Kung pwede lang gilitin ng leeg ito ay ginawa niya na. Tulad ngayon, tinawag siya ni Blade na pumunta sa sacred office nito. At hindi niya inasahan na sumama ang bagong guro sa kanya. Inaabangan siya nito at basta basta na lang kumapit sa braso niya na talagang kinairita niya. Fuckshit! Ito ang mga bagay na hindi ginagawa sa kanya ni Heaven in public. Ang lumingkis ng braso sa braso niya.

"Galvez, sabay na ako sayong pumunta sa office ng Student President. Hindi ko kase alam ang patungo roon, pretty please?"

Kumabog ng mabilis ang puso niya. Gusto niya na talagang sumabog at patayin ora mismo ang babaeng ahas na toh! Nagawa pa nitong magpa-cute sa kanya na sobrang sagwa tignan!

"You're so emotionless, Galvez. Bakit doon sa kaklase mong si Heaven ay iba ang pakitungo mo sa kanya?" Fuck you! She's not my classmate. She's my Amoŕe. Gusto niya iyong isinghal sa guro ngunit pinigilan niya ang sarili at hindi ito binibigyang pansin. Pinapanatili niyang walang emosyon ang mukha hanggang sa makarating sila sa office ni Blade.

Lunch break ngayon kaya maraming estudyante sa hallway at lahat ng ito ay hindi maganda ang tingin sa kanila. Naninibago rin ang iba sa kanya dahil alam ng lahat na si Heaven lang ang dinidikitan niya. And now, may ahas na kung makakapit sa braso niya ay daig pa ang linta. Mayroon namang ibang estudyanteng lalaki na humahanga sa gurong kasama niya.

Kung hindi lang naman siya tinawag ni Blade ay kasama niya na sana ngayon ang Amoŕe niya. Kailangan niya itong suyuin dahil kaninang umaga pa siya hindi pinapansin nito at walang gana pa ang presensya nito na kinakabahala niya. Malakas ang loob niyang may tiwala sa kanya si Heaven sana huwag nitong paghinalaan ang nararamdaman niya sa dalaga. Masyado niya itong mahal at mamamatay muna siya bago pumatol sa ibang babae. Kahit mamatay man siya at muling mabuhay si Heaven pa rin ang mamahalin niya. Wala ng iba. At walang makakasira sa pagmamahal niya sa dalaga.

"Wait, Galvez," huminto sa paglalakad ang guro nila. Pagpapatuloy pa rin sana niya ang paglalakad ng pinigilan siya nito. Tinignan niya ito ng masama dahilan upang ngumiti ito ng nang-aakit sa kanya. Gusto niyang masuka sa pinapakita nitong ngiti. "May dumi kase sa leeg mo, wait." tatapikin niya na sana ang kamay nito ng natigilan siya at natulos sa katatayuan ng dumampi ang labi nito sa leeg niya. Nakaramdam siya ng libo libong boltahe ng kuryente sa katawan at pabilis ng bilis ang tibok ng puso niya. Triple ang kabang nararamdaman niya ng makasalubong niya ang nagyeyelong mga asul na mata ng Amoŕe niya.

'No! Hindi maaari!'

Napapikit siya at handa ng sakalin ang guro ng lumabas si Blade sa opisina nito. Hindi niya na hinintay ang leader na magsalita bagkus tinalikuran niya na ang dalawa at sinundan si Heaven na siyang nakakita sa ginawa ni Miss Ekans sa kanya.

Hindi pa rin nagbabago ang kabang nararamdaman niya. Kinakabahan siya sa binigay na tingin sa kanya ni Heaven kanina. Iyon ang unang beses na tinignan siya nito ng napakalamig. Hinanap niya ng hinanap ang Amoŕe niya sa buong Huntress ngunit hindi niya ito makita. Gusto niyang pumatay ng tao sa sobrang galit na nararamdaman!

Bagsak ang mga balikat niya ng bumalik siya sa class room ng section Empyreal.

Nakatulalang nakatingin siya sa field. Kahapon lang ang saya saya nila ni Heaven sa Hideout nito sa garden ng mansion. Tapos, ngayon hindi niya alam ang naramdaman, sobrang bigat sa dibdib at nasasaktan siya sa maaaring mangyare. Hindi niya kaya. Hindi niya kakayanin. Masyado siyang mahina pagdating sa Amoŕe niya.

"Uh-Worth, nakita mo ba si twin?" boses iyon ni Godee ngunit hindi niya kayang harapin ito. Sigurado siyang mababasa agad nito ang nangyare. Akmang maghe-head down na sana siya ng may narinig silang pagsabog mula sa parking lot!

Sinundan pa ito ng limang sunod sunod na pagsabog!

Nagtilian ang ilan sa takot na naramdaman.

"Calm down, everyone! Just stay inside and don't panic. And please, close all the doors and windows."

Announcement iyon ni Blade mula sa speaker. Naging kalmado ang iba munit may ilan pa ring natatakot.