Chereads / The Badass Twins / Chapter 33 - Chapter 32

Chapter 33 - Chapter 32

Ryder's POV

Kasalukuyan kaming nagpapahinga pagkatapos naming linisan ang mga Leon. Habang si Dana naman ay nagkamalay na siya at kanina pa siya nagmamaldita.

"Gusto niyo ba ng fresh milk from cow?"

Tanong ni Godee sa lahat. Nasa itaas ito ng puno habang tamad na nakahiga sa isang sanga. Kaya ang ilan ay tumingala sa kanya. Ako naman ay masungit siyang tinignan dahil sa'kin lang siya nakatingin at tamad pa na ngumisi.

"Godee, bumaba ka na nga dito. Baka mahulog ka pa diyan."

Saway ni Blade dito.

"Tsk. Kuya naman, hindi ako mahuhulog dito noh. Pero kay Ryder pwede pa hahahahahha!"

Aniya at walang kahirap hirap na tumalon. Pandalian akong nagulat dahil swabe siyang lumanding mismo sa harap ko. Ang ilan pa ay humanga sa pagtalon niya. "Hi, beautiful Ryder. Tali ko ulit ang buhok mo."

Aniya sa'kin. Ang lapit ng mukha niya kaya marahan kong tinulak ang noo niya at masungit siyang tinalikuran.

'Tsk. She is a real temptress.'

"You and Godee, huh?"

Panunukso sa'kin ni Moon. Isa pa toh. Sobrang dikit kay Godee. Sarap patayin.

"She is your girlfriend. Bakit hinahayaan mong lumapit lapit sa'kin ang babaeng yun."

Inis kong usal. I don't like my words. Tumawa sa'kin si Moon.

"Really bro? I thought your genius pati rin pala ikaw paniwalang paniwala sa relationship naming dalawa."

Aniya. Matagal na silang magkapatid na miyembro ng ACES kaya kilalang kilala sila ng mga Hunterose. Especially, ng twins. Sabi pa nga nila sa'min noon ng mga rookie pa lang kami ni Worth sa ACES. In relationship sila sa twins kaya wag daw kaming magkakamali na ligawan ang kambal. They're so protective like Blade.

"Tss."

"Dang, matagal na pala simula ng naging miyembro kayo ng ACES. Okay, para malaman mo magpinsan kami nila Blade in mother side. Kunti lang ang nakakaalam nito dahil gusto namin maging low profile lang."

Aniya. Kumunot ang noo ko. Low profile? Eh, isa nga sila sa mga makapangyarihang clan sa buong mundo pero under sila ng Hunterose.

"Bagay kayo ni Godee. I vote you for her hahahahahaha!" Tsk. Magpinsan nga sila. They are eccentric. Hindi ko siya pinansin at tinalikuran din.

"Yes? Hello? Yes, yeah. Right now. Masusunod po."

Lahat tumingin kay Blade ng may kausap ito sa phone. Para siyang nababahala. Pagkatapos ay tumingin siya sa'min. Kalmado ang mukha niya pero makikita sa mata niya ang galit.

"Cancelled na ang Outreach Program na ito. Guys, kailangan na nating umuwi ngayon mismo."

"OMG, Why naman Blade?"

Gulat na tanong ni Dana.

"May nangyareng kaguluhan sa Huntress University at hindi ko papalagpasin ito."

"Palagi namang may kaguluhan sa school natin simula ng dumating ang mga kapatid mo."

Mataray na sabi ni Dana. Hindi siya pinansin ng kambal ngunit ngumisi lang ang dalawa sa kanya.

"Worth, sabihan mo si Ocean ihatid niya tayo sa Mansion."

Tumango si Worth bilang sagot. Hinawakan nito ang kamay ni Heaven at sabay silang umalis. Kumunot ang noo ng ilan sa kinilos niya. Lalo na si Blade. "Bakit sinama niya pa si Heaven?" wala sa sariling tanong ni Blade sa sarili.

"Duhhh ambobo mo talaga kuya, syempre kailangan niya si twin upang sumunod sa kanya si Ocean."

