Ryder's POV
Slay is here. Dinala siya nila Heaven at Worth dito sa Mansion. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan at naiinis ako sa binibigay na extra care ni Godee sa kanya. Hindi naman lumpo ang kumag na yan. Bakit kailangan niya pang asikasuhin ang pagkain nito.
"Ito Slay kainin mo pa ito. Siguradong napagod ka kanina kakahabol sayo ng mga Calixtus na yun." nilagyan niya ng kung ano anong ulam ang plato ni Slay.
"Seriously twin? Stop that. Inaantok na si Slay sayo eh."
Saway ni Heaven sa kambal niya. Kumakain na naman ito ng damo. Vegetable Salad. Noong nalaman ni Blade ang ginawa niya kanina sandamakmak na salita ang natanggap niya sa kuya niya. Sinulyapan ko si Slay na kaharap ko lang. Palagi namang inaantok yan.
"Sarili mong kadugo hina-hunting ka. Anong klaseng ama ang mayroon ka?" Sarcastic na tanong ni Blade kay Slay. Halata sa leader namin ang pagka disgusto sa lalaking ito. Hindi ko siya masisisi dahil parte ang taong ito sa Alcaźar Clan. One of the Calixtus. Kalaban ng mga Hunterose.
"Walang kwenta." inaantok na sagot ni Slay. Chill na chill itong kumakain walang pakialam sa mga masasamang tingin na binibigay sa kanya ng mga tao rito sa mansion.
"Nga pala Slay, kamusta na ang boyfriend kong si Forest hehehehe. Miss ko na siya agad ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita. Wait, gusto mo hatid na lang kita sa Alcaźar University? Para makita ko naman si Forest hihihi." parang tangang kinikilig na sambit ni Dawn. Tumingin ako kay Blade ng lalong tumalim ang tingin nito kay Dawn. Pabagsak niyang nilapag ang kutsara at kulang na lang mabasag ang babasagin nilang plato. Pffftttt.
"Walang aalis ngayong gabi maliban sa lalaking yan." malamig na wika ni Blade.
"Don't worry aalis din agad ako pagkatapos kong kumain." sabay na natawa ang kambal at si Dawn. Tumigil lang sila ng lumipat sa kanila ang matatalim na tingin ni Blade.
"Bakit ka ba hinahabol ng mga sarili nyong tauhan?" tanong ko kay Slay. Humikab ito bago nagsalita.
"Nalaman ng ama ko na Hunterose sina Godee at Heaven. Nais niyang malaman mula sa'kin ang kahinaan ng dalawang ito. Ngunit, hindi ako nagsalita. Kinulong niya ako sa palasyo niya dahil suwail daw akong anak. Tsk."
"Hala! Ibig sabihin absent ka ng ilang araw sa A. A. U? aish! It means wala kang balita ngayon kay Forest?" saad na naman ni Dawn. Puro Forrest naman ang isang toh. Di tuloy mawala mawala ang masamang tingin ni Blade sa kanya.
"Si Rubio? His fine as always hindi sila magkasundo ni kuya Dragon."
"Hehehehe kuya mong hot mainitin ang ulo hahahahaha!" dami talagang alam nito ni Dawn.
"Dragon Alcaźar the Student President of A. A. U. Tsk. Kakaiba rin ang tama ng utak ng isang yun." komento ni Godee. "Hindi ko maintindihan kung sumusunod ba siya sa batas ng ama niyo o sumusuway din tulad ng ginagawa mo, Slay." aniya pa. Lihim akong napa-iling. Kahit ang mga pareho nilang delikadong tao ay kilala nila at parang mga kasundo pa nila. May hindi pa ba ako alam sa kambal na ito? Isa naroon ang pagtawag ni Slay kay Heaven na 'Commander'. Anong ibig sabihin non?
"I don't know. Di ko kabisado ang takbo ng utak ni kuya." tinapos niya ang pagkain sa plato niya at tumayo siya. Inaantok na yumuko pa siya sa'min lahat.
"Salamat sa pagkain. Commander, mauna na po ako." tamad na tumango si Heaven sa kanya. "Ang premyo mo pala nasa Hideout mo na. H09, Commander." huling sabi niya at umalis na ito. Tumingin kami kay Godee ng sumunod siya kay Slay. Nagsalubong ang kilay ko at tumayo na rin.
