Heaven's POV
Race Track Drifting: isa itong malaking stadium kung saan ginaganap ang karera. Dalawang uri ang Race track. Una itong Drifting Stadium at iyong pangalawa naman ang paborito namin ni Twin. Ang Drifting Mountain ginagamit iyon tuwing Race Tournament at doon maraming patibong bago makarating sa finish line.
Tumingin ako sa paligid ng stadium. Walang mga audience pero mayroong 50 Bigbike racers. Complete Gears silang lahat at purong mga puti ang kulay ng mga kasuotan nila maliban sa suot nilang helmet dahil kulay pula ito. 25 boys and 25 girls plus me kaya 26 lahat ang mga babaeng magkakarera.
"Late ka ng dumating, Sky Heaven. Minus points."
Wika ni Slay. Estudyante ng Adam Alcazar University. An all boys school. Mas matanda lang ako ng isang taon sa taong ito. Isa siya sa mga namamahala rito sa Race Track. Heterochromia ang mga mata niya magkaiba ang kulay nito gray and amber kaya marami ring mga babaeng humahanga sa kanya pero hindi kami kasali ni twin doon. Well, gusto ko lang yung mata niya. Ang angas kase ng kulay nito bukod sa walang emosyon kang makikita. Napaka-antukin niya pa.
"Hindi pa naman nagsisimula, tsk."
Dapat naman talaga kanina pa ako nandito kung hindi lang ako ni-romansa ni Worth. Hindi pa ako titgilan ng taong yun kung hindi ko pa siya pinatulog.
"Be careful, ikaw ang target nila." bulong sa'kin ni Slay. Alam ko na yun kaya tumango na lang ako sa sinabi niya at inayos ang suot kong helmet.
Mga limang minuto na lang mag-uumpisa na ang karera.
"Hindi ka ba magpapalit ng damit?" tanong pa ni Slay. Umiling ako bilang sagot.
"It's my natural outfit, Slay. No need to change it."
Black cargo pants, Black leather jacket with underneath Black T-shirt, and then Black military combat boots.
"Tss. A Baddie outfit for the Badass Twins. Nice combo."
Inaantok niyang puri sa'kin. Ngumiwi ako at napa-iling na lang sa kanya. Tumingin ako sa isang malaking flat screen ng bumukas ito at bumungad ang dalawang emcee doon. Sila ang announcer sa sa race ito ngayong gabi. Pawang mga parehong nakamaskara. Hindi na ako nagulat ng tumutok sa'kin ang mga camera recorder nila at mayroon pang mga helicopter na nag vi-video record din. Ako naman ang nasa flat screen ngayon. Tinanggal ko ang helmet ko at nakangising tumingin sa isang camera kasabay ng pagtaas ko ng aking gitnang daliri.
'Fuck you, all'
I mouthed while smirking devilishly. Narinig ko pang tumawa ng mahina si Slay.
"Aish. The Heaven of Hell. Such a real badass. That's why, I like you, idol!" anunsyo ng emcee na nasa tv. Pagkatapos ng ginawa ko ay sila na ang nasa flat-screen TV. Nagsimula ng magsalita ng kung ano anong patakaran sa race.
"The race will start in 3.........2..............GO!!!"
When the sound of gunshot from Slay
I started my Kawasaki ninja's engine. Nagpaunahan na ang ibang racer habang ako naman ay nagpapainit pa lang ng makina ng motor ko.
"As always, gawain mo talagang paunahin ang mga kalaban mo sa karera." sabi ni Slay. Ngumisi ako sa kanya saka ko sinuot muli ang helmet ko.
"See yah when I see yah, Slay."
Paalam ko sa kanya at pinaandar na ang bigbike ko. Ano bang stunt ang dapat kong ipakitang gilas sa kanila? Wheelies? Stoppies? Or Jumps? Kahit hindi ko tignan ang flat-screen TV alam kong ako lang ang laman nito ramdam ko ang mga camera na sa'kin lamang nakatutok at may ibang mga bagay pang nakatutok sa'kin. Ano mang oras ay ipuputok na nila ito sa'kin.
"Galingan niyo lang mga Sniper ng World Government. Hahangaan ko na kayo kapag tinamaan niyo ako. Tss."
Fucking calixtus.
I already finished the first Lap. Malapit ko na ring maabutan ang mga ilang racer. In second Laps, may nagpaputok na sa'kin gamit ang sniper. Walang kwenta. Hangin lang ata yung bala na dumaan sa mukha ko.
