Chereads / The Badass Twins / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

Dana's POV

I'm so scared right now! Kasalukuyan akong nagtatago sa mataas na mga damo. While, the freaking Lion continue hunting me. Hinahanap ako nito. Hinawi ko ng marahan ang damo upang makita ko ang lion na humahabol sa'kin! Gosh. Naglalaway ito at kitang kita ko pa ang mga matutulis niyang ngipin! So scary!

Natigilan ako at pigil hiningang hindi kumilos sa pwesto ko ng papunta dito sa gawi ko ang lion. Wala akong takas. At pagod na pagod na rin ang mga tuhod ko sa kakatakbo ng mabilis. Ang mga hinayupak na kambal na yun! Kakatapos lang namin maghiking at sinundan agad nila ng running marathon! Nanginginig na ang mga tuhod ko at anytime pupulikatin na ako.

Umatungal ang lion kaya lalo akong kinabahan. Masama ang tingin nito sa'kin! Huhuhuhu! Mommyyy!!! Daddyyyy!!!! Helppp meee po. Naka-ilang prayers na rin ako. And, I don't want to be a human meat!

Naghahanda na ang lion na dakmahin ako nag-iinat inat ito ng mga paa. Goshhh! Someone help me! Ngunit walang katao tao rito sa pwesto ko! Sino ang tutulong sa'kin? Umatungal muli ang lion kaya pumikit na ako at nagdasal. Lord, help me po.

Wala akong naramdamang pagkilos kaya dinilat ko ang mata ko. Ngunit natigilan ako ulit ng may bumungad sa'kin na napaka gwapong nilalang! Oh my God. Mas gwapo pa siya kay Blade. His ash gray eyes are so damn beautiful and fierce.

"The hell dude, pooping is not allowed here."

Tamad na sabi niya. Napakanganga ako sa sinabi niya sa'kin. Me? Tumatae? Oh my gosh.

"I'm not pooping."

Mahinhin kong sabi. Ngumiwi ito at umiling. Nagtaas ito ng kamay kaya nagulat ako ng bumulaga sa'min ang lion na humahabol sa'kin.

"Let's go, dude."

Aya niya sa lion. Napalunok ako ng laway ng hindi sumunod ang lion sa kanya dahil pumunta ito sa'kin at inamoy amoy ako especially my butt. Kinakabahan ako sobra baka bigla akong dakmahin ng lion na ito. "Groove, Let's go. Hinihintay na tayo nila ate Heaven." Wika niya muli. Doon na sumunod ang lion sa kanya at maamo itong yumuko. Walang takot siyang sumakay sa lion. Tinignan niya ako ng hindi ako kumilos sa pwesto ko. "Let's go dude, ikaw na lang ang wala sa tent niyo. You're weak." hindi ko naiwasang tarayan siya sa sinabi niya sa'kin. I'm not weak! Ngumiwi siya at tamad na inabot ang kamay niya sa'kin. Nag-aalinlangan akong tanggapin iyon. Nang akmang hahawakan ko na ang kamay niya bigla niyang iniwas kaya muntikan na akong masubsob.

"Asa ka"

Tamad niyang sabi! Ang mga abong mata niya ay nakaka-insultong tumingin. Tinignan ko siya ng masama. Pinakagwapo nga wala namang manners! Parang ang demonyetang kambal pinakamaganda nga. Mga immoral naman! "Let's go, Groove." aya niya muli sa lion. Nagsimula na itong naglakad kaya napapadyak ako sa lupa. Huminto ang lion at masama ang tingin nito sa'kin. Ang lalaki namang may kulay abong mga mata ay tamad na tumingin sa'kin. Ngumiwi ito bago bumaba at walang sabi sabing binuhat niya ako at pinasakay sa lion. Hindi ako nakagalaw sa takot bago ako nawalan ng malay ang huling naalala ko ay naglakad na ang lion habang pasan ako nito.

Third Person's POV

Naloko sila ng mga Leon. Akala nila ay dugo ang kulay pula sa mga katawan nito at bibig. Iyon pala ay kumain ito ng mga Dragon fruit at ang katas nito ay parang dugo. Matatalino ang mga Leon. Nagawa ng mga itong umakteng. Patay patayan. Nalinlang sila!

