Third Person's POV
Hindi pa rin pinapansin ni Worth ang dalagang nakabusangot ang mukhang nakatingin sa kanya. Pinatili niyang malamig ang pakikitungo niya dito.
Pumunta siya sa closet upang magbihis. Sinundan siya ni Heaven. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya.
"Wag ka munang magbihis. Hindi pa ako tapos pagmasdan ang katawan mo, hehehe"
Nakangising usal ng dalaga. Hindi niya ito pinansin at nagbihis na nga ng tuluyan. Dismayado ang mukha nito ng tignan niya ito.
"Sabi ko, umalis ka na dito sa kwarto ko."
Malamig na wika niya rito. Ngumiwi ito at tamad na tumingin sa kanya.
"Duhhh, baka kwarto ko ito dati."
Totoo ang sinabi niya. Minsan niya ng ginamit ang silid nito noong nag-away sila ng kambal niya.
"Tsk. Ayaw ko makita ang pagmumukha mo."
Lalong ngumiwi si Heaven ng marinig niya ang malamig at mapanganib na boses ng binata.
"Edi, umalis ka dito sa mansion. Isama mo na ang pinsan mong si Dana hahahahahha!"
Aniya. Totoo ang sinabi. Tinignan siya ng masama ni Worth kaya tumigil siya sa pagtawa. Bumugtong hininga siya at akmang hahawakan niya ang binata ng umiwas ito sa kanya. Padapa itong humiga sa kama.
'Ano bang nangyayare sa kanya?'
"Worth, galit ka ba sa'kin?"
Mahinahon niyang tanong sa binata. Hindi siya pinansin nito at pumikit lang at nagtakip ng unan sa mukha. Nagsalubong ang kilay niya at inis na lumabas sa kwarto ng binata.
"Oh, Heaven, anong ginagawa mo jan sa kwarto ni Worth?"
Tanong sa kanya ni Jun. Kakalabas lang nito sa kwarto nila ni Ozi. Lumapit siya kay Jun at inakbayan ito.
"Si Worth kase hindi ko alam kung bakit siya galit sa'kin."
Aniya. Ngumiti ang binata sa kanya at inakbayan din siya.
"Really? Si Worth galit sayo? Hmm, hindi niya kayang magalit sayo, Heaven."
"Bakit hindi niya ako pinapansin. Ang lamig lamig pa ng pakikitungo niya sa'kin."
"Hmm, siguro nagtampo siya sayo. At may nasabi kang hindi maganda sa pandinig niya."
"Alin naman kaya ang katampo tampo sa mga sinabi ko sa kanya?Hindi ko matandaan."
"OH MY GOSH! What are you two doing?"
Agad na napalayo sa kanya si Jun ng marinig nila ang maarteng boses ni Dana. Siya naman ay tamad na tinignan ang bruha.
"Ahh, nag-uusap lang kami, Dana."
Sabi ni Jun dito. Mataray itong tumingin sa kanila lalo na sa kanya para pa itong nandidiri.
"Gosh, you're such a flirt. May Worth-oppa ka na nga, pati ba naman si Jun nilalandi mo pa."
"Ewan ko sayo, isa ka ring may toyo. Magpinsan nga kayo ni Worth. Mga kingina amp."
Aniya at pumasok na sa kwarto nila ng kambal niya.
Godee's POV
Dumilat ako ng maramdaman ko ang kambal ko na humiga sa tabi ko.
"Bakit hindi ka pa naliligo, twin? Tignan mo yang mga harena nasa kama na tuloy."
Aniya sa'kin.
"Mamaya na ako maliligo. Tinatamad pa ako."
Sabi ko sabay pikit muli.
"Tss. Anong sabi sayo ni Geezer about sa ginawa nila Ocean at Kuya?"
Tamad niyang tanong sa'kin.
"They kidnapped the young lady of that Mafia clan. Sampung taon pa lang yung anak ng pinuno ng mafia na iyon."
