Dana's POV
Kumakain na kami ng hapunan together with our parents and Senior Iyubov. Palipat lipat ang masama kong tingin kay Jun at Heaven. Hindi ko talaga nagustuhan ang closeness nilang dalawa. And I don't understand bakit kailangan nilang mag-akbayan dalawa kanina sa taas.
Nakakainis! Ang flirt nila!
"Where's Dawn? Gabi na pero wala pa rin siya dito sa Mansion."
Saad ni Senior Iyubov. I don't know pero mukhang close sila ng kapatid ko.
"Maybe, ginagawa niya na naman ang paborito niyang gawin."
Sagot ni Godee. Ngumiwi ako at nandidiring tumingin sa kanya. Hindi man lang siya naligo at nagpalit ng damit. Still, may mga harena pa ang buhok niya. Sobrang dugyot talaga ng babaeng ito.
"Nakasama namin siya sa Russia at masasabi kong isa rin siyang pasaway hahahahahaha!"
Natatawang wika pa ng Senior. Kumunot ang noo ko. Si Dawn ang tinutukoy niya. Ang pasaway kong kapatid.
"Yeah, sakit sa ulo ang isang iyon. Mabuti na lang itong dalawang anghel ko ay masunurin at mababait."
Ngumiti ako sa sinabi ni mommy. I rolled my eyes at same time dahil pinuri niya rin si Desiree na wala namang emosyong ang mukha. Parang hindi pa siya masaya na umuwe ang parents namin dito. Well, ampon nga pala siya. "Dana hija, pakikuha ng mga cupcake na ginawa mo kanina." sabi sa'kin ni mommy. Ngumiti ako at tumango sa kanya.
"Yes, mom"
I said saka tumayo. Mataray kong tinignan ni Jun ng tumayo rin siya.
"I'll help you" sabi niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin at pumunta na sa kusina para kunin ang mga cupcake na ginawa ko kanina.
"Dana----"
"Shut up! Kazunari! Wag mo kong kausapin!"
Inis kong singhal sa kanya. Magkahiway ang Kitchen area at Dinner Area kaya hindi nila naririnig ang pagsusungit ko rito kay Jun. Inis kong kinuha ang mga baked cupcakes ko sa oven. Kinuha ko rin ang cake na ginawa ni Heaven kanina at inis na binigay iyon kay Jun.
"Ayan! Dalhin mo yang gawa ng babae mo!"
Inis kong sabi. Nabubwiset talaga ako sa pagmumukha ng pervert na toh! Dapat si Blade na lang ang sumama sa'kin ditonsa kitchen. Hindi ang Kazunari na toh. Umalis na agad ako at hinayaan si Jun na nakatunganga. Hindi maipinta ang mukha.
"Everyone, these are my delicious baked cupcakes."
Pagmamalaki ko sa gawa ko sa kanila. I'm so proud of it. Nakaramdam pa ako ng saya ng nakikita ko sa kanilang mata na natutuwa sila sa gawa ko.
"Heaven, ito na ang cake mo."
Psh. I rolled my eyes again. But the same time, hindi ko mapigilang humanga sa ginawang cake ni Heaven. It's mocha caramel cake at ang sobrang sarap nito ng pinatikim niya sa'kin ito kanina. Maganda rin ang desinyo ng cake niya. She bakes and design like a professional Pastry Chef.
"Thank you, Kazunari."
Ngiting saad ni Heaven kay Jun. Flirt! Tumingin ako kay Worth-oppa ng mapansin kong mapanganib niyang tinignan si Jun. Haist. Napaka- possessive niya kay Heaven. Kung alam niya lang na may tinatagong kalandian ang mahal niyang bruha. Ewan na lang.
"Let's eat na po."
