Ryder's POV
Gabi pa ang flight ng lolo nila Blade at magulang nila Dana at parents ni Worth. Nasa kusina ang ilan dahil tumutulong ito sa pagluto ng dinner. Kami naman nila Worth ay nandito sa Sports Room kasama sila Tito Wayne at Tito Dusk. Kasalukuyan kaming naglalaro ng billiard. Malawak ang Sports Room ng mansion dahil may Boxing Ring Area ito, Tennis area, Badminton area, Bowling area, Dart board, at marami pang iba na inside sports. Ang Basketball court naman ay nasa labas iyon ng mansion. Madalas akong tumatambay dito na hindi nila alam. Pero ang gusto ko talagang mapuntahan ay ang Bow&Arrow area ni Godee. Hindi basta basta makapunta sa area na yun dahil mamatay ka muna bago ka makagamit ng mga bow and arrows niya.
"Son, speaking of Amore, bawal mo pa siyang buntisin. Malalagot ka sa parents niya kapag mangyare iyon."
Saad ni Tito Wayne kay Worth. Hindi ko alam kung paano sila nagkatuluyan ni Tita Essential. Halata na noong kabataan pa lang ni Tito Wayne ay mapilyo siya tipong babaero ganun? Habang si Tita Essential naman ay parang si Worth. Wala kang makikitang emosyon sa mukha. Pero nakwento sa'kin minsan ni Worth na walang babaero sa lahi nila. Once they fall in love. They fall in love. Kaya nga dekada niya ng minamahal si Heaven simula ng nagustuhan niya ito.
"I know it, dad"
Walang emosyong wika ni Worth. Tumingin kami sa may pinto ng pumasok si Senior Iyubov. Yumuko kami lahat bilang paggalang sa kanya.
"Ayaw mo pa bang magkaroon ng apo, Wayne?"
Wika ng Senior. Nasa presensya na talaga nito ang pagiging maawtoridad at maangas na tindig. Kumuha ng tako si Tito Wayne at binigay kay Senior Iyubov.
"Senior, tsk. Gustong gusto na nga namin ni Esse na magkaroon ng apo. Pero malilintikan naman tayo sa anak niyo."
"Hahahhahaha! Hanggang ngayon takot ka pa rin kay Trident. May anak na lahat ng grupo niyo pero mga takot pa rin kayo sa kanya."
"Siya pa rin ang Leader ng lahat kaya nirerespeto pa rin namin siya. Hindi ko akalaing nakuha lahat ng mga anak niya ang ugali niya. Pasaway na maka-diyos."
"Hahhahahahhaha! Tama ka, tama ka hahahahhahaha!"
Kumunot ang noo ko ng makitang tumawa ang Senior. Makulit din ang tawa nito parang si Godee. Umayos ako ng tayo ng lumipat ang malamig nitong tingin sa'kin. "Ikaw ang anak nila Ride at Key. Kamukha mo ang ama mo pero nagmumukha kang si Key dahil sa mahaba mong buhok, hijo." puna nito sa'kin.
"Tradition ng pamilyang Han na magpapahaba ng buhok ang mga lalaki hanggang balikat. Di ko pa rin alam kung bakit nila ginagawa yan."
Wika ni Tito Dusk. Maldito ang mukha. Dana na dana. Si Tita Essential at si Tito Dusk ay magkapatid. Kaya hindi na ako nagtaka kung saan nakuha ni Deisiree ang pagiging walang emosyon nito. Sa tita Essential nila.
"Beautiful Ryder! Samahan mo ako sa kusina. Tulungan mo kaming magluto."
Biglang sabi ni Godee sa'kin. Kakapasok niya lang dito sa Sports Room at ako agad ang nakita. Hinawakan niya ako sa pulsohan at hinila ako palabas. Walang pakialam sa mga kasamahan namin sa Sports room. Na pinagtatawanan yata ako dahil sa tensyonado kong katawan. Tsk.
'My walking temptress'
"Tita Dianne, ito na si Ryder. Turuan mo rin siya maghalo ng itlog niya hahahahahhaha!"
Hinila ko ang pulsohan ko mula sa paghawak niya. Nandito na kami sa kusina at lahat sila ay abala sa mga ginagawa pero nagtawanan ng pagkatapos sabihin iyon ni Godee. Pasaway talaga.
"Archery, stop teasing Ryder. Hahhahahaha! Hindi mo magugustuhan kapag mapuno na yan sayo. Magka-ugali pa naman sila ni Tita Key mo."
Kunwareng nagulat si Godee at nanlalaki ang mga matang tumingin sa'kin sabay pinalobo niya pa ang pisngi niya. Nagpapa-cute. Tss.
"Ohh reallyyy? Edi, it's more fun! Hahahhahahaha!"