"Nais ng ama ko na mahuli kayo ng kambal mo, Godee. Hindi ko alam ang binabalak niya pero malakas ang loob ko na nais niya kayong patayin." narinig kong sabi ni Slay. Nagtago ako sa likod ng pintuan upang marinig pa ang sasabihin niya.
"Ano bang kasalanan namin sa ama niyong nasobrahan ng turnilyo sa utak?"
"Di ko rin alam. Ang isang alam ko lang ay minahal ni papa ang isang babaeng Hunterose. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon ay may galit pa rin siya sa clan niyo. Nais niyang ubusin ang lahi ng Hunterose."
"Tsk. Sa sobrang kabaliwan niya pati sa World Government ay sumapi siya."
"Basta ako na ang bahala sa mga Calixtus na huma-hunting din sa inyo. Sinabi ko na rin sa iba ang tungkol dito. By the way, nabalitaan namin Fiance mo pala si King Adam Imperial. Kamusta naman kayo?"
Kumuyom ang kamao ko ng marinig ko na naman ang pangalan ng fiance ni Godee.
"Fine. Baka sa susunod na linggo ay magkaroon ng exhibit sa Imperose University at dadalo kami roon bilang mga guest."
"Sa Alcaźar University wala ba kayong balak pumunta roon ni Commander? Tulad ng sabi ni Dawn kanina. May bagong salta sa school namin at iyon ay si Forest."
"Bakit? Anong meron sa kanya?"
"Mahiwaga"
"Tss. Ok, next time pupunta rin kami sa Alcaźar University. Nang madalaw naman sa lungga ang kuya mong Dragon."
"Sige, alis na ako."
Wala na akong narinig na ingay kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Bumungad sa'kin ang tamad na pagmumukha ni Godee.
"Eavesdropping is prohibited, Ryder." aniya sa'kin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya saka ako nagkrus ng mga brasong tinignan siya.
"You're mine, Godee. Remember that." sabi ko sa kanya saka ko siya iniwang naguguluhan.
Heaven's POV
Salubong ang mga kilay ni kuya na pinagsasabihan ako. Hindi ko pinansin ang galit niyang anyo bagkus niningitian ko lang siya para mabawasan naman ang pagkayamot niya. Tapos na kaming naghapunan at nandito kaming lahat sa living room. Nakikinig sa sermon ni kuya.
"Hindi niyo ba talaga sasabihin sa'kin kung bakit kasundo niyo ang De La Costa na iyon?" sabay kaming tumango ni twin. Ayaw naming magsinungaling kaya hindi na lang kami iimik.
"Tsk! Malaman laman ko lang na hina-hunting kayo ng Calixtus. Humanda sila sa'kin."
Kaya ayaw naming sabihin sa kanya ang nangyare kanina dahil siguradong sa oras na siya ang kumilos ay tapos agad ang problema. Ayaw namin siyang madamay dito dahil may huma-hunting din sa kanya na mga Calixtus. "Matulog na kayong lahat may pasok pa tayo bukas." huling sabi niya saka nauna na siyang pumanik sa taas. Sumunod naman sa kanya ang iba. Naiwan kami nila twin, Dawn, Ryder, at Worth dito sa sala.
"Knowing Blade, hindi mananahimik ang isang iyon." saad ni Ryder. Iyon din ang iniisip ko. Dapat maging abala si kuya ngayon para makalimutan niya ang tungkol kay Slay.
"Aayain ko na lang siya mag-bakasyon?" suggestion ni Dawn.
"Lul. Sa susunod na buwan pa ang sembreak natin kaya hindi pwede ang sinabi mo." kontra ni Twin. Tumango rin ako bilang sang-ayon sa sinabi niya.
"Para walang problema kailangan ninyong umamin kay Blade." sabi naman ni Ryder. Hindi pwede.
"Tsk! Ano namang aaminin namin sa kanya?" inis na usal sa kanya ni twin. Nagkibit balikat si Ryder at tinalikuran na kami. Pumanik na siya sa taas.