Masayang aya ko sa lahat. Hindi mawala ang ngiti ko ng kumuha na sila isa isa sa mga cupcakes ko. Different flavors, chocolate, strawberry, and caramel. Kumuha na rin ako ng isa upang kainin munit natigilan ako sa ere ng mapansin kong gumagalaw ang mga cupcakes ko. Umayos ako ng upo at kinusot ko pa ang mata ko kung totoo ba ang nakita ko.
"The heck!"
"Kingina amp, babuy."
"Bwoaa!"
"Jusmiyo!"
"Gross"
"Oh brother Jesus!"
Kanya kanyang reklamo ng mga kasama ko at mayroon pang nasusuka. Kahit ako ay hindi ko maiwasang masuka. Paanong nagkaroon ng mga bulate ang cupcakes ko?
"Dana, What is the meaning of this?" istriktong tanong sa'kin ni Daddy. Napayuko ako ng lahat sila ay tinitignan ako ng may pandidiri. How come? Gusto kong maiyak.
Lahat kami tumingin sa chandelier ng gumalaw ito. Possini euro ang brand ng chandelier nila dito sa dinner area hindi tulad sa ibang room na gawa sa dyamante ang chandelier. Galaw pa rin ito ng galaw hanggang sa tumaob ito at naghulugan ang mga ipis!
"Yuckkk!!"
"Ahhhhhh!"
"Shittt cockroaches!"
"Jusko lord!"
Nagkanya kanyang takbuhan ang mga kasamahan ko. Tanging si Heaven lang ang permanenting naka upo at sarap na sarap siya sa pagkain ng cake niya. Kadiri! Wala siyang pakialam sa mga ipis na ginagapangan na siya sa ulo mayroon pa sa mukha niya. Halos gusto ko na talagang masuka ng mapansin kong may mga bulate sa cake niya. Kasabay niyang kumakain! Damn. She's disgusting.
Demonyo siyang tumingin sa'kin kaya napatili ako at tumakbo na rin paalis sa dinner area. Nandito kaming lahat sa sala at masama ang tingin nila sa'kin. Why me? Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng bulate ang mga cupcakes ko at ipis sa chandelier.
"Blade! Hindi ba kayo naglilinis dito sa Mansion!"
Bulyaw ni Senior Iyubov kaya napayuko ang lahat. Tumingin ako kay Blade na kalmado pa rin pagkatapos ng mga nasaksihan namin.
"Grandmaster, naglilinis po kami dito. Kahit agiw nga hindi niyo makita saan mang sulok."
"Pwes, saan galing ang mga insektong iyon?"
"Tss. Sino pa ba ang mahilig sa mga ganung may buhay?"
"Damn. Saan si Ocean!"
Tumingin kami sa Senior ng si Ocean ang hinanap niya. Hindi ba dapat si Heaven ang tawagin niya? Hindi namin kasabay si Ocean na kumain ng hapunan dahil ayaw niya daw. At hindi namin alam kung saang sulok siya ng mansion naroon.
"I'm here, Geezer. Why po?"
Nasa pasamano siya at tamad na tumingin sa'ming lahat. Agad akong nag-iwas ng tingin ng dumapo ang mga abo niyang mata sa'kin. Nakaka-insultong tumingin.
"You! You're the one who made those disgusting prank!"
Bulyaw ng Senior sa bunsong apo. Tamad itong tumango kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng galit sa kanya. How dare him! Tinuro niya si Godee.
"Ate Godee commanded me po, Geezer."
Tamad niyang wika tinuro pa si Godee. Salubong ang kilay kong tumingin kay Godee. Nagpipigil itong tumawa.
"Godee!"
Sabay na bulyaw ng Senior at si Blade. Ngumisi ngisi ang bruha at walang pakialam na pumanik sa taas.
"Si Heaven ang bulyawan niyo, hindi ako hahahahahha!"
Aniya at nawala na siya sa paningin namin. Naipikit ko ang aking mata sa inis at galit na nararamdaman. Gusto kong sabunutan ng buhok si Heaven at kaladkarin together with her insects pet. Kahit kailan napaka demonyo niya! Wala siyang patawad!