Chereads / The Badass Twins / Chapter 36 - Chapter 35

Chapter 36 - Chapter 35

Dana's POV

Wala talaga silang galang at kinakatakutan! Kahit si Senior Iyubov ay hindi nila pinapalampas.

"What is the meaning of this, Twins?"

Maawtoridad na tanong sa kanila ni Senior Iyubov. Hindi man lang natinag ang dalawa sa nakakatakot na presensya ng lolo nila. Nakatutok pa rin ang katana ni Heaven sa leeg nito habang si Godee naman ay nandoon pa rin sa pasamano. Nakahanda ng pumana. Nakakatakot ang arrow niya mabuti na lang at walang kahirap hirap itong nahuli ni Senior Iyubov.

Lumabas rin ang mga Butler ng matanda. Pawang mga nakapormal suit at masasabi kong pinagpala lahat ang kanilang mga itsura pero mas lamang pa rin talaga ang Blade ko. Sampung Butler ang nandito hindi man lang sila kumilos upang ipagtanggol si Senior Iyubov. Naka yuko lang silang lahat. Nagbibigay galang sa twins!

"Godee, Heaven! Stop that. Hindi niyo dapat ginaganyan si Grandmaster!"

Saway ni Blade sa Kambal. Galing siyang kusina kasama niya si Worth-oppa. Kumuha pala sila ng maiinom para sa lahat. Hindi nakinig ang kambal sa kanya. Sabay na ngumisi ito sa kanya.

"Mì Amoŕe"

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Worth-oppa. Malambing iyon. Gosh. Kinilig ata ako. First time kong marinig ang boses niyang may emosyon kaya nakakagulat talaga. Hindi siya nag-alinlangan na lumapit siya kay Heaven at inagaw ang katana nito. Sumimangot ito sa ginawa niya ngunit ngumiti lang si Kuya Worth.

Oh my gosh. I'mma missing something? Sila na ba? Why so sweet naman kase. Naiinis ako kay Heaven dahil demonyeta siya. But, kapag titignan ko silang dalawa ni Worth-oppa. Goshhh. They're so perfectly fit each other. Bagay na bagay silang dalawa. Isang walang emosyon at isang pasaway. Ngekk. Bagay nga sila. Sabagay noon pa man. Mahal na siya ni Worth-oppa. She's so lucky. And Worth-oppa is the luckiest man.

"Tsk. Bakit naman kase nandito ka?"

Walang galang na tanong ni Heaven sa lolo nila. Nakasimangot at nakakunot ang noong tumingin siya sa matanda. Tumingin kami kay Godee na lumapit na rin dito sa sala at binigay niya ang bow and arrow niya sa isang butler bago siya tuluyang lumapit kay Senior Iyubov.

"Yow, Oldman. Hahahahhahaha!"

Sabay kaming ngumiwi ng marinig na naman namin ang makulit niyang tawa. Natigilan din kami ng biglang nag bless at hinalikan niya sa noo ang lolo niya. Ganun din ang ginawa ni Heaven munit parang labag sa loob ang ginagawa dahil nakasimangot siya. Tss. The Politeness gesture of Hunterose again.

"Yow, Geezer. I missed you po."

Sambit iyon ni Heaven. Hindi ko maintindihan. Magalang ang kilos munit walang galang ang boses. Ewan. Magulo talaga sila. May mga topak kase.

"Mabuti naman at bumalik na kayo rito sa Mansion, Twins."

Seryosong wika ni Senior Iyubov munit makikita mo ang kasiyahan sa mga asul nitong mata.

"Kuya found us po. So wala na kaming takas po."

Nakasimangot na usal ni Heaven. Magkatabi silang umupo ni Worth-oppa sa isang mahabang sofa. Kaharap nila sina Tito Wayne at Tita Essential ang parents ni Worth-oppa.

"Yow, Mr. and Mrs. Galvez" bati ni Heaven sa kanila. Parang barkada lang kung bumati siya kanila tita. Walang galang talaga. Kilala ko pa naman ang parents ni Worth-oppa. Ayaw ng mga ito sa mga taong walang respeto sa kapwa at seryoso sila sa lahat ng bagay. Madalang ko ring nakikitang ngumiti si Tita Essential kahit nga sa'kin walang emosyon ang pakikitungo nito sa'kin.

"Hi, Amoŕe. How are you, hija?"

Kumunot ang noo ko ng makita si Tita Essential na nakangiting lumapit kay Heaven at yumakap dito. Gumanti naman ang bruha sa pagyakap kay Tita.

"Ito buhay pa rin po."

Natawa sina tito at tita sa sinabi niya. I rolled my beautiful eyes. Kahit sila mommy at daddy ay natutuwa sa kambal. I don't get it. Alam kong ayaw nila sa mga taong immoral pero bakit gustong gusto nila ang kambal?