Makulit na tawa niya. Hindi ko na siya pinansin at pumunta na sa may lamesa upang tumulong sa paghiwa ng mga gulay. "Ito mga itlog mo tulongan mo akong haluin ito" masamang masama na ang binibigay kong tingin sa kanya ngunit walang epekto sa kanya iyon. Lalo lang siyang natatawa. Kinuha ko ang hawak niyang mangkok na may mga itlog at ako na ang naghalo.
"Dahan dahan sa paghalo. Ayaw kong matapon itlog mo."
Kunwareng seryoso niyang wika! But deep inside nagpipigil na humalakhak. Dinig na dinig ko pa ang mahinang tawanan ng kasamahan namin dito sa kusina.
"Twin, where's Worth? Sabi ko tawagin mo rin siya."
Wika ni Heaven. Katabi ito ni Dana. Nagbe-bake ata sila.
"Nandoon sa taas. Tumitira."
Walang kwentang sabi ni Godee. Nagsalubong ang kilay ni Heaven habang ang mga kasamahan naman namin dito ay nagpipigil na naman ng tawa maliban kay Blade na nagtataka sa sinabi ni Godee.
"Watch your words, Godee."
Saway ni Blade sa kapatid. Ngumisi lang ito at ako na naman ang nakita ng mga mata niyang nanghihigop ng kaluluwa. Iniwan ni Heaven ang ginagawa at walang paalam na umalis dito sa kusina. Ako naman ay pinagpatuloy na ang paghalo ng itlog.
Hindi ko na pinapansin si Godee na kinukulit lang ako. Wala siyang ginagawa kundi ang titigan bawat galaw ko. Naiilang ako pero kinakalma ko lang ang sarili ko. Wag mo siyang pansinin Ryder! Isa siyang babaeng manunukso!
'A walking real temptress!'
"Tita Essential, bakit po pala close kayo sa kambal?"
Maarteng tanong ni Dana. Hindi ito pinansin ni Godee. Ngumiti si Tita Essential bago nagsalita.
"Hmm, nasilayan namin ang paglabas nila sa mundong ito at hanggang sa lumaki na sila. Well, minsan ko na rin silang binantayan noong mga tatlong taon pa lang sila. That time, 5 years old na si Worth. At alam niyo bang limang taon pa lang si Worth mahal niya na si Heaven hahahhahaha!"
"Wow, grabe pala magmahal si Worth-oppa. Tapos, ayos lang po sa inyo na si demonyetang Heaven ang makatuluyan niya, tita?"
"Oo naman syempre. Dana-hija, mababait ang kambal especially Heaven. Alam niyo bang lahat ng may buhay o walang buhay sa mundong ito ay pinapahalagahan niya. Naalala ko pa dati, nang nakita niyang may pinatay na ipis si Worth. Nagalit siya sa anak ko dahil bakit niya raw pinatay ang ipis pwede naman daw itong pakiusapan na wag dumapo sa pagkain. Hahahahahah!"
Kahit ako ay natawa. Nagtatakang tumingin sa'kin si Godee bago siya sumimangot.
"Aish, naalala ko rin dati ang ginawa niya sa mga bulati sa lupa. Gosh. She kissed it dahil adorable daw ang mga worms. Jusko pong batang yun."
Usal ni Tita Dianne. Pareho sila ng reaksyon ni Dana. Mag-ina nga. Parehong maarte.
"Umiiyak nga yun kapag may namatay na isda sa Aquarium Palace niya doon sa Russia. Nagagalit siya kapag may nasaktan sa mga alagang hayop niya. Mayroon din siyang colonial hills para sa mga langgam."
"Hindi nga namin alam kung ilang lupa na ang nabili niya para may matirhan ang mga hayop na pinabayaan. At nagpatayo rin siya ng sementeryo na may mga iba't ibang design na nitso."
"Makulay ang cemetery na yun imbes na walang kulay. Binigyan niya ng kulay ang lugar ng mga patay hahahahahha!"
Saad ni Godee. Nag rolled eyes si Dana.
"Eh, bakit po ang sama sama ng ugali nila sa'min?"
Tanong ni Dana. Tumawa ang mommy niya at si tita Esse.
"Believe me, daughter. Ugali na nila iyon at wala kang magagawa kundi tanggapin sila ng buo."
"Marami kase silang pinagmanahan. Naghalo halo sa dugo nila at lumalatay sa mga ugat nila ang bawat ugali ng miyembro ng pamilya nila."
Natatawang sabi ni tita Esse.
"Bakit po si Blade ang bait? Ang layo po ng ugali niya sa ugali ng kambal."
Maarteng wika ni Dana. Tinignan ko si Blade na nakikinig lang sa kwentuhan nila.
"Are you sure, Dana-hija? Mabait si Blade?"
"Opo, Tita"
"Well, his the version of their mom. The holy one. Akala nga namin magmamadre iyon hahhahahaha dahil hindi namin nakikitaan na may nagugustuhan siyang lalaki. Tapos nalaman na lang namin sila pala ni Trident. Bible study daw pero ibang study pala ginagawa nila hahahahhaha!"
Pfffttt...