Sagot ni Godee at tumabi na naman sa'kin.

"Watch your words, Archery."

Malamig na sabi ni Blade sa kapatid. Kunwareng nag zipper si Godee sa bibig at ngumisi sa'kin pagkatapos.

"You feel their presence, right?" mahinang tanong nito sa'kin. Sobrang lapit na naman ng mukha. Tumango ako sa tanong niya.

"Kanina pa sila nandito"

Saad ko.

"Ilan ang bilang mo?"

"300"

"Nice calculations, Beautiful Ryder."

"Kami ang pakay nila, Godee."

"I know, kaya nga pinaalis ni kuya si Worth para wala dito si Twin."

"Dapat umalis ka na rin. Isama mo ang lahat ng mga babae dito."

"So, pati ikaw? Hahahhahaha!"

Tinignan ko siya ng masama kaya tumigil siya sa pagtawa. "Sa tingin mo ba, papalagpasin ni Heaven ang pagpasok nila sa teritoryo namin?"

Ngising dagdag na tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at pinaramdaman ang paligid. Bakit naisipan nilang sundan kami? Maling oras, maling panahon. Kasama namin ang kambal at ayaw namin silang madamay dito.

I don't want to witness again the heartless carnage of Heaven. Damn she's lethal when it comes to slaughter. The most dangerous killing machine of Hunterose clan.

"She can kill them in one snap, Ryder. She doesn't care about their existence."

"I know, how about you? You can't kill, right?"

From smirk to serious face. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin.

"Value human being. Every living thing or nonliving thing. That's the law, that want to be follow by me, kuya and twin. Ang batas na iyon ay para sa'ming magkakapatid at sa iba pa naming pinsan."

Alam ko na ang tungkol doon ngunit si Heaven ang hindi kayang sundin ito. Walang control si Heaven when it comes to killing. The inside and outside demon itself.

"Si Blade ang target nila."

Sabi ko. Tumango siya at masama ang tingin sa masukal na damuhan.

"The World Government. One of the biggest calixtus of Hunterose clan."

Biglang wika ni Crystal. Lahat nagtatakang tumingin sa kanya. Ngumisi ito sa'min. At hindi nag alinlangang tinutok ang dala niyang baril sa sensitido ni Blade. "Tatlong araw ang binigay nilang palugit sa'kin upang patayin ka, Blade." walang emosyon nitong wika.

"Bukas mo na patayin si kuya. Pangatlong araw mo na yon."

Walang ganang wika ni Heaven! Nasa likuran namin siya kasama niya si Worth. The fuck! Akala ko ba umalis sila? Ramdam kong natigilan din si Godee dahil sabay kaming lumunok ng laway at nagkatinginan pa kami. Ang iba naming kasama ay kinabahan din. Mas kinabahan pa sila kay Heaven kaysa sa ginawang pagtutok ng baril ni Crystal kay Blade. Tumingin ako kay Blade kung kanina kalmado lang siya sa ginawa ni Crystal. Ngayon ay kinakabahan na dahil sa kapatid!

Walang kumilos sa'min at magsalita. Lahat kami ay tensyonado. Because of Heaven! Her presence makes everyone shivering and gulped.

"Gusto mo yatang maging Human meat talaga, Crystal Lim. Sabagay, may mga babies pa ako dito sa Wildlife Mountain na kumakain ng laman loob mismo ng tao. Wanna meet them or do you want to be meat for them?"

Walang ganang wika ni Heaven. Matapang na tumingin si Crystal sa kanya munit agad ding nag-iwas ng tingin at lalong pinagdiinan ang dulo ng baril sa sensitido ni Blade. Lumipat ang tingin ko kay Godee ng nag-iba ang presensya niya. Hindi nagustuhan ng kambal ang ginawa ni Crystal.

"Wrong move, Lim"

Sabay nilang wika at sa isang iglap. Si Crystal ang bumagsak sa damuhan. Walang malay ito habang may umaagos na dugo sa dibdib.