Dana's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyare kay Crystal. She's alive but unconscious. Hindi ko alam kung saan siya dinala nila Sun. Dahil nauna na ang mga taga Sullivan University na umuwe sakay sila ng isa sa mga Chopper ni Ocean!
Nagpakita ito kanina ng mawalan ng malay si Crystal. At siya rin ang nagpatulog sa kaibigan kong demonyo rin pala. Muntikan niya ng patayin si Blade ko! Meron pa silang pinag-usapan na hindi naman namin naintindihan. Nandito na rin kami sa rest house nila Tatay Manuel.
"Anong gagawin ko sa mga calixtus, Heaven?"
Walang galang na tanong ni Ocean sa pinsan niya. Kaninang nakakatakot na Heaven ay kalmado na ito pero nainis siya ng marinig ang tawag sa kanya ni Ocean.
"It's Ate Heaven, Ocean! Tsk. Ikaw na bahala sa kanila. Kung gusto mo i-cremate mo na sila."
"Heaven, They're alive not dead."
"Mas masaya nga yun. Buhay sila habang sinusunog mo."
"Tsk. You're heartless, Heaven."
"At ikaw naman wala kang galang! Sabi ng Ate Heaven ang itawag mo sa'kin, dimwit!"
"I gotta go, Heaven"
"Aish! Get lost!"
Umalis nga si Ocean bago siya lumabas ng pinto. Tinignan niya pa ako kaya napalunok ako ng laway at tinarayan siya. Tamad siyang ngumisi at ang mga abong mata ay nakaka-insulto na namang tumingin sa'kin. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. He's one of the Leader of ACES. Hindi ko akalain na makikita ko siya at makilala.
Kanina rin bago kami umalis sa Wildlife Mountain may nakita kaming mga taong armado at walang malay pawang mga naka-damit sundalo at marami sila. Hindi ko alam kung sino ang may gawa non but I guess it's Ocean nor Heaven. Sinabi rin nila sa'min na mga kasamahan ito ni Crystal. Can't believe na ang angelically na si Crystal ay isa palang kasapi ng isang sindikato na kumakalaban sa Hunterose clan. Nakuuu mabuti na lang talaga hindi niya totoong fiance si Worth-oppa. It's just her imagination.
"Nakakalungkot naman na hindi kayo magtatagal dito mga apo."
Wika ni Nanay Soray. Kahit ako ay nalungkot gusto ko ang pananatili rito sa Mountain Valley dahil marame akong natutunang new adventures. Mababait din ang mga mamamayan dito kaya ang sarap tumira sa lugar na ito. So peacefully.
"Kapag bakasyon na po namin from school, pangako po babalik kami dito, Nanay Soray."
Magalang na wika ni Blade. Such a grateful and humble man.
"Sige, aasahan ko yan."
"Ang mga doctor po na pinadala namin dito ay mananatili po sila dito hanggang sa gumaling po ang mga batang may sakit, Tay, Nay."
Wika ni Godee sa magalang na paraan. I rolled my eyes. Marunong din pala silang gumalang.
"Maraming salamat mga apo. Malaking tulong sila sa mga mamamayan dito sa Mountain Valley lalo na sa mga bata."
Pasasalamat ni Tatay Manuel. Sabay na ngumiti ang kambal sa dalawang matanda. Natigilan pa ako ng lumapit sila rito upang magmano at hinalikan nila sa noo ang dalawang matanda. The politeness gesture of Hunterose clan. Tumingin ako kay Blade ng ngumiti siya dahil sa ginawang iyon ng kambal. Very proud big brother to his two badass sisters. Lumapit na rin kami upang magmano sa dalawang matanda.
"DANA, mabuti hindi ka pinatay ni Crystal hahahhahaha!"
Hindi talaga buo ang araw ng kambal kapag hindi nila ako naiinis. Tinarayan ko si Godee sa sinabi niya. Nonsense!