Third laps, tatlong sunod sunod na putok ang ginawa nila. Naiwasan ko iyon lahat. Hanggang 20 laps ang dapat naming tapusin sa race na ito. Kung sino ang unang makatapos siya ang tatanghaling panalo.
In 10 laps, nothing bruises. Psh. Hindi man lang ako mapuruhan ng mga sniper nila.
Kumunot ang noo ko at lihim na ngumisi ng may isang racer na tinangkaan akong banggain. Seriously? Hanggang sa limang racer na silang pinagtutulongan akong banggain ngunit hindi man lang nila ako mahabol. Slow.
15 Laps, sniper and shuriken from the other racers. Sabay sabay nila akong sinugod ng mga armas nila! The hell! Mga gago amp! Humanda sila sa'kin kapag matamaan ang damit ko! Ayaw ko pa naman na may punit ang suot ko. Well, maliban na lang kay Worth. Ayos lang na siya ang pumunit ng damit ko. Buong puso ko yung tatanggapin. Tutulongan ko pa siya.
'Amp! Muntikan na akong matamaan ng isang sniper sa ulo ko.'
Thanks to my reflexively body. Naiwasan ko ang isang yun. Pero, isang malaking good job sa sniper man na muntikan na akong matamaan.
Urgh. Flying shurikens again from my opponent racers. May dumikit pa sa akin na isang babaeng racer at sinipa ako but avoided it quickly. Sinipa ko rin siya. Ayun, knock out together with her bigbike.
'Peace yow!'
And finally, last Laps. Lima ang nasa unahan ko maaaring sila ang mananalo. Binagalan ko ang takbo ng bigbike ko ng saba sabay silang huminto sabay humarap sa gawi ko at hinahanda ang mga sarili na sasalubongin ako! The hell, ayaw ba nilang manalo?
Pwes! Ako gusto kong manalo. Sayang premyo.
Sabay sabay nilang pinaandar ang mga bigbike nila ng napakabilis habang ako naman ay binilisan ko na rin ang pag drive sa bigbike ko. Salubong ang kilay ko ng mapang-abot na kaming lahat.
Bago ko pa sila mabangga ako na ang umiwas at iniwasan din ang mga shurikens nila. I did the flying and back flip stunt together with my Kawasaki para hindi ko sila mabangga.
20 Laps! Finish.
Tuwang tuwa ang dalawang emcee sa pagkapanalo ko. Ang dami na naman nilang sinabi. Hindi ko na inintindi yun. Tumingin ako kay Slay na naghihintay pala rito sa Finish Line. Nakangiting nag high five kaming dalawa.
"Run, Heaven. Hahabulin ka nila."
Bulong niya sa'kin kaya lihim akong tumango. "Ako na bahalang magbigay ng premyo mo. Dating gawi. Meet up." tumango ako ulit at nagpaalam na sa kanya bago pa ako mahabol ng sandamakmak na racers. I knew already that they are part of World Government. An Calixtus. Sila ang mga sundalo at tauhan ng pamahalaan.
Nakalabas na ako sa stadium ngunit may humahabol pa rin sa'kin na mga racer. Sila yung mga nakalaban ko kanina sa karera kaso nadagdagan yata sila. Tsk. Inaaksaya nila ang gasoline ng bigbike ko. Tamad akong nag preno at hinintay silang makarating dito sa pwesto ko. Tumingin pa ako sa madilim na kalangitan upang alamin ang oras. It's already 12 midnight. Sana wag pumunta si kuya sa kwarto namin ni Godee upang tignan kami kung tulog na ba talaga kami. Tsk. Gawain niya yun. May pa goodnight kiss pa siya sa'min ni twin sa noo. Tinanggal ko ang helmet ko at sinabit ito sa handle ng motor. Hinawakan ko rin ang buhok kong naka braid. Tinali ito ni twin kanina bago ako umalis sa mansion.
"Akala namin, tatakasan mo na kami, Sky Heaven Hunterose."
Wika ng isang lalaking racer. Nandito na sila sa pwesto ko at nakapalibot silang lahat sa'kin. May sampung bumaba sa kanya kanya nilang motor. Kumunot din ang noo ko sa pagkabigkas niya sa apelyido ng clan namin. May diin at parang sinusuklaman niya pa ito. Edi wow. Ang ganda ganda nga ng apelyido namin. Super unique pa.
"Bakit may pamalit ba kayo sa gasolina ng Kawasaki ko? Tss. Sa ibang bansa ko pa iyon pinapabili kay kuya. At bilyon ang halaga."
