Chereads / The Badass Twins / Chapter 42 - Chapter 41

Chapter 42 - Chapter 41

Desiree's POV

Tumingin ako kay Ozi na tahimik lang sa tabi ko. Nagkaroon ng mapupulang pantal ang katawan niya at sa mukha. Naalala ko allergic nga pala siya sa ipis. Sa oras na madapuan siya nito agad namumula ang katawan at mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya tumingin siya sa'kin ng nakangiti.

"Don't worry, ree-ree. Ayos lang ako."

"Pero zi-zi, namumula na ang buong katawan mo."

"Kaya ko naman"

"Ikukuha kita ng gamot, saan ba nakalagay?"

"Nasa kwarto namin ni Jun. Wag ka na ng umakyat. Aalis na ang mga magulang mo. Kailangan makita mo sila bago sila umalis ree-ree."

"Nandiyan naman si Dana"

"Mahalaga pa rin na kayong dalawa ang makita nila tita bago sila umalis."

"Si Dana lang naman ang gusto nilang makita."

"Tsk. It's not true, ree-ree."

Nawalan ng emosyon ang mukha kong tinignan ang parents ko na pinagsasabihan si Dana. Hindi pala, dahil kino-comfort ito ni mommy sa nangyare kanina. Napatingin kami ni Ozi ng makita namin Si Heaven na papunta dito sa pwesto namin. Galing siya sa Dinner Area dahil tumulong siya sa mga butler ng lolo nila sa paglilinis at paghuli ng mga alaga niya. Dami ko na namang tanong sa utak ko.

'Bakit ang babait ng ipis niya?'

'Bakit niya pinapakain ng cake ang bulate at ipis?'

'At bakit may bulate sa mga cupcakes ni Dana?'

Nakangiting inakbayan niya kaming dalawa ni Ozi ng makalapit siya sa'min.

"Ozi, sorry ha, hindi ko kase alam na may allergic ka pala sa mga cockroaches babies ko. Pinagalitan ako ni kuya hahahahaha!"

"Ayos lang, Heaven."

"Desdes, samahan mo ko. Ihatid natin siya sa kwarto nila. Nagpakuha na rin ako ng gamot para sa allergic niya."

Tipid akong ngumiti at tumango kay Heaven. Tumingin ako kay Zi-zi na nag-aalinlangan pang magpahatid samin.

"Tsk. Mì Amoŕe, ako na bahala kay Ozi. Huwag mo na siyang akbayan."

Nagtatakang tinignan ko si Kuya Worth dahil mukhang galit siya at masama ang tingin niya kay Zi-zi. Sumimangot si Heaven at sinunod ang utos ni kuya Worth. Nagmamaktol siyang nakasunod sa likuran namin.

Ramdam kong nanghihina na si Zi-zi kaya pagdating namin sa kwarto nila ni Jun ay agad namin siyang pinahiga sa kama niya. Nanginginig na siya at mainit na rin ang katawan niya. Epekto ng allergy.

"Si Desiree na ang bahala kay Ozi, Mì Amoŕe. Tara na sa parking lot, hinihintay na tayo ng parents natin." parents natin? Hindi naman sila magkapatid ah. Naguguluhan talaga akong nakatingin sa kanila. Alam ko ayaw ni Blade ng ganyan kalapit na lalaki sa kapatid niya. Naka-akbay si Kuya Worth kay Heaven.

"Desdes, alagaan mo ng mabuti si Ozi ha. Bye bye!"

Saad ni Heaven at lumabas na sila ni kuya Worth dito sa kwarto. Tumingin ako kay Ozi, nilagyan ko siya ng kumot dahil nilalamig na siya. Kinuha ko rin ang gamot na hinanda ni Heaven upang ipainom sa kanya.

"Hi, pinapabigay ito ni Ate Heaven para kay Ozi."

Nagtatakang tinignan ko si Ocean nasa may terrace ng kwarto siya dumaan. Nakangiti ito sa'kin. Walang emosyon ang mukha ko ng kinuha ko sa kanya ang isang paper bag na binigay niya. "Are you Desiree, right?" nakangiting tanong nito sa'kin. Kunot noong tumango ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang kilos niya minsan tamad at minsan naman ay sobrang energetic. Nagniningning ang mga abo nitong mata sa tuwing tinitignan niya ako. Natutuwa ba siya?

"I'm Sky Ocean Hunterose, you can call me Sky if you want." nakangiti nitong pakilala. Kumunot ang noo ko at nagtataka na namang nakatingin sa kanya.

'Sky? Mayroon ding Sky ang pangalan niya. Bakit ba halos lahat ng Hunterose ay may pangalang Sky?