Pero, hindi nila akalain na mababait ang mga ito. Kaya bawat isa sa kanila ngayon ay may nililinisang Leon. Tinatangal nila ang mga katas ng Dragon fruit sa katawan ng mga ito. Lahat sila ay nasa pwesto nila kung nasaan ang mga tent nila nakatayo. Kompleto na ngunit wala pa si Dana. Hinuha ng ilan ay baka nahimatay na ito sa takot.

"Hahanapin ko lang si Dana."

Nag-alalang wika ni Jun. Alam niyang maraming Phobia si Dana kaya kailangan nasa tabi siya nito palagi.

"Ayun na siya, oh."

Turo ni Desdes kaya lahat sila napatingin sa huling lion na dumating. Pasan nito si Dana. Muntikan ng matawa ang kambal ng makita nila ang itsura ni Dana. Nakadapa ito sa lion at tinalian upang hindi mahulog. Ocean, you're the worst. Hahahahhaha!

"Ginawang sako ng bigas, amp."

Pigil tawang wika ni Heaven. Tumango tango pa ang kambal niya habang nagpipigil ding tumawa. Agad na lumapit ang kuya nila at si Jun kay Dana. Inalis nila ito sa pagkatali sa lion at binaba na.

"Wala na naman siyang malay. She's so weak."

Komento ni Godee. Sumang-ayon ang kambal niya. Sabay na nagtaas ng kamay ang dalawa. Senyales ng pagbalik ng mga lion sa area nito. Kahanga hanga ang pagiging mga masunurin nito.

"Mamamatay na yata ang pinsan mo, Worth"

Wika ni Heaven. Nasa likuran niya ito kaya rinig na rinig niya ang pagsinghal nito.

'Kupal amp! Pagkatapos niyang magdemand ng kiss. Susungitan niya na ako! HINDI NA SIYA MAKAKA-ULIT!'

inis niyang sambit sa isipan bago sumimangot at naka krus ang mga braso na tinignan ang mga kasama nila. Halatang napagod ang mga ito. Mga Leon pa lang ang nakasalamuha nila paano pa kaya ang iba pang mga hayop dito sa Wildlife Mountain.

"Ayos lang ba ang lagay ni Dana?"

Ngumiwi ang kambal ng marinig nila ang mahinhin na boses ni Crystal. Sinadya pa nitong lumapit sa kuya Blade nila.

"Kailangan niya lang ng pahinga. Sobrang napagod kase siya."

Sagot naman ng kuya nila rito. Lumiwanag ang mukha ni Crystal at namula pa ang pisngi.

" Di ba fiance niya kuno ang buhay mo. Eh, kung makakilig naman kay kuya. Daig pa fangirl."

Sambit ni Godee sa mahinang boses. Ngumiwi si Heaven at tinignan si Crystal.

"I like her presence. Magaling siyang magtago. Tsk. Wag niyang hintayin na mawalan ako ng gana sa kanya. She like riddle games. And I love death games. Cool di ba, twin?"

"Ngekkk, I like riddle games too."

Godee said so. "Ambobo naman kase ng mga bagong miyembro ni kuya. Kahit si Kuya bobo din, hahahhahaha! Partida, hindi pa nila napansin ang mabilis na kilos ni Crystal kanina ng hinabol sila ng mga Leon natin. Sabi, nagpapagaling pa ito from sickness kuno. Eh, nang makatambling tambling kanina ang liksi ng katawan." mahinang chismis ni Godee sa kanya kaya lalo siyang napangiwi. Wala pa ring malay si Dana kaya nilapitan niya ito sa may ulunan nito at hinawakan niya ang batok nito. Sinubukan pa siyang pigilan ni Jun pero napatigil ito ng tinignan niya ito ng masama. Walang gana.

"I'm bored. Wanna die?"

Walang gana niyang usal dito. Lumunok ito ng laway bago nag-iwas ng tingin sa kanya. Tsk. Isa ring mahinang nilalalang. May kinapa siyang vital organ sa batok ni Dana. Pinisil niya iyon ng mahina at namatay na nga si Dana.