Godee's POV
Gusto kong matawa ng malakas na malakas ng nagpakita sa kanila ang baby Cobran ko. Hahahahhaha! Their reactions are priceless! Napanood ko ito sa laptop ni Ocean. Ang lungga ni Cobran ay isang hideout konektado ito sa hideout ni twin doon sa may Waterfalls. Akala siguro niya hindi ko alam ang tungkol doon. Eh, I'm Godee the Genius Hahahhaha! Ang mata ni Cobran ay nilagyan ko iyon ng chips. Para na rin sa kaligtasan niya dahil siya ang ginawa namin ni Twin bilang tagapagbantay sa ilog na may Golden Bridge. Araw araw kong nakikita ang ginagawa niya sa paligid dahil under monitoring ko siya.
At caretaker niya ang pinsan naming si Ocean. Inatasan ko rin itong alagaan ang Cobran ko. Bukod sa mayaman siyang bata, nagmamay-ari siya ng maraming sasakyang pang himpapawid. At the age of 9, he has already hundreds of Airports. At ngayong 17 na siya, thousands na ang mga Airlines niya all around the world. Sa sobrang yaman niya wala na siyang magawa sa buhay niya kundi ang maging isang Caretaker hahahahahha! Our multi Billionaire cousin is a fucking caretaker. Tagapag-alaga ng hayop at tagapagbantay sa kabundukan.
"Ayaw mo bang magpakita kay kuya Blade?"
Tanong ko sa kanya. Nasa loob siya ng Helicopter niya habang ako ay nakababa na. Pinagmasdan ko ang bundok. Ilan na kaya ang napatayo nitong landingan ng mga Helicopter niya rito sa bundok?
"I don't like killers, Ate Godee."
Tamad nitong sagot. Ang mga abong mata ay inaantok na naman.
"Hahahahhaha! Yeah, yeah. Kaya nga naiinis ka ring makita si Scythe. He's here. You know?"
"Tsk. That fucker. Umalis sila ni Ate Lovely. Ako ang naghatid sa kanila gamit ang Chopper ko."
"Ano! Shit! Bakit hinayaan mong itanan niya si Lovely?"
"He said, gagamutin niya raw si Ate Lovely. He can do surgery for her eyes."
"Alam ba ni Heaven ito?"
"Of course, sa tingin mo ba makakaalis ganun kadali si Scythe the psychopath kung walang pahintulot ni Ate Heaven."
"Well, siya lang ang nag-iisang taong naniniwala kay Scythe. That's why, Scythe loves her so much as a sibling and cousin."
"I trust Kuya Scythe, too."
"You like Scythe more than kuya Blade, noh?"
"Tsk, his one of the most dangerous Hunterose. So, I don't like him."
"But you love Heaven?"
"Of course, she's my ate, my guardian, my master. Malaki ang respeto ko sa kanya."
"So, boto ka kay Worth para sa kanya?"
"Kuya Worth Galvez? Hmm, yeah. They fit each other. And kuya Worth love her so much. How about you, Ate Godee? Nanligaw na ba sayo si Kuya Ryder?"
"Torpe ang isang yun, Ocean. Hahahahahha! Ako na lang ang manliligaw sa kanya."
"That gross"
"Hindi kaya!"
"Fine, sabi mo eh. I gotta go, ate Godee."
"Yeah, take care. See yah later."
Tamad itong tumango. Lumayo na ako ng sinimulan niya ng paandarin ang Helicopter niya.
Daig niya pa kami ni Twin, siya ang bata bata pa pero successful na sa buhay habang kami ni Twin, 20 years old na, palamunin pa rin sa mansion hahahahhaha!
"Si Ocean ba yun?"
Tanong sa'kin ni Moon. Nang makalapit ako sa tent nila. Nakita nila lahat ang paglanding ni Ocean ng Helicopter kaya agaw pansin ito.
"Yeah, nagpahatid ako sa kanya rito. Nakakatamad kasing maghiking hahhaahahaha!"
"Tsk. Kahit kailan naman tamad ka. Good morning."
Saad ni Moon at hinalikan ako sa noo.
"Goodmorning din, goodmorning din sa inyo."
Bati ko sa mga taga Sullivan University. Nagsitanguan ito maliban doon kay Crystal. Pansin kong nag-ikot siya ng mata. Taray. Basagin ko kaya bungo niya. Hahahahaha!
