Third Person's POV
Tapos na ang unang araw ng Outreach program nila. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa isang Rest House. Pagod na pagod ang grupo ni Blade at grupo ni Sun. Habang ang twins naman ay nakahiga sila sa isang duyan na gawa sa Buri Palm.
"Saan pala si Worth?"
Tanong ni Heaven sa lahat. Pareho parehong nagulat ang mga ito.
"At bakit mo siya hinahanap!"
Sabay na bigkas nina Blade, Sun, at Dana.
"Na miss ko lang siya, masama ba? Hindi ko naramdaman ang titig niya sa'kin ngayong araw. Kaya, nagtataka ako kung saan siya."
Aniya. Walang pakialam sa sinasabi.
"Well, magkasama lang naman sila ni Crystal. His fiancee."
Nang-uuyam na saad ni Dana. Sa tingin niya mukhang may gusto ito kay Worth. Ngumiwi si Heaven.
"Ah, mag fiance pala sila."
Sabi ni Heaven. Umalis siya sa duyan at lumabas sa Rest house.
Gustong magdiwang ni Dana sa tuwa dahil sa wakas masasaktan na si Heaven. Gusto niyang makita itong umiyak dahil sa pag-ibig. 'Hahahahahha! Buti lang sa kanya iyon! Pina-ibig siya ni Worth-oppa para masaktan'
Aniya sa kanyang isipan habang tinitignan si Heaven na lumabas. Sumunod si Godee sa kapatid.
"Ano palang balak mo kay Scythe?"
Tanong ni Godee sa kambal.
"Hayaan mo na. Matigas ang ulo ng isang yun."
"Hahahahhaha! Parang ikaw lang."
"Lul. Ikaw din naman ah"
"At least, may malambot pa rin sa parte ng ulo ko."
"Saan banda? At ng patigasin ko."
"Wag na. Mabuti nga may mabait bait pang anak ang magulang natin."
"Sino? Si kuya Blade? Tsk. Kung alam lang nila, may kasamaan ding tinatago si kuya."
Huminto sila sa kanilang pag-uusap ng makasalubong nila sina Worth at si Crystal. Todo kapit ang fiancee ng binata sa braso nito. Halata naman kay Worth ang pagkadisgusto sa babae.
"Hi, Heaven and Godee."
Bati sa kanila ni Crystal. Ang hinhin ng boses nito. Kaya lalo silang napangiwi. Kung susuriin mo rin ang babae parang hindi ito makakabasag pinggan. "I'm Worth's fiancee nga pala." proud na dagdag pa na sabi nito. Tinignan ni Godee ang binata. Nakatingin ito sa kapatid niya na malayo naman ang tingin.
"We're not interested to your fucking existence."
Wika ni Godee. Saka sila nagpatuloy sa paglalakad.
"May napansin ka ba sa kagubatan, twin?"
Tanong ni Heaven. Kumunot ang noo ni Godee at tumingin sa paligid. Nasa gitna sila ng kagubatan napadpad.
"Bukod sa mapuno at madilim. Wala na."
Mag gagabi na kaya dumidilim na ang paligid.
"May tao sa Wildlife Zoo."
Malapit na sila sa area kung saan ang mga mababangis na hayop.
"Baka si tatang Manuel lang yun. Tara na nga, bumalik na tayo sa Rest house. Nagugutom na ako."
Saad ni Godee kaya bumalik na sila sa Rest house.
Dana's POV
Natapos na ang unang araw ng Outreach program namin. At sobrang pagod na pagod kami lahat maliban sa twins! Wala silang ginawa kundi ang awayin ang mga bata. Kaya, maya't maya may umiiyak na batang lumalapit sa'kin. Nagsusumbong.
"Bukas naman ang gagawin natin ay mag-asikaso ng mga hayop sa Wildlife Zoo. Ihanda niyo ang sarili ninyo dahil magha-hiking tayo."
Wika ni Blade. Kahit pagod na ang mukha niya ang gwapo niya pa rin. Kaya mahal na mahal ko siya. Walang araw na hindi siya gwapo at mabait.
"Sir Blade, nakahanda na po ang hapunan ninyo."
Saad ni Tatay Manuel. Siya pala ang Kapitan dito sa lugar na ito at bahay din nila itong tinutuloyan namin. Kamalas malasan pang kasama namin dito si Star. Ayos lang sana kung sina Sun, Moon at Crystal lang ang kasama namin dito sa Rest house kaso may malanding umepal. At ang nakakainis pa masyado siyang madikit kay Blade ko!
"Nasaan na ba nagpunta ang dalawang iyon? Magdidilim na sa labas baka kung anong mangyare sa kanila."
Nag-aalang usal ni Blade. Tinutukoy niya ang demonyetang kambal. Kung ako sa kanya hahayaan ko na lang ang dalawang iyon. Mga piste naman iyon sa buhay!
"Uhm, sila Godee at Heaven ba ang tinutukoy mo?"
Tanong ni Crystal ng makarating sila dito ni Worth-oppa sa Rest house. Makakapit naman ang babaeng ito kay Worth-oppa parang linta pero mag fiance naman sila kaya ayos lang. Ngumiti si Blade sa kanya kaya lihim akong napaikot ng mata. That's smile is mine!
"Oo, nakita niyo ba sila?"
Sagot ni Blade. Napatingin ako kay Crystal ng mapansin kong namula ang pisngi niya! What the heck! Don't tell me, may gusto siya sa Blade ko? Pero baka naman dahil kay Worth-oppa kaya siya namumula. Patay na patay nga pala siya sa pinsan namin.
