(A\N: I dedicate this chapter to all of you, My Comrades! Kindly read and understand Blade's Point of view. It's all about to his group Huntress ACES.)
Blade's POV
Alam niyo yung pakiramdam na gusto mong pagsabihan ang nakakabata mong kapatid dahil sa ginawa niyang malaking kasalanan kaso wala kang magawa dahil mas galit ito sayo. Siya pa ang wala sa mood. Kanina pa wala sa hulog ang presensya niyang walang gana. Kaya, hindi namin ito maka-usap ng matino.
Sunod kong tinignan ang babaeng pangarap ko.
Dawn the lady who captured my heart ever since. Tsk.
Matigas ang ulo. Pasaway. Laging sinusuway ang mga utos ko. Hindi na ako nagtataka kung bakit kasundo siya ng mga kapatid ko. They're the epitome of each other.
At naiinis ako dahil kanina niya pa ako hindi pinapansin sa school hanggang sa mag-uwian na kami at nandito na kami sa mansion. Masyado itong seryoso na isa sa mga gusto ko sa ugali niya. Well, I love all about her. Everything.
"Blade, kailan pala makaka-uwi si Dana?" tanong sa'kin ni Jun. Hindi ko akalain na gagalawin nila si Dana na walang kamalay malay sa pangyayare at hindi rin nito alam ang hidwaan ng clan namin sa World Government. Ang inosenteng estudyanteng tulad niya ay hindi dapat nadadamay sa gulo ng buhay ko.
"Maybe tomorrow or next week." di ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko alam kung saan pinadala nila Heaven si Dana. Lalo pang dinagdagan ni Worth ang mga problema ko dahil may sinabi pa siya sa'kin na ikinaguho ng kalahati ng mundo ko. At sa sobrang pikon ko sa kanya kaninang umaga sa kanya ko pinasundo iyong si Madam Snake. Tsk. Isa pa ang babaeng iyon. Anong akala niya magtatagal siya sa eskwelahang pag-aari ko? Sinadya kong tanggapin siya bilang empleyado sa Huntress upang ipain siya sa kamatayan.
"Saan si Worth?" lihim kong kinuyom ang kamao ko ng marinig ko ang boses ng kapatid kong si Heaven. Mabigat akong bumugtong hininga at tinignan siya. Sorry, baby. I need to do this.
"Pinahatid ko sa kanya si Miss Ekans. Galing pang Russia ang bagong guro natin kaya kailangan niyang may makasama samantala rito sa Pilipinas." kalmado kong wika. Kaninang kalmado nitong awra ay agad napalitan ng mapanganib niyang walang ganang presensya. Ramdam ko ang lamig sa paligid dahil sa nag yeyelo niyang asul na mga mata. Hindi ako nag-iwas ng tingin bagkus nilabanan ko ito at palihim na rin akong nagdadasal sa isip ko.
'Wag naman sana akong patayin ng kapatid ko. Gusto ko pang gumawa ng isang dosenang anak at ang ina ay si Dawn.'
"Address." isang salita ngunit napakalamig ng boses.
"Snake Venomous Condominium #0098." kalmado kong sabi. Hindi na ako nagulat ng tumayo siya at mabilis na kinuha ang dalawang katana ni Dawn at itinutok iyon sa'kin. Isa sa leeg at isa sa nagbibigay buhay sa mundo. Langya. Ayaw ko magmura amp.
"Malilintikan ka sa'kin sa oras na panget na tanawin ang makikita ko. Dalawang ulo mo ang mawawala, Sky Blade Hunterose." mapanganib niyang banta sa'kin. Lihim akong nagdasal na sana hindi niya gagawin ang banta niya sa'kin. Jusko. Iba talaga kapag umaandar ang pagiging possessive ng Hunterose wala silang pakialam kung kadugo ka pa niya. Papatayin at papatayin ka niya ng paulit-ulit hanggang sa ma-satisfied ito. Sa pamilya namin ang bunso namin ang pinakamakapangyarihan kaya madaming rumirespeto sa kanya. "Let's go, Godee." aya niya sa kambal niya na patawa tawang tinitignan ako. Amp! Magsama kayo! Wala kayong pinagka-iba kay mom!
Sabay sabay kaming huminga ng maluwag ng wala na ang kambal sa mansion. Aish. Grabe pala ang tensyon kanina.
"Ikaw! Kahit kailan wala kang magawang matino! I hate you!" nagulat kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Dawn sa'kin. Galit din itong nakatingin sa'kin. Suminghal pa siya muli saka siya pumanik sa taas. Anyare naman sa isang yun?
"Mali yata ang plano, Blade."
Komento ni Ryder. Sumang-ayon din sila Dk, Song, Jun, at Ozi. Habang si Deisiree ay inosenteng tumingin sa'min. Walang kamuwang muwang sa nagaganap. Napangiti ako ng lihim ng maalala ko kung paano siya naging miyembro ng grupo kong ACES. Sinabi ko sa kanila na ordinary ACES sila mga estudyanteng pag-aaral lamang ang nasa utak. Gusto ko makatapos sila ng pag-aaral at maging successful sa buhay ng walang problemang kinakaharap. She's so innocent back then. The emotionless innocent iyan ang tawag sa kanya ng ibang ACES. Dahil noon, kapag sinasama namin siya nila Worth sa Main Headquarter ng ACES: Napaka-inosente ng pakikitungo niya sa iba. Siya ang bunso namin sa grupo. Siya ang pinaka-unang na recruite ko sa ACES ng Huntress bago sinundan ng iba. Bukod doon, nakakabatang kapatid pa siya ng mahal kong si Dawn kaya kailangan ko rin siyang bantayan ng maigi.
