Third Person's POV
Napahilot ng sensitido si Blade ng makita ang dalawang Hummer na nag-uunahan sa kalsada. Pinagdadasal niya na sana hindi maaksidente ang mga nag drive nito.
'Godee at Heaven, kahit kailan ang titigas ng ulo niyo!'
Of course, Kilalang kilala niya ang nag mamay-ari ng dalawang Hummer na iyon. Regalo niya ito sa kambal.
"Kamusta ang lagay ni Ryder?"
Tanong niya kay Ozi. Ito ang nagbabantay sa kaibigan nila. Natagpuan nila itong walang malay sa banyo at hanggang ngayon na nagbabyahe na sila, hindi pa rin ito nagkakamalay.
"Wala na talagang magawa ng matino ang dalawang yun! Blade, parusahan mo na kase sila."
Saad ni Dana. Alam niyang inis na inis ito sa dalawang kapatid niya pero wala naman siyang magawa dahil hindi niya kayang diktahan ang mga kapatid. Oo minsan, nakikinig sa kanya. Pero, kadalasan ay hindi. Tatlong taon niyang hindi nakasama ang kambal at sa loob ng tatlong taon na iyon lalong lumala ang mga ugali nito.
'Kung hindi ko ba sila ini-spoil dati? Hindi ba sila magiging pasaway?'
But, Hunterose is run in their blood.
Wala ata sa lahi nila ang hindi pasaway maliban sa kanya.
"Sir Blade, hinarangan po ng kambal ang kalsada."
Bumagal ang takbo ng bus nila. Tumingin sila sa daan. Kita nila ang dalawang Hummer na palipat lipat ng lane. Sinasadya ng kambal!
Tumayo ang ilan sa kanila para tignan ang kambal ngunit muntikan na silang masubsob sa sahig ng biglang nagpreno si Mr. Garcia.
"Sir Blade, naflat po ang dalawang gulong sa dulo."
"What? Paanong nangyare iyon? I told you, suriin mo ng mabuti itong bus."
"Pasensya po, Sir"
"Ayos lang, sige na. Guys, bumaba muna tayo."
"What happened?"
Tanong ni Ryder. Nagkamalay na ito at mukhang wala pa sa sarili kaya inalayan ito ni Ozi bumaba sa bus.
"Oh? Mabuti naman gising ka na Ryder Hahahhahah! Kamusta?"
Bumalik ang lakas ni Ryder ng marinig ang boses ni Godee. Tinignan niya ito ng masama. Masamang masama! Huminto rin ang mga ito ng huminto ang bus nila.
"Paano ba yan, wala na kayong masasakyan, kuya."
Saad ni Heaven. Tumabi pa siya sa kuya niya.
"Sir Blade, nawawala po ang mga extrang gulong."
Ani ng driver nila. Si Blade naman ay napahilot muli sa sensitido niya. Ayaw niyang pagalitan ang driver nila sa kapalpakan nito. Dumagdag pa sa sakit ng ulo niya ang mga bosena ng sasakyan.
"Kuya, nakaka-abala na kayo sa ibang biyahero."
Saad ni Godee. "Mr. Garcia, ito ang susi ng Hummer ko iyon na lang gamitin niyo sa pagbyahe."
Dagdag na sabi niya sabay bigay ng susi sa driver nila.
"Are you sure? Ipapagamit mo yang Hummer mo?"
Paniguradong tanong ni Blade sa kapatid. Alam niya ang ugali ng dalawa, ayaw ng mga ito pinakikialaman ang mga pagmamay-ari nito.
"Oo naman kuya. Isa akong mabait na nilalang hindi katulad ni Heaven."
Everyone rolled their eyes.
"Guys, sumakay na kayo sa Hummer ni Godee. Iyong kulay itim ang sa kanya. Sumabay ka na sa kanila. Doon kami nila Worth, Dana at Deisiree sasakay kay Heaven."
"No way, bawal kayo sa Hummer ko."
Nakasimangot na wika ni Heaven."Doon kayo lahat kay Godee" dagdag pa nito habang nakakrus ang mga braso.
"Twin, bawal marami sa Hummer ko."
Reklamo ni Godee.
