Heaven's POV
Kunot noong tinignan ko si Dana dahil namamaga ang mga mata niya. I mean galing yata sa iyak ang bruhang ito. Kumakain na kami ng breakfast at hindi ko mapigilang sulyapan ang bruhang kaharap ko.
"Dana, wala ka bang gana?"
Maya maya'y tanong ni Godee sa kanya. Hindi niya pinansin si twin at walang gana na naghihiwa ng pancake at walang gana rin nitong kinain iyon. Weird. Anyare sa kanya?
Epekto kaya yan sa ginawa ko sa kanya kaninang madaling araw? Kakarating ko sa mansion non ng may narinig akong umiiyak na babae at bigla itong sumigaw nagmula iyon sa kwarto nila kaya nagmamadali pa akong pinuntahan ito. Naabutan ko si Dana na binabangungot kaya ang ginawa ko ay pinatulog ko siya gamit ang pagpisil sa mahalagang organs sa batok niya.
"Dana, ayos lang ba pakiramdam mo? May sakit ka ba?"
"Sa utak? Hahahhahaha!"
Natawa rin ako sa dagdag na tanong ni Twin sa mga tanong ni kuya kay Dana. Noon lang kumilos si Dana at tinignan si Kuya Blade na nag-aalalang tumingin sa kanya.
"Ah, ayos lang ako, Blade."
Mahinhin at mahinang wika ni Dana. Yumuko siya at wala na namang ganang kumain ng pancake niya. Hindi ko na lang pinansin si Bruha dahil mukhang malalim ang problema niya.
Humigop ako sa kape ko habang nakatingin kay Worth. Tulad ni Dana mukhang malalim din ang problema niya. Magpinsan nga sila. Sunod kong tinignan ay si Ozi, bumalik na sa dati ang sigla ng katawan nito. Mabuti naman. Kabado bente pa naman ako noong inatake siya ng allergy niya.
Hindi ko maiwasang humikab habang nakatingin muli kay Worth. Tumingin na siya sa'kin kaya ngumiti ako sa kanya munit hindi nagbago ang walang emosyon nitong mukha. Anyare? May toyo?
Ang gwapo pa naman niya sa school uniform namin. Ang manly at disente niyang tignan. Well, lahat naman sila bagay sa kanila ang school uniform ng Huntress University. Humikab ako muli kaya natuon sa'kin ang tingin ni kuya.
"Anong oras ka ba natulog kagabi, Heaven? At mukhang inaantok ka pa ata?" tanong niya.
"Maaga"
Tanging sagot ko. Maaga na as in umaga. Madaling araw na iyon at mag aalas kwatro na. Wala pa yatang isang oras tulog ko ng ginising niya kami upang mag-almusal. Alas otso ang pasok namin sa school kaya alas singko ay dapat gising na kami upang maghanda. Si kuya Blade ang alarm clock ng lahat. Taga gising siya sa mahimbing naming tulog. Ang taga luto naman ng almusal ay hindi man halata pero sila ni Jun ang tagaluto dito sa mansion. Minsan tumutulong si Dana. Saling pusa?
"Mauuna na ako sa inyo dahil may aayusin pa akong kaguluhan sa Huntress. Make sure, dumating kayo sa school before 8:OO AM. Dahil may exam pa tayo."
Lahat kami tumango sa habilin ni kuya. Tumingin ako sa orasan namin dito sa Dinner Room. 6:30 pa lang. Kaya iidlip muna ako. Nauna na akong pumanik sa kanila dahil gusto na talagang pumikit ng mga mata ko.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin ni twin ng marahang hinila ako ni Worth papasok sa kwarto niya. Napakurap kurap ako habang nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang mukha niya ng sinandal ako sa pintuan.
"Goodmorning. Why?"
Hindi siya sumagot at walang emosyon ang mukha niyang pinasadahan ako ng tingin.
"Saan ka galing kaninang madaling araw?"