We're here currently sa private jet ni Ocean. Siya ang naghahatid sa'min patungo sa mansion. It's better to ride Ocean's aircraft than to twin's hummer. Duhhh, papatayin kami ng kambal sa bilis ng pagmamaneho nila.
Maganda ang private jet ni Ocean. Malawak ang loob nito at bente katao ang pwedeng sumakay. Hindi katulad sa ibang jet 10 minimum lamang ang pwedeng maisakay. Si Godee ang assistant pilot ni Ocean katabi niya kase ito at nangungulit pa.
"You don't know nothing about aircrafts, ate Godee. So please behave yourself po."
Rinig na rinig namin ang sinabi ni Ocean sa pinsan.
"Aviation Kerosene, also known as QAV-1, is the fuel used by airplanes and helicopters equipped with turbine engines, such as pure jet, turboprop, or turbofans. Our kerosene's thermal stability ensures the aircraft's performance. Credits to the owner. Hahahahaha!"
Mahabang wika ni Godee. Ang ilan sa kanya ay namangha. I rolled my eyes. I knew it too. Tamad na suminghal si Ocean sa kanya.
"Tsk. Don't read that, Ate Godee. Kahit basahin mo pa ang tungkol sa mga aircrafts hindi mo pa rin kayang magpalipad nito."
"Hahahhahahah! Shut up, Ocean. Binuko mo ako."
"Tss. Behave ka na lang po."
Gusto kong mamangha sa relasyon nilang magpinsan. Kakaiba talaga ang mga Hunterose. Si Blade ko lang ata ang matino sa kanila. Bago pa ako mapagtripan ng kambal. Pinikit ko na ang mga mata ko at matulog muna. I want to rest.
Third Person's POV
Napansin ni Godee ang kanyang kambal at si Worth na sabay pumunta sa comfort room ng private jet. Lihim siyang ngumisi at umiling. Walang mga patawad hahahhaha!
Mabuti at mahimbing ang tulog ng mga kasamahan nila. Lahat mga pagod dahil sa mahabang hiking na ginawa ng mga ito. Tumingin siya sa hawak na libro tungkol sa mga aircrafts at pinagpatuloy ang pagbabasa rito.
"That girl, she squandered her life in a reckless job."
Wika ni Ocean. Si Crystal ang tinutukoy. Tumango si Godee bilang sang-ayon.
"We met her before in Sullivan University. We didn't know na childhood friend siya ng mga Miller. Isa nga siya sa mga sikat na estudyante sa S. U. because of her angelical face and friendly attitude. But, nawala rin siya ng mga ilang taon sa S. U. dahil sabi nga nila nagpapagaling ito."
"Wala namang sakit ang babaeng yun. I already informed her profile and I can't believe that she's a retinue of Alcaźar clan."
"Hmmm, we know that already. Crystal is talented when it comes to combat. Also, she's a good manipulator and spy. Pero, nagkamali siya sa kinuhang mission. Really? Lakas ng loob niyang kalabanin ang Hunterose."
They are the hell, death, demon, and God itself. Kings and Queens. The Bosses and The commander. No one can drag their bloodlines down that easy. Ilang decada na silang nangunguna at naghahari sa lahat. Even the World Government can't controlled their families generation.
"Si Heaven pa nga lang hindi nila kayang patumbahin. Paano pa kaya ang iba pa nating pinsan? Inaalay lang nila ang buhay nila kay kamatayan."
Ocean nodded what she said. Parehong kumunot ang noo ng dalawa nang naramdaman nilang may kakaibang galaw ang private jet. Tamad na hinawakan ni Ocean ang mic at binuksan iyon.
"The hell guys, fucking is not allowed here in my private jet."
Tamad niyang anunsyo. Ang ilan ay napamulat at nagtataka sa sinabi niya.
(A/N: Thank you for following, commenting, and voting. It makes me to update more chapters.)