Sky Blade Amar Hunterose

Sky Godee Archery Amare

Sky Heaven Katana Amore

Sky Scythe Hunterose

Hindi ko mawari. Nagmula ba sila sa langit? Hindi ko lubos maunaawan ang history ng Hunterose kaya wala pa akong gaanong kaalaman tungkol sa kanila. Maliban sa sila ang naghahari at nagrereyna sa mundong aming ginagalawan.

"You're so innocent, Desiree. My kind of baby."

Tumingin akong muli kay Ocean. Nakangiti ito habang binibigkas ang mga salitang iyon. Kind of Baby? May iba't ibang uri ba ang mga sanggol? At hindi naman ako sanggol upang sabihin niyang kabilang ako roon. Kumunot ang noo ko at tinalikuran na siya. Narinig ko siyang tumawa kaya tinignan ko siyang muli pero wala na siya sa terrace. Bumalik ako kay Ozi upang tignan ang kalagayan nito. Magiging maayos din siya. I prayed.

Godee's POV

Si Ocean ang maghahatid kanila tanda patungong Russia gamit ang private jet niya. Nandito kami ngayon sa Parking Lot ko dahil dito naka landing ang private jet ni Ocean.

"Dana-hija, alagaan mo ng mabuti ang bunsong kapatid mo ah."

Habilin ni Tita Dianne sa anak niyang kung kumilos ay sobrang hinhin. Puta. Pekeng ngumiti si Dana sa ina.

"Yes, mommy. I will po."

Aniya at yumakap sa ina. Sunod niyang niyakap ay ang daddy niya. Si Tito Dusk. Strikto ang tabas ng mukha. Psh. Sa kanya yata nagmana ng katarayan si Dana hahahahaha!

"Take care your younger sister for me, Dana. Understand?" istriktong utos ni Tito Dusk. Pansin kong kumuyom ang kamao ni Dana at umikot pa ang mga mata sa kawalan.

"Yes, daddy"

Masunuring sagot niya. Kung pagkukumparahin ko ang tatlong magkakapatid, masasabi kong si Dana ang mabait at masunurin sa magulang. Si Desdes naman ang walang pakialam at si Dawn ang pasaway hahahahahaha! Kaya pala hindi sila magkakasundong magkakapatid dahil magkaiba ang mga ugali nila. I guess, isa lang ang pareho nilang ugali: Mahal nila si Kuya Blade hahahahahaha!

"Blade, alagaan mo ang mga kaibigan mo at mamuno ka sa kanila ng patas. At ang twins bantayan mo ng mabuti ang dalawang iyan. Huwag mo silang hayaan na makalabas sa bansa."

Sabay kaming ngumiwi ni twin sa bilin ni tanda. Magalang na yumuko si Kuya kay tanda. Sinundan ng ilan bilang respeto nila sa lolo namin.

"Opo, Grandmaster."

Sumakay na sila sa private jet at umalis na rin ang ilan ng lumipad na ang jet ni Ocean. Nagpaiwan ako rito sa Parking Lot ko dahil may titignan lang ako sa mga collections sports car ko. Parang may kulang?

"Tsk. Hindi man lang nagpaalam na gagamit siya ng sasakyan ko."

"Who?"

Tanong ni Ryder. Nagpaiwan pala toh.

"Nandiyan ka pa pala. Si Dawn."

"At ayos lang sayo?"

"Yeah? Syempre may bayad yun hahahahaha!"

"Mukhang pera"

Ngumiwi ako sa sinabi ni Baklang Ryder.

"Ikaw nga, mukhang bakla"

"Tss."

"Baklang maganda hahahahaha!"

"You and your thoughts are nonsense."

"Edi, wag mo akong kausapin."

"Mas gugustuhin kong kausap ka kaysa hindi mo ako papansinin."

"Kailan kita hindi pinansin? Hahahahahha!"

"Since then"

"Ngekkk, pindeho ka kasi."

"Hindi ako manloloko"

"Eh, di ba nga, may gusto ka kay Sky."

"Sino namang Sky? Ikaw?"

"Yung pinsan naming si Sky."

"Wala akong gusto sa Hunterose." maliban sa'kin hahahahha!

"Meron, Si Sky nga gusto mo."

"Tsk. Ewan ko sayo."

"Lahat ng Sky sa Hunterose ay mahal mo pala hahahhahaha!"

"Shut up! Godee. Diyan ka na nga."

Iniwan niya nga ako. Hahahahaha! Pwede namang umamin na siya sa'kin na mahal niya ako hahahhahaha!

Ang assuming ko naman hahahahha!