"Baklang Ryder bayot talaga. Tsk. Una na ako sa inyo." sumunod si twin na sinabayan ni Dawn. Kami na lang ang naiwan ni Worth dito sa sala. Isa pa toh. Hindi ako pinapansin simula kanina ng niligtas namin si Slay. Nagalit din siya sa ginawa kong pagbaril sa mga sasakyan ng mga Police Calixtus officer.
"Kung wala kang sasabihin. Matutulog na ako. G'night." Malamig niyang wika at hinalikan ako sa noo. "Matulog ka na rin." aniya pa at iniwan na ako dito sa sala. Nagsalubong ang kilay ko at saka bumugtong hininga.
"Lumabas na kayo. Anong kailangan niyo?" tanong ko sa tatlong tao na lumabas mula sa dilim.
"Sa wakas, alam na rin namin ang kahinaan mo. It's Worth Galvez your life." ngumisi ako sa sinabi niya at tinignan siya ng malamig. Sabay silang nag-iwas ng tingin bago yumuko sa'kin bilang paggalang.
"You're one of the most wanted in World Government. Ang makakahuli sayo ay siguradong yayaman at lalakas pa ang clan nila. Hindi mo matatakasan ang ginawa mong kasalanan 10 years ago." kumuyom ang kamao ko at tamad na tumingin sa kanila. These three guys are the highest commanders of World Government Calixtus. Aminado akong mahirap silang kalabanin. Hindi sila tatanghaling 'The Monster Trio' sa underground kung wala silang binatbat. Scythe Hunterose is one of them. Alam ko ang tungkol doon dahil isa siya sa mga nakulong sa Hailstone Prison Cell na hawak ng World Government. Ako rin ang naging master niya ng makalaya siya. Isa sa mga epekto ng pagkakulong sa yelo ay mawawalan ka ng memorya at aabutin ng ilang taon bago bumalik ang mga ala-ala mo.
"If you want to live longer at makasama ang kahinaan mo, Sumuko ka na sa batas ng World Government." ang lalaking ito ay parang si Dawn. Pareho silang palaging may bitbit na katana sa likod nila.
"Kaya ka lang naman nila gustong mahuli dahil isa ka palang Hunterose at hinalungkat nila ang nakaraan mo. Ang nagawa mong kasalanan noon ay siyang ebidensya upang hulihin ka." Monster Trio's Vice Commander. Ang mga taong misteryoso ang pagkatao sa Underground at ginagalang sila sa Battlefield ng mga Gangsters, Mafia, at Assassins. Monster Trio. The most dangerous and monstrous squad in the world. Kung sa Clan, Hunterose ang nangunguna sa lahat. Habang sa mga squad ay Monster Trio ang naghahari. Pumapangalawa sa kanila ang ACES. Ang pagkakaalam ng lahat ay tatlo lamang ang miyembro ng Monster Trio. They didn't know na marami pala ito. Iba-ibang lahi, iba-ibang profession, at iba-ibang kakayahan na hindi matutumbasan nino man. Tuwing nagpapakita sila sa mga tao sa Underground palaging may suot silang Skull mask upang ikubli ang kanilang pagkatao. Nalilinlang din nila ang iba dahil palaging tatlo ang lumalabas at nagpapakita sa mga tao. Iyon ang dahilan kung bakit iniisip ng ilan na tatlo lamang ang miyembro ng Monster Trio. Hindi pa nila alam at nasilayan na sabay sabay na magpakita ang lahat ng miyembro ng Monster Trio sa Underground.
"Ito ay babala lamang sayo. Sa susunod na magtagpo muli ang landas natin ay kamatayan mo na ang haharapin mo."
"Your Worth Galvez bantayan mo siya ng maigi dahil baka sa isang araw ibang Amoŕe na ang roromansahin niya." tila sumabog ang utak ko sa sinabi ng hayop na toh. Tinignan ko siya ng masama dahilan ng paglawak ng ngisi niya. "Show us the possessiveness of Hunterose blood." aniya pa. Bwesit!
"Goodnight and sweet dreams, Commander." yumuko silang tatlo sa'kin. Gusto ko silang pugutan ng mga ulo nila sa baba dahil sa mga pinagsasabi nila kanina. Pumikit ako at pagdilat ko ay wala na sila sa harap ko. Hindi ko na rin ramdam ang mga presensya nilang kami lang ni twin ang nakakaramdam.