Walang emosyon niyang tanong sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa paanan namin dahil hindi ko kayang magsinungaling sa kanya. Lumayo siya sa'kin at inis na umupo sa kama niya. "Fine. If you don't want to answer it. It's ok." aniyang walang emosyon ang mukha munit madilim ang mga matang nakatitig sa'kin. Napalunok ako ng laway. Bakit ba siya ganyan? Eh, sa ayaw ko ngang sabihin sa kanya kung saan ako galing kanina. "Wala naman akong karapatan. Ano nga bang meron tayo? Acquaintance? Make out partner? Tsk." Ngumiwi ako sa sinabi niya at humikab. Lumapit ako sa kanya at yumuko. Hindi ko talaga gusto ang mukha niya kapag walang emosyon.
"I love you, baby. You're my life. That's what we have. Don't say again those nonsense words."
Nakangiting wika ko sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi niya. Tumigil ako ng may balak na siyang gumanti ng halik. Lumundag ako sa kama niya at padapang humiga.
"Gisingin mo ako kapag papasok na tayo sa Huntress."
Nakapikit kong usal. Antok na antok na ako at gusto ko ng matulog.
Third Person's POV
I love you
I love you
I love you
Fuckkkkk! Gusto niyang sumigaw sa tuwa! Mga salitang hinihintay niyang bigkasin ni Heaven sa kanya. At sa isang iglap ay narinig niya na. Hindi mawala wala ang ngiti niya sa labi habang pinagmamasdan ang dalaga na agad nakatulog. Isantabi niya muna ang mga tanong niya rito kung saan ito galing kaninang madaling araw.
"I love you too, Mì Amoŕe. I love you so much." malambing niyang wika sa dalagang natutulog. Hinalikan niya rin ito sa pisngi at pinagmamasdan ang mukha nito. Tulad ng pangalan nito ay napakaamo at napakapayapa ng mukha nito kapag natutulog. Ito ang unang beses na pinagmamasdan niya ang dalaga sa pagtulog.
'Hindi talaga siya nakakasawang pagmasdan.'
Umupo siya sa pang-isahang sofa na nasa gilid ng kama niya at tumingin sa dalagang payapa ang tulog. Wala ng hihigit sa perpekto nitong pagkatao. Sa perpektong mukha. At sa ugali nitong eccentric. Napa-iling siya sa naisip.
"Worth my cousin, may extra uniform ka ba diyan?"
Walang emosyon ang mukha niyang tinignan ang pinsang babae na hindi man lang kumatok bago buksan ang pinto ng silid niya.
"None"
Aniya. Pinatili niyang walang emosyon ang mukha ng hindi man lang nagpaalam itong basta basta na lang pumasok sa kwarto niya at nilapitan nito ang Amoŕe niya na natutulog. Sinundot sundot ang pisngi ng pwet! Gusto niyang gilitin ang leeg ng pinsan sa ginawa nito sa Amoŕe niya munit pinigilan niya ang sarili.
"Eyyy, Langit langit, wake up na."
Mahinang bulong nito. Ginigising ang Amoŕe niya. Hindi pa rin ito tumigil sa pagsundot sa pisngi ng pwet ng Amoŕe niya kaya gusto niya ng sumabog sa inis.
'The heck, kahit kailan pasaway itong si Dawn. Kaya hindi sila magkasundo ni Blade.'
Aniya sa isipan habang walang emosyon na nakatingin sa pinsan. May dala pa itong alak.
"Fuck off, Dawn. Inaantok pa ako."
Usal ng Amoŕe niya. Namamaos pa ang boses nito.
"Langit langit, I need extra uniform. Mayroon ka ba?"
"None. Get out. Now, Bukang Liwayway."
Tumawa lang ang pinsan niya sa sinabi ni Heaven at tumungga pa ito ng alak bago lumabas sa silid niya.
"Worth Baby"
Namamaos pa rin ang boses ng Amoŕe niya ng tinawag siya nito. Umayos na ito ng higa sa kama niya at inaantok na sinulyapan siya. Napangiti siya at nilapitan ito. Masuyong ginawaran niya ito ng halik sa labi na agad namang gumanti sa kanya ng halik. Pumaibabaw siya sa dalaga at mapusok itong hinalikan sa labi. Yumapos ang mga hita nito sa baywang niya at pinagdiinan siya nito sa katawan nito. Agad tumugon ang kahabaan niya sa ginawa ng dalaga.
"Langit langit at Nagkakahalaga kong pinsan, kailangan ko talaga ng uniform baka magalit na naman si Sky sa'kin kapag mag-civilian ako."