"Hindi ko man lang nasilayan ang gwapong mukha ng crushieee crushieee kong si Ocean."
Dismayadong wika ni Star. Natawa kami ng mga kapatid niya.
"Stop dreaming about him, Star. Bawal family stroke sa lahi natin hahahahahahha!"
Sumimangot siya sa sinabi ko. Ewan ko ba sa bababeng toh. Ang dami daming lalaki sa mundo kay Ocean pa siya nahumaling. Eh, bawal naman sila hahahhahaha!
"Ang tagal naman nila Blade."
Sambit ni Sun. Malamig ang awra nito. Nagiging tao lang siya kapag kasama niya si Twin. Hmp! Mga walang emosyon!
"Nangangabayo pa"
Sabi ko. Kumunot ang noo ni Sun. Malamig itong tumingin sa'kin.
"What?"
"Kako, si Heaven nag ho-horse riding."
"Tss. Galit pa rin siya sa'kin."
"Ikaw naman kase, nagpalandi ka kay Dana."
"It's not true. Ang Miller na yun ang kusang lumapit sa'kin at inangkla ang braso niya sa braso ko."
"Buti hindi mo pinatay. You hate it when someone touch you, well except twin."
"Tsk. Pasalamat siya nasa public place kami kundi hindi na natin kasama ang Miller na yun dito sa Outreach."
Walang emosyon niyang wika. Inis din yata kay Dana ito.
"She's our comrade, Sun. Don't hate her."
Suminghal ang magkakapatid.
"Kaya pala, palagi niyo siyang pinagtritripan."
Saad ni Moon. Ngumisi ako.
"Part of the training, I guess?"
Tumango silang lahat at bumalik na sa mga tent nila. Ako naman ay nilibot ang paningin sa paligid. Wildlife Zoo. It's also known Wildlife Mountain dahil lungga ito ng mga iba't ibang klase ng hayop. Giant, Wild, and Fiercest. May boundary ang mga area nila kaya hindi sila basta basta makakapunta dito sa pwesto namin. Malaya pa naman ang mga baby animals namin dito sa Wildlife Mountain. Hindi sila naka cage dahil ayaw ni Heaven na kinukulong ang mga alaga niya. Kaya, pagala gala lang ang mga hayop dito sa bundok na ito. But, they'll know their limits. They are wild but genuinely smart.
Natanaw ko na sila Kuya Blade kasama ang grupo niya at si twin. Hindi ata sila kompleto. Wala si Song.
"Saan si Kanta?"
Tanong ko sa kanila ng makalapit sila rito sa tent namin. Agad sumalampak ang ilan ng upo ang mga ito sa damuhan. Nagpapahinga.
"Bakit hindi mo panoorin ng buo ang video recording. Para malaman mo kung nasaan si Song Kwan."
Tamad na sagot sa'kin ni Twin. Walang gana itong nakatingin sa'kin. Napalunok ako ng laway at nag-iwas ng tingin sa kanya. She's mad.
"Don't tell me, KINAIN SIYA NI COBRAN?!"
Kunwareng gulat kong sabi. Hindi ko tinapos ang panonood sa kanila kanina kaya hindi ko alam kung anong nangyare sa kanila sa ilog. Walang sumagot sa kanila. "Bakit si Kanta pa? Pwede namang si Dana na lang. Sinabi ko na nga sa kanya na ang hahabulin niya ay iyong babaeng mataray at may pekeng dibdib. Tsk. Hindi niya sinunod ang utos ko." Kunwareng inis na sabi ko. Ayaw kong matawa dahil baka masipa ako ni Twin papunta sa ilog.
"Hindi naman kinain si Song, Godee. Hinatid siya ng kabayo ni Heaven sa rest house natin."
Inosenteng wika ni Desdes. Tumango tango ako. Lahat kami napatingin kay Star ng humahangos siyang pumunta dito sa'min. Nababahala siya at nag-aalinlangan sa sabihin. Lumunok pa siya ng laway at takot na tumingin kay Twin.
"Ate Heaven, ang mga Lions po ay walang malay at duguan po sila!"
Buong tapang na sabi ni Star. Nagtago siya sa likod ko ng pagkatapos sabihin iyon dahil walang ganang tumingin sa kanya si Heaven. At ang presensya nito ay napapalibutan ng malamig na awra. Shit!
(A/N: Following, commenting, and voting are appreciated. Thanks for that. Nakakadagdag gana sa pag-update ko.)