"Nakasalubong namin sila diyan sa daan pero hindi namin alam kung saan sila tutungo, Blade."
Tumango ang Blade ko. Ako naman ay lumapit kay Crystal at Worth-oppa.
"So, kamusta naman kayong dalawa? Okay na ba kayo, Worth-oppa?"
Tanong ko sa pinsan ko. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi niya ako pinansin at iniwan kami ni Crystal na nakatanga.
'Urgh! Para siyang si Heaven! Nagiging masama na rin ang ugali ni Worth-oppa! Ayan yata napapala niya kakamasid kay Demonyetang Heaven!'
"Hindi man lang nagbago ang pakikitungo niya sa'kin, Dana girl. Talagang ayaw na ayaw niya sa'kin."
Napa-ikot ako ng mata. Talagang hindi ka niya magugustuhan dahil mahal na mahal niya si demonyetang Heaven. Sabi ko sa isipan ko. Ayaw kong sabihin sa kanya ang nasa isip ko baka lalo lang siyang masaktan.
"It's okay Crystal girl. Darating din ang panahon na mamahalin ka rin niya. Just continue flirting him."
Matinong payo ko. But deep inside I want to vomit. Ewww.
"Mga Señorito at mga Señorita, nakahanda na rin po ang mga silid na tutuloyan ninyo. Nandoon na rin po ang mga kakailanganin ninyong pansariling gamit."
Anunsyo iyon mula sa ikalawang palapag nitong Rest house. Isang babaeng dyosa ang nakita namin at may kasama itong Golden Retriever. Ang laki ng aso hanggang bewang ko ata ang sukat nito.
"Lovely, anong ginagawa mo rito?"
Napatingin kami lahat kay Blade ng nagmamadali nitong lapitan ang babae. Ngayon ko lang nakita si Blade na parang balisa. Tumahol ang aso sa kanya kaya huminto siya sa akmang pagyakap sa babae. Tumigil ang aso sa kakatahol ng hinaplus ng babae ang ulo nito.
"Sky Blade? Ikaw ba iyan?"
Kumapa ng kumapa ang babae sa ere, hinahanap si Blade pero nasa harapan niya lang ito. She's blind!
How come? Sa sobrang ganda niya may kapansanan siya. Kahit hindi namin lapitan ito, kitang kita namin ang dalawang pares ng kulay ng mata nito.
'Heterochromia eyes. Sapphire blue and Crimson colored.'
OMG! Ang ganda ng mga mata niya. Super rare ang ganyang mata. Gosh, I love her eyes.
"Lovely, hindi ko alam na nandito ka. God, I prayed for you."
Wika ni Blade habang yakap ang babae. Lovely kuno ang pangalan. I felt insecure toward that girl. Sobrang ganda niya kahit blind siya. At sa isang tingin sa kanila ni Blade, they are perfectly couple. Gosh. Sa tanang buhay ko ngayon ko lang nakita ang babaeng bagay kay Blade. I super trying hard na mababagay sa kanya pero not enough pa rin.
'Kaanu-ano kaya niya ang Lovely na iyan?'
Sobrang ingat siya rito. Nakita ko na dati si Blade kung paano niya ingatan ang mga kapatid niya pero mas maingat ang kilos niya rito kay Lovely. He looks like a loving husband. Oh my god, nasasaktan ang puso ko pero wala naman akong magawa.
"HOW dare you! Don't touch my Lovely!"
Lahat kami nagulat ng may lalaking sumigaw. Kakapasok lang nito dito sa Rest house. Hindi namin namalayan na nasa harapan na nila Blade ito. At inagaw si Lovely mula kay Blade. Ang bilis ng kilos niya!
"God damn it! Let go of her, Scythe! She's not yours!"
Ang kalmadong si Blade ay nag-aapoy sa galit? This is the first time I saw him mad because of the lady. Ibang iba ang Blade na ito sa Blade na unang nakilala ko. He's full of angst and cold. But, I find him hotter? What the heck.
"She's mine, Blade. Mine! I will kill you if you touch her again!"
Nagtilian kaming mga babae ng maglabas ito ng baril! At itunutok sa sensitido ni Blade!
It's Scythe Felon Hunterose. A popular merciless Surgeon Doctor. And his one of the Monster Trio. The most powerful organization in the underground industry. It composed mysterious three members. Well, isa na si Scythe doon. A murderer!
Totoo ngang nakakakilabot ang awra niya. Ngayon ko lang siya nakita ng personal at lahat ng balita sa kanya ay puro negative. His a monster! Sa lahat ng lalaking Hunterose siya ang hindi ko gusto kahit na ang gwapo niya. Hindi ko pa rin siya gusto. Aanhin ko ang paghanga ko sa kanya kung mamamatay-tao naman siya. Creepy!
Nag-aalala kaming lahat para kay Blade at sa babaeng hawak ni Scythe. Kahit yung aso takot sa monster na si Scythe! Urgh! What we gonna do?
"Try to shoot it. I'll kill you trillion times, Felon."
Isa pang nakakatakot at nakakapanindig balahibong malamig na boses na iyon ni Heaven! Gosh! Narinig ko na naman ang walang emosyon nitong boses ngunit malamig at puno ng awtoridad! The last time I heard her voice like that, binangungot ako!
Mommy! Daddy! Help me! Ayaw ko na sa mga Hunterose! Except Blade because I love him even more!