Pang-iisturbo ni Dawn sa kanila. Nakasilip ang ulo nito sa pinto at walang pakialam sa nakitang position nilang dalawa.
"Fuck off, Bukang Liwayway. Sabing wala kaming extra uniform! Kay Dana ka manghingi!"
Inis na usal ng Amoŕe niya sa paaralang pinsan niyang pasaway.
"Hindi ako pinapansin ni Dana. Di ko alam bakit ganun ang pakikitungo niya sa'kin, langit langit." parang bata nitong sabi saka sinarado na ang pinto ng silid niya. Umalis na siya mula sa pagkapatong kay Heaven at inayos ang nagusot na uniporme. Tinulungan niyang bumangon si Heaven at siya na rin ang nag-ayos sa suot nitong damit. Gustong gusto niya ang pananamit ng Amoŕe niya dahil balot na balot ito. Kung pwede lang takpan ang mukha nito para hindi makita ng iba ay ginawa niya na. Tsk. Alam niyang madami siyang kaagaw sa pinakamamahal niyang babae.
"Magkasundo pala kayo ni Dawn?"
Tanong niya sa Amoŕe niya. Tamad itong tumango at mapupungay ang mga asul na matang tumingin sa kanya.
"Yeah, magbest friend sila ni Godee. At friend ko naman siya."
"What do you mean by friend?"
"Kase, wala naman akong best friend. Hahahahahaha! Kaya friends lang meron ako. Ikaw, mayroon ka bang best friend?"
"Wala rin."
"Hmmm, gusto mo tayo na lang ang magbest friend."
"Tss. Friend zone?"
"Hahahahahaha! Hindi ah."
Natawa rin siya at kinuha na ang bag. Ilang minuto na lang ay papasok na sila.
"Gusto ko magkape, Worth."
Naglalambing na yumakap sa kanya ang dalaga kaya napangiti siya at hinalikan ito sa noo.
"Ok, mauna na tayo sa kanila. May Coffee Shop sa harap ng Huntress. Daan muna tayo roon para bumili ng coffee mo."
"Libre mo ako?"
"Opo"
Nakangiting wika niya at hinalikan niya muna ito sa labi bago sila lumabas sa kwarto niya.
Dana's POV
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale slowly then buga. Haa!
"Jun, kailangan na nating tumawag sa Mental Hospital."
Napa-ikot ko ang mata ko ng marinig ko na naman ang makulit na boses na iyon ni Godee. Pati sa umaga nakikita ko sila at pati sa pagtulog ko ay laman sila ni Heaven sa panaginip ko!
"Bakit naman, Godee?"
Boses iyon ng kapatid kong si Deisiree. Tsk. Magsama sila mga bruha!
"Hindi niyo ba napapansin kanina pa wala sa sarili si Dana. Habang naglalakad tayo ay pa inhale exhale siya. Pereng tenge leng."
Bwiset! Hindi ko sila pinansin at hindi ko rin sila inaksayahan ng oras para lingunin. Naglalakad kami patungo sa Huntress University dahil malapit lang naman ito sa Skyline Village. Bale mga 20 minutes ang lalakarin namin bago dumating sa eskwelahan ng Blade ko.
Nangunguna akong naglakad dahil ayaw ko silang makasabay lalo pa't nanjan si Godee na pasaway. At ang kapatid ko namang si Dawn ay hindi ko alam kung nasaan ang isang iyon. Ayaw ko rin siyang makita!
Kailangan kong magpokus at i-condition ang utak ko dahil exam namin ngayong araw. Kaso hindi ko talaga maiwasan isipin ang panaginip ko kagabi. Napaka-walang hiya. Hindi naman ako nanonood ng pornography pero bakit iyon ang napanaginipan ko? At ang malala pa ay sina Blade at Dawn ang gumagawa ng kababalaghan! Gosh! Mabuti na lang talaga at panaginip lang iyon! Tapos, binangungot pa ako kay Heaven, tinulak niya raw ako sa hagdan. Tsk! Sinasakop nila ang utak ko kaya pati sa pagtulog ay kademonyohan ang nasa dreamery ko.
"Tangna, saan si Dawn?"
Boses iyon ni Godee.