She's the youngest student in Huntress University. At the age of 13, nakatungtong na siya sa College. And she's running summa cum laude in our batch together with the twins, Dana, Worth, and Ryder. Madami silang naglalaban sa titulong ito.
Huntress University is school of Business Administration. Lahat ng mga nag-aaral dito ay mga future business man and business woman. Sikat ang paaralan ko sa buong mundo as a Business school at the same time one of the Holy school at disiplinado ang mga estudyante dahil sa mga batas na pinapatupad ko sa loob ng paaralan ko. Tatlong tao lang naman ang sumusuway sa'kin none other than Godee, Heaven, and Dawn.
"Nag-aalala ako kay Dana sana ayos na ang lagay niya." Napa-iling ako kay Jun. Ang lalaking panghabam buhay ang pagmamahal kay Dana. Hindi ko siya masisisi. Masarap naman talaga sa pakiramdam magmahal ng isang Miller. Gusto ko pa siyang bigwasan dahil ako daw ang pinagseselosan niya kay Dana. For God's sake. Kaibigan lang ang turing ko kay Dana at malabong magkagusto sa'kin ang babaeng yun. Crush siguro, pwede pa.
'Hindi ko na kasalan iyon kung lumalatay sa dugo namin ang pagiging gwapo. Kasalanan iyon ng genes ng mga magulang namin.'
Tinignan ko muli si Jun, malaki na ang pinagbago niya marunong na siyang magseryoso sa mga bagay bagay simula ng sinali ko siya sa ACES. Dahil dati, napaka-pilyo niyang tao kaya inis na inis si Dana sa kanya. Nalaman ko pang may past relationship pala silang dalawa. Kaya, ganun na lang kalaki ang pagkamuhi sa kanya ni Dana.
Speaking of Ozi, best friend siya ni Deisiree kaya sinali ko siya sa ACES maliban doon may kakayahan din naman siya tulad ng iba. Matalino pa at mabait. Siya lang ang bukod tanging kasundo ni Deisiree sa Huntress noon mabuti na lang talaga ay dumating ang kambal at nadagdagan ang kaibigan ni Deisiree.
And lastly, Song and DK ang dalawang taong partner in crime. Mag best friend din. Different sizes. Chubby and thin? Hindi ko yata nakikita yang naghihiwalay sa lahat ng bagay magkasama. Mga masunurin pa at sobrang kay babait talaga.
Pero ang tanong, nagsisi ba ako na gumawa pa ako ng grupong ACES sa paaralan ko? Kung sana kontento na ako kanila Worth at Ryder. Hindi na sana sila madadamay sa gulong ginawa namin. Hindi ko inisip na, iba ang kakayahan nila sa kakayahan namin nila Worth. Hindi sila dumaan sa pagsasanay na kinaharap namin noon.
Akala ko ayos na ang lahat ng pinabagsak ko ang isang Mafia Clan ngunit nagkamali ako dahil lalong nadagdagan ang mga taong gustong tapusin ang buhay ko. Hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha sa'kin ang batang babae na pinadala ko kay Ocean sa Russia.
"Si Madam Snake, anong binabalak mo sa kanya, Blade?" Tumingin ako sa mga kasamahan namin bago kay Ryder. Hindi nila kilala si Madam Snake pero kilala na silang lahat ng babaeng ito.
Jun's POV
Madam Snake? Sino naman ang ahas na iyon? Makahulugang nagtinginan sila Blade at Ryder. Alam ko naman na noon pa ay kakaiba sila kaysa sa amin. May kakayahan silang hindi namin kayang gawin. And the girl I loved is not exempted. Dana.
"Tulad ng ginawa niya kay Dana, mas triple ang matatanggap niyang kamatayan. Ang Panginoon ang magtatapos sa buhay niya mangyayare ang kamatayan niya sa bukang liwayway at ang langit ang magdesisyon kung bubuhayin pa siya ulit nito."
tila nanindig ang balahibo ko sa katawan ng marinig ang sinabing iyon ni Blade. Kalmado munit mapanganib. Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya kahit sila DK, Song at Ozi ay naguguluhan ding tumingin sa leader namin. Sabagay, sila ang tunay na mga ACES ang mga taong kayang pumatay ng kapwa tao.
Naging kaibigan ko si Blade dahil isa siya sa mga business partner ng parents ko at bilang tagapagmana sa mga negosyo namin kailangan kong mag-aral ng Business Administration sa Huntress University. Nagkataon pang kaklase ko rin si Dana kaya pinag-igihan ko ang pag-aaral at hindi dinadaan sa pilyong gawain ng lahat ng bagay.
Dana Miller is my ex girlfriend. 3 years din ang tinagal ng relasyon namin bago umabot sa hiwalayan. Kasalanan ko rin naman kung bakit kami naghiwalay.
Cheater? Yeah I'm a real cheater.
Isip bata at hindi siya tinanggap ng buong buo.
At ngayon nasa Russia na siya ulit. Ano ng mangyayare sa muling pagbalik niya?