Third Person's POV
Dahil wala namang nagtaas ng kamay sa kanila iniwan na sila ng Helicopter. Kasalukuyan silang tatawid sa ilog. Palunok lunok pa ang ilan ng makita nila kung gaano ito kaganda ngunit alam nilang sobrang lalim nito.
"Paano tayo tatawid, Blade?"
Tanong ni Ozi sa kanilang Leader. Katabi niya si Desdes dahil inaalayan niya itong maglakad.
"Sabi nila tatay Manuel may tulay ang ilog na ito. Bakit wala akong makita?"
Saad ni Song. Kumakain siya ng burger. Nagutom sa pagha-hiking.
Dapat nagtaas na lang siya ng kamay kanina nang tinanong sila ni Godee. Nakakapagod ng maglakad at nababawasan na ang taba niya. At makakasama niya pa sana ang crush niyang si Godee.
"Don't tell me, lalangoy tayo sa ilog upang makatawid? Tama ba ako, Blade?"
Tanong ni Dana. Lumapit pa siya sa binata at kumapit sa braso nito. Feel na feel.
Munit, natigilan silang lahat ng may gumalaw sa ilalim ng tubig. Green na green ang kulay ng tubig kaya hindi nila nakikita ang ilalim nito. Lalong humigpit ang pagkapit ni Dana sa braso ni Blade ng pabilis ng pabilis ang paggalaw ng tubig. "AHHHHHHHH!!!!" takot na nagtilian ang ilan sa kanila ng bumungad sa kanila ang isang napakalaking ahas! Sobrang laki nito! Kahit sina Blade, Worth at Ryder ay kinakabahan sa nakita munit hindi sila nagpakita ng takot. Ang laki ng ahas kaya silang lunukin nito lahat. Isang kain lang sa kanila ubos na sila. Mas malaki pa ito sa isang puno!
"SSSSSSSSSSSSS"
That's sound of the giant snake! Kitang kita nila ang paglabas ng dila nito. Anytime pwede silang tuklawin! Ang fierce ng mga nito! Nakakatakot! Ang mga ngipin nitong malalaki at matutulis! Isang nguya lang kanila patay na agad!
"Guys, don't move at huwag kayong gumawa ng ingay."
Kalmadong sabi sa kanila ni Blade. Lahat sila sumunod. Ngunit! Gumalaw ang ulo ng ahas! Tumingin ito sa direction ni Song! May pagkain siyang dala dala! Mabilis na gumapang ang ahas kaya nagtilian sila at nagtakbuhan kung saan saan. Ngunit ang hinahabol ng ahas ay si Song!
"Ahhhhhh!!!! Tulong!!!! Tulongggg!!!"
Nagsusumigaw na hinging saklolo ni Song. Naiiyak siya sa takot. Mommy! Daddy!!! Ito ang unang at huling hiking niya! Hindi na siya uulit pa! Hinahabol pa rin siya ng ahas kaya binilisan niya pa ang takbo kahit alam niyang maaabutan na siya nito.
Hindi ito ang pinangarap niyang kamatayan. Gusto niyang mamatay sa busog hindi sa ahas!
Habang sila Blade, Ryder at Worth ay gumawa ng paraan para mapatumba ang ahas. Ngunit hindi nila kayang patumbahin ang dambuhalang ahas na ito baka sila pa ang patumbahin nito at kainin. Sobrang laki at haba ng ahas dahil nasa tubig pa rin ang kalahati nitong katawan habang hinahabol si Song. Naaawa na sila sa kaibigan. Alam nilang pagod na ito sa kakatakbo at takot na takot pa ito.
'What to do, what to do, anong gagawin nila?"
Wala silang laban sa malaking ahas na ito. At makamandag pa ang venom nito dahil isa itong Cobra. Nakakatakot! Kulay itim ito at asul ang mata. Kakaibang ahas!
"AHHHHHHHH!!!!!"