"Tsk. Naliligaw na naman ang isang yun." masungit na saad ni Ryder. Kasabay ko siyang naglalakad.
"Sabi ko, sundan niya tayo. Pasaway talaga."
Isa ka ring pasaway! Ani ko sa aking isipan. At sa daan ay masama ang tingin.
"Are you okay?"
Tanong sa'kin ni Ryder. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Kung tutuusin pumapangalawa si Ryder sa pinakamabait sa grupo namin. Minsan din ay kasundo ko siya at magaling pa siya sa mga Academics Subject namin. Nagtuturo rin siya sa'min sa mga subject na hindi namin gaanong maintindihan. Though, his one of running Summa cum laude in our batch. Naglalaban sila ni Blade ko at ni Worth-oppa. While me naman is one of running Magna cum laude at kalaban ko pa ang mga kapatid ko.
"I need to perfect our exams today. Utos sa'kin ni Daddy." I said to Ryder. He nodded twice and patted me consolingly in my shoulder.
"Kaya mo yan, Dana. Ikaw pa."
Sabi niya kaya napangiti ako. Kahit papaano ay na-condition ko na rin ang utak ko. Economics at Accounting ang exam namin ngayon kaya bawat sulok ng utak namin ay kailangang may laman ito about sa subjects na iyan.
"Oo nga, kaya mo yan Dana, ikaw pa." may epal na bumulong mula sa likuran ko. I rolled my eyes to Godee. Chismosang palaka!
Malapit na kami sa Huntress at huminto kaming lahat sa harap ng Coffee Shop. Glass wall ang pader nito kaya nakikita namin ang itsura nito sa loob. Kumunot ang noo ko ng makita sila Heaven at Worth-oppa sa loob ng Coffee Shop.
"Naol, nagko-coffee date."
Komento ni Jun sinabayan pa ito ng tawa ni Godee. Tsk!
"Tara sa loob, libre niyo ako."
Makapal na mukhang wika ni Godee sa'min at nauna na siyang pumasok. Sinagi pa ako sa balikat. Demonyeta!
Sumunod ang ilan sa kanya kaya inis akong sumunod sa kanila.
"Order na kayo guys ng Coffee niyo. Libre ni Dana hahahahahaha!"
Anunsyo ni Godee kaya umikot na naman ang mga mata ko. Gusto ko si Blade lang ang ililibre ko hindi kayo kasali! Gusto ko yung isinghal kay Godee. Instead, I rolled my eyes again.
Walang patutunguhan ang usapan namin kapag siya ang kausap ko. They're nonsense. Umupo ako sa isang chair na malapit kanila Worth-oppa. Hindi man kami pinansin ng dalawang ito. Kahit alam nilang nandito kami. Naka-head down si Heaven sa table while Worth-oppa is staring at her lovingly. Tss.
"1 Tanzania Peaberry Coffee. 1 Hawaii Kona Coffee. 2 Nicaraguan Coffee and 3 Sumatra Mandheling Coffee. Pa-order po. Paki-deliver na lang po sa Huntress." inis akong tumingin kay Godee ng nag-umpisa na itong mag-order. Langya! Those coffee are the most expensive coffee in the world.
"Name of recipient, Ma'am?"
"Dana Miller po. At padagdag na rin po ng Nakazawa milk 4 pieces po."
Ang kapal talaga ng mukha! That milk is made in Japan, Nakazawa cows' milk is collected just once a week at dawn to ensure it contains higher levels of melatonin, a hormone proven to help relieve stress. And it cost 250,000 per bottle. Letche! ka talaga Godee, mauubos ang pera ko sayo. "At ito po last na, Tatlong piraso ng The Gold Leaf Bread po." Aniya pa. The most expensive bread type in the world is the Gold Leaf Bread. It's as amazing as it sounds. Lahat ata ng pinakamahal na tinda ng Coffee Shop na ito inorder niya na. Kapal ng mukha mo Godee!
"Akin na Black card mo, Dana."
Sabi niya pa sa'kin. I exhaled deeply. Saka ko kinuha ang isang Black card sa Wallet ko at mataray na binigay iyon sa kanya. "Arigatōgozaimasu" yumuko pa siya sa'kin na parang Japanese. Peste!