Tamad kong wika sa kanila. Ang ilan ay suminghal at natawa. Tawang insulto.
"Barya lamang ang bilyon sa inyo ngunit ilang tao na ba ang matutulungan nito? Palibhasa, mga anak mayaman kaya kung makawaldas ng pera ay wala lang. Hindi naiisip ang mga taong naghihirap sa bansa."
May hihinakit sa boses nito ng sabihin niya iyon. Tamad akong ngumiwi at tumingin sa kuko kong wala man lang kaarte arte. Hindi tulad kay Dana na araw araw yata nagpapalit ng cutics sa kuko.
"Puro kasi corruption ang namumuno sa inyo kaya nasasabi niyong maraming mahihirap. Sa Hunterose kasi si Godee lang ang corrupt hahahahahaha! Mukhang pera ang kambal ko na yun! Baka nga isa sa inyo na perahan niya na."
"Anak ka nga ng ina mo!"
"Pffffttt.... What?"
Gusto kong matawa sa nagsabi non.
"Calixtus, sugurin niyo na ang babaeng ito! Kayo na ang bahala sa kanya!"
Utos nong lalaking una kong naka-usap. Pinasadahan ko ito ng tingin. Nasa Highest rank ang isang ito sa mga Calixtus ng World Government.
"Sa totoo lang po, ayaw ko talagang makipaglaban sa inyo. Masasayang lang ang pagod niyo at pagpapawisan pa kayo. May exam pa kase kami bukas at kailangan ko na talagang umuwe dahil malalagot na ako nito sa kuya namin. Hehehehe, bye guys!"
Gusto ko silang makalaban kaso tinatamad ako hahahahahha! Nahawa na yata ako sa katamaran ng kambal ko. Mabilis ang kilos ko na sumakay sa bigbike ko at agad itong pinatakbo.
"DUWAG!!!!"
Rinig ko pang sigaw ng pinuno nila. Psh. Hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Panandalian akong lumingon at agad ding tinuon ang tingin sa daan. Hinahabol nila ako. Binagalan ko ang takbo ng Kawasaki ko upang maabutan nila ako. Isa isa silang dumidikit sa'kin kaya bago pa nila masagi ang bigbike ko agad ko na silang pinaulanan ng tig-iisang sipa sa dibdib. Knock out!
Ayaw ko silang mapuruhan kaya mahina lang ang bawat sipang binibigay ko sa kanila. Tipong mapapahinto sila sa pagdrive at hahawak sa puso nilang pinapatamaan ko ng sipa. 30 seconds silang hindi makakahinga. Pasalamat pa nga sila sa'kin dahil hindi ko ginawang panghabam buhay dahil gusto ko pa silang mabuhay ng matagal tagal. :)
Kung kanina ay nasa mahigit isang daan ang humahabol sa'kin na mga racer ngayon ay mga bente na lang sila. Naglabas pa ng mga baril amp!
Pagiwang giwang tuloy ang pagdrive ko sa Kawasaki ko. Lipat sa kabilang lane. Lipat naman ulit sa kabila. Paulit-ulit na ganun ang pagdrive ko dahil lahat sila ay sabay sabay akong pinapaputukan. Sway right lane. Sway left lane. Again and again. Tsk. Hindi ba sila napapagod at nahihilo?
Lumingon ako saglit upang bilangin ang natitirang humahabol sa'kin. Napangisi ako ng makita ang babaeng pasaway na isa-isa niyang pinaghihiwa ang gulong ng mga bigbike na humahabol sa'kin gamit ang dalawa niyang katana na palagi niyang dala dala.
"Bakit mo sila pinapahabol sayo kung sa isang iglap ay kaya mo silang patumbahin lahat." maangas niyang sabi sa'kin. Uminom pa siya ng dala niyang alak.
"I don't want to fight them, Dawn."
Nakangiwi kong wika. Sa isang iglap naubos niya lahat ang mga humahabol sa'kin. Nakasakay siya sa isang sports car ni Godee. Magkasabay din kaming nilalandas itong madilim na kalsada. Same speed.
"Bakit nga pala napadpad ka dito? Gabi na ah. Dapat nasa mansion ka na."
"Naligaw ako ng daan papunta sa Skyline Village. Sakto namang narinig ko ang pamilyar na tunog ng Kawasaki mo kaya dito na ako dumaan."
"Hahahahahahaha! Lagot ka kay Kuya!"
"If you say so."
"Race?"
