Heaven's POV
Hindi namin napigilang magtawanang tatlo nila twin at Star. Nang biglang nahimatay si Dana. Ibibigay lang naman namin ang kakailanganin niyang napkin pero nawalan siya ng malay ng makita kami.
"Ang panget mo kase, twin. Ayan tuloy, namatay na si Dana."
Sabi sa'kin ni Godee. Tinignan ko siya ng masama kaya lalo siyang tumawa. Tumingin ako kay Desdes na inosenteng sinusundot ang pisngi ng kapatid niya.
"She's not dead yet, Godee. Humihinga pa siya at mainit pa ang katawan niya."
Wika nito. Ang cute ng itsura niya. Kamukha niya si Annabelle. Sa bathroom siya nagtago upang gulatin sana si Dana kaso hindi naman ito pumunta sa cr dahil nawalan ito ng malay.
"DANA! Dana! Dana! Hey! Are you okay?"
Boses iyon ni Jun. Kumakatok ito sa pintuan. Marami sila. Bago pa nila kami mahuli agad na kaming pumunta sa bintana at doon dumaan.
"Ang hina naman ni Dana Miller, I thought she's matapang. Kase noong nasa Sullivan University sila ang maldita niya."
Saad ni Star. Siya iyong nakatiwarik sa puno kanina. Gymnastic ang favorite sport niya kaya hindi mahirap sa kanya ang magsplit, bumaluktot, o di kaya magpatiwarik.
"Defense mechanism niya ang pagiging mataray but deep inside mahina talaga siya."
Wika ni Godee. Sang-ayon ako sa sinabi niya. Walang binatbat ang mga bagong miyembro ni kuya. Hindi namin alam bakit mahihina ang kinuha niya. Kahit sa combat walang alam ang mga ito. Maliban kanila Worth at Ryder dahil matagal na silang member ng ACES. Ordinary weak student member of ACES. Tsk. Ano na lang ang magiging reaksyon ng mga ibang ACES?
"Sabi kase sa'min ni Blade. We are the Ordinary ACES. Meaning to say, hindi pa talaga kami miyembro ng ACES. Malabong mangyare iyon dahil mga ordinaryong mamamayan lang kami dito sa Pilipinas."
Biglang sabi ni Desdes. Tinignan namin siya. She's so innocent. Kaya siguro hindi sila ginawang totoong member ni kuya dahil sa kanya. Ayaw niyang mabahiran ng dugo ang kamay ng mga kaibigan niya. I know it. Kaibigan ang turing ni kuya sa kanila hindi lang basta kaklase. Once, your a member of ACES you'll be a retinue of Hunterose. Nagkalat ang mga miyembro ng ACES kahit saang school sa buong mundo. Pero iisa lang ang leader nila walang iba kundi ang magkambal na gubat.
ACES the most popular squad that created by Hunterose clan. Karamihan sa mga estudyante ay pangarap na magiging miyembro sa grupong ito. Munit, hindi ganon kadali ang mga prosesong pagdadaanan. Dead or Alive. Be a fighter and a genius.
Hunterose Clan is the most powerful and dangerous family you've ever meet. They are the founder and the ruler of World Underground Society even in Business Industry. They've under controlled the Mafia family, Assassins, Gangsters and other dangerous people. Some of the Hunterose possessed crimson eyes, dark black eyes, sky blue eyes, and black gray eyes. They also known being badass, sovereignty and authoritative. Ginagalang at hinahangaan ng lahat. And lastly, our Kingdom will be found in Russia.
"Pero, pinapangarap mo bang maging isa sa ACES?"
Tanong ni Star kay Desdes. Umiling ito. Sun, Moon and Star are member of ACES. The Sullivan siblings.
"Hindi ko pangarap pero pangarap ng pamilya namin na maging miyembro kami ng ACES."
"Kaya pala si Dana, hindi niya kaya maging isa sa ACES kaya nilalandi niya na lang si Kuya."
Saad ni Godee. Napatawa kami ni Star ng mahina.
"Ano, may gusto talaga siya kay Blade dati pa bago kami nag-aral sa Huntress University."
Saad ni Desdes.
"Eh, ikaw. Wala ka bang gusto sa perpekto naming kuya?"
Tanong ko sa kanya. Tumango siya ng sunod sunod.
"Hindi ko siya gusto. Hinahangaan ko siya bilang magaling na leader pero hindi ko siya gusto. Hindi talaga kailanman."
Ang inosente ng pagkasabi niya. Parang bata na humahanga sa idolo niyang killer.
"Hindi pa naman nanligaw sayo si kuya pero basted na siya, hahahahahha!"
Wika ni Godee. Nagtawanan kami nila Star. Si Desdes naman ay inosenteng nakatingin sa'min. Napa-iling ako at inakbayan siya.
"Yung Crystal? Kilala mo ba yun?"
Tanong ko sa kanya. Tumango siya.