Naging alerto sila dahil sa sigaw na iyon ni Song. Hindi na nila nakita ang kaibigan kaya sinundan nila ang bakas ng ahas. Iniiwasan nilang masagi ang katawan nito.
"AHHHHHH!!!! TULONGGGGG!!!"
Sigaw muli ni Song.
"Cobran, what are you doing?"
Natigilan silang lahat ng makita si Heaven nakasakay ito sa isang puting kabayo na may asul na mata. Kahit ang ahas ay naging maamo. Tumigil ito sa paghabol kay Song na hindi nila alam kung paano ito nakasakay sa kabayo nasa likuran ito Heaven.
Naglalambing ang ahas kay Heaven. Yumuyuko ito. Kaya hinaplus ng dalaga ang ulo ito. Sila ang nakakaramdam ng takot para sa dalaga.
"He's Godee's friend. Bakit mo siya hinabol, Cobran?"
Mahinahon na tanong ng dalaga. Tumingin ang ahas kay Song especially sa Burger nito! Nilingon ni Heaven ang binatang nanginginig sa takot.
"Dapat kase binigay mo ang burger mo sa kanya. He wants your food."
Inis na saad ni Heaven. Paano na lang kung hindi siya dumating agad? Siguradong lalamunin ito ng buo ni Cobran.
"Di... Di.. Ko alam.. He.. Heaven."
Nanginginig nitong sabi. Kaya masamang tinignan ni Heaven ang ahas!
"Look! What you did! He's shivering and scared! Do you want to die, Cobran!"
Galit na sigaw ni Heaven sa ahas. Kahit sila ay natakot sa dalaga. Minsan lang nila itong nakikitang galit kaya mas nakakatakot ito sa ahas. Nagsitabihan sila ng biglang gumalaw ang ahas! Bumalik ito sa tubig at nagtatago.
"Kainin mo ito, Song. Para hindi ka na manginig diyan."
Inabutan ng bubble gum ni Heaven ang binata. Tinanggap naman nito kaya bumaba na siya sa kabayo niya.
"Take care of him, Haven"
Malambing na sabi ng dalaga sa kabayo. Yumuko ang kabayo bilang pagsang-ayon sa sinabi ng amo. Pipigilan sana nila ito ng nagsimula ng maglakad ang kabayo habang sakay si Song pabalik sa rest house nila.
"The hell guys, Bakit lumabas si Cobran sa lungga niya? Nandito ba si Godee kanina?"
Salubong ang kilay na tanong ni Heaven sa kanila.
"Yeah, nakasakay siya ng Helicopter. At nag-ayang sumakay kami."
Si Blade ang sumagot sa kapatid. Hindi na siya nagtaka kung bakit madaming alam ang mga kapatid niya sa lugar na ito. Nakwento sa kanya ni Tatay Manuel na nanatili ang kambal dito ng ilang taon.
"Tsk. Sinadya niyang magsalita para lumabas si Cobran sa lungga nito. Kung hindi pa ako dumating, patay na kayong lahat, kuya."
Pananakot ni Heaven sa kanila. Ang ilan ay palihim na lumunok ng laway.
"Alaga niyo ba ang ahas na iyon?"
Tanong ni Ryder. Ngumisi ang dalaga.
"He's Godee's baby, Ryder. Hindi lang alaga. Hahahahhaha!"
"Tsk."
Sumimangot si Heaven ng marinig niyang suminghal si Worth. Hindi niya pinansin ang binata at lumapit sa may ilog.
"Cobran, yuhoooo! Pagamit kami ng tulay. Tatawid kami sa kabila."
Wika ni Heaven. Naging alerto sila ng gumalaw muli ang tubig. Ngunit, natigilan sila ng lumutang ang isang magandang bridge. Gawa ito sa ginto!
Tunay na ginto!
"Wowww"
"Amazing"
"Ang ganda!"
Lahat sila namangha sa tulay na gawa sa ginto. Kakaiba!
"Tara na, bago pa topakin si Cobran at ng matuklaw si Dana, Hahhahahaha!"