In my peripheral vision tumango siya kaya. "Go!" I said at nagpaunahan kaming makarating sa mansion.
Dana's POV
I rolled my beautiful eyes nang makasalubong ko si Godee sa hagdan parang tanga itong tumatawa habang pumapanik. Natigil siya sa pagtawa ng isang baitang na lang ang distansya naming dalawa. Umikot muli ang mata ko ng kunware siyang nagulat sa'kin. May pahawak hawak pa siya sa dibdib niya.
"Jusmiyo! Marimar! Pulgasyo iglasia bulbul mo mabalboneeak!"
"Ano!"
Singhal ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang lengwahe na ginamit niya. Hindi naman Russian language iyon. Marimar lang ata ang na gets ko. Humalakhak na naman ito na parang nababaliw.
"Wala hahahahaha! Bakit naman kase ganyan itsura mo?"
"It's called skin care, stupid."
Ngumiwi siya at hinawi ako muntikan na akong mahulog sa hagdan! Bwiset talaga!
"Hahahhahahah! Goodnight, Dana." walang kwenta niyang paalam. Bwiset demonyeta!
Bago pa ako sumabog sa inis, pumunta na ako sa kusina at kinuha ang kailangan ko. Ngunit natigilan ako ng nakita si Blade at Dawn na nag
HAHALIKAN! WHAT THE HELL!
Hindi ako makagalaw at tulalang nakatingin sa kanila ramdam ko rin ang luha ko na hindi ko mapigilang umagos mula sa mata ko. Kusa ring natanggal ang nilagay kong color pink na mask sa mukha ko. Naghahalikan silang dalawa na akala mo ay may sarili silang mundo at gusto kong humagulgol sa iyak ng torrid kiss na ang ginagawa nila. Wala na ring damit pang-itaas si Dawn tanging ang tube bra na lang ang suot nito. At ang kamay ni Blade ay naglalakbay sa katawan ng kapatid ko.
ANG SAKIT! ANG SAKIT! SINASAKSAK NILA ANG PUSO KO NG PAULIT-ULIT!
"Wow, free live pornography hehehe."
may demonyetang bumulong sa tainga ko kaya masama ko siyang tinignan. Si Heaven! Ang kaninang masaya niyang mukha ay napalitan ito ng pagtataka. Tamad siyang tumingin sa'kin.
"Bakit ka umiiyak? Hindi bagay sayo, witch."
Tamad niyang wika sa'kin. Kinuha niya rin ang mask ko at binalik iyon sa mukha ko. Hindi ako makaangal dahil tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Sobrang sakit talaga ng nararamdamang ko ngayon.
I'M BROKE AND I WANT TO DIE RIGHT NOW!
Lalo pa akong napaiyak na hindi man lang kami napansin nila Blade at Dawn. Wala silang pakialam. Tuloy tuloy pa rin ang halikan nilang dalawa!
"Uyy, ayos ka lang ba, witch?" makulit na tanong sa'kin ni Heaven hindi ko siya pinansin dahil tulalang nakatitig ako kanila Blade at Dawn. Nasa counter bar silang dalawa. Bakit kailangan ko pang makita ang kababuyan nila? "Hatid na nga lang kita sa kwarto mo. Mukhang hindi mo nagustuhan ang free live show nila kuya at Dawn Hahahhaha!" nabibingi ako at hindi ko narinig ang mga sinasabi ni Heaven. Hindi rin ako umangal ng inalayan niya akong pumanik sa taas. Wala akong lakas at nanghihina lahat ang mga buto ko at lalo na ang puso ko. Hindi lang nila sinaksak kundi tinataga taga pa ng pinong pino. Ang sakit! Tumingin ako kay Heaven ng nasa dulo na kami ng hagdan.
"Bakit po?"
Nagtatakang tanong niya sa'kin ng huminto ako. Hindi ko na naman napigilang umiyak kaya kunot noong tinignan ako ni Heaven.
"Gusto ko ng mamatay."
Tanging sabi ko.
"Ngayon na?"
Tumango ako at natauhan ako ng hindi man lang siya nag-alinlangan na tinulak ako sa hagdan!
"AHHHHHHHHHHHHHH!!!!"
Ang sakit puta. Paikot ikot akong nalaglag sa hagdan! Fucking shit!
"You may rest in peace, Dana Miller."
Aniya. At kitang kita ko pa na nag sign of the cross siya. Demonyeta!
Bago ako nawalan ng malay nakita ko sila Blade at Dawn na pumunta sa'kin.