"Kaibigan siya nila Dana."
"Since when?"
"Since childhood until now"
"Eh, ikaw. Hindi mo ba siya kaibigan?"
"Ayaw ko sa kanya."
"Why naman, she looked nice naman at pretty pa."
Sabat ni Star.
"Di ko alam basta ayaw ko talaga sa kanya. Hindi ko gusto ang existence niya dito sa mundo."
"Tama ka diyan. Ayaw din namin sa kanya."
Sang-ayon ni twin. Nandito kami sa isang igloo malapit sa tinutuloyan namin. Malamig sa labas kaya pumasok muna kami rito. Speaking of Worth nakita ko siyang lumabas sa rest house. Saan naman kaya ang punta ng isang yun? Gabi na.
"Dito muna kayo. Susundan ko lang ang buhay ko."
Sabay na ngumisi sina Godee at Star sa'kin. Hindi ko sila pinansin at lumabas na sa igloo.
Third Person's POV
Nahilot ni Blade ang sensitido ng makita nila si Dana na walang malay sa sahig. Napapalibutan ito ng mga napkin. Girl's thing. Agad binuhat ni Jun ang dalaga at inihiga sa kama nito.
"Is she smoking?"
Tanong ni Moon sa kanila. Pagpasok na pagpasok nila sa silid ng dalaga ay nangangamoy usok dito. Sabay umiling ang ilan.
"Dito galing ang usok."
Saad ni Ryder. Nakasilip siya sa may bintana at tinitignan ang isang igloo. Nakabukas ang ilaw nito kaya sigurado siyang may tao sa loob.
"Gabi na. Sino naman ang magpapa-usok? And I'm sure, nagpapahinga na sila tatay Manuel."
Usal ni Ozi. Lumapit din siya sa kaibigan at sumilip din sa bintana.
"Ryder, tawagin ang mga babae. Pakisabi, alagaan nila si Dana."
Utos ni Blade. Tumango ang kaibigan at lumabas ito sa silid.
"Uhm, Blade ako na muna ang bahala kay Dana."
Mahinhin sa saad ni Crystal sa binata. Ningitian siya ni Blade kaya hindi niya naiwasang mag blush. 'Ang gwapo niya talaga. Super!' Aniya sa isipan habang nakatingin kay Blade.
"Ayos lang ba sayo? Baka makakasama sa kalagayan mo?"
Nag-aalala pang wika ng binata kaya lalong hindi mapakali si Crystal. Parang kinikiliti ang puso niya sa boses nito. She blushed even more.
"Uhm... Ayos lang sa'kin."
"Sige, doon muna kami sa sala. Samahan mo na rin si Dana matulog dito. Thank you, Crystal."
Nakangiting wika ni Blade at tinap pa ang ulo ni Crystal. 'Shit! Hihimatayin din yata ako!' Pigil na pigil niya ang sarili na tumili sa kilig. Masyadong pinagpala ng kagwapuhan ang lalaking nasa harap niya at ito pa ang pinapangarap ng lahat ng mga kababaihan. Sino ba naman ang makakaiwas sa karisma ng isang Sky Blade Hunterose? He's perfectly handsome and successful bachelor in town. At napakabait niya pa sa lahat.
WORTH felt someone following him. It's her presence. Hinahayaan niyang sundan siya nito. Hindi niya na kailangan hanapin ang taong gusto niyang makasama dahil nakasunod na ito sa kanya. Gusto niya itong yayain pumunta sa may Waterfall. He's been here long time ago kaya familiar niya sa kanya ang bawat sulok ng Mountain Valley. At ang waterfalls na iyon ang gusto niyang puntahan together with his love of his life. Tago ang waterfalls na iyon kaya walang taong pumupunta doon.
'Saan ba pupunta ang pindeho na ito?'
Sambit ni Heaven sa kanyang isipan. Kanina niya pa sinusundan si Worth pero parang walang katapusan ang paglalakad nito. Malayo na rin sila sa rest house nila. Tumingala siya sa buwan. Full moon. Salamat sa liwanag nito kundi kakapa kapa sila sa dilim. Binalik niya ang tingin kay Worth ngunit hindi niya na ito nakita.
'Saan na ang pindehong yun?'
Hindi niya rin maramdaman ang presensya ng binata. Alam niyang naramdaman nito ang presensya niya dahil hinayaan niyang maramdaman nito na nakasunod siya rito. Tumingin tingin siya sa paligid. Puro puno at mga matataas na damo ang nakikita niya. Pinakiramdaman niya ang paligid. May narinig siyang agos ng tubig.
"Damn! I'm here in my private waterfalls.'
Aniya. Muntik niya ng makalimutan ang talon na paborito niyang tambayan ng nanatili sila ng kambal niya dito sa Mountain Valley noong nakaraang tatlong taon.
Dali dali niyang hinawi ang mga matataas na damo at bumungad sa kanya ang napakagandang waterfalls.