"Kamusta naman kayo ng binata ko, Hija?"

Tanong ni Tito Wayne. Nanunukso ang boses. Sumimangot si Heaven at tumabi muli ng upo kay Worth-oppa.

"Well, gumagawa na kami ng magiging apo niyo at magiging apo sa tuhod ni Geezer."

"HAHAHAHHAHAHAHA!"

Sabay nagtawanan ang mga nakakatanda kahit si Senior Iyubov ay tumawa rin. Nangingibabaw pa ang halakhak ni Godee. Tuwang tuwa sa walang kwentang sinabi ng kambal niya.

"Shhhh, Mì Amoŕe. It's private, hmm."

Malambing na usal ni Worth-oppa kay Heaven. Ako naman ay lihim na nanlalaki ang mata. It means they're doing make out? Oh my gosh! Kaya pala palaging may mapupula na pantal sa leeg ni Heaven. Kagagawan pala ni Worth-oppa yun. Gosh. They're wild.

"What? I don't understand, guys."

Biglang sabi ni Blade. Kumukunot ang noo niya. At masama ang tingin kay Worth-oppa. Ayaw nga pala niya may tumatabing lalaki sa kapatid niya. Kaya lumapit siya sa dalawa at umupo sa pagitan ng dalawa.

"It's a thing that you don't want to know, kuya. Hahahahahaha!"

Tawa tawang sabi ni Godee.

"Tsk. So, lolo. Bakit po pala napadalaw kayo rito sa Mansion?"

Tanong ni Blade ko. Oo nga, biglang dating sila kaya nakakapagtaka na pumunta sila rito at kasama pa ang parents ko at parents ni Worth-oppa.

Tumikhim si daddy kaya tumingin sa kanya lahat.

"Hindi ko nagustuhan ang nangyare sa inyo nitong nakaraang linggo. Na report sa'min ang nasunog nating condominium building, Dana."

Striktong wika ni Daddy kaya napayuko ako. Kasalanan ko kung bakit nangyare iyon.

"Nalaman din namin ang pagtatangka ni Crystal Lim kay Blade."

Walang emosyong wika naman ni Tito Wayne. Speaking of that killer bitch. Saan na kaya siya dinala nila Sun?

"Dinala sa Russia si Crystal. Sa Hailstone Prison Cell ang bagsak niya."

Gosh. Ganun ba kasama si Crystal upang mapunta siya sa Hailstone Prison Cell? Ikukulong siya sa ice. Ang buong katawan niya ay mababalutan ng yelo. Mas malala pa sa bartolina.

"Siya rin ang dahilan ng pagsabog ng bus na sinakyan niyo sa Outreach program niyo."

Wika ni Daddy. OMG. Sobrang sama nga ng bruhang yun! Hinala ko pa naman ang kambal may gawa ng pagsabog.

"Babalik din agad kami ngayon sa Russia. Pumarito lang kami upang kamustahin kayo at hinatid si Dawn."

Saad ni mommy. Tumango ang ilan sa sinabi niya. Kamusta naman kaya ang kapatid naming yun.

"Yow, Geezer."

Pumasok si Ocean at walang galang na binati ang lolo nila. Tsk. Para nga siyang si Heaven. Binati niya rin ang parents ko at parents ni Worth-oppa. Sa pamagitan ng pagtaas ng kaliwang kamay. Immoral. Dumeretso siya sa kusina. Ewan kong anong gagawin niya doon.

"Bawal pa rin kayo makalabas ng bansa, twins."

Biglang sabi ni Senior Iyubov. Sabay nagsalubong ang kilay ng kambal at masama na naman ang tingin sa lolo nila. Tumayo si Heaven at nakapameywang na hinarap ang lolo nila.

"The hell, Geezer! Ilang taon na kaming hindi nakabalik sa Russia tapos sasabihin niyong bawal pa kaming makalabas dito. Damn it."

Inis na wika ni Heaven. Tumayo si Blade at inaawat ang kapatid niya. Sinasaway ito sa pagsagot sa lolo nila.

"Hindi niyo pa maintindihan ang dahilan kaya kailangan dito muna kayo. Para rin ito sa kaligtasan niyo."

"Hanggang kailan, old man. Namimiss na rin namin sila mom and dad. Kahit sila ayaw niyong ipakita sa'min. Unfair di ba."

Wika ni Godee.

"Ayun ang isa sa dahilan bawal niyo pang makita ang ama't ina niyo. Intindihin niyo na lang twins. Balang araw malalaman niyo rin ang pinakadahilan kung bakit bawal kayo lumabas sa bansa."

Sambit ni Tito Wayne. Hindi umimik ang kambal at sumimangot lang sila.