"Bawal din tao sa Hummer ko."
"So, ano ka? Demonyo?"
Sabat ni Dana.
"Epal. Walangggggggg sasakayyyyyy saaaaa Hummerrrrrr ko! Period!"
Lintaya ni Heaven. Bumugtong hininga si Blade saka inakbayan ang kapatid.
"Baby, promise bibigyan kita ng dalawang Hummer pagkatapos ng Outreach natin."
"Dalawa lang? Hmp! Gusto ko lima."
"Fine, lima."
"Sige, pwede na kayong sumakay sa Hummer ko. Opppsss, except to you Dana."
"What!"
"Ano? Hahahahahha!"
"Blade-oppaaaa, help me. Hinarangan ako ni Heaven."
Tumigil si Blade sa akmang pagsakay sa Hummer. Nilapitan niya si Dana. Agad itong kumapit sa braso ng binata.
"Baby, wag mo ng pagtripan si Dana."
Saad ni Blade sa kapatid. Sumimangot lang ito.
"Bawal witch sa Hummer ko, kuya."
"Fine, isa pang Hummer ang ibibigay ko sayo, deal?"
"Ayaw ko ng isa"
"O sige, lima ulit."
"Tumpak! Sige sumakay na kayo ni Dana the witch."
Nakasakay na lahat sa Hummer ng maalala ni Dana ang mga gamit nila sa bus.
"Blade, ang mga gamit natin naiwan sa bus."
Nag-alalang saad ni Dana, hindi pwedeng maiwan ang maleta niya lalo pa't nandoon ang mga kailangan niya.
"Bawal ng lumabas sa Hummer ko. Once na pumasok ka na dito hindi ka na pwedeng bumaba."
Wika ni Heaven. Siya ang magda-drive. Pati pag drive sa Hummer niya ayaw niyang ipagawa sa iba.
"What! Anong klaseng patakaran yan? Do you understand ba, nandoon sa bus ang mga gamit namin!"
Ngumisi si Heaven at pinasadahan ng tingin si Dana.
"May dalaw ka pala."
Aniya.
"What? Shut up."
Nahihiyang usal ni Dana. Totoong nahihiya talaga siya lalo pa't narinig ito ng kasamahan nila. Lalo na si Blade!
"Heaven, buksan mo na ang pinto kukunin muna namin ang mga gamit namin."
Saad ni Blade sa kapatid.
"Bawal nga. Wag matigas ang ulo kuya."
"Heaven Katana Amor----"
"Edi sige lumabas kayo! Bahala kayong masabugan!"
Putol ni Heaven sa sinabi ng kapatid. Taka siyang tinignan ng mga kasama niya pero hindi niya ito pinansin. Binuksan niya ang bintana.
"Ilang segundo pa bago sasabog ang bus? May kukunin daw sila kuya."
Wika ni Heaven sa kambal niya.
Naka-upo ito sa unahan.
"30 seconds remaining, ganon din ang mga kasama ko dito may kukunin din sila doon sa bus."
"Sige, ipakuha mo sa kanila nang sumabog din sila."
"Hahahhahaha! Salbahe"
"Ano ba yang pinag-uusapan niyong pasabog sabog na yan?"
Sabat ng kuya nila. Nasa unahan ito katabi ni Heaven. Sinara ni Heaven ang bintana. Ganon din si Godee.
Hindi alam ng mga ito na sumabog na pala ang bus na sinakyan nila kanina.
Fully armoured at tinted windows ang Hummer nila kaya hindi kita ng mga ito ang nangyare sa labas.
Pagkatapos ng pagsabog saka lang binuksan ng kambal ang mga binatana ng Hummer nila.
"Jesus Christ"
"Oh my gosh!"
"The hell"
"What happened?"
"Ang bus, bakit tinutupok ng apoy?"
Kanya kanyang usal ng mga kasama nila. Nagulat at hindi nakapaniwala sa nakita. Tanging ang kambal lang ang kalmado at pangisi-ngisi.
"Pasalamat kayo sa'min. Niligtas namin buhay niyo hahahahahaha!"
Sabay pang wika ng kambal saka nila pinaandar ng mabilis ang mga Hummer nila!