A girl.
"Saan dinala?"
"Hindi alam ni lolo pero hinuha niya si kuya ang nagtago sa bata. And I don't think so na sasabihin ni kuya kung saan niya tinago ito. Maliban na lang kung ikaw ang magtatanong kay kuya."
"Tss."
Dumilat ako at tinignan si Twin na suminghal. Walang gana ang mga mata nito. She's bored?
"Magpadala ka ng mga cockroaches at mga earthworms before dinner."
Utos nito sa'kin. Ang mga asul na mata ay walang ganang tumingin sa kisame. Ano bang nangyayare sa kanya?
"That gross, twin. Allergic ako sa ganung mga insekto."
"They are my babies. Not insects, Godee."
"Tch! Sabi ko nga."
Tamad kong pinindot ang maiit na button ng relo ko at inutusan ang isang tao na ipadala ang pinag-uutos ni twin.
"Ligo lang ako. Ikaw din maligo ka na puro harena buhok mo."
Sabi niya sa'kin at walang ganang pumunta sa bathroom.
"Psh! Si baklang Ryder ang gumawa nito."
Habol na sabi ko sa kanya. Nainis yata sa'kin si Ryder kanina ng tinititigan ko siya kaya ayun binuhusan ako ng harena sa ulo. Well, ginantihan ko naman siya ng pagbasag ng sampung itlog sa ulo niya. Hahahahahha!
Heaven's POV
Sabi ko maligo na siya tapos naabutan ko siyang tulog na tulog na naman. Ganyan si Godee kapag may ginawang kalokohan nakakatulog agad. Wala siyang pakialam kung napapalibutan ng dumi ang katawan niya. Tulad ngayon natutulog siyang may harena ang buong katawan. Tsk.
Bathrobe lang ang tanging suot ko ng lumabas ako sa silid namin ni twin. Hindi ko rin binalutan ng towel ang basang buhok ko. Hinahayaan kong tumulo ang tubig nito pababa sa katawan ko.
"Worth baby"
Tawag ko sa kanya ng makapasok ako dito sa silid niya. Ganun pa rin ang pwesto niya sa kama. Nakadapa at may takip ng unan ang mukha. Nilapitan ko siya at sumampa sa kama niya. Pinakiramdaman ko ang paghinga niya. Mahimbing na ang tulog niya kaya inalis ko ang unan na nakatakip sa mukha.
"There my handsome Worth."
Mahinang sabi ko habang hinaplus ang kilay niya pababa sa pisngi. Umalis ako sa kama at umupo sa may isahang sofa sa gilid ng kama niya. Pinagmamasdan ko ang bawat paghinga niya at pagkunot ng noo niya. Masama siguro panaginip nito.
Naramdaman niya sigurong nandito ako kaya dumilat siya at bumangon. Sumandal siya sa may headboard ng kama niya. At masama na naman ang tingin sa'kin. Ayun na naman ang malamig niyang presensya. I exhaled deeply. Bago ako tumayo at sumampa sa kama. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin ng mapansin niya ang suot ko. I smirked triumphantly. Kumandong ako paharap sa kanya at pinagdikit ko ang mga noo at ilong namin.
"Worth baby, I'm sorry, okay? Hindi ko alam kung bakit ka galit sa'kin."
Malambing kung usal. Hinalikan ko rin siya sa labi niya pero hindi siya gumanti ng halik kaya huminto ako sa paghalik at nakasimangot na tinignan siya. Walang emosyon itong nakatingin sa'kin. Pero tinatraydor siya ng mga mata niya. Hahahahaha! At ang inuupuan ko ay ramdam kong tumatayo na naman. Nagtaas baba pa ang Adams apple niya habang nakatingin sa'kin ng masama.
"Hmm, My Worth. My kind of baby."
Wika ko at hinalikan siya muli sa labi. Napangiti ako ng gumanti na siya ng halik sa'kin.