Chereads / The Badass Twins / Chapter 38 - Chapter 37

Chapter 38 - Chapter 37

Heaven's POV

Nakasalubong ko si Geezer sa may hagdan kaya ngumiwi ako at binigyan siya ng daan.

"Tapos ka na ba sa pagbake, Heaven?"

"Nope, si Dana ang gagawa ng dessert."

"I thought your the one who will make a cake."

"Akala mo lang po iyon, Geezer."

"Fine then, where are you going?"

"Everywhere in the house po."

"Haist, tawagin mo si Ocean. Papuntahin mo sa office ko. Kailangan ko siyang makausap"

"Di ko po alam kung nasaan siya."

"Edi hanapin mo"

"Duhhh, Geezer. Aabutin ako ng sampung taon bago ko siya mahanap dito sa mansion."

"Tsk. Sabihin mo tinatamad ka lang. Dami pang satsat."

"Bakit hindi ikaw ang maghanap? Eh, ikaw naman ang may kailangan sa bubwit na yun."

"Masakit na ang tuhod ko at tinatamad akong maglakad lakad dito sa mansion, apo."

"Tss. Ikaw pala yung tinatamad tapos ako ang sinabihan mong tamad. Bravo Geezer."

"Hanapin mo na lang kase si Ocean at papuntahin mo sa'kin."

"Oo na, Oo na. Tsk. Bakit niyo ba kase siya hinahanap?"

"Hindi mo ba alam ang ginawang kalokohan ng pinsan mong yun?"

"Ahm, hindi po"

"Mas malala pa siya kay Scythe! Mabuti pa ang isang iyon may pangarap at may determination kay Lovely. Eh, itong pinsan niyong si Ocean. Walang saysay ang pinanggagawa niya. Mas malala pa siya sa inyo."

"Po? Eh, bakit naman po?"

"For God's sake, 17 pa lang ang batang iyon at may pinabagsak na siyang isang Mafia clan! Hindi siya nag-iisip sa maaaring mangyare!"

"Wow! Hanga na ako kay Ocean!"

"What? Talagang natutuwa ka pa? Hindi na ako nagtataka kung sino ang kasama niya na pabagsakin ang isang Mafia Clan na iyon."

"Opppsss, lolo. Wag po kayong manghinala nandito lang kami ni Twin sa Pilipinas at hindi naman kami makalabas sa bansang ito."

"Hindi naman kayo ang tinutukoy ko."

"Then, who po?"

"Ang kuya niyo."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni lolo. Paanong si kuya? Eh, nakapokus lang yun sa Huntress University, sa grupo niya, at sa'min ni Twin. At hindi ko nakitang naging abala si kuya maliban sa Outreach program namin na hindi natapos.

"Kaya rin ako umuwe para makausap ko siya ng masinsinan. Kilala niyo naman ang kuya niyo hindi nakakausap yun sa media kaya kailangan sa personal kausapin."

Saad pa ni Geezer.

"May ideya po ba kayo kung bakit nila pinabagsak ang isang mafia clan?"

"Maybe Business? I don't know. Wala pa akong ideya bakit nila ginawa yun ni Ocean."

"Ah, lolo. Ano pong ginawa nila sa clan na iyon?"

I'm curious and I want to know it.

"Naabutan ng Rytsar ang kalunos lunos na nangyare sa pamilya ng Mafia Clan na iyon. Pinatay nila ang pinuno at pinugutan naman nila ng ulo ang maybahay nito. At ang nag-iisang anak nila ay hindi ko alam kung saan dinala nila Ocean at Blade."

Damn it. Bakit nila ginawa yun?

"Anong pinag-uusapan niyo at nanjan pa kayo sa gitna ng hagdan?"

Tanong ni Godee sa'min galing siyang kusina. Ngumiwi ako sa itsura niya. Naligo ata ng harena toh.

"Si Geezer tanungin mo. Sibat na ako."

Sabi ko at umakyat na ng tuluyan. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ni twin ng may marahang humawak sa bewang ko mula sa likod. Ngumisi ako at humarap sa kanya. Bumungad sa'kin ang magandang ngiti niya. Tinaasan ko siya ng kilay at walang sabing malakas siyang tinulak. Napasandal siya sa pintuan ng silid niya. Kaharap lamang ito sa kwarto namin ni twin.

