Heaven's POV
Bakit nandito ang kulangot na ito? Nawala na ang hilo ko kaya umayos na ako ng upo at nakasimangot na tumingin kay Worth.
"I just want to take care of you."
Sabi niya at hinaplus pa ang buhok ko. Hindi ko siya pinansin. Tumingin ako kay Godee.
Biglang sumuka ito!
"What the... Are you okay, Godee?"
Nag-alalang tanong ng katabi niya habang hinahagod ang likod ni twin. Hindi ko man lang nakitaan ng pandidiri si Ryder. Partida, natalsikan pa ng suka ang sapatos niya. Binigyan niya ng plastic bag si Godee kaya doon nagpatuloy ng pagsusuka si twin.
"Mr. Garcia, pakihinto muna po ang bus sa Gas Station."
Utos ni Kuya sa driver namin.
"Opo, Sir Blade"
Pumunta si Kuya kay Godee. Ang mga kasama naman namin ay nag-alalang nakatingin kay twin maliban kay bruhang Dana. Diring diri ito sa nakikita. Arteee talaga.
"Yuckkk, so disgusting."
Maarte niyang saad. Hindi siya pinansin ni twin dahil nagsusuka pa rin ito. Hindi naman kaya maubos na ang kinain nito kanina? Nasobrahan na siya sa pagsusuka. Dapat bago mag limang minuto tapos na siya sumuka.
"Hoy twin, tama na yan."
Awat ko. Huminto naman siya at nakangising tumingin kay Dana.
"Anong sabi mo kanina? Disgusting?"
"Yeah, nakakadiri ka---"
Hindi nito natuloy ang pag-iinarte dahil binato ni twin sa kanya ang plastic na may laman ng suka niya.
Sapol ang mukha!
Shit. Parang gusto ko ring sumuka sa itsura ni Dana.
"Shit. The heck"
"Kadiri naman"
"I want to vomit too"
"Jesus Christ"
Kanya kanyang usal ng mga kasama namin dito sa bus. Tinignan ko muli si Dana. Hindi na naman ito gumagalaw. Huminto ang oras niya sa nangyare.
Natauhan lang ito ng huminto na ang bus namin sa dito sa may Gas Station.
"Yuckkkkkkkkk!!!!! Ewwwwwww!!!! Ewwwwww!!!"
Nagwawala si Dana! Nasira ata ang eardrums namin sa tili niya.
"Hey, hey, calm down, Dana. Tara sa comfort room tutulongan kitang maglinis."
Walang alinlangan na nilapitan siya ni kuya. Inalayan siya nitong bumaba sa bus. Kami naman ni twin ay nag fist bump.
"Nakakadiri ka, twin. Maglinis ka rin."
"Kadiri nga hahahhaha!"
Tawang tawa siya sa kababuyan niya. Nagkalat pa siya dito sa bus. "Pero, mas nakakadiri si Dana, nakakain siya ng suka ko hahahhaha!"
Dagdag niya pang sabi.
"Gross"
Masungit na saad ni Ryder sa kanya. Ang ganda naman ng lalaking toh. Naka braid ang buhok niya.
"Tara, sabay na tayo maglinis!"
Hinila siya ni twin. Walang nagawa ito kaya sumunod na lang siya.
"Sino ang maglilinis nito?"
Tanong sa'min ni Desdes.
"Ikaw na lang hahahahha!"
Tinuro ko siya pero umiling siya.
"No way"
"Ikaw na lang Kazunari maglinis. Kasalanan naman yan ni Dana kung hindi lang siya maarte edi sana hindi siya nasampulan ni twin."
Sabi ko kay Jun pero umiling din ito. Aba! Isa ring maarte, bagay sila ni Dana.
"Ako na lang po ang maglilinis, Ms. Heaven."
Biglang sabi ni Mr. Garcia. Family driver namin. Matanda na ito mga nasa late 60's.
"Magpahinga na lang po kayo Mr. Garcia. Ako na po ang bahala rito."
Magalang kong sabi sa kanya. Kinuha ko rin ang dala niyang basahan.
'Kasalanan ito ni twin, bakit naman kase binato niya pa si Dana? Ito tuloy nagkalat ang suka niya dito sa bus.'
Third Person's POV
Mangha silang nakatingin kay Heaven na hindi man lang nakitaan ng arte sa katawan. Maayos ang paglilinis nito sa suka ng kapatid.
"Ah Heaven, gusto mo tulongan na kita?"
Tanong ni Dk sa dalaga pero ngumiti lang ito sa kanya at umiling.
"Kaya ko na toh"
Nagpatuloy sa paglilinis ang dalaga. At bago siya matapos sa ginagawa, dumating na ang kuya niya at si Dana na abot hanggang kalawakan ang ngiti nito.
'Abnormal pa ata ang bruhang ito'
Saad ni Heaven sa isipan. Tumayo siya at nilapitan ang dalawa.
"Ikaw ang naglinis?"
Tanong ng kuya niya. Tumango siya.
'Kita mo na ngang may hawak akong basahan. Tsk. Kuya ko talaga kahit kailan.'
"Bakit hindi niyo siya tinulongan?"
Tanong naman ng kuya niya sa mga kasamahan nito. Walang sumagot.
"Mabuti nga walang tumulong sa kanya. Parusa sa kanya yan. Nakakadiri sila ni Godee!"
Epal ni Dana. Nagsalubong ang kilay ni Heaven saka nakangising tumingin kay Dana.
"Ito Part II"
Simpleng wika ni Heaven at walang alinlangan na pinunas sa mukha ni Dana ang hawak niyang basahan. Iyon ang ginamit niya sa paglinis ng suka ni Godee!
"Hahahahahhaha! See you there, witch!"
Sambit ni Heaven. Pagkatapos ay lumabas siya sa bus. Pinuntahan ang kapatid sa CR.
"Let's go twin"
Aya ni Godee sa kanya ng magkasalubong silang dalawa.
"Si Ryder?"
"Pinatulog ko hahahhaha!"
Natawa rin siya. Imbes na sa bus sila dumiretso. Biglang liko sila. Nagtungo sila sa likod ng Gas Station.
"Let's race"
Sabay nilang wika. At sumakay sa kanilang mga sasakyan. A two Hummer. Black and Yellow.