Kinuyom ko ang kamao ko at sinugod siya ng suntok sa mukha ngunit agad niyang nahuli ang kamay ko at sinandal ako sa pinagsandalan niya kanina. Ngumiti ako at pina-ikot ang mga braso sa batok niya.

"Hmm, my Worth, my life, my baby"

Nakangising wika ko sa kanya habang pinagmamasdan ang perpekto niyang mukha. Ang mga mata nitong kulay tsokolate kung tumingin sa'kin ay pati kaluluwa ko'y nahihigop. Ang labi niyang malalambot na masarap halikan. Makakapal na kilay. Makinis na balat at ang umiigting na panga tuwing nagseselos siya sa mga lalaking lumalapit sa'kin. Napa-iling ako at ngumiti.

"Hmm, do you find me handsome now, Mì Amoŕe?"

Mayabang niyang tanong. Pinalobo ko ang pisngi ko at ngumiwing tumingin sa kanya. Tumawa siya. Ang mga tawang gustong gusto kong makita mula sa kanya.

"Mas gwapo pa rin si kuya Blade, si Ocean, si Scythe, mga pinsan kong lalaki, at si Sun."

Biro ko pero hindi niya yata nakuha dahil nawalan ng emosyon ang mukha niya at lumamig din ang presensya niya. Inalis niya ako mula sa pagkasandal sa pintuan ng silid niya. Kumunot ang noo ko ng walang paalam siyang pumasok sa kwarto niya at malakas na sinara ang pinto.

Eh?

"I thought your going to do fucking standing position at the wall."

Saad ni Ocean. Nakasandal siya sa isang pintuan habang nakakrus ang mga braso. Tamad itong nakatingin sa'kin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Tss. hinahanap ka ni tanda. Pumunta ka raw sa opisina niya. Get lost, dimwit."

Suminghal ito at tamad na naglakad patungo sa office ni lolo dito sa mansion. Binalik ko ang tingin ko sa pintuan ng kwarto ni Worth. Hindi ko maintindihan bakit siya nagalit sa'kin. Wala naman akong nasabing mali. Pero totoo din naman ang sinabi ko para sa ibang babae si kuya Blade ang pinakagwapo sa kanila. Mga Hunterose boys ang perpektong nilalang para sa ibang kababaihan. Pero para naman sa'kin si Worth ang pinakagwapo sa paningin ko. His my life after all.

Binuksan ko ang pintuan ng silid niya. Hindi ito naka lock kaya nakapasok ako ng tuluyan. Skyblue ang theme ng kwarto ni Worth kaya maaliwalas itong tignan. Malinis at maayos din ang mga gamit niya. Wala man lang akong nakikitang kalat. Hindi tulad sa kwarto namin ni twin na tambakan ng kalat. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya. Wala siya. Nasa bathroom. Padapa akong humiga sa kama niya at hinintay na matapos siyang maligo. Ang bango ng unan. Naaamoy ko ang scent ni Worth dito. Gusto kong umidlip pero rinig ko na ang pagbukas sara ng pinto ng bathroom. Nag-indian seat ako at nakakrus ang mga braso na tinignan siya sa mukha. Pindeho! Wala siyang saplot. Hubo't hubad siyang lumabas mula sa bathroom.

"What are you doing here? Get out in my room, now."

Malamig niyang wika at umiigting ang panga. Madilim din ang mukha niya tipong gusto niyang pumatay ng tao.

"Hindi ako lalabas dito hangga't hindi ka ngumingiti sa'kin."

Nakasimangot kong usal. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Leeg niyang masarap kagat kagatin. Malalapad na dibdib, hmmm, I want to lick his six pack abs down to his manhood. Ba't ba palaging nakatayo iyang kaharian niya? Kasya kaya yan sa bibig ko?

"Eyes up, wild lady."

Utos ni Worth. Malamig pa rin ang presensya. Sinunod ko siya at tumingin sa mukha niyang madilim.

(A/N: Follow me guys for more updates